webnovel

The Camp

LEANNE's POV

"Ayyy! Akala ko ba walang gagawa ng assignment?! Bakit mayro'n isang 'to?" Turo sa akin ni Pearl.

Umupo siya sa tabi ko't sinilip ang test notebook na kakalabas ko lang sa bag.

"Ay wala! Kahit kailan talaga sinungaling 'tong president na nahalal natin, oo." Biro ni Ezra habang inilalabas test notebook niya.

"Uy!" Gulat na sambit ni Pearl nang makita niyang naglabas din ng test notebook sina Lynn at Angel.

"AY! MGA BURAOT!" Ungol niya nalang. "HINDI AKO GUMAWAAAA! 'YON 'YONG SABI NIYO, EH!" Duro niya sa akin.

"'Di ba sabi mo na hindi tayo gagawa tapos walang magsasabi kay ma'am?! Mag c-camping naman na, eh. Makakalimutan na 'to ni ma'am. 'Wag nalang tayong mag pass?!" Ungol niya pa.

Palihim nalang akong natawa. Kahit kailan kasi talaga isang 'to, uto-uto. Matalino naman sana sa academics pero sobrang inosente, andaling lokohin.

"Jusko naman kasi, Pearl. Bakit ka kasi nagpapaniwala sa kanila, eh, palagi ka lang namang nililinlang ng mga 'yan hahaha." Hagikgik ni Lynn sabay abot sa test notebook ni Pearl.

"Oh! Ako sumagot niyan kaya alam mo ng perfect. Isang burger at large drink lang, sapat na."

Ngunguso-ngusong niya itong tinanggap. Umirap pa talaga siya sa aming tatlo nina Angel at Ezra bago lumipat sa table niya na nasa harap ko lang.

Sa aming magkakaibigan, sina Pearl at Lynn ang nakalunok ng mikropono habang sina Ezra at Angel, tiga tawa lang sa mga kalokohan nila.

Me? I'm one of the silent ones together with Roux. Ewan ko lang talaga sa isang 'yon at mukhang napipi na ata't 'di na namin halos naririnig na magsalita.

Lagi din siyang absent. Sige, okay lang. Matalino naman siya. Kahit three times a week nga lang 'yong pumasok, namementain parin niya ang top 2, just next to me.

"Be, ano na? 'Di na naman papasok si Roux?" Bulong ni Lynn. She's sitting behind me kaya lumingon ako.

"I don't know. She's not answering any of my texts."

"Paano na 'yan? Kapag hindi siya nakapag-pass ng parents' consent today, 'di siya makakasama sa camping." Pakikisawsaw ni Ezra.

Asa unahan lang siya nakaupo pero rinig niya parin pinag-uusapan namin mula sa likuran.

"Ako na kakausap kay ma'am pag-uwi. Dadaanan ko lang din siya sa kanila."

Tumango silang dalawa at naupo na ng maayos. Pumasok na rin si kasi si ma'am. Wala naman kaming ginawa kundi ang iremind ang isa't-isa sa mga dadalhin sa camp.

We're on our last two months as Seniors, the last batch to graduate four years in Highschool kaya tutok sa amin ang staffs.

Their goal is to make our senior camp memorable, kaya pinagplanuhan nila ng maigi ang lahat.

I'm no fan of adventures at kung tinamaan ka nga naman ng lintik, sa isang isla magaganap ang aming camping which happens to be my family's property.

Mga classmate ko may idea nun.

It's been years since the last time I set foot on that island. I barely remember the place pero maaalala ko naman 'pag andun na ako.

I voted myself as a homeroom and school president nung election for the sake of academics kaya kailangan andun to show my full support.

Maaga kaming ipinauwi for preparation and just like what I said earlier, pagkatapos kong kausapin homeroom teacher namin, dumaan nga ako kina Roux.

At dahil election ngayon, hindi agad ako pinapasok. Roux's father is a politician kaya mahigpit ang security dito sa kanila at mainit ang labanan ng magkabilang partido.

