webnovel

Canto V

"Wow Vain! Anong himala ang meron at nandito ka sa library?" Tanong ni Jim na tumabi sa 'kin.

"Uu nga, Vin. Estadi hardist ka na ngayun--"

Hindi ko alam kong maiinis ako pero natawa nalang ako sa pagtawag sa 'kin ni Hope eh. Letseng waray upay yan. Haha.

Kababata ko si Jim at magka-klase kami mula nursery hanggang ngayon. Bff kami. Soul brothers ba. Lol.

Magbabasa na sana akong muli ng mag umpisa namang mag turo si Jim kay Hope. Tinuturuan kasi ni Jim si Hope ng tamang diction at pronunciation.

"Yu nu it ol yor my bisprin--" Pag uulit ni Hope sa sinabi ni Jim at tinawanan lamang ito ng gago. Gago talaga imbes na turuan, pinagtatawanan pa.

Imbes na ipagpatuloy ang research ko, nakitawa nalang ako sa kay Jim hanggang sa pinalabas na kami ng Librarian dahil lumalakas ng ingay namin. Hahaha!

"Bye Vin, bye Jem!" Paalam ni Hope pagkalabas namin ng Lib.

"Hindi mo talaga alam kung anong titigas at lalambot sa salita ng Hopyang yun eh." Sabi ko at tinawan lang ako ni Jim. 'Di ko lang sure kong nakikita pa ba ako nito o hindi na. Nawawalan ng mata pag tumatawa eh.

"Dyan ka na nga! Nababaliw ka na naman!" Sabi ko sa kanya at iniwan syang tumatawa. Gagu.

"Oh iho, nakabusangot ka? Gutom ka na?" Salubong sa 'kin ni Lolo. Inilingan ko lang sya't nagmano ako bago umakyat papunta sa aking kwarto sana ngunit bago ako makapasok sa silid ko ay tumunog ang sikmura ko.

"Lolo, gutom pala ako."

"Ikaw talagang bata ka. Tara na't makapag hapunan ng maaga."