" Ang Pagdukot at kalamidad PART 2"
PREVIOUSLY...
Dahil sa kakayahan nina Susmihta at Katalina, nalaman nila ang boung pangyayari bago dukutin sina Theo at Tyler. At ngayon napagdesisyunan nila na si Jenna ulit ang kanilang pinuno habang wala ang magkapatid. Samantala si Mia naman ay agad sinundan ang Usok na gawa ni Magwayen upang makabalik sya sakanyang katawang lupa. habang nauubos na ang kanyang oras...
RIGHT NOW....
Sa Syudad ng mga Mortal kung saan mas pinapalakas pa nina Diosca at Faith ang bagyo. Lahat ng anunsyo sa TV, Newspaper, o sa radyo ay tungkol ito sa malakas na bagyo.
" Tingnan mo ang mga puno, nabubuwal na sila sa lupa dahil sa lakas ng Hangin.." sabi ni Diosca.
" Oo nga, baka maymatay sa ginagawa natin..." Sabi ni Faith.
" Ano kaba faith ito ang utos ni sitan saatin, isa pa! makakaganti na rin ako sa mga lapastangang tao.. Tingnan mo sa bandang yun, Andaming Plastic na basura.. Di sila marunong malinis ng paligid.. " Sabi ni Diosca.
at Yumuko na lamang si Faith dahil di naman nya ito kayang manakit ng kapwa.
" Tingnan mo din ang baha na dulot ng iyong Ulan faith, diba halos apat na palapag na bahay ay abot ng tubig baha.. sana Malunod na sila..." Sambit ni Diosca sabay tawa ng malakas kasabay ng Malakas na kulog at kidlat.
Kitang kita sa dalawang mata ni Faith ang hagupit ng mapaminsalang Bagyo na kanilang ginawa, lahat poste ng kuryente, at puno ay natumba.. habang ang tubig baha naman ay parang isang ilog na rumaragasa sa mga kalsada kahit ano mang madaanan nito ay tiyak na malulunod. Kahit ang bahay na may limang palapag ay naabot ng tubig baha. At kitang kita ito sa Ikatlong mata ni Katalina.
" Kalunos-lunos ang nangyari sa mundo ng mga tao.. isang napakapaminsalang bagyo ang dumating doon.. at napakadaming na sirang ari-arian ang nasira, may nawalan ng mahal sa buhay dahil sa baha. " Salaysay ni Katalina sakanila.
" Tama na ate kat, baka maubos ang iyong lakas.." sabi ni raven.
" May naisip kana bang paraan Jenna?" tanong ni olivia.
" Meron na kaso, kung papayag kayo sa aking mungkahi..?" sagot ni Olivia. at dumating si Alpia galing sa silid kung saan inilabi ang bangkay ni Mia. at agad naman syang nilapitan ni Raven.
" Ano guro? nagising naba si Mia?" tanong ni Raven kay Alpia.
" Wala pa.. habang tumatagal mas lalong nang nauubusan ng buhangin ang Hourglass." Sabi ni Alpia.
" Tatagan mo lang ang iyong pananampalataya sa inyung bathala.. Alam kung magtatagumpay si Mia sakanyang pagsubok." Sabi ni Alpia at niyakap nya ito.
" Jenna, handa na akong tumulong sa misyon..." Sabi ni Alpia.
" Alpia nais kung ikaw ang magbantay sa pag gising ni Mia.. yun ang misyon mo.." sabi ni Jenna.
" Ngunit Jenna...." Sambit ni Alpia.
" Ayus lang alpia, kelangan ka namin para kai Mia.. kung sa sandaling magising na sya, agad kayong magtungo sa mundo ng mga tao upang tulungan sina...." Sabi ni Jenna sabay turo kina, Jessel, at Raven.
" Habang ako naman at sina, Jake, katalina ay magtutungo kami sa kuta ni sitan.." sabi ni Jenna.
" teka jenna? bakit dalawa lamang ang pupunta sa Mundo ng mga Tao ? " tanong ni Olivia.
" Nandoon ngayon si Ian sa mundo ng mga tao.. at nakausap ko na din sya kanina lang.. inaantay na nila kayo.." sabi ni Jenna. at biglang tumayo si Susmihta.
" Mawalang galang na Jenna. nais kung tumulong sainyong misyon.. at sana payagan nyo ako mahal na reyna.. " Sabi ni Susmihta.
" oo naman Susmihta, oras na din para bumalik sa aksyon.. " sagot ni Olivia.
" maraming salamat mahal na reyna, nais kung sumama kina Jessel at raven sa mundo ng mga tao.. " Sambit ni Susmihta.
" kung gayun, patas na ang ating bilang. maghanda na kayo.." Sabi ni Jenna.
" Sandali lang, may ibibigay ako sainyo.. " Sabi ni Susmihta sabay abot ng kulay berdeng dahon na galing sa kanyang bulsa.
" ano ito?" tanong ni Jake.
" Ito ang susi ng mga lagusan.. ibulong mu lang sa dahon na ito ang gusto mong puntahan agad kang dadalhin nito. gamitin nyo sana, ito pag nasa alanganin kayo." Sabi ni Susmita. At naghanda na ang dalawang grupo sa kanilang gagawin.