Nag-antay pa muna ako sa labas ng gate ng ilang minuto bago lumabas si Roux. Gaya ng usual, nakasimangot ang ate niyo, oo.

"Manong, please. I told you to let my friends come in right away!" Singhal niya sa guard.

"Sorry, ma'am. Utos po ng daddy niyo na hindi agad magpapasok ng hindi kakilala, eh, ngayon ko lang po nakita si ma'am." Nguso niya sa akin.

"My god!" Haluyhoy ni Roux sabay irap kay kuya guard.

"Roux, chill. It's fine." Bulong ko sa kanya't imbes na mag sorry kay kuya guard, humalikipkip ba naman ito't agad na naglakad palayo.

Kahit kailan talaga, ma attitude ang bruha. Ako nalang ang nag sorry kay kuya guard saka siya hinabol.

Kampon ata ng kadiliman ang ate niyo't nalingat lang ako saglit, nawala na't sa living room ko na siya naabutang nakaupo.

Napabuntong hininga nalang ako saka umupo sa couch kaharap ng kinauupuan niya.

Hindi ko mawari ang inaarte ng babaeng 'to ngayon. Likas naman siyang moody pero pakiramdam ko mas lumala ngayon.

Nakahalukipkip parin siya habang nakakunot ang noong naka tingin sa flower vase na nakapatong sa glassed round table sa harapan namin.

Nagpeke nalang ako ng ubo para bumalik siya sa ulirat at mukhang ang lalim ng kanyang iniisip.

"Oh? Nakaisip ka ba ng solusyon kung paano lulutasan ang korapsyon ng ating bansa?" Biro ko at agad namang napa peace sign nang tirikan niya ako ng mata.

"Nag absent lang ako, naging madaldal ka na, Nakayama?" Cold niyang tanong.

"Alam mo kasi, Summers. Stress na stress na ako sa school, sa'kin ka pa hinahanap ng staffs. You're the Vice President, you're supposed to help me with the camping plan." Daing ko, umiwas siya ng tingin.

"I never wanted to have that position." Bulong niya saka muli akong tinignan. "So? What brings you here?"

Napahugot nalang ako ng napakalalim na hininga. "Where's your parent's consent? I need it by tomorrow. Kinausap ko na si--"

"I don't wanna come kaya nga hindi ako pumasok ngayon."

"Why?"

Umiling siya. "I don't know."

"Paanong I don't know, eh, 'di ba napag-usapan na natin 'tong magbabarkada? Last year na natin 'to, Roux. Papaasahin mo na naman ba kami? Ano na naman bang inaarte mo?"

Sarcastiko siyang napangiti bago ako tinignan ng seryoso. "Leanne, I've told you way too many times before. May kung ano'ng demonyo ang nahihirahan diyan sa islang pinagmamay-ari niyo. Bakit ayaw niyong maniwala sa akin, eh, do'n nga nawala ang mga kapatid mo, 'di ba?!"

Nabigla ako sa sinabi niya kaya hindi agad ako nakapagsalita. I've already forgotten that incident, inungkat pa.

"They died from a landslide, what the heck are you even trying to say, na ipapahamak ko kayo nga mga classmate natin?" Tumaas boses na ko. "My family owned that place kaya mas kami 'yong nakakaalam sa nangyari."

"No bodies were found, Leanne."

Napakagat nalang ako ng labi saka tumayo.

"I won't tell the girls yet that you're not coming. Not until 9 AM tomorrow. We'll wait for you at the harbor."

Hindi ko na siya inantay na makapag salita at agad nang umalis. Ayaw ko talagang makasagutan si Roux pagdating sa mga gan'tong topic. She's really superstitious. Andami niyang alam na hindi namin halos maintindihan.

She can come or not for all I care! Kaya ko naman kahit walang Vice President. I've been working hard on my own since I was young.

