webnovel

Chapter 8

"MUKHA KANG ZOMBIE."

"Anong ginawa mo kagabi at parang wala ka yatang oras para matulog? May pasok ka ngayon tapos ganyan ang histura mo?"

"Kuya, ako nang maghahatid sa kanilang dalawa."

Wala ako sa sarili ko. Naririnig ko sila pero hindi ko sila maintindihan. Naramdaman ko ang boluntaryong paggalaw ng katawan ko, ang lamig ng tubig na dumaloy sa balat ko. Nararamdaman ko rin ang paggalaw ng bibig ko pero wala akong malasahan mula sa kung anong nilagay ko sa bibig ko.

Alam ko rin na naglalakad ako but I can't find myself processing every single thing that pass through my eyes. Tila ba puti lang ang nakikita ko pero kabisado ng katawan ko ang mga dapat na ginagawa ko.

Blank– one word that explains my current state.

"Shit!"

"Grabe, naghahanap talaga ng atensyon ang nerd na ito."

"Kung ano-ano na lang ang trip sa buhay."

"Hello? May audition ba dito ng mga pwedeng maging extra sa zombie movie? Hindi ako na-inform!"

Nagsisimula na rin lumakas ang buzzing sound na lalong nagpagulo ng walang laman na isip ko.

"Miss Castro, if you're not feeling well, you can take some time and go home."

At sa lahat ng sounds, ang sinabi lang ng professor ang klaro sa pandinig ko.

Yes, he's right. I'm not feeling well. I didn't get enough sleep last night after ng mga patong-patong na revelations that unfold before my precious eyes.

Last night…

Nang makapasok kami sa kwarto ko ay pabagsak ako na naupo sa malambot kong kama. Bahagya pang tumalbog ang katawan ko na nagpasakit ng tiyan ko. Naalala ko na hindi pa pala ako naghahapunan.

Pero mamaya na iyon. May mga gusto akong malaman ngayon mula kay Vyra.

"So what is the meaning of all of these?"

"Guess, Sis." She shut the door behind her.

I have my speculations since earlier na gusto ko nang ma-confirm this very instant. "You are Kuya Liam's fiancé?"

"Uh-huh." Tumango siya at naupo sa may bed side table ko.

Hindi ko siya nilulubayan ng tingin. Pakiramdam ko may mali sa mga reaksyon niya. She seems not happy about it. Ni hindi siya kinikilig. Ayaw niya ba na iyong crush niya, fiancé niya out of nowhere?

"Sound proof ba itong kwarto mo?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Yeah? What about it?" nagtatakang tanong ko.

"Oh my gosh! This feels like a dream come true!"

Buti hindi ko sinaboses ang mga tanong ko. Iba din ang will power ng babaeng ito. Sobrang composed siya sa harap ni Kuya na tila hindi makabasag pinggan. Tapos sa harap ko, mukha siyang sinasaniban. Matutulala bigla. Pagkalipas ng ilang segundo, titili na parang wala nang bukas.

"Oo na. Good for you. Magsisisgaw ka muna at lasapin ang happiness mo. Maliligo lang ako. Katukin mo lang ako kapag humupa na ang kabaliwan mo," I said while stripping my clothes.

Wala naman siyang makikita sa akin bukod sa magandang katawan so I don't care.

"OMG girl, narinig mo ba iyong endearment niya sa akin? Princess. Oh my gosh! I'm deeply madly in love with him."

"Kanta iyon ha?"

Kinuha ko lang ang robe at twalya ko bago ako pumasok sa bathroom. Bago ko isara ang pinto, sinilip ko muna siya dahil ang tahimik niya na naman.

She is smiling while twirling her hair with her finger.

"Tsk, enjoy yourself in your lala land."

After one and a half hours of wallowing myself in a luxurious bath, I dried myself with a towel and wear my robe. Paglabas ko ng bathroom, wala sa kwarto si Vyra.

