webnovel

CHAPTER 50

" ANG PAGDUKOT AT KALAMIDAD PART 1 " 

Previously...

Dinukot nina Bea at Nica sina Theo at Tyler sa Kastilyo ng Aydendril... Habang sina Faith naman at Diosca sa Syudad ng mga mortal.. Mas pinalakas pa nila ang bagyo na kanilang ginawa.. Habang Inaantay nila ang pagbabalik ng Kalag ni Mia galing sa sulad.

Right now...

Sa Sulad kung saan pansamantalang namamalagi ang Kaluluwa ni Mia.

" Di ako makapaniwala na ganito pala kaganda ang Sulad.. mukha lang nakakatakot sa labas ng Gate ngunit pagpasok mo.. animo'y parang isang Paraiso na ito sa ganda..." Sabi ni Mia habang palingon lingon ito sa Paligid. At biglang may lumapit sakanya.

" Maligayang pagdating sa Sulad... Ako nga pala si Ona.. katulad mo, isa na rin akong kalag.. Teka ano ba ang ikinamatay mo?" sabi ng babaeng kaluluwa.

" Nako mahabang kwento Ona, sya nga pala ako si Mia.. bakit ikaw lang ang nakikita kung kalag dito? " sabi ni Mia.

" Nako, marami naman tayo.. kaso may mga level ang bawat kaluluwa..

at nabibilang ka sa PRIMUS GRADUS ANIMAE na ang ibig sabihin.. FIRST STAGE SOULS. kung saan kamamatay lamang ng iyong katawang lupa, o di kapa inabutan ng Limang Buwan. at ang SECUNDUS GRADUS ANIMAE o SECOND STAGE SOULS... yun naman ang lumagpas ng Limang buwan ngunit di parin nabibigyan ng Final Judgement. at kasalukuyang nandoon sila sa Tutok ng bundok na yan. " Explanasyon ng babaeng kaluluwa na kasama ni Mia.

"Di ko naitatanong sayo Ona, Ilang buwan kana ba o araw?" Tanong ni Mia.

" Nako. mag lilimang buwan nako bukas.. " Sagot ni Ona.

" Ganun ba, ngunit saan mo naman nakuha ang mga ganung impormasyon Ona? " tanong ni Mia.

" Sa diwatang si Magwayen.. siya ang nagbabantay sa sulad.." Sagot ni Ona. Nang biglang may naamoy si Mia na sobrang napaka bango.

" Napaka bango naman ng mga Bulaklak dito Ona..." Sabi ni Mia.

" Mia.. anong pinagsasabi mo? hindi na tayo nakakaramdam ng gutom o nakaka-amoy.. Isa na tayong Kalag. " Sabi ni Ona.

" Ngunit may naamoy talaga ako.." sabi ni Mia at biglang Sumulpot sakanilang kinalalagyan si Magwayen.

" Dahil ay tinatawag ka nila... " Sabi ni Magwayen.

" Kayo po pala mahal na diwata..." sabi ni Ona.

" Anong ibig mong sabihin Diwatang magwayen? Sino ang tumatawag saakin? " Tanong ni Mia.

" Ang mga kasamahan mo..Tinatawag ka ng Bulaklak ng Narciso, upang pabalikin sa iyong katawang lupa.." Sagot ni Magwayen.

" Talaga..." sabi ni Mia. at naluluha pa ito.

" Teka mahal na diwata bakit nagkakaroon ng emosyon si Mia..kung kalag na sya. " Tanong ni Ona.

" Dahil epekto din yan ng Bulaklak ng Narciso.. " Sagot ni Magwayen.

"Diwatang magwayen, ano ang gagawin ko upang maka balik ako ?" tanong ni Mia.

" Sundan mo ang halimuyak ng bulaklak... ngunit may babala ako sayo Mia. Kung magbabalik ka ng iyong katawang lupa. mawawala ang iyong alala tungkol sa Sulad. " Sabi ni Magwayen. at biglang yumuko si Mia.

" At nararamdaman kung nasa panganib ang iyong mga kaibigan.. " sambit ni Magwayen.