"Leanne!"

Papalabas na sana ako ng gate nang tawagin niya ako. Syempre mabait ako, nilingon ko siya. Huminto siya sa paglalakad ilang dipa mula sa akin.

"What?!" Bagsak-boses kong tanong.

"I-I'm sorry. I didn't mean to say what I said." Tumungo siya. "It's just that I have this very weird feeling about that island, but I think it's just really me."

May inabot siya sa akin. It's the consent.

"I'll come. Friends?"

Malimit akong ngumiti saka ito kinuha.

"Kailan ba tayo 'di naging friends?" Tawa ko nalang. "Basta be there by 7 AM. 2 hours early kasi palagi kang late."

Ngumiti lang siya saka tumango pero gaya nga ng inaasahan, 2 minutes before 9 AM dumating ang bwakanang inang shet.

Ang ganda pa ng entry at kailangang may dalawa pang guards ang nakasunod dala-dala ang dalawang malalaking maleta.

Nagsuot pa talaga ng Black Lolita Dress with bowknot na ruffled collar gothic chuchu na puffed sleeve lace.

Ewan ko kung pa'no i-describe ng maayos suot niya basta nag mukha siyang pupuntang libing ng ancient European countries.

"Roux. Roux. Roux. Tsk tsk tsk tsk!" Nakahalukipkip na umiling-iling si Pearl, kunwari nadidismaya at kamuntikan nang maiwan kaibigan niya.

"Late ka na nga, mali-mali pa dinala mo. In case you forgot, camping pupuntahan natin hindi party." May pa hawak-hawak pa siyang nalalaman sa noo niya habang umiiling-iling.

"Shut it, Pearl. My camping stuffs are inside of these babies right here." Turo niya sa mga maleta.

"Manahimik nalang kasi tayo, Pearl." Singit ni Lynn habang maarteng tinataas sunglasses niya. "'Di tayo 'sing yaman ng ate mo Roux. Ang karapatan lang nating mga hampas-lupa kapag kasama siya ay ang magdala ng kanyang maleta. Taraaaa!"

At dahil nga loko-loko ang dalawa, sila 'yong nagbuhat ng mga maleta ni Roux sa Banetti motor yacht na pagmamay-ari ng pamilya ni Angel.

Ewan ko rin kay Roux kung bakit ayaw niyang isama dalawa niyang abubot. Nagpaiwan muna kaming dalawa sa baba habang kinakausap niya ang mga ito.

Kailangan ko siyang samahan at baka bigla nalang mawala, umuwi na pala.

Mabilis rin namang umalis 'yong dalawa kaya sumunod na rin kami sa yacht.

Sobrang ingay sa loob at may kanya-kanyang ginagawa mga classmate namin: 'yong iba, nakiki-marites sa issue ng mga TikToker na sina Lite at Shaina, habang 'yong iba, gumagawa ng TikTok dance cover. 'Yong iba naman, tatahi-tahimik lang pero nagbabasa na pala ng BL manhwa.

Naku! Naku!

"So, ano laman ng mga 'yon? One week lang naman tayo do'n." Tanong ko nang makaupo kami sa may gilid. Hindi na kasi namin mahahilap 'yong apat.

Umiling lang siya, halatang uncomfortable sa kaguluhan ng mga tao dito.

"Hey, relax! Nothing's gonna happen, okay?"

"Leanne!" Bulong niya nalang bigla saka ako tinignan ng seryoso. Hinawakan niya pa kamay ko.

"I need you, guys, to stay close to me once we got in the island, okay?"

"R-Roux, not this again, please!"

"Just promise me, Leanne."

Sobrang seryoso pagkakasabi niya kaya tumango nalang ako. Tumango din siya saka muling naupo ng maayos.

I really don't know what's happening to her. I'm aware that she's depressed with all the death threats her family is receiving lately, but this is not it.

I don't want to finalize my conclusion so maybe I shouldn't have forced her to come.