webnovel

Thief Heart

Withdislab · Action
Pas assez d’évaluations
2 Chs

Chapter 2

RAIN POV

Pinag mamasdan ko yung dalawa kong kapatid na matulog. Hindi pako inaantok.

Tumayo ako at tumambay sa harap ng bahay namin.

Ano kayang klaseng buhay meron ako, kami ng mga kapatid ko?

Ayokong mahiwalay sa mga kapatid ko ,kaya kahit may taga DSWD na pumupunta dito minsan at inaalok ako ng tulong. Hindi ko tinatanggap. Para ano? Ipaampon kami? Pag hiwalayin, pag katapos ano? Gaganda ba buhay namin? Diba hindi. Kaya mas maganda na ganto na lang kami, dibale ako ang mag hirap, wag lang ang mga kapatid ko.

Pumasok na ko sa loob dahil malamig na.

Tumabi ako sa dalawa kong kapatid at pumikit hanggang sa nakatulog na ko.

••••

KINABUKASAN panibagong pag subok nanaman to samin.

Nakita ko yung dalawa kong kapatid na may bit bit na sako.

"Aiden. San kayo pupunta?"

"Jan lang te. Sasama kami kila Ado, para mangalakal"

Napataas yung kilay ko sa narinig ko.

"Mangangalakal? At sino naman nag sabi sainyo na papayag ako!?"

Napataas yung tono ng boses ko dahil dun. Naiinis ako.. naiinis ako sa sarili ko.

"Gusto lang naman ate, Makatulong sayo eh. Nahihirapan kana samin ni Aiven"

"Ano ba yang pinag sasabi mo, Aiden? Hindi ko kailangan ng tulong, hindi ako nahihirapan sainyo. Ako ang gagawa ng paraan para makakain tayo. Ako na. Ayoko na matulad kayo sa ibang bata. kung ayaw niyong mag ka hiwalay hiwalay tayo, Manahimik kayo"

Pag kasabi ko nun, Lumabas ako ng bahay. Nag lakad ako ng mabilis at hindi alam kung san ba ko pupunta. Pinunasan ko ng mga luha kong Tumakas saking mga mata. Hindi ko maintindihan ang dyos sa pinag gagawa niya. Ang lahat daw ng Bagay na nangyayari ay may dahilan, pero anong dahilan at nag hihirap kami? Ano? Naguguluhan nako.

...

Dumaan ako ng eskinita para makapunta kila aling Rossy para mangutang, babayaran ko na lang pag nag ka pera.

Sa eskinita na yun, May nakita akong itim na sasakyan, ang gara, halata mo talagang mayaman ang may ari.

Lumapit ako dun sa kotse , pero hindi ko pa nadidikitan yung sasakyan,may narinig ako.

"Like I said, A traitor deserve to die"

Sabi ng lalaki na malalim ang boses,parang ang kisig niya.

"Wag po boss... Maawa ka... May pamilya ako... Napag utusan lang ak..."

Naputol yung sinabi ng lalaki, hindi ko alam kung anong nangyari dun.

Lumapit pako ng bahagya, ng makita ko ang bintana na bukas, pero sa passenger seat lang ang bukas at sarado na ang iba.

May nakita akong cellphone sa ibabaw ng Dash Board at ang laki nun, May isa pang wallet na makapal sa upuan.

Ngayon lang to...

Sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko yung wallet ang daming pera. Kumuha lang ako ng tatlong libo , Kukupit lang ako, ayaw ko kuhanin pati yung cp baka may GPS yun at matuntun pa ko. Paalis nako ng May nakita akong isang.... Adonis, hindi, isang anghel. Nakatingin lang siya sakin na gulat na gulat. Napatingin ako sa kulay Berde niyang Mata.

Dug.Dug.Dug.Dug

Hala! Yung puso ko.

"Miss?"

Sabi niya. Tapos may lumapit pa sakanya na mga anghel. Nasa heaven na ba ako? Bakit puro anghel ang mga nandito? Akala ko talaga sa impyerno ako mapupunta pero hindi.

"Angels.."

Sabi ko ng wala sa oras. Okaaay.

Napatingin sila sa Kamay ko pati dun sa kotse. Ay bwisit! Hawak ko papala yung pitaka pati yung pera.

Hinagis ko yung pitaka sa loob ng Sasakyan at kumaripas ng takbo.

Takbooooooo!!!

"HOY! BUMALIK KA RITO!"

Sigaw nila. Ihhhh. Pag tingin ko sa likod. Paktay hinahabol nila ako. Binilisan ko pa yung takbo ko, Hanggang sa nakarating

Ako sa basurahan at dun ko tinapon yung sarili.

"Nasan na yun?"

Sabi. Nandito sila. Nakarinig ako ng kasa ng baril. Ay. Mukhang dedo ako kapag nakita ako.

Nawala na din sila. Haaay.

Lumabas na ko ng basurahan wala na nga sila.

Umalis na ko dun, Nag lakad ako pero parang May mali, parang may nag mamasid sakin. Tsk.

"May pangkain na rin kami"

Sabi ko at naglakad pa uwi.

Sa pag lalakad ko „ May nakita akong isang lalaki na nag lalakad.. Pogi, Anghel,Adonis pang Mr.Pogi, mali pang model na ang Mukha at katawan niya.

Napatingin siya sakin habang nag lalakad siya at ako eto, Nakanganga habang naka tingin sakin.

Ang cold ng tingin niya, pero hindi ko maiwasan mapatingin sa mata niya, parang nakita ko na yun , pero hindi ko alam kung saan.

Umalis na lang ako at umuwi sa bahay para makakain na sila Aiven.