webnovel

TJOCAM 3: Secluded Feelings

He likes her... She likes him... While Haley and Reed always on an arguing situation, they still can't able to see what they really feel towards each other-- Clumsy and Awkward. Everyone knows except them. At first, they couldn't admit they are inlove but as they've been always together. The sparks and rapid beat of the heart are growing deeply. How will they notice each other's love if there will be another trouble that is coming to their way? Will they have a chance to tell their secluded feelings?

Yulie_Shiori · Urbain
Pas assez d’évaluations
85 Chs

Cynical

Chapter 10: Cynical

Haley's Point of View 

Nakarating na kami sa bahayat ang dilim pala rito. Dapat pala kung alam kong gagabihin ako, nagbukas ako ng isang ilaw kahit sa labas. 

Baka mamaya, lumayas si Chummy dahil nakaramdam na mag-isa. 

 Binuksan ko ang ilaw 'tapos nilingon si Jin na nakapamulsa. "Ginabi na tayo ng uwi." 

 Kumamot siya sa likurang ulo niya. "Sorry, sabi ko nga maaga tayong uuwi pero inabutan tayo ng gabi. Mag-iingat na ako sa susunod." Saad niya na may kaunting pagtawa. 

 

 Sumimangot ako. "Wala ng susunod." Sabi ko kaya para naman siyang nalungkot na hindi mo maintindihan dahil sa ginawa niyang tunog. Ngumiti lang ako kahit hindi niya nakikita. "Thank you." Pagpapa-salamat ko. "Hindi na kita hihintaying umalis, papasok na ako sa loob." Paalam ko't binuksan na nga 'yung gate. Hinintay lang ako ni Jin na tuluyang makapasok bago siya umalis. 

 Binuksan ko 'yung ilaw noong mabuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng mapanghing amoy ganoon din ang pagsalubong ng magaling kong pusa. Idinikit-dikit niya ang katawan niya sa paanan ko bilang pagbati sa akin saka ko siya binuhat at inamoy-amoy. "Hindi ka tutungtong sa kama ko tonight, papakainin na muna kita saka ako maglinis." 

 "Meow ~" 

 Nag vibrate ang cellphone sa dala-dala kong mini pouch bag kaya kinuha ko iyon mula sa loob at tiningnan ang message ni Jin. 

From; Jin 

 Thank you ulit sa time mo, I hope we can still hangout again! 

Good night in advance, Hailes! :* 

 Basa ko sa message niya pero mas tumuon ang atensiyon ko ro'n sa tawag niya sa akin. Hindi ko na lamang iyon ni-reply-an at pumunta na nga lang sa kusina para mapakain na 'yung alaga ko. 

Someone's Point of View 

Mula sa isang makapal at mataas na poste na hindi lalayo mula sa bahay ng Rouge Residence ay nakatayo lamang ako't tahimik na nakatitig doon. Hinintay ko talagang makauwi si Haley at makapasok bago pa man ako pumunta sa dapat kong puntahan nang mapalingon ako sa taong na sa likuran ko. Ramdam ko ang masamang titig nito at hindi nga ako nagkakamali noong humarap ako sa kanya matapos kong itaas ang hood ko. 

 

 "Who are you?" Seryosong tanong niya. "Why are you following her?" Tukoy niya kay Haley. Hindi niya nakikita ang mukha ko dahil madilim sa parte ng kinatatayuan ko't against the light. 

 "Answer me." He added-- It's Harvey Smith. 

 Binigyan niya ako nang matalim na tingin noong wala siyang matanggap na kahit na anong salita mula sa akin. Pagkatapos ay bigla bigla na lang niya akong inatake, papunta na sa akin ang kamao niya nang mabilis kong ilagan at hawakan ang pulso niya bago ko siya tinuhuran sa sikmura. 

"Acck!" Tunog na ginawa niya't paglabas ng laway sa bibig niya dahil sa aking ginawa. Dahan-dahan siyang napaluhod sa sa simento't hawak-hawak ang tiyan niya. Nanginginig ang ulo niya na tumingala para makita ako. "You little--" 

 "You have nothing to fear," Sambit ko na nagpasinghap sa kanya. Inangat ko kaunti ang ulo ko para mas makita siya nang mabuti. "Wala akong gagawin." 

