webnovel

Move On

As soon as my classes end, pumunta agad ako kay coach para malaman ang decision nya. I am ready to be kicked out from the team. Masakit man pero kelangan ko tanggapin na yung scholarship na inaasam ko, mawawala na din, tulad ng kagustuhan namin ni Allie na mapasok ako dito.

"Oh, Linda, please sit down"

"Sorry coach, I... "

"No, don't worry. Naiintindihan kita. I did not ask you to meet me para tanggalin ka sa team, actually I have a proposal to make. "

"Really coach?! Wow! Thank you! Ano pong dapat kong gawin? Whatever you want me to do, I'll do it. "

"Woah, hinay-hinay lang. Okay, so dahil sa ang tagal mong di nakaattend sa practices I want you to practice every weekends, whole day here. Actually medyo madami naman kayo non kasi meron pa akong pinapractice na ibang may potential pero kelangan pa ng mas intense training. You will be with Gio actually, kasi isa sya sa trainers don. "

"Sure sir! "

"Okay, so mabilis lang naman, yon lang naman ang gusto kong sabihin. Thank you and see you sa practice after 5 minutes. "

"Yes, coach"

Nagpalit agad ako ng panlaro. Buti na lang at may naitabi pa ko don sa locker ko.

I see Gio. He looks happy. Siguro nalimutan na nya ko kasi di na nya ko pinapansin nor tinitingnan. Maybe may iba na... kasalanan ko naman.

I played like never before. Ginagawa ko naman lagi best ko pero namiss ko lang talaga maglaro ngayon kaya sobrang ganado ako.

"Hey, Linda... "

"Oh hey, Gio"

"I just want to say na I'm glad na nagpapractice ka na ulit."

"Yeah, nag-usap na kami ni coach and pinayagan nya kong magtraining until weekends. Balita ko nga trainer ka don. "

"Oo, nabalitaan ko nga kay coach"

"Masaya ak... "

"Hey Gio! Let's go na! "

"Got to go... glad to talk to you again. "

I don't have any idea kung sino yung girl na tumawag sa kanya. Ngayon ko lang sya nakita sa practice and... mukhang close na close na agad sila ni Gio. I feel jealous. of course, sya nagsabi sakin non na hihintayin nya ko but bakit ganon? Feeling ko nag-iba na.

Saturday, 6am nasa school gymnasium na ko. Isa ako sa mga nauna. Excited lang ulit akong maglaro and gusto ko din maglibang para di ko na gaanong maisip yung lungkot. Another thing is that, gusto ko din matyempuhan si Gio, para magkausap kami and makapagsorry for what I've done, yung pagbalewala ko sa kanya.

"Gio..."

Bago pa lang ako papalapit when I noticed the same girl na tumawag sa kanya. Magkasama sila and nagkukulitan. Mukhang pinagpalit na nga ata talaga nya ko. As they pass in front of me, binati naman nya ko with a smile pero may isa akong napansin, di na nya suot yung promise ring. I looked to mine and decided to remove it kahit na parang tinutusok ang puso ko habang ginagawa yon. I already thought about this. Sabi na nga ba madali lang akonh ipagpapalit. Na sa love, sa una lang masaya pero habang tumatagal lungkot lang ang kapalit. Alam ko nang masakit pero di ko naisip na ganito pala ang pakiramdam. Naisip ko na sana di ko na lang sya pinagbigyan, na sana pinanindigan ko yung pananaw ko dati yan tuloy, sobra akong nasasaktan ngayon.

Throughout the practice, pinagmamasdan ko sila. Ang saya nila but once in a while nakikita ko si Gio na sumusulyap sakin. Ano pa bang magagawa ng sulyap kung may iba namang nagpapasaya sa kanya?

Kahit na nasasaktan, I still managed to do what I can do sa practice and coach was happy. He told me na di sya nagkamali sa akin and I deserve this chance.

"Linda? Can I walk you to your dorm, same as before? "

"Naku, di na 'ko sa dorm nakatira, bumalik na 'ko samin. "

"Then that's better, I'll finally be able to know where you live. And hopefully to see your family. "

This transition from di namamansin to close ulit makes me feel awkward. Di ko alam ang magiging reaction ko. Do I need to show him na ganon na lang yon? Na wala akong napansin between sa kanila ni ate gurl?

"Thank you, but no thanks. Sorry. Susunduin din pati ako ng ate ko and malayo bahay namin dito."

I walked away without waiting for his response. Nagulat din ako sa sinabi ko pero I think that's the best thing to do. Gusto ko hangga't maaga sana at di pa ganon kalalim ang pagsasamahan namin, matapos ko na 'to. I believe in girls' instinct kaya I know na kung ano yung hinala ko about sa kanilang dalawa, totoo.. Well, I'm not 100% sure but I can feel it. It's better to move on early than to expect something sa isang tao na ngayon pa lang pinagdududahan ko na ang loyalty.