Samantala sa Kuta ni Sitan kung saan dinala sina theo at tyler.
" Magaling!! mas napapakinabangan pa kayo, kesa sa mga dating tagalipon ng mga oroskopyo.. napaka hina nilang lahat.." Sabi ni Sitan.
" Reyna alice saan naba ang mga tagalipon ng mga oroskopyo na sinasabi nyo saamin?" Tanong ni Bea. At biglang sumagot si Miguel...
" tsinuge na nya..." Sabi ni Miguel
" Ngayon panginoon, anong gagawin natin sa dalawang to?" tanong ni Nica.
"Ilapit nyo nga saakin ang magkapatid na yan.. " Sabi ni Sitan. agad namang inakay nina Bea at nica ang magkapatid palapit kay sitan.
Tinitigan ni Sitan ang Mukha ng magkapatid at inisa-isa nya itong sinampal. di gumanti ang dalawa dahil tulog pa din silang dalawa.
" ipasok nyo ang mga yan sa Kulungan... " Utos ni Sitan at agad namang kinuha ng mga kampon nya sina Tyler at theo at tinalian ang kamay pati paa, at tinakpan ng duct tape ang kanilang mga bibig.
" ngayon panginoon anong nais nyong gawin namin sa dalawa.." Sabi ni Bea.
" Ako na ang bahala sa magkapatid na salot na yan. matagal na silang
sakit sa aking ulo.. At masaya ako dahil napagaling nyo. tyak na mababaliw ang mga kasama nila.. " sabi ni Sitan sabay tawa ng malakas.
Balik naman tayo sa Aydendril, nakahanda na sila sa gagawin nila. at nagbukas ng dalawang lagusan si Olivia upang mas mapadali ang paglalakbay nina Jenna, Jake at Katalina papuntag kuta ni Sitan.
Naalala ni Jenna ang sinabing Lugar na kinalalagyan ng kuta ni sitan.
FLASHBACK <<<<
" ang kuta ni sitan ay makikita sa pagitan ng dalawang mundo.." Sabi ni Jessel.
" Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni jenna.
" Ang pintuan ng impyerno.. nasa pagitan ito ng mundo ng mga mortal at Dalakit. " Sagot ni Jessel, Di maintindihan ni Jenna ang kanyang nararamdamang kaba. Ilang sandali pa ay narating na ng grupo ni Raven ang mundo ng mga tao.. at sina Jenna naman ay nakarating na din sa kuta ni sitan.
Ang grupo ni Raven, ay nasaksihan nila ang hagupit ng isang mapaminsalang bagyo.
" Ngayon ko lang naranasan ang ganitong kalakas na bagyo.." sabi ni Jessel.
" Me too, sobrang lakas ng hangin at mararamdaman mo talaga sa haplos ng hangin na galit na galit ito." Dagdag na sabi ni raven.
" may nararamdaman kaba Susmihta,?" Tanong ni Jessel.
"Oo. hindi ito gawa ng kalikasan.. gawa ito ng isang nilalang, ngunit di ko makita sa aking pangetain ang kanilang mukha." Sabi ni Susmihta.
"teka na saan na ba si Kuya Ian??" sabi ni raven.
" Di ko masyadong makita ang paligid dahil sa lakas ng ulan.." Sabi ni Jessel.
Habang sa Kuta ni Sitan kung saan nakakapangilabot ang mga tanawin. agad nakaramdam ng malakas na masamang enerhiya sina Jake, Jenna at katalina.
" Nandito na ba tayo?"sabi ni Katalina.
" Oo, katalina maghanda kayo dahil mapapalaban tayo.." Sabi ni Jenna.
" Anong plano natin, Ate jenna?" tanong ni Raven.
" Sandali, anong oras na ba?" tanong ni Jenna.
" Bakit?" tanong ni Katalina.
" nako wag kanang magtanong..." Sabi ni Jenna.
" Alas kwatro na nang hapon ngayon sa mundo natin.." Sagot ni Katalina.
" Perfect, sabi ni Jessel mga Alas kwatro ng hapon si Nonoy, kapatid nya gagamit ng astral projection.. antayin natin dahil matutulungan tayo ni Nonoy. " Salaysay ni Jenna. at ilang sandali pa ay nakita nila ang kaluluwa ni Nonoy na papasok ito ng kuta ni sitan at agad naman nila itong tinawag habang sila ay nagtatago sa malaking puno ng balete.
" kayo pala ate jenna at ate Kat, anong ginagawa nyo dito? nasaan si ate kasama nyo ba?" tanong ng bata.
" nandito rin ako nonoy..." sabi ni Jake.
"Nakita naman kita kuya ake, kaso mas pomogi ka ata ngayon..ah." Sabi ng bata.
" nonoy may itatanong ako... dito ba dinala sina Theo at TYLER?" tanong ni Jenna.
" Sandali lang.. papasok ako sa loob..at babalik ako sainyo, para ibalita sainyo kung saan sila ikinulong.. maliit lang ang nasa labas ng kuta ni sitan makikita mong parang isang kubo lang yun.. pero nang pagpasok mo sa kubo na yun. isang napakalaking palasyo ito. " sabi ni Nonoy at agad naman itong nag laho.
TO BE CONTINUE...