webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
81 Chs

CHAPTER THIRTY THREE

(Kensington High School, next day) 

 (Erich's POV)

 (IV-3 Classroom) 

NAGBABASA ako ng favorite kong pocketbook nang makita kong pumasok na si Zeric sa classroom, dahilan para magkagulo na naman ang mga fans niya. Agad siyang naupo sa tabi ko. 

"Hey Zer! Howdy do?" nakangiti kong bati sa kanya. 

"Wala lang. Patambay-tambay lang ang kapogian ko dito." and he smirked at me. 

Tss. Sige na, ikaw na ang pogi. Ikaw na.

xD. 

"Kamusta na ang buhay-buhay natin ngayon? Pansin ko, masaya na ulit si Yhannie. Dahil ba sa akin yan?" tanong ni Zeric sa akin. 

"Masaya na si Yhan, pero hindi dahil sayo." ang diretsahan kong sabi sa kanya. 

"Ha? B-bakit naman?" ang tila na-offend na sabi niya sa akin. 

"Dahil sa textmate niya. Stallion Prince ang pangalan." 

Muntik na siyang malaglag sa upuan niya sa sobrang pagkagulat. 

"S-Stallion Prince? S-sino naman yun?" 

"Textmate nga ni Yhannie. At mukhang malakas na ang tama niya dun sa textmate niyang yun." sabi ko pa sa kanya. 

That makes him shut. 

"Zeric, I know, nasasaktan ka na naman. Pero yan ang reality eh. Hindi ka talaga gusto ni Yhannie. Kaibigan lang ang tingin niya sayo. Pasensya na lang sa pagiging taklesa ko pero yun ang totoo." prangkahang sabi ko sa kanya. 

"Tanggap ko na kaibigan lang ang tingin sa akin ni Yhannie. Basta ang mahalaga ay masaya na siya ngayon at hindi na siya nasasaktan pa." ang sabi ni Zeric. 

Haay, ba't ba ang martir masyado ng lalaking 'to?! Si Yhannie kasi eh! Masyado niyang sinasaktan si Zeric. Hindi ba niya alam na may tunay na nagmamahal sa kanya, in courtesy of him!

Pero sino naman ako para diktahan si Yhannie? Desisyon pa rin niya ang mananaig at wala naman akong karapatang harangin siya. Pero sana naman ay palagi niyang maalala na nandyan palagi si Zeric para sa kanya. 

Ngunit kanina pa talaga nagpapagulo sa utak ko ang Stallion Prince na yun. Sino ba talaga siya? At ano naman ang nagawa niya maging masaya si Yhannie ng ganun?

Natigil lang ako sa pag-iisip ko nang makita kong umalis si Zeric sandali at naiwan niya ang Samsung S7 Edge cellphone niya sa armchair niya. 

"Hmm, ang ganda naman ng cellphone ni Zer." sabay hawak ko sa cellphone niya. "Pero mas maganda pa rin yung sa akin." at inilabas ko ang Samsung S7 Alpha ko. Dahil tinamaan ako ng curiosity sa cellphone ni Zer ay tinignan ko ito. May text message. Dahil nature ko na ang maging pakialamera (slight lang. Ehehe...) ay binasa ko ang text message. And I was so shocked nang makita kong si Yhannie ang nag-text. 

FROM YHANNIE: HI STALLION PRINCE. KAMUSTA KA NA? KUMAIN KA NA BA? 

"Stallion Prince?!" at muling nag-flashback ang isip ko sa lalaking textmate ni Yhannie na ang pangalan ay Stallion Prince.

O.M.G.

DON'T TELL ME... 

"Huy Erich, ba't hawak mo yang cellphone ko?" 

Nagulat ako nang makita ko si Zeric na kanina pa nakatitig sa akin at sa cellphone niya. Agad ko namang ibinalik yung cellphone niya. 

"Baka may pinakialaman ka dito." ang tila naniniguro pang sabi ni Zeric habang pinipindut-pindot niya ang cellphone niya. 

"Wala ah! Ba't ko naman pag-i-interesan yang cellphone mo, gayung kung tutuusin ay mas maganda naman ang Alpha ko!" ang kunwaring nag-de-deny na sabi ko sa kanya. 

"Ewan ko sayo Erich." at naupo na siya sa tabi ko. At napansin kong abot sa ere ang pagkakangiti niya habang nakatitig siya sa cellphone niya. 

Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip. 

SIYA KAYA SI...STALLION PRINCE? 

HINDI AKO SIGURADO. PERO MALAKAS ANG KUTOB KONG SIYA NGA YUN. 

Pero...siya ba talaga yun? 

Waah!

Bigla na lang akong naguluhan!

Zeric naman kasi eh!