webnovel

Chapter 5

KINABUKASAN, maaga akong nagising. I did my morning routine. Nag-toothbrush at naghilamos lang ako. Nang matapos ako ay bumaba na ako para mag-breakfast.

"Himala, ang aga."

The two of them are both in the dining room. Kuya Liam is in his suit, while Kuya Nico is in his casual clothes.

And here I am, still wearing my pajamas.

"Gusto ko lumabas," sagot ko kay Kuya Nico at umupo na sa pwesto ko.

Hinanda na ni Yaya ang breakfast ko– fried rice, fried hotdog, and fried tocino with hot choco. And just a couple of minutes, I'm ready to dig in.

"Where are you going?" tanong ni Kuya Liam pagkaraan ng ilang saglit.

"Date," tipid na sagot ko at uminom ng choco.

Nakita ko pang nasamid si Kuya Ncio at the peripheral view. And then he started laughing.

I raised an eyebrow at him and asked, "what?"

"Seryoso ka? Date? Hindi ka pa nadala doon sa nanggago sa iyo noong huli?"

And then again, I rolled my eyes at him, like duh? "Asked first what kind of date, ok?"

"Oh? So are you telling me it's a family date?"

Patuloy pa rin sa pang-aasar si Kuya Nico habang naghihintay lang ng sagot sa gilid si Kuya Liam.

"Oh yeah," I answered, full of sarcasm.

Well, kung papalarin lang naman si Vyra na maakit si Kuya Liam, I won't mind. But nah, right now, that is so impossible.

"You and your sarcasm. Magkapatid nga kayo ni Kuya Liam."

Kuya Liam chuckled.

Yup, I won this nonsense and Kuya Liam is praising me that way. Tama si Kuya Nico, magkapatid nga kami.

Mayamaya ay tumikhim si Kuya Liam. "Sinong kasama mo? Saan kayo magkikita? Saan kayo pupunta?"

"A friend. At the mall. Just anywhere."

"Kailangan mo ba ng pe-"

"Kuya Liam, pupunta rin ako sa…" Tumingin sa akin ng nakakaloko si Kuya Nico.

Did he just stole my money? Bibigyan na ako ni Kuya! I mean, tatanungin pala.

"Ang bababaw niyo, alam niyo iyon?"

Nanahimik na lang kami pareho.

"I already gave you your allowance for the month. Nico, magtrabaho ka na. And Lei, watch your budget."

Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya.

I pouted. Kulang pa sa mga binibili kong collection of perfumes and anime merchandise ang allowance na sinasabi niya. Seriously, twenty thousand a month?

Naramdaman ko ang pag-pat ni Kuya Liam sa ulo ko at ginulo pa ang buhok ko. Lalo lang akong ngumuso. Alam ko kapag ganito na si Kuya sa akin, hindi na niya ako pagbibigyan kahit magwala pa ako sa harapan niya.

He's so strict!

"Mukha ka nang bibe," sabi ni Kuya Nico at sinundan pa iyon ng malakas na tawa.

"I hate you."

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain.

I'M NOT in my nerd mode today. I'm wearing a black sailor pants, match it with fit and plain white shirt. At dahil hindi ko alam kung later ay maisipan kong maglakad-lakad, I won't put myself in a situation na kinabukasan ay hindi na ako makalalakad pa. So yup, I will go with sneakers.

Sumabay ako kay Kuya Liam sa pagpasok niya sa trabaho. Bumaba lang ako sa mall.

Kanina, tinawagan ko si Vyra na magkikita kami ngayon. I want to end her suffering or pathetic wishes about her fairytale dreams with Kuya.

"Foodcourt." I typed and send it to her.

"Kamukha ng kaklase natin."

"Saan?"

"Iyan oh."

I can hear someone talking not far from me.

Tsk.

Walang lingon-likod na tinungo ko ang foodcourt na malapit lang sa front door ng mall. Kahit may makakilala sa akin, I won't give a damn about them. Huwag lang nila masira-sira ang araw ko.

Pumunta na ako sa counter at um-order ng makakain. Shawarma, burger, at iced tea lang naman.

Later ko na lang aabalahin ang sarili ko na magpapayat.

"Girl."

I was waiting for my orders to be ready. Nagulat ako nang may biglang kumurot sa tagiliran ko.

"Bakit ngayon ka lang?" pataray na tanong ko sa kanya.

She is wearing a yellow and sleeveless peplum dress. Marahan niyang hinampas sa akin ang shoulder bag niya.

"Wow, kararating mo lang din. Huwag ako," Vyra said and rolled her eyes.

"Ma'am, here's your order po."

Agad kong kinuha ang order ko at naghanap ng mauupuan, malayo sa tao much better. Alam ko kasi na naka-full volume na naman itong si Vyra when we get down to the topic.

Nang makaupo ako, napansin ko na nakasunod si Vyra. Nagtataka na tiningnan ko siya.

"What?"

"Hindi ka kakain? Hindi ka um-order."

"I thought you order for two?"

Tumingin ako sa tray na dala ko. Binilang ko pa iyon to make sure I ordered for one. "This is just for one person."

Tumingin din siya sa tray, at napapikit nang mariin. "You bitch! Umagang umaga."

"It's your fault. Alam mong foodcourt ito, makikitambay ka lang, girl? Without eating. Baliw."

Kinuha ko na ang burger. And to my surprise, Vyra grab my shawarma at nilantakan iyon sa harapan ko.

"Wala ka bang pera?" asik ko sa kanya.

"Mayroon, duh? Katamad lang bumalik sa counter," sagot niya. Nilawayan niya pa ang shawarma. "Gusto mong kunin ulit sa akin?"

"Act like a woman, will you?"

Bigla kong naalala, ganito rin ako sa ex ko everytime we eat out. Gusto ko lang siya asarin. I wonder, ganito rin ba kainis ang nararamdaman niya no-

Winaksi ko sa isip ko ang nakaraan. Duh? I don't care about him.

"So?"

"What?" I asked nonchalantly.

"Any progress?"

I smirked. "As expected, he is not interested in you. With any women to be exact."

Nalungkot naman agad ang mukha niya. Well, that's for the better. Ngayon pa lang iiyak niya na and move on agad-agad para tapos na.

"Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan ng Kuya mo? Saan siya interesado?"

"Ang kulit mo ano? Kung hindi interesado sa iyo iyong tao, manahimik ka na. Stop ka na. Distansya na. Hindi iyong ipipilit mo pang alamin kung ano ang gusto niya na kahit kailan, hindi magiging ikaw."

Nanahimik siya bigla. Sana naman, magtuloy-tuloy na at hindi niya na ako pilitin na tulungan siya kay Kuya.

Ilang saglit pa ang lumipas, nanatili lang na tahimik si Vyra. Medyo na-guilty ako. And what's more, nakakailang kapag tahimik siya.

Tiningnan ko siya para alamin kung buhay pa, just to see her smiling.

Sinundan ko ng mata ang tinitingnan niya.

And there, the opposite a few meters away from our table, is Kuya Nico with a girl.

Change target, ganoon?