webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
49 Chs

chapter 21

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG PAGSISIMULA NG DIGMAAN

NAKASILIP sa malawak na lupain ang hari ng mga mangangabayo, si haring reviin sel ay ipinagluluksa ang pagkawala ni haring lurill steil ang hari ng mga mangangaso.

Habang ipinagluluksa nila ang pagkawala ni haring lurill steil ay siya namang sinamantala ni haring thron ang pagbabalik sa lungga ni lord teraiziter.

"Panginoon malapit ka ng magbalik!"

Nag-uumapaw ang tubig apoy mula sa bundok ng teruvron, nag-aalab na apoy ang siyang isinagot ni lord teraiziter dejirin.

Ngunit mayroong isang bagay ang hindi nila alam iyon ay ang susi ng aklat. Wala sa mga kamay ni haring thron ang susi nito kaya't bigo silang mabuksan ang itim na aklat.

"Wala ang susi!hanapin nyo ang susi sa kanila!!!" Galit na sigaw ni haring thron sa mga goblins at evilders na kasama nya.

Naglakad ang mga libu-libong elvilders at goblins patungo sa lupain ng toretirim dahil ang sabi ni haring thron ay nasa mga kamay iyon ng mga tao.

"Kailangan nating magtipon-tipon upang pag-usapan ang tungkol sa susi ng aklat!" Saad ni tamberow laurhim sa haring rieuin tiriin.

Pinatawag ni haring rieuin tiriin ang lahat ng mga hari kasama na ang ilang mga pinuno ng sandatahang lakas.

"Naririto sa harap nyo ang susi ng aklat ni sitan! Sa oras na makuha ito ni lord teraiziter dejirin natitiyak kong katapusan na natin!"

"Ibig sabihin nito salamangkero hindi pa tayo natatalo sa digmaan?"

"Haring vinner gair hari ng toretirim! Hindi pa nag-uumpisa ang tunay na digmaan!"

Kailangan nilang wasakin ang susi upang hindi ito mapakinabangan ng kadiliman ngunit ang mga elfs ay hindi na nakapagpigil pa kaya't nagkagulo sila kung ano ang gagawin sa susi.

"Itapon sa bunganga ng bulkan!"

"Wasakin gamit ang espada!"

"Tunawin at gawing palamuti!"

Saad ng mga elfs at ang mga hari ay nagkagulo na rin hanggang sa itaas ni tamberow laurhim ang kanyang tungkod at naglikha iyon ng liwanag.

Liwanag na nakasisilaw at nakakatayo balahibo, Ang mga nasa pagpupulong ay natigil sa kanilang mga ginagawa at isa isang naupo.