webnovel

TJOCAM 2: The Authentic Love

The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?

Yulie_Shiori · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
65 Chs

Worry

Chapter 9: Worry

Miles' Point of View

Nakabalik na sina Reed sa pwesto namin pero hindi ko siya magawang matingnan o mapasadahan ng sulyap lamang. 

Kita ko mula sa peripheral eye vision ang pag-upo niya sa gilid samantalang napatingin naman sina Mirriam sa kanya. 

"Hoy. Ano ba'ng problema mo?" Panimula ni Mirriam pero hindi lang siya pinansin ni Reed. 

Naglabas lang ako ng hangin sa ilong at pinagpasensiyahan na lamang si Reed, baka kasi hindi rin okay ang pakiramdam niya ngayon ay biglang naging ganyan ang mood niya.

Tumayo ako para kumuha ng makakakain na chichirya sa dala-dala namin. Na sa supot lang siya't nakapatong sa Ice Box. Naghahanap ako ng masarap noong pumukaw sa atensiyon ko ang Koaded. 

Lumapit sa akin si Jasper at tiningnan 'yung tinititigan ko. "Ah, oo nga 'no?" Sambit ni Jasper at tiningnan ang mga kaibigan namin. "Hindi pa kumakain si Haley ni isang beses ng Koaded, 'di ba?" 

Napatingin naman ang mga kasama ko sa akin bago ibinaling kay Jasper. "Hindi pa nga." sagot ni Kei 'tapos muling napatingin sa akin. "Hindi pa, 'di ba?" Tanong niya na inilingan ko bilang sagot. 

Humagikhik si Jasper na nagpameywang. "Try mo. Paborito mo rin 'yan noon, eh." 

Palihim kong idinikit ang labi ko pagkatapos ay luminya rin ng ngiti ang labi pagkatapos. "I'll... Just eat it later." Sabay lagay ko nung Koaded sa aking likuran. My past self again.  

***

SAMA-SAMA kaming mga nagsipunta sa tubig. Naiwan lang din si Harvey at Kei para magbantay ng gamit kahit wala namang may tangkang kumuha. Mayayaman naman mga tao rito, eh.

Nasa beach resort kami ng mga mayayaman.  

Tiningnan ko ang suot ko. Hindi ako kumportableng gumalaw dahil pakiramdam ko, matatanggal 'yung pagkakatali ng support ng bra ko. 

Lumingon ako kay Mirriam na nagfo-floating ngayon. Bigla siyang winisikan ng tubig ni Jasper kaya napatayo siya't asar na hinabol si Mirriam. "Hinahabol ako ng pirana!" Sigaw ni Jasper na mas lalong nagpapikon kay Mirriam. 

Tumungo na lamang ako. 

"Bakit hindi ka lumalangoy?" Tanong ni Reed na papalapit sa akin. "Para saan pa ang pagpunta mo rito kung hindi ka lalangoy?" Parang naiirita niyang tanong. Seryoso, bakit parang may ginawa ako sa kanya na hindi ko alam? 

Or talaga bang inaasar lang niya ako? 

Ngumiti ako ng pilit. "Hindi ako marunong lumangoy, eh! Turuan mo nga ako" I lied.

Madalas akong mag swimming sa pool ng Smith.

"Sino naman ang niloloko mo?" Iritable pa rin niyang tanong.

Hinawakan ko naman ang magkabilaan niyang balikat at inalog alog siya. "Sige na, sige na! Tuturuan mo lang ako, eh? Pweash...?" Pagpapa-cute ko. Nag puppy eyes rin ako niyan. 

Sinimangutan niya ako at inalis ang aking kamay sa kanyang balikat.

"Mag-isa mo." Walang gana nitong sabi na napa-pout sa akin. Ang sungit naman.

Ibinaba ko ang aking tingin sa abs niya. This is not the first time na nakita ko 'yung katawan niya pero ito ang unang pagkakataon na makikita ko ng malapitan. Ang ganda lang nung build ng body niya. 

