webnovel

Chapter 1 Ang Simula

Rrring... ring... ring.....

"Zia tanghali na gumising ka na at mahuhuli kana sa trabaho" wika ni Carmen ang ina ni Zia. Habang abala sa pag luluto ng agahan.

Pakapa kapa kong hinahanap ang alarm clock para patayin at sabay inat 'hay.. ang bilis naman at umaga na hindi pa ako nakakatulog ng maayos' Gabing gabi na kasi nakauwi ang dalaga galing sa pamamasyal kasama ang mga kaibigan.

Agad syang naligo at ng palit nang pang trabaho, ang kanyang company uniform ay kulay grey ang pang taas na may yellow stripe design mula sa kwelyo hanggang bewang at color black na skirt. Simple at maayos pangkaraniwang uniform katulad sa bangko.

Sa isang malaking companya sya ng tatrabaho ang Lu International Corporation ang pinaka malaking companya sa boung bansa. Maraming hawak na sangay ang Lu Int. Corp. kagaya ng Shipping lines, Car Manufacturing, Banking, software at kasama na rin ang manufacturing ng computer at mobile phones. Local and International brand ang hawak nila at ang main company nila ay sa China.

Syempre Chinese ang may ari. Ang Lu Family, sila na yata ang isa sa pinaka mayamang pamilya hindi lang sa asia. Ang pamilya nila ang nag mamay ari ng ibat ibang klase ng companya at ang Lu Int. Corp ang Main Company. Kaya mapalad ako na dito ako natanggap at naka pag trabaho bilang accounting staff.

Ang buhay ko naman? Simple lang 24 years old na ako single walang boyfriend at mas lalaong walang anak. hay ewan ko ba kung bakit ganon na lang sa tuwing tatanungin ka kung single ka ba or married laging may itatanong sayo kung may anak kana, ganon na ba ang mundo ngayon?.

Well Single talaga ako guys with no boyfriend since birth ang saklap ano. Maganda naman ako sa tinggin ko, sexy with normal body figure and ofcourse with brain graduate yata ako ng cum laude sa Philippines University. Pero sadya yatang walang perfect sa mundo minsan napapa isip ako kung anung pakiradam nang may boyfriend kung masaya ba o hindi. Muntikan na sana ako mag karoon ng jowa nung high school kaso naudlot lumipat kasi ang family nya abroad kaya ayun loveless ako.

Ever since after nun hindi na ako nag balak o baka kasi wala namang talagang nanligaw. Pero kahit ganoon thankful pa rin ako well syempre hindi ko nararanasan masaktan dahil sa love na yan di katulad ng bff kong Kaye everytime na mag bbreak sila ng boyfriend nya nasa beerclub kami kinabukasan, katulad kagabi. Pero dahil bff ko siya walang iwanan ika nga nila.

"Mama gagabihin ako ulit ngayon may kailangan kasi akong tapusin sa office"

"Nanaman?, grabe naman yan Zia halos puyat ka na lang lagi. Ni hindi na nga kita nakikita dito sa bahay" Panimula ni mama habang kumakain ng agahan.

Marahang namang binaba ni papa ang tasa sa lamesa habang hawak ang dyaryo sa kaliwang kamay "hayaan mo na nga yang anak mo. Ganyan talaga sa opisina malamang nag papa promote ang anak mo. abay! iba yata pag ang anak ko magiging manager na" pag mamalaki ni papa.

Napatingin naman ako kay papa habang sinasaw-saw ang tinapay sa kape "Pa malabo pa po akong maging manager taon pa ang bibilangin ko"

"Oh nakita mo na. Anak makinig ka sakin wag dito sa papa mo walang alam yan kung di maging manager ka sabay pag mamayabang nanaman sa mga kapit bahay." sabay hawak ni Mama sa balikat ko "Anak kung ako sayo unahin mo muna tong ipakikilala ko sayo anak sya ng kumare ng kumare ko, hay naku anak alam mo ba graduate sya ng ganitong eskuwelahan at sa ganito pa sya ng ttrabaho..."

Eto nanaman po kmi.

"Carmen hayaan mo nga ang anak mo kung sinu sino na naman ang ni rereto mo"

"Hoy! Roberto! Ipinakikila ko lang naman ang nagiisa nating anak sa anak ng kumare ko! abay! malay mo eh magustuhan nila ang isat isa eh di...blah...blah...blah..."

"Ma, Pa papasok na po ako" sabay tayo at kuha ng bag ko. Parang hindi naman nila ako narinig patuloy pa rin sila sa pag tatalo.

Bungtong hininga ko na lang at naka tingin sa malayo habang nag hihintay ng masasakyan sa may kanto. Oo gusto ko mag karoon ng Boyfriend gusto ko maranasan kung ano ang pakiramdam nang may ka relasyon ka, pero hindi ko naman gusto yung nireto o pinilit lang sayo. Gusto ko sa isang tao lang ako mag mamahal sya lang at wala ng iba first and last kung baga.

Pero makakahanap kaya ako non?

Authors Note:

Hi mga kababayan sana magustuhan nyo ang first story ko. Open po ako sa comment and suggestion para ma improve ko pa ang story.

Enjoy reading!!! Dont forget to like and share. Thank you... Kang hangsamnida.... Arigatu guzai masu...