webnovel

Canto VIII

Kala mo yun! Pinaniwalaan ako ni Lolo at suportdo n'ya pa ako. Gusto pa nga n'yang makatulong eh.

Ang cool talaga ng Lolo ko. Medyo clingy nga lang s'ya sa part na dito s'ya sa kwrto at sa tabi ko matutulog para daw just in case na bangungutin na ako ay gigisingin raw n'ya ako.

*Yawns

"Maligayang pagbabalik, Ginoo." Bati sa akin ni Lila at ng mga tao rito o kung ano man tawag sa mga nilalang na ito na mukhang mga tao pero mukhang mas mababait at magaganda't pogi pa kesa sa mga tao.

"Handa ka na ba?" Kris Aquino ikaw ba yan? 'Pilipinas, Game ka na ba' ito?

Dinala ulit ako ni Lila kay Vita at doon n'ya ipinaliwanag ang gagawin namin at ang mangyayari sa akin.

So, kailangan daw naming bumaba at umakyat or umakyat at bumaba, either way, sa Nel Mezzo na tinatawag nila kung saan namin makikita ang Anima na makakatulong sa pagbabalik sigla ng Sognare. At ang Anima na ito ay dating kaisa ni Vita, ngunit sa patuloy na kasakiman ng mga tao sa mundo natin, patuloy naman itong naglalaho, at napunta na nga sa Nel Mezzo. Kailangan naming mailigtas ang Anima sa lalong madaling panahon bago ito mahulog sa Abisso.

At ako, ay babalik sa mundo na 'tin pag naibalik ko rin ang Anima sa Sognare at kung hindi ay habang buhay na akong matutulog sa mundo natin at gising at buhay sa mundong ito o sa Nel Mezzo.

Shitbrix! Hindi pwede, pinangakuan ko pa ng maraming apo si Lolo. Hahahaha!

"Anong twit tinatawa tawa mo twit d'yan?"

"Secret." At nainis na nga si Reale sa akin. Hahaha. Chismosong ibon, tse! At mas lalo pa akong tumawa ng malakas para maasar lalo si blue bird. Si Lila naman ay kinakausap si Vita, ng may biglang pumalakpak at natigil ang aming munting kumusyon.

"Guida!" Masayang bati ni Lila sa kanya at yumakap ito, yak. Inikutan naman sila ni Reale. FC!

Lumapit silang lahat sa akin at medyo pamilyar ang lalaking papalapit sa amin.

"Vain?/Jim?"

A.N.: Translations kyeme na naman us. Hehe.

•Nel Mizzo = in-between

•Abisso = Abyss

•Guida = Guide. And is pronounced as Goi-dah/Goy-dah