Nanlaki ang mata ko dahil sa realization na nakatitig na pala ako roon. 

Tumalikod ako at lumubog sa ilalim ng tubig. Nakapikit lang ako nang mariin pero noong iminulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang pagpapangit ng mukha ni Jasper. 

Sa gulat ko at umahon ako't sigaw na napayakap sa leeg ni Reed. Pati siya, nagulat din kaya napahawak sa mga braso ko. 

Umahon si Jasper at humalakhak. Kailan pa siya nandiyan?!

Sumipol siya. "Tsansing si Haley, oh?" Biro ni Jasper kaya namilog ang mata ko't napabitaw kay Reed. Mabilis din akong lumayo sa kanya habang iniiwas ko as much as possible ang eye contact namin. 

Ano ba 'yan, Miles! What are you even doing?!

"Pinag nanasahan mo na pala ako, ah?" pang-aasar ni Reed kaya sa kanya naman ako napatingin. He's smirking. Mukhang natutuwa talaga siya na asarin ako. 

Itinikum ko ang bibig kong nakaawang-bibig kanina. So, this is what you want, I guess?

Mirriam's Point of View  

Bumalik kami sa Rest house ng mga alas tres ng hapon pero dumiretsyo kami ng tulog dahil sa pagod kakalangoy. Nagkaroon na nga ako ng tan line dahil naging matirik din ang araw. Tapos ilang oras din yata akong nabilad sa init. 

Umalis ako sa pagkakahiga ko sa kama at kinusot-kusot ang aking mata na itinangala ang tingin sa wall clock. Saktong alasais na pala ng gabi. Tiningnan ko sina Haley at Kei na natutulog pa rin sa kanilang pwesto, hindi ko na muna sila gigisingin dahil ang lalakas ng mga hilik. Mga napagod talaga 'to ngayong araw. 

Lumabas ako ng kwarto para bumaba. Hahanap ako ng pwedeng makakain dahil ramdam ko 'yung gutom.

Pumunta ako sa kusina at tiningnan ang laman ng refrigerator. Puro beer naman ang nandito 'tapos mga chocolates. Ayoko namang kumain masyado dahil baka hindi na ako ganahang kumain mamaya ng dinner-- pero infairness talaga. Parang hotel lang ang peg ng rest house na ito.

Isinara ko na nga ang refrigerator. Hintayin ko na lang magising si Haley para makapagluto kami mayamaya. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano 'yung pwede naming kainin.

Humph. Manonood na lang ako ng TV para malibang-libang. 

Nang marating ko ang sala ay naabutan ko si Jasper na natutulog sa sofa. Kaya bigla ring nagising ang diwa ko lalo na nung maalala ko ang sinabi ni Reed.

"Maganda siguro kung sasabihin mo na sa kanya kung ano 'yung nararamdaman mo bago ka pa man magsisi" naalala kong payo ng lalaking iyon sa akin kaya napailing-iling ako.

Lumapit na lang ako kay Jasper na mahimbing na natutulog. He's actually pretty cute when he's sleeping. 

Pumailanlang ang hilik niya kaya napataas ang dalawa kong kamay sa gulat. Pero nang malaman kong natutulog pa siya ay ibinaba ko na ang mga kamay ko at saka siya mas lalong tinitigan. Mukha siyang bata kung matulog.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko noong tingnan ang mga labi niyang namumula.  

I... Actually want to kiss him. 

Saglit pa akong nakatitig doon noong manlaki ang mata ko't mapasampal sa sarili kong pisngi dahil sa aking iniisip. Humawak din ako sa mukha ko. 

Are you listening to yourself? Bakit ko naman siya gustong halikan?!

But... 

Muli kong ibinaling ang tingin kay Jasper. Ibinaba ko na ang mga kamay ko para ilapit ang mukha ko sa kanya. I slowly closed my eyes nung may biglang magsalita. 

"Mirri...? Ikaw ba 'yan?" Boses ni Haley. 

