webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
81 Chs

CHAPTER FORTY SIX

(De Vega Empire Group of Companies, morning)

(Vivian's POV)

HABANG nag-ta-type ako sa Mac Pro computer sa loob ng office ay nakita kong nag-ring ang cellphone ko. Agad kong tinignan ang cellphone ko.

"May nag-text." sabi ko sabay pindot ko sa messaging. Tinignan ko ang inbox.

"Unknown number? Sino kaya ito?" at pinindot ko ang text message mula sa unknown number na yun.

- Vivian, do you still remember me? -

Kinutuban ako ng hindi maganda. Agad ko siyang ni-reply-an.

- Excuse me, sino ka? -

I send the message.

Walang isang minuto ay kaagad na dumating yung reply ng unknown number.

- Ako 'to, si Elbertson...ang ex-boyfriend mo na pinatay mo noon. -

Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang cellphone ko.

"E-Elbertson...p-papanong..." at napatakip ako ng bibig ko sa sobrang pagkagulat.

Papano pang nabuhay ang hayup na 'to?

Di ba...pinatay ko na siya noon. Tandang-tanda ko, itinapon ko pa ang bangkay niya sa ilog matapos ko siyang barilin. Kaya naman imposibleng mabuhay pa ang lalaking yun!

Sa sobrang panginginig ko ay hindi ko na tinignan pa ang cellphone ko na nalaglag sa sahig. At mas nanginig ako sa sobrang takot nang makita kong umilaw ang cellphone ko. Bagama't nanginginig ako ay pinilit kong kunin ang cellphone at tinignan ko ang text message.

- Bilang na ang mga araw mo, Vivian. Malapit ka nang makarma. Kaya humanda ka. -

Sa galit ko ay tinawagan ko na ang unknown number na yun.

"KUNG SINO KA MANG HAYUP KA, HINDING-HINDI MO AKO MATATAKOT! HINDI MO KILALA KUNG SINO ANG KINAKALABAN MO! TANDAAN MO YAN!" sabay baba ko sa linya. Naupo ako sa upuan at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hanggang sa biglang pumasok sa loob si Jack.

"Mama, heto nga pala yung papers na pinadala ninyo sa akin." sabay bigay niya ng papeles sa akin.

"Sige, anak, ilapag mo na yan dyan." sabi ko sa kanya.

Inilapag naman ni Jack ang mga papers sa mesa ko.

"Sige po Mama, aalis na po ako." sabi ni Jack sabay halik niya sa pisngi ko. Nakita ko rin ang paglabas niya ng opisina.

Pag-alis ni Jack ay agad kong binura ang text message ng kung sinumang hayup na lalaking iyon. Agad kong tinawagan ang private investigator ko na si Jonas.

"Jonas, pumunta ka dito. Madali ka. May ipapagawa ako sayo." at ibinaba ko na agad ang cellphone ko.

Kung sakali mang totoong buhay pa ang hayup na lalaking yun, hinding-hindi ako makakapayag na sirain niya ang buhay ko. Hinding-hindi ako makakapayag na sirain niya ang buhay ni Jack. Hinding-hindi ako makakapayag na agawin niya sa akin ang anak ko.

HINDING-HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MANGYARI IYON!

OVER MY DEAD BODY!

(De Vega Empire Group of Companies Facade)

(Esprit's POV)

"TAPOS ka na?" tanong ko sa kanya.

"Oo, Miss Esprit." sabay bigay niya ng cellphone sa akin.

"Kamusta ang pag-uusap ninyo kanina? Takot na takot ba siya?" I evilly asked him.

"Oo. Takut na takot ang magaling na babaing yun. Para nga siyang daga na nagtatago sa kanyang lungga." at napangisi si Elbertson.

"Magaling." sabay bigay ko ng 10 thousand pesos sa kanya. "Ipagpatuloy mo lang ang pananakot mo sa kanya hanggang sa mabaliw siya sa kakaisip na buhay ka pa."

"Sige. Basta ba...palagi mo akong bibigyan ng pera ah. Alam mo na, kailangan kong makaipon ng malaki-laki para mabawi ko ang anak ko."

"You mean, si Jack?"

"Oo. Si Jack nga." at napabuntung-hininga si Elbertson. "Kailangan kong mabawi ang anak ko. Ang tagal ko rin siyang hindi nakasama. Miss na miss ko na siya."

"Yun naman pala eh. Ipaubaya mo na lang sa akin ang pagbawi sa anak mo. Madali lang para sa aking gawin iyon. Marami akong pera. Malawak ang koneksyon ko sa kahit sino. Kung kaya naman magagawa ko iyon." ang kumpyansadong sabi ko.

"Talaga, magagawa mo yun?"

"Oo naman. Bakit, wag mong sabihing pinagdududahan mo ako. Kakampi mo ako kaya wala kang dapat ipag-alala." sabi ko pa.

"Maraming salamat kung ganun, Miss Esprit. Pangako, gagawin ko ang trabaho ko. Tatakutin ko siya hanggang sa mamatay siya sa sobrang kabaliwan." at muli'y napangisi si Elbertson.

"Dapat lang." and I smiled evilly.

Konti na lang, Elbertson. Konting hintay na lang at magtatagumpay na tayo sa paghihiganting ito. Mababawi mo si Jack at mababawi ko na rin si Satchel. At bukod pa roon ay makikita natin ang pagbagsak nina Albert at Vivian.

Makikita natin ang pagbagsak nila.