webnovel

TJOCAM 2: The Authentic Love

The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?

Yulie_Shiori · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
65 Chs

Lowly Ground

Chapter 38: Lowly Ground 

Kei's Point of View

Why is it that loving someone has to be this hard? Happiness is the only thing we want, yet why do I have to torture myself here? Why must I hurt the person I truly love in order to protect him? Is this how it works?

"Are you really okay? Staying here with him?" Turo ni Haley kay Jasper dahilan para bumaling naman sa kanya ito.

"Bakit parang inaakusahan mo 'ko na parang may gagawin akong masama?" Parang nagtatampo na tanong ni Jasper.

Lumingon naman sa kanya si Haley at sinimangutan ito. "I didn't say anything though. Ikaw lang nag-isip niyon." Sambit niya at ibinalik ang tingin sa akin noong sagutin ko ang kanyang tanong.

Humagikhik ako. "Okay lang naman ako rito. You have nothing to worry about, really." Pagpapanatag ko sa kanya pero imbes na makumbinsi siya ay nalungkot lang 'yung mata niya. Marka sa mukha niya na gusto na niyang malaman ang nangyari.

I want to tell them, I really want to. But if I do, I will just put them in danger, and I don't want that!

Nakipagkita ako kay Ray nung isang gabi matapos niyang makuha 'yung number ko sa kung saan. Maybe ito 'yung nagpa-load ako isang beses sa tindahan at doon niya kinuha ang mobile number ko. Hindi naman kasi ako masyadong nagbibigay ng number ko maliban lang kila Haley, Reed, Harvey, Mirriam, Jasper, at sa mga magulang ko.

Isa pa. Nagpa-load ako dahil mahina ang wifi sa school namin, kaya data lang ang madalas kong gamitin.

Flash Back

Na sa classroom ako niyon at mayro'n kaming ginagawang activities noong maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko mula sa aking bulsa.

Hindi pwedeng maglabas ng phone sa gitna ng klase kaya palihim ko iyon kinuha at inilabas para basahin ang kung ano man 'yung message na na-received ko.  

Unknown number siya pero binuksan ko pa rin 'yung message dahil baka mamaya ay galing pala ito sa mga na sa office.

From: 09**-***-****

Pumunta ka mamaya sa Cross street malapit sa inyo. Kapag hindi ka nakipagkita sa akin mamayang 9:00 PM. Sisiguraduhin kong mamamatay 'yung isa sa mga kaibigan mo.

Noong una, 'kala ko isang spam or prank message lang siya kaya hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Ngunit noong lunch break, nakatanggap nanaman ako ng isa pang message mula sa number na iyon.

I'm watching your shadows, Keiley Jane Montilla.

Basa ko sa pangalan ko dahilan para manlaki ang aking mga mata at luminga-linga para hanapin 'yung taong pwedeng gumawa ng ganitong mensahe.

Napatayo pa ako sa kinauupuan ko sa simento para lang hanapin ang pwedeng manloko sa akin. Nandito kasi kami sa isang tambayan ng mga estudyante malapit sa Canteen dito sa E.U.  

At talagang hindi ako natutuwa, bakit ginagawang biro 'yung mga ganito?

"Bakit, Kei?" Tanong ni Jasper kaya napatigil ako at ibinaba ang tingin sa mga kaibigan ko. Mga nakatingin itong mga ito sa akin at parang nag-aalala sa kinikilos ko.  

Humarap naman ako sa kanila, I was about to say something noong mag vibrate nanaman ang phone ko. This time, hindi na message kundi call na.

Lumayo ako sa kaibigan ko para hindi sila mag-alala masyado sa akin at sinagot na nga ang call nung prankster na ito. "Look, if you're going to make fun of me--"  

"Make fun of you?" Sagot ng tao sa kabilang linya. Lalaki ito, hindi rin familiar ang boses. Sino ito?

"Hindi ako 'yung tao na mahilig manloko ng tao, Keiley. Seryoso ako sa mga sinasabi ko sa 'yo. I'm watching you." Parang babala nitong tugon.

Pasimple akong tumingin sa kaliwa't kanan ko. Wala akong ibang nakikita kundi 'yung mga estudyante na naglalakad lamang na nagtatawanan.

Nararamdaman ko na rin ang kaunting panlalamig. "This isn't funny."

"Ray." Banggit niya sa pangalan ng lalaking nanakit kay Harvey nung nakaraan na nagpaawang-bibig sa akin. "Naalala mo ba siya?" Tanong niya na hindi ko kaagad nasagot.

P-Paano niya nakilala si Ray?

Don't tell me--

Tumawa siya sa kabilang linya. "Why are you making that face, Keiley?" Tanong niya kaya ibinaba ko muna 'yung pagkakahawak sa cellphone ko at nilingon ang mga kaibigan ko para magpaalam na magbabanyo na muna ako.

Dali-dali akong pumunta sa kalapit na banyo at pumasok sa isang cubicle. Wala namang tao rito ngayon kaya malaya kong makakausap ang taong na sa kabilang linya. "What do you want? Who are you? Pa'no mo nalaman 'yung pangalan ko?" Sunod-sunod kong tanong. Hindi naman si Ray itong kausap ko ngayon, 'di ba?

Marahan siyang natawa. "Mas mabuti pang makipagkita ka sa akin mamaya gaya ng sinabi ko sa 'yo sa message." He paused. "Kapag hindi ko nakita ni anino mo, hindi ako magdadalawang-isip na mayro'n talagang mangyayari sa mga kaibigan mo." Pangba-blackmail niya sa akin kaya nagsalubong na ang mga kilay ko.