Mabilis akong lumayo't napaharap kay Haley. Sh*t! Aatakihin ako sa puso nito, eh!

Kinukusot kusot ni Haley ang mata niyang nakatingin sa akin. "What are you doing?" Inaantok niyang tanong sa akin dahil medyo pumipikit-pikit pa ang mata niya.

Mukhang hindi niya nakita 'yung gagawin ko sana.

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko, hindi malaman kung sa'n titingin. "A-ah, wala. Tinitingnan ko lang kung gising si Jasper." Nauutal kong sagot. Sinungaling ka! Pati kaibigan mo, inuuto mo! 

Ibinaba niya ang mga kamay niya't humikab. "I see." Tugon niya. "Bili muna tayo ng pagkain sa labas. Hindi na kasi ako makakapagluto dahi medyo tinatamad na rin talaga ako." Humawak pa siya sa ulo niya habang natatawa nang kaunti. Kagigising lang din kasi niya saka pagod, kaya tatamarin din talaga siya.

Tumango naman ako 'tapos humarap sa kanya na may ngiti sa labi. "Sure, no problem. Samahan kita." I offered.

Sa huling pagkakataon ay pasimple kong nilingon si Jasper na mahimbing pa ring natutulog saka napahawak sa aking labi. 

***

GINAMIT NAMIN ang Van. Kinuha ni Haley ang extrang susi kay Kei saka kami pumunta sa malapit na resto para makapag order ng food.

Ako na ang nag drive dahil wala pa namang experience si Haley sa pagmamaneho. Wala rin naman siyang dapat na ikabahala dahil nagpa-practice din naman ako sa lugar naming walang checkpoint and after kong makakuha ng license, nagmamaneho na rin naman ako sa mga lugar lugar. 

Huminto na kami sa resto na nakita namin kaya tiningnan ko si Haley na nasa passenger seats. Tinanguan lang din niya ako saka kami bumaba para makapasok sa loob nung resto. Pizza at Mojos lang din ang in-order namin na good for 5 with free 3 softdrinks pa.  

"Thank you, ma'am! Come again!" Ngiting sabi nung waiter pagkaabot niya sa amin nung order. 

Lumabas na kaming pareho ni Haley at naglakad palapit sa Van.

Nag Q&A kami habang naglalakad noong may dalawang lalaki ang lumapit sa amin. Pareho silang may mga tattoos and they don't seem good kaya mabilis kong inilagay si Haley sa likuran ko. 

"Saan punta n'yo, miss?" Tanong ng lalaki na nakasuot lang din ng itim na sando. 

Tiningnan ko ang security guard na nasa loob nung resto bago ibinalik ang tingin sa lalaking nasa harapan namin.

Tinaliman ko siya ng tingin. Wala talaga akong alam sa pakikipag deal sa mga ganitong tao but I just can't let them do whatever they want.  

"Sa pupuntahan." Tipid kong sagot habang tinitingnan sila isa-isa. "Kung wala na po kayong kailangan. Aalis na kami." Hinawakan ko ang kamay ni Haley para hilahin siya pero dahil matigas din ang bungo ng dalawang lalaking ito ay mabilis silang pumunta sa harapan namin. 

"Sama kami. Wala naman kayong kasama, 'di ba?" Tanong naman ng pangalawang lalaki. "Sakto, partner partner tayo." dagdag niya at dinaanan ng tingin si Haley. 

Sa inis ko ay tinulak ko ang lalaking iyon at dinuro siya. "Huwag mong dinadaan daanan ng tingin 'yung kaibigan ko, ah?" Maangas kong sabi. "Sasapakin kitang gunggong ka." 

Hinawakan ni Haley ang braso ko't hinila ako palayo sa kanila. "Come on. Don't do that, Mirriam." Pabulong niyang suway sa akin. 

I tsked. "With assh*le like these guys, if you act polite they'll just get super pushy. You've got to smack them down."

