webnovel

CHAPTER 72

" EL SACERDOTE DE LAS TINIEBLAS "

( THE PRIEST OF DARKNESS )

.

PREVIOUSLY...

Umuwi na si Jessel kasama si Susmihta.

" Ako na ang bahala kay Jessel.. may lagusan kaming mga Aydendrilian sa kanilang Bayan at mas ligtas ito kesa sa mag antay pa sya nang sasakyan. " Sabi ni Susmihta kina Theo at Tyler.

" Kung ganun maraming Salamat Susmihta... Salamat din saiyong pagtulong.." Pasasalamat ni Theo.

" Nako? Dadaan nanaman ba ako sa Puno? Ayuko nun may iba pa bang Lagusan o mag magic ka nang Kotse. " Sabi ni Jessel.

" Tayo na!!! " Sabi ni Susmihta at agad silang naglaho sa Loob nang bahay.

RIGHT NOW....

" Nandito nako... Totoo ngang malawak na ang papanakop ni Sitan.. " Sabi ni Jessel habang iginigala nya ang kanyang mga mata sa Paligid. At Wala syang anumang Makita kundi isang maitim na hamog sa Paligid. Nalalantang Halaman sa Lupa, mga patay na puno na pinapatungan ng mga uwak.

" Kelangan kung mag tungo sa Simbahan na sinasabi ni Aling Ising. Namimiss ko na din si Nonoy. " Sabi ni Jessel at nagsimula na syang maglakad nang Biglang may isang batang babae na sobrang dungis ang anyo. May hawak itong tuta.

" TULONG! TULONG! " Sigaw nang batang Babae habang akay akay nya ang isang tuta.

Agad naman nya itong tinulungan..

" Dyan ka sa Likud ko bata.. ako na ang bahala sa mga Pisteng ito." Sabi ni Jessel at agad nyang kinuha ang isang buto at Itinapon nya ito sa mga Kawal ni sitan.

* BBBBOOOOMMMMM!!!!!

Isang napakalakas na pagsabog ang gawa ng isang pirasong Buto. At liwanag ng husto ang paligid at nang matamaan ang mga Kawal ng Kadiliman ay Agad silang Nalusaw.

" Ayus ka lang ba bata ?" Tanong ni Jessel.

" Opo, ayus lang po pero Yung tuta ko... May sugat sya. " Sabi ng bata ipinakita nya ang sugat sa Tyan ng tuta na kanina pa nyang pinipigilan ang pag agos ng dugo.

" Anong nangyayari? Bakit ka Wala sa simbahan... ?" Tanong ni Jessel habang kumukuha sya nang benda sa loob ng kanyang Bag. At ipinalibot nya ito sa katawan nang aso.

" Ate ibalik nyo ako sa mama ko.. ayaw ko na dito. "Sabi ng bata habang tumutulo ang Luha.

" Halika magtutungo ako nang Simbahan sa may burol.. halika dito na muna tayo. At gagamutin ko muna ang mga Sugat mo." Sabi ni Jessel at inilabas nya ang ibat-ibang Uri ng halamang Gamot.

" Ate parang nakita kita sa Picture.. Yung batang kasama ni Aling Ising. " Sabi ng bata sakanya.

" Kilala mo si Nonoy?" Tanong ni Jessel.

" Oo si Boknoy..magkasama nga sana kaming tumakas upang sundan si Aling Ising ngunit nahuli si Nonoy nang mga pari. " Salaysay ng batang babae.

" Teka ano pala ang pangalan mo ining? " Tanong ni Jessel.

" Ako nga po pala si Chacha. Ate wag na tayong magbalik doon sa Simbahan.. mga bad ang mga nandoon!" Sabi ni Chacha.

" Chacha pano magiging bad? Eh house yun ni Lord. Di ka masasaktan ng mga sugo ni Sitan. " Sabi ni Jessel habang patuloy parin nyang pinapagaling si Chacha.

" Basta po.. bad ang nasa loob ng simbahan.nararamdaman din yan ni Toto. " Sabi ni Chacha sabay himas sa Aso nyang Kulay puti.

" Toto ba ang ngalan ng aso mo? Ang cute naman parang aso ni Dorothy sa Wizard of Oz. " Sabi ni Jessel.

" Idol ko po si Dorothy.... Pareho pa nga kami nang Damit oh! At may picture pa nya." Sabi ng bata. Ngumiti naman si Jessel.

" Totoo ngang ang mga bata ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan sa mga taong nalulumbay. " Sabi ni Jessel sa kanyang Isipan.