 

 Tumayo na nga siya pero hindi pa rin niya tinatanggal 'yung pagkakahawak niya sa sikmura niya, pagkatapos ay napaismid. "Don't you have any other way to convince me? I'm pretty sure you know that I won't believe anything you say at this point. You're standing here looking suspicious, and you'll just--" 

 "I know." Pagputol ko sa sasabihin niya.

 Itinungo niya nang kaunti ang ulo niya. "What is it that you want?" He asked me. Hindi na ako nagsayang ng oras na sumagot, at sakto rin nang may maaninag ako sa hindi kalayuan. 

 

 Tumapat sa mukha niya ang liwanag ng buwan kaya tila parang nag glow ang asul niyang mata. "Harvey? Ikaw ba 'yan?" Tanong ng babae na papalapit sa kinaroroonan namin. 

 Mabilis namang lumingon itong si Harvey pero mabilis din akong umalis. Balak pa niya akong habulin pero tumalon ako sa pader na nadaanan ko't dumiretsyo kung nasa'na ang motorsiklo ko, 

 Sinuot ko ang helmet ko at bago ko pa man paandarin ang motorsiklo ay sumulyap sandali ako sa Rouge Residence, 'tapos ay ibinaba ang face shield saka ko pinaharurot ang motorsiklo. 

Haley's Point of View 

9:25 AM in the morning, I suddenly woke up when I heard someone knocking on the door.

 "Mmh..." Pag-ungol ko at idinilat ang isang mata. Sila Mama ba 'yan? 

"Haley! Wake up! It's me!" Yeah, right. it's Kei. I opened my eyes and stare up at my ceiling for a couple of minutes before deciding to go back to sleep. "HALEY!" I sitted then looked at the door. 

 Naroon siya sa gitna na pintuan ko't nakahalukipkip. Inaantok kong binuka-sara ang mata ko. Inaantok pa rin ako. 

 "Saan ka nakakuha ng susi?" Tanong ko pero nagkibit-balikat lamang siya't may inilabas mula sa labas ng pintuan. "Ta-dah!" I raised my left eye brows and looked at her with confused expression. Ano 'yang dress na 'yan? Ba't siya may dala niyan? 

"Tell me, maganda ba itong Black Dress na binili namin?" Tanong niya sa akin na mukhang sabik sa isasagot ko. Maganda siya pero... Black? 

 Kumamot ako sa aking batok at ibinaling ang tingin sa hawak niyang dress. "Black? Eh, 'di ba Gray 'yan?" Pagtatama ko at itinuro ang hawak niya. 

 Inilipat naman niya 'yung tingin sa dress at bumuka ang bibig noong may ma-realize siya. "No! Not this! Mali 'yung nakuha ko, wait lang, ah? Baka kasi na sa baba kaya kukunin ko lang" At madali itong lumabas, malakas pa nga 'yong pagkakasara niya nung pinto. 

I smiled then shrugged.

Umalis na lamang ako sa kama para mapuntahan siya sa baba, mukhang hindi lang siya 'yung nag-iisa ro'n, eh.

"Mirriam! Nawawala yung gift natin kay Haley!"

 "Hala! Bruha ka! Sa'n mo inilagay?!" 

Pababa pa lang ako ng hagdan pero rinig na rinig ko 'yung mga boses nila. 

Saka para sa'n 'yung dress? Hindi ko naman birthday? O baka naman NOVEMBER 20 na ngayon at hindi ko lang namamalayan?

Nakatuntong na ako sa pinakababang palapag at lumakad na ako sa kinaroroonan nila. Nandoon sila sa sala at may hinahanap sa paper bag na dala nila. 

 Talagang nakapasok sila rito ng walang kaproble-problema. 

Kaya siguro kinausap ni Kei si Papa nung unang lipat namin sa bahay na 'to para makakuha ng duplicate key. 

"Ano ba'ng nangyayari? Nagkakagulo kayo riyan?" Tanong ko nang makahinto ako. "At anong gift?" Dagdag ko kaya pareho nila akong nilingong pareho. 

 "Narinig mo?" Pilit na pag ngiti ni Kei na sinimangutan ko. Ang lakas kaya ng boses nila. 

Ngiwi akong nagpameywang. "Yeah, kind'a." Simpleng sagot ko. "So? Ano nga 'yung gift? Para sa'n?" Humarap silang pareho at mga nagkanya-kanya ng ngiti. 

 "Gift namin para sa night party mamaya" Sagot ni Mirriam. 