Lumapit pa 'yung dalawang lalaki sa amin kaya mas napahawak ako kay Haley at umatras. Hinawakan nung isa ang pulso ko 'tapos force na inilapit ako sa kanya. Nataranta si Haley nang tawagin n'ya ako. "Ang talim ng dila mong babae ka, ah?" Maangas na sabi nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago bumungisngis. "Pero ganyan 'yung mukha mo, ang ganda mo ah?" Idinikit n'ya ang likuran ng hintuturo n'ya sa pisngi ko dahilan para mapapikit ako sa takot. 

Ngunit may humapas sa kamay nung lalaking iyon at hinila ako kasama si Haley. Laking gulay nang makita si Jasper. 

"Don't touch her." cold na sabi ni Jasper saka niya sinuntok ang lalaking humawak sa akin.

Pero dahil doon ay sinuntok din siya ng kasama nung lalaki. 

"Jasper!" Sigaw namin ni Haley kaya lumapit na 'yung guard na galing sa loob ng resto para awatin sila. 

"Tama na sir!" Awat nung guard pero hindi nakinig si Jasper at nagpupumiglas.

"Bitawan niyo 'ko! Binabastos nila mga kaibigan ko!" Galit na galit na sabi ni Jasper. 

Halata ang kanyang galit na ngayon ko lang din nakita. Nakakagulat.

"Sinungaling! Tinatanong lang namin kung nasaan ang lugar na hinahanap namin!" nanlaki ang mata namin ni Haley.

"Hey! What the hell are yo--" hinawakan ni Haley ang balikat ko kaya napahinto ako.

"Sorry po pero aalis na po kami kaya bitawan niyo na po 'yung kaibigan namin" seryosong sabi ni Haley sa guard kaya binitawan na niya si Jasper na agad din namang sumugod sa dalawa at malakas na sinuntok isa-isa.

"Malilintikan kayo sa akin kapag nakita ko pa ulit kayo." Mariin at galit na galit na wika ni Jasper at saka naunang pumunta sa Van. Siya ang magda-drive kaya sumakay na kami sa likod.

Pagkasarado ko ng pinto ay humarap sa amin si Jasper. "Huwag kayong aalis kung hindi niyo kami kasama. 'Di na ba kayo nadala? Pa'no kung mangyari nanaman 'yung nangyari kay Haley nung nakaraan?" tukoy ni Jasper sa insidente na nangyari kay Haley. "Hindi na mapagkakatiwalaan mga tao ngayon. Huwag naman matigas ang ulo, pinagsabihan na namin kayo, eh." Mainahon na paalala n'ya kaya napatungo si Haley. 

"Sorry Jasper" mahinang sabi ni Haley habang nakatingin lang din ako kay Jasper. Halatang alalang-alala ito habang nakatingin sa amin.

Ako 'yung madalas sumuway sa kanya kaya hindi ko inaasahan na pangangaralan n'ya ako-- kami. 

Tumangu-tango si Jasper. "Good."  Sabay baling ng tingin n'ya. 

"Pero paano mo nalaman na nandito kami?" Tanong ko. 

Tumingin si Jasper mula sa rear mirror. "Iyong tracking device ni Reed. Kinabit n'ya sa mga cellphone n'yo as usual." sagot niya nang paandarin ang Van. 

Kinuha namin ni Haley ang mga cellphone namin at tiningnan ang gilid gilid noong mapansin namin ang maliit na chip. Inilapit ko sa mukha ko 'yung phone. Kailan pa nandito 'yan?!

"Pinasa lang niya 'yung system application noong hinihingi ko." Dugtong ni Jasper at nagbuga ng hininga. "Basta sa susunod, palagi kayong magpapasama sa amin nila Harvey." 

Napangiti naman ako sa pag-aalala niya.

"Sorry, Jasper." Muling paghingi ng pasensiya ni Haley. 

"Thank you for worrying." wika ko habang nakatingin lang din siya sa akin mula sa rear mirror.