webnovel

Prologue

Nag kulay berde na ang ilaw ng trapiko pero ayaw pa ring gumalaw ng mga paa ko hanggang sa nabuhay na ulit ang pulang ilaw nito.

May babaeng tumabi sa 'kin, nakayuko.

Nagkatitigan kami at nabighani ako sa kulay lilang mga mata nya.

Patuloy pa rin sa pag andar ang mga sasakyan ng iangat nya ang kanyang paa at tatawid na sana.

"Sandali.." Pagpigil ko sa kanya at nakita ang mga luha sa kanyang mga mata.

May lumipad sa harapan kung asul na ibon na tumataghoy ng kalungkutan.

Tinitigan ko ang binibini, nginitian nya ako habang may mga luhang umaagos pa rin mula sa kanyang mga mata at sya ay..

"Uy Vain, pare! Gising na uwian na. Hahaha!" Tapik sa 'kin ng kaklase kong si Jim.

Haaaaay.. Panaginip na naman pala.