webnovel

Chapter 39 Loose Ends

LOOSE ENDS, ambiguous ending– readers may rant about it. But I'll just leave it that way. The story of Kesha Imperial is entitled "Her Deepest Regrets."

Nang sabihin ni Ash na inaabangan niya ang story ko na iyon, I have this inspiration that I will turn the female lead's story into our love story.

Meaning, no ending and no more "and they live happily ever after."

At first, I was just writing it to make myself better after our break-up. But when I saw her again, the plot became our every day. And the plot twisted when I learned about her past. It was shocking and terrifying. Of course, leaving her for good did cross my mind.

But my love for her won every single time I say, "she's not worth it."

And here I am, ending the story with a hidden message in it – she is worth the world after all the pain she had gone through.

I mean it.

Her comment in the last chapter was a message not specifically for me. I don't even know who that same guy she was talking about was. And there was no word again in there but I want the "he" to be me.

Sa nakalipas na apat na taon, alam ko na masakit sa part niya na lumayo ako. Nag-aral ako sa ibang university, at lumipat din ako sa dorm. Alam ko na iniisip niya na nakakahiya ang ginawa niya.

I wrote it all there, all her speculations I can think of.

And knowing her reading the story till the end, I know… she thinks of it as a story about her.

It was past seven in the morning. Naghahanda ako para sa job interview.

Nasa harap ako ng salamin. Pinagmamasdan ko ang sariling repleksyon. Naka-black suit ako. Inayos ko rin ang neck tie ko. Saka sinuklay ang buhok.

Nag-spray na lang ako ng cologne, at nakahanda na ako para umalis. Kinuha ko na ang bag sa ibabaw ng kama at pumunta na sa front door. Isusuot ko na sana ang sapatos nang mag-vibrate sa bulsa ng pantalon ko ang phone.

Tiningnan ko muna, baka cancel ang job interview. Who am I kidding?

"Your girl is going home."

Ito ang nakasulat na message mula sa unregistered number. May kasama pa na location– airport.

At ako namang tanga, umasa na si Ash ang tinutukoy at hindi lang na-wrong send. Nasabi sa akin ni Ate Jana na nagpaalam daw sa kanya noon si Ash, kaya alam ko na nag-out of country siya.

It's been a year. Mahaba-habang panahon ang nasayang para sa aming dalawa. Pero sapat na panahon para ito para hanapin ang sarili namin at para alamin kung ano ba talaga ang gusto namin. At ang masasabi ko lang, handa na ako.

Totoo na ito. Tutuparin ko na ang pangako ko na babalik ako.

Huminga ako nang malalim. Binabalot ako ng kaba at pananabik. Ang bilis na rin ng tibok ng puso ko na tila luluwa na iyon sa dibdib ko. Ramdam ko rin ang pamumuo ng mainit na likido sa gilid ng mga mata ko.

I smile. I'm writing too many romance novels to describe these feelings this way.

I sighed. Hindi na ako pupunta sa job interview.

Bukod sa hindi ko naman kailangang magtrabaho dahil may position ako na nakahanda sa kompanya ng ate ko, may sarili na rin akong income sa pagsusulat pati na rin sa mga investments ko.

All I want right now is to see her.

Hindi na ako nagpalit pa ng damit. Dali-dali kong sinuot ang sapatos ko, lumabas ng bahay at pumunta sa sasakyan. Kulang na lang mag-teleport ako sa kagustuhan ko na makita siya sa lalong madaling panahon.

Nang makarating ako sa airport, bigla akong natawa sa sarili ko.

Malawak ang airport. Ni hindi ko nga alam kung saan banda hihintayin si Ash. At isa pa, baka may susundo nang iba sa kanya. I can't be more negative pessimist that I already am.

Kung mangloloko man ang nagpadala ng message na ito, papadalhan ko ng message si Kamatayan para kunin siya.

But all my doubts vanish when I saw her walking toward me.

She is a living Barbie doll with her new look and sense of fashion. I can't help but to admire at her beauty. Hindi ko napansin na nasa harap ko na siya. Basta ang alam ko, natulala ako sa ganda niya.

Gusto kong humingi ng tawad dahil wala ako sa tabi niya noong mga panahon na kailangan niya ako. Pero sa nakikita ko, hindi iyon ang kailangan niya. I did just like what she wrote in the comment. I welcomed her.

"It's not easy. You've had it hard all those years. Welcome home, Ash."

Umiiyak siya. Siguro, kung wala lang akong atraso sa kanya, hinalikan ko na siya ngayon.

I gently wiped her tears away. She's beautiful even when she cries.

Niyakap niya ako. I've been longing for her.

I miss her.

I love her.

Words are not enough to prove these feelings. Akma akong gaganti ng yakap nang lumayo siya. I don't know how I look now from disappointment. Binigyan ko na lang siya ng panyo.

My next words may be misleading. "Her Deepest Regrets."

Nakita ko ang saya sa mata niya na napalitan ng lungkot. Mentioning it, I know she will think that I read it and just fulfilling her wish. But no.

"I wrote it."

I want to continue the story in real life.

Natutop niya ang bibig niya.

She just wiped her tears and there they are again. Hindi ko na kaya. Looking at her face with mixed emotions– I can't help but hold her in my arms where she is safe.

Hinawi ko ang kamay niya na nakatakip sa mga labi niya. Marahan kong pinunasan ang mga luhang tuloy lang sa pag-agos.

As I look deep into her eyes trying to connect with her heart and soul, I whisper, "I love you…"

Loose ends, or ambiguous endings, a love story that doesn't need a finishing blow of "and they live happily ever after," – our story was rewritten and started with a kiss.

This is the last chapter for this story. Thank you lovely readers for watching over Ash and Ken's story until the end. Hope you love them as much as I do. Love lots!

Miss_Elle801creators' thoughts