" Nako Chacha Tayo na.. magbalik na tayo sa Simbahan. Wag kang mag aalala. Nandito naman ako. Di ko kayo papabayaan ni toto..promise.." Sabi ni Jessel sabay Kindat sa bata. At Tumango lang naman ang bata.

Habang patungo sina Jessel at Chacha sa Burol. May kakaiba naman ang nangyari sa Loob ng simbahan.

" Father Santiago Anong ginagawa mo sa mga Tao.. ? " Naiiyak na Sabi ni Aling Ising. Habang nakakulong sa Basement ng Simbahan.

" Binibigyan ko lang sila ng Choice..." Sagot ng pari.

" Choice ? Labag sa Batas ng Diyos ang ginagawa mo. Gawain nang demonyo ang mga itinuro mo sa kanila.." Sabi ni Aling Ising.

" Manahimik ka. Walang magagawa ang Diyos nyo. Isa pa ang mga sumunod kay sitan ay bibigyan ng walang hanggang buhay at Kapangyarihan. " Sabi ni Father Santiago habang may tinitimpla na kung ano sa gintong baso. At sa Lamesang maliit naman ay may Bungo ng Tao at isang Kulay itim na tela.

" Hayaan mo ising pag naging katulad ka nila... Magagawa mo na ang mga bagay na Di mo kayang gawin." Sambit ni Father Santiago at sinugatan nya ang kanyang Sarili Gamit maliit na kutsilyo. Napakadilim nang paligid at tanging Liwanag lamang ng Apat na itim na kandila ang nagbibigay liwanag sa paligid.

" Bakit mo ginagawa ito ? " Umiiyak na Sabi ni Aling Ising. At biglang nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Aling Ising.

" a-aanong nangyayari? Ba-bbakit Di ako makahinga?" Naghihingalong Sabi ni Aling Ising. Samantala habang nakikita ni Rowell ang kasamaang ginagawa ni Father Santiago mas nakakaramdam ng pagkagalit si Rowell sa Padreng nagbigay sakanya ng isang Kakahayan na Galing sa Kadiliman.

" Sacerdote De La Oscuridad! " Sabi ni Rowell at Umalis ito nang makita nyang nahihirapan ang kanyang GURO.

Dating GURO na Kasi si Aling Ising.. At si Rowell naman ay naging estudyante ni Ising noong High School. At ang Sacerdote De la Oscuridad galing sa Salitang spanyol na ang ibig Sabihin ay Priest of Darkness.

Samantala si Jessel at Chacha naman ay Nakarating na sa Simbahan.

" Ate ayuko dyan umalis na tayo..." Sabi ni Chacha habang nakahawak sya sa Kamay ni Jessel at akay-akay naman nya ang kanyang sugatang tuta na tumatahol nang pagdating nila sa Harap ng simbahan.

" Di pwde Chacha kelangan kung kunin si Nonoy at ang Tita mong si Ising. " Sabi ni Jessel nang akma nyang buksan ang Pintuan nang Simbahan ay Agad naman syang Sinalubong ng kanyang dating Kaibigan.

" Anong ginagawa nyo dito? Diba pinatakas na kita Chacha.. bat ka bumalik." Sabi ng isang madungis na babae.

" Karen Ikaw na ba yan? Anong nangyari sayo bakit. Alam kung may mga maligno ang Lumusob pero bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Jessel.

" Mahabang kwento Di kayo dapat nag tungo dito...umalis na kayo habang kaya ko pang tabunan ang Iyong mga Awra. " Sabi ng Kaibigan ni Jessel na si Karen.

" Kelangan kung kunin si Nonoy pati na rin si Aling Ising. Nasa loob ba Sila? " Sabi ni Jessel sabay silip sa Saradong bintana at may maliit na siwang sa Bintana at makikita mo ang nasa Loob. Nagimbal sya sa sakanyang nakita.

" Baliktad ang Crus ni Kristo!

Bakit may ulo nang isang Hayop sa Harap ng Altar. Ang tutulis ng Sungay.." Sabi ni Jessel.

At biglang tumahol ang si toto. At agad namang lumingon ang mga tao na nasa Loob at tila kakaiba ang kanilang mga kinikilos.

" Mag madali kayo... Magtago kayo dito." Sabi ni Karen sabay Bukas ng isang Pintuan sa mga halamanan.

" Ikaw ? Papano ka?" Alalang Sabi ni Jessel.

" Ayus lang ako.. iligtas mo ang bata mag uusap tayo kung Wala na sila.." Sabi ni Karen.

Abangan ang Karugtung mga mahal.. don't forget to vote and Leave you comments below.