webnovel

Canto II

Pagkauwi ko ng bahay ay sumalampak agad ako sa aming sofa or couch sabi pa ng mayayabang— este mayayaman kong kaklase.

Hindi ko na hinanap si Lolo dahil sa mga oras na ito ay nandun sya sa kanyang hardin at nagdidilig ng kanyang mga tanim na gulay.

Hapon ang kanyang pagdilig dahil para daw presko ang pagtulog ng mga ito. Like seriously? Plants do sleep?

"Aw~" Naramdaman ko ang sakit ng aking balakang pagkalapat nito sa malambot naming sofa— este couch.

Hay Vain.. Bakit ba naman kasi naging antukin ka?

Buti na lang kanina, hindi na ako nakatulog sa iba kong klase kung hindi lagot na naman ako.

"Ahhhm.." Humikab ako, kinurap kurap ko ang aking mga mata hanggang sa nagising na naman sa pamilyar na lugar na ito.

"Kamusta?" Tanong sa 'kin ng asul na ibon. I was stunned.

"N-nakakapag s-salita ka?" Naguguluhan kong tanong. At um-oo naman sya.

"Halika, sumunod ka. Hinihintay ka nya." Ani ng asul na ibon at sinundan ko ito.

Hinihintay ako?

Nino?

Nasa Japan ba ako? Ang daming Cherry Blossoms ah at may mga bonsai pa, ang bangoooooo.

"Oh! Tulips!"

"Uy, Lilies!"

"Wow! Iris!"

"Si--singkamas at talong? Sigarilyas at mani?"

"Twit twit, haha, nasa Sognare ka. Twit twit." Huni ng ibong nagsasalita. "Nakakatuwa ka talaga."

"I know, thanks." I thanked the blue bird sarcastically. "Sino ba kasi ang naghihintay sa 'kin?"

"Ako." Oh! Si Binibini pala. "Ako ang naghihintay sa 'yo Vain."

"At.. Bakit?"

"Kailangan ko, namin ng Sognare ang tulong mo." Sagot niya.

"Niyo?"

"Oo, kailangan ko, namin ng lugar na 'to ang tulong mo."

"Ha? Teka? Pa'no? Sino ka at nasaan ako? Panaginip ba ito?"

"Una sa lahat, oo, panaginip ito. Pangalawa nasa Sognare ka."

"Wait what?" Naguguluhan kong tanong. "It is what they called Lucid Dreaming, Astral Projection or this is just really a beautiful-mind-fucking-nightmare?"

"Siguro, ang huli mong nabanggit." Sagot nya at tumawa ng bahagya. At nakitawa na lang din ako.

"I must be nuts. Vain Amores, hingang malalim. Gigising ka rin--"

"Teka teka! Parang awa mo na. Makinig ka. Pakiusap." Pagmamakaawa nya.

Hinawakan nya ang kamay ko at pina upo ako sa malaking ugat ng isang napakalaking puno sa harding ito.

"Makinig ka..."