"Wait--"

"Of course, you can't tell this to anyone else. Malalaman ko kung sasabihin mo sa kanila. Na sa tabi-tabi lang ako." Kinuyom ko ang kamao ko. "See you, Keiley." Pagpapaalam niya, may gusto pa nga sana akong sabihin pero ibinaba na niya 'yung tawag. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone saka pabagsak na ibinaba ang aking mga kamay.  

8:30 PM

Kahit alam kong hindi maganda itong gagawin ko ay lumabas pa rin ako sa Smith Mansion tutal mga na sa loob ng mga kwarto ang mga kaibigan ko kaya hindi nila ako makikitang lumabas. Ganoon din kina manang.

Dahan-dahan kong binuksan ang gate gayun ang pagsara.

Hinanap ko iyong Cross street na tinutukoy ng lalaking kausap ko sa cellphone nang mapahinto ako. May nakikita akong anino sa hindi kalayuan, sa tapat mismo ng post street. Nandoon siya sa may madilim na parte ng lugar kaya nararamdaman ko na 'yung kakaibang takot.

Medyo napaatras pa ako nang kaunti. "Ikaw ba 'yung nag send sa akin ng message?" Buong tapang kong tanong kahit gustong-gusto ko na talagang tumakbo. Pero mamamatay ako kung gagawin ko 'yun.

"Wow, you amazed me. Talagang nagpakita ka gaya ng napagkasunduan." Sabi niya saka siya tumapat sa post light. Laking gulat noong tumambad sa akin si Ray.

Nagsimula na akong manginig habang naglalakad na siya palapit sa akin. "Hi there. Surprise?" Mapang-asar na tono niya. Nanginginig ang mata kong nakatingin sa kanya.

"Ray…" Tawag ko sa pangalan niya na ikinahagikhik niya. Kinuha niya ang hibla ng buhok ko't inamoy ito.

"It's nice to see you again, Keiley." Bati niya sa akin na may kasamang pag ngisi. Unti-unti kong inililipat ang tingin sa kanya nang hindi nawawala 'yung pag nginig ng aking mga mata. "What are you so scared about? Hindi naman kita sasaktan, eh."

Pasimple akong napalunok sa sariling laway. "Bakit mo 'ko pinatawag dito?" Mahina pero sapat lang para marinig niya.  

Iniharap niya 'yung ulo niya sa akin at mas lumapad ang pagguhit ng ngisi. "May simple lang akong ipapagawa sa 'yo." Hindi ako umimik at nakikinig lang sa kanya. "Kung susunod ka, walang mangyayari sa mga kaibigan mo. Lalo na 'yang boyfriend mong siraulo."

Nagsalubong ang kilay ko. "Ano ba'ng ginawa namin sa 'yo kaya ginagawa mo 'to?" Tanong ko habang nakatingin sa blanko niyang mata nang hilahin niya ang buhok ko. Napapikit ako dahil mahigpit din ang pagkakahawak niya ro'n.  

"Mas maganda siguro kung makikinig ka na lang sa akin kaysa iyong tinatanong mo pa ako sa kung anu-ano." Mainahon pero bakas sa boses niya ang kaunting galit.

Hindi na nga ako nagsalita kaya lumuwag na ang pagkakahawak niya sa ulo ko't inilipat naman ang mga kamay sa aking pisngi para himasin ito. "Makipag break ka kay Harvey." Utos niya na nagpalaki sa ulo ko.

"H-hindi ko kayang gawin 'ya--"

Biglang nanilim ang paraan ng kanyang pagtingin. Mas nakakatakot ito kaysa kanina.

"Simple lang 'yung pinapagawa ko sa 'yo pero hindi mo kayang gawin? O baka…" Naglabas siya bigla ng isang patalim dahilan para mas lalo akong kilabutan at matakot. "Gusto mong ikaw 'yung unahin ko bago 'yang mga kaibigan mo?" Humagikhik siya. "Ah, hindi. Mas maganda siguro kung ipapakita ko sa 'yo harap-harapan kung paano ko isa-isahin 'yang mga kaibigan mo."

Nangingilid ang luha ko. "Don't…" Pakiusap ko.

Ngumiti siya. "Gawin mo 'yung sinasabi ko kung ayaw mo. Napakasimple lang ng pinapagawa ko sa 'yo, bakit ayaw mo pang gawin?" Hindi nanaman ako nakapagsalita.

Wala na akong maisip, blanko na ang utak ko.

Lumayo na nga siya sa akin nang kaunti. "Nagkakaintindihan naman na siguro tayo ngayon sa tingin ko."

Tumungo ako. "I understand." Tumalikod na nga lang ako para umalis. Nahihilo ako sa nangyayari, ang bigat sa pakiramdam. Pakiramdam ko hihikain nanaman ako na 'di mo maintindihan.

"Don't fail me, Keiley." Sambit niya na nagpatigil sa akin.  

Pumikit ako at humarap muli sa kanya. Subalit nawala na siya sa kinatatayuan niya kanina dahilan para mapaseryoso ang aking mukha.

End of Flash Back

Wala pa rin akong ideya sa pina-plano ni Ray para ipagawa niya 'to sa akin pero mas maganda na rin 'to nang masigurado ko ngang walang mangyayaring masama sa mga kaibigan ko, lalo na si Harvey.

Sa ngayon, kailangan ko munang ibalik sa dati 'yung sarili ko para 'di sila masyadong mag-alala. I should get rid of my feelings first. Kung itutuloy ko 'to, mas pakukumplikado ko lang 'yung sitwasyon. 

Hi! H'wag kayong mahihiyang mag leave ng comments mapa-positive or negative. Para rin po mag improve ako at malaman ko 'yung dapat ko pang matutunan.

Also, pwede n'yo po bang i-rate ang storyang ito? Pretty please? :') Thank you so much! <3

Yulie_Shioricreators' thoughts