Kumunot ang noo ko, naguguluhan sa kanilang sinabi. "Ha?" Reaksiyon ko. "Night party?" 

Tumalikod si Mirriam. "Masyado ka bang nag enjoy sa date niyo ni Kuya Jin kaya nakalimutan mo na may night party ang section natin?" Tanong niya na nagpadikit sa labi ko, ramdam ko rin ang pagpula ng pisngi ko. 

 

 Of course, she'll know.

 Tumango si Kei na may kaunting lungkot. "Hindi mo na ba gusto si Reed?" Tanong niya kaya mas lalo akong namula. 

 "Shut up!" Pagpikit ko nang mariin at nilingon si Mirriam. "And that's not the case. Tinanggihan ko na 'yung night party na 'yan, eh." What I want is rest, weekend na nga lang ang katangi-tanging pahinga ko lalabas pa ako para lang makihalubilo sa mga tao? Oh, people. 

 Pameywang na humarap si Mirriam. "That's the reason why we bought the dress, para wala kang takas. Sayang sa pera kung hindi mo gagamitin 'yung binili namin na umabot pa ng P5,000 para lang masuot mo, 'di ba?" 

 Nabilukan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni Mirriam. "P5,000?!" Hindi makapaniwalang saad at ibinalik ang tingin kay Kei. "Seryoso?!" 

 

 Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Yes, that's right." Pagtango niya at kinindatan ako. "No worries, hindi 'yan galing kina Mommy. The money came from our hard work." At inangat niya ang kanang kamao na nakayukom habang hawak naman ng kaliwang kamay ang kanang braso niya na parang ipinapakita niya sa akin ang muscle niya. 

 Bumaba ang balikat ko. "Hardwork?" Ulit ko sa binanggit ni Kei at tumagilid ng tayo kasabay ang pagbuntong-hininga. 

 Para namang may magagawa ako ngayon pa mang nakabili kamo sila ng dress. 

 Luminga-linga si Mirriam. "Pero nasa'n na nga 'yung dress, Kei?" Hanap ni Mirriam. "Hindi mo ba naiwan 'yon sa bahay n'yo?" 

 Kei furrowed her eyebrows as she smiled. "Dala ko 'yon." 

Pumasok si Chummy na may dala-dalang isang dress, ito yata 'yung dress na kanina pa hinahanap nung dalawa. Pasaway talaga itong alaga ko na ito.

Naglakad ako palapit kay Chummy at binuhat siya kasabay ang pagbagsak nung Black Dress. Kaagad namang kinuha iyon ng dalawa at tuwang tuwa na tiningnan ito mula sa taas hanggang pababa. Kulang na nga lang siguro ay kumislap ang mga mata nila.

"Ito 'yong susuotin mo Haley!" Tukoy ni Mirriam sa hawak ni Kei ngayon. 

 Pareho naming sinundan ng tinign ni Chummy 'yung Black Dress, pagkatapos ay umiling iling ako nang mabilis.

"There's no way I could wear that. It's too sexy." 

 Mabilis silang lumapit sa akin at kumpara kanina ay mas lalo silang naging excited. "Ipagmalaki mo kung gaano kaganda 'yang korte ng katawan mo, I'm sure Reed would really like it if he sees you." Pagpapalakas sa akin ng confidence ni Kei at kinindatan ako. 

Unti-unti namang luminya ang ngiti sa labi ko dahil doon, nawala lang iyon dahil sa sinabi ni Mirriam. "…kahit medyo lugi ka sa dibdib." 

 Para namang may mabigat na bato ang bumagsak sa akin. 

 "Hindi ka naglagay ng filter sa bibig mo ngayon." ani Kei. 

 Lumingon naman sa kanya si Mirriam. "Eh? May nasabi ba ako?" Walang ideya niyang tanong at napatakip sa bibig nang ma-realize niya. "N-No! I mean, ilang taon ka pa lang naman, Haley. Lalaki rin 'yan." Pag ngiti niya ng pilit at ibinalik ang tingin kay Kei. "Pero pa'no mo nga 'yan napalaki, Kei?" 

 "Mirriam!" Pulang pula na asik ni Kei. Napabuntong-hininga na nga lang ako saka ibinaba ang tingin kay Chummy na pinapanood lang ang dalawa, 'tapos ay tumingala sa akin. 

 "Meow." 

 Ngumiti lang ako. "Night party, huh?" Sambit ko at palihim na napangiti. 

I'm excited to see his reaction. 

*****