Agad naman akong pumunta sa closet at kumuha ng pajama. Sinuot ko iyon agad-agad. Hindi na ako nag-abala na i-blow dry ang buhok ko. Nagugutom na ako.

Pagtingin ko sa pinto, bahagya itong nakabukas.

Crap!

Bubukulan ko mamaya si Vyra. Buti na lang, sa ganitong edad ko, hindi na ako pinupuntahan ng mga kapatid ko sa kwarto para kumustahin.

Akma kong bubuksan iyon nang marinig ko ang boses ni Kuya Liam.

"I will make good use of you, Princess. Don't dare to run. Oh, you can't run away from me."

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para makiusyoso. Na-curious ako sa mga sinasabi ni Kuya.

Pagsilip ko, nakita ko si Vyra na nakasandal sa pader. Kuya Liam is pinning her hands on the wall while his other hand is on her chin. Malapit sila sa ilaw na nasa wall kaya kita ko ang mga mukha nila.

Si Vyra, tila takot na takot. While Kuya is still wearing his poker face.

What is going on?

Paano kung makita sila ni Kuya Nico?

Dito pa talaga sila sa labas nag-

Natutop ko ang bibig ko. I remember Kuya said na sa guestroom matulog si Vyra. Kuya is a man, I know. Hindi ko na sila inabala pa. Pero tukso lang, na-curious ulit ako sa sunod na sinabi ni Vyra. Dapat hindi na ako nakikinig!

"I will tell my parents how cruel my fiancé is," she said in a quivering voice.

"Don't make me laugh, Princess."

Sumilip ulit ako. Baka kung anong gawin ni Kuya kay Vyra. If he is going to hurt her physically, proving he's a cruel man, I have to be ready to step out.

"They already entrusted you to me fifteen years ago. Meaning, they let go of you when you were just ten years old. You think by telling them that I'm not a good fiancé to you will make them ensure your safety? No, Princess. They can't."

Now that made me question my past, what happened at bakit kailangan nina Dad at Mom na ipagkasundo si Kuya Liam? They are so old-fashioned, like hello? The modern world doesn't need that!

I can tell the reason sa side ng mga magulang ni Vyra.

Her Dad is a womanizer. Of course, ihahanap siya ng parents niya, especially ng Mom niya ng mapapangasawa na hindi katulad ng Dad niya.

Tsk, just ignore them, Lei.

"Being the firstborn of the late King and Queen of this town is quite troublesome. You know it's not only a title for fun."

Kumunot ang noo ko. Kung nahihirapan na si Kuya, he should talk about it to us, not to Vyra. And what's more, grabe ang description niya kay Mom and Dad.

"Fuvk you!"

Ito namang si Vyra, gusto ko nang pasakan ng tela ang bibig. Can't she tell that Kuya is mad? Baka mabwisit iyon lalo sa kanya, masaktan siya physically!

"Yeah, fuvk you." Kuya's voice is a bit hoarse.

"I hate you! Mph!"

Without a word, Kuya kissed her.

Itinigil ko na ang ginagawa kong pagmanman sa kanila. Pakiramdam ko, sila ang walang hiya sa mga nangyari.

Bakit sa labas sila naglalandian? But, no! They are not flirting at all.

Pumunta na ako sa kama at nahiga patalikod sa pinto.

"You said you hate me, but your body seems to be having fun being close to me. Do you feel it?"

Naririnig ko pa ang pag-uusap nila. Hindi ko pala naisara ang pinto.

"Wipe your tears, Princess. Don't let anyone see you in that pathetic state."

Ilang sandali pa ang lumipas, naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kutson.

"Goodnight, Lei."

Lei? Ash ang tawag sa akin ni Vyra.

Sa kaiisip ko ng mga nangyari, hindi ko namalayan na tumutunog na pala ang alarm clock sa bedside table. Naramdaman ko na agad iyon pinatay ni Vyra.