" Kelangan kung magbalik agad Diwatang magwayen, maari mo ba akong tulungan? " Pakiusap ni Mia.

"Oo naman.. at may paalala pa ako saiyo, Di ko pa matitiyak kung ang iyong kapangyarihan ay mananatili pa ba o may kapangyarihan kapa ba sa pag gising mo.. " sabi ni Magwayen.

" Bahala na.. Diwatang magwayen.. susugal ako! " sabi ni Mia.

" Kung gayon, sundan mo ang Usok na ito.. at ang halimuyak ng narciso.. Makapal ang usok na yan, ibig sabihin malakas pa ang halimuyak ng bulaklak.. At pag nakita mung manipis na ang usok na ito. ibig sabihin malapit nang mawalan ng bisa ang Halimuyak ng Bulaklak. mag madali ka..! " Sabi ni Magwayen at agad namang Kumilos si Mia.

Samantala sa Aydendril.. Galit na Galit si Olivia dahil sa pagkakadukot nina Tyler at theo. Nagpatawag agad sya ng isang pagpupulong kasama sina, Katalina, Jenna, Jessel, Raven at Jake. habang si Alpia naman ay nag aantay na magising si Mia.

" Wala bang may alam, kung bakit nakapasok sila dito?" sigaw ni Olivia, at lumapit si Ernesto sa Reyna.

" Mahal na reyna ako po si Ernesto anak ng punong dama ninyo, Nawawala din po sina ---- " naputol ang sinasabi ni Ernesto ng dumating ang dalawang babae na pinatulog nina Bea at Nica.

" Mahal na reyna ako po si Adora, at sya naman ang kapatid ko na si Jen.. dikunot po kami ng Dalawang babae na kakaiba ang kanilang kasuotan, katulad ng mga bisita natin sa mundo ng tao. " Salaysay ni Adora.

" ngunit mahal na reyna, ang pinagtataka namin ay ay kapangyarihan sila..Pagkatapos nila kaming dukutin at itinago sa isang basurahan. sa huli kung pagkaalala bago ako nawalan ng ulirat, Ginaya nila ang wangis ni Adora." Sabi ni Jen.

" Ibig sabihin mga huwad ang mga yun na pumasok sa Kastilyo, nakita ko kasi sila o kayo, o kung sino man yun sa isang eskinita.. " sabi ni Ernesto.

" marahil nakapasok sila gamit ang iyong mga mukha. " sabi ni Olivia.

" Heneral Jenleff, ano ang iyong balita..tungkol sa kawal na napilayan.." Tanong ni Olivia.

" Mahal na reyna sabi ng kawal, nagpakilala ang mga ARBITER, na sila daw ang mga Gabay diwata.pagkatapos noon ay naglaho sila. " Salaysay ni Heneral Jenleff. At tumayo naman si Katalina..

AUTHOR'S WORD OF WISDOM :

ARBITER latin, mean INTRUDER in english.

" Mahal na reyna maari kung makita ang mga nangyari sa silid naito." sabi ni Katalina. at habang ginagamit ni Katalina ang kanyang kapangyarihan, nag buluntaryo naman si Susmihta na tumulong.

" ako mahal na reyna silipin ko ang nangyari sa nakaraan nina Ernesto, Adora at Jen." Sabi ni Susmihta.

" Mabuti pa Susmihta.. " Sagot ni Olivia. Habang sinisilip ni Katalina sa kanyang ikatlong mata ang mga nangyari sa silid. Nakita ni Katalina ang mga nangyari mula sa pagiging abo ng isang kawal ng mahawakan ito ni Bea, hanggang sa pagkawala ng malay nina Theo at Tyler.

Flashback >>>>>>

" Kayo po ba sina Theo at Tyler.? " tanong ni Bea.

" Kami nga bakit binibini may problema ba?" tanong ni Theo.

" May lalaki pong naghahanap sainyo doon.." Sabi ni Nica.

" Kuya baka si Ian yun..." sabi ni tyler.

" hindi nagpupunta ng aklatan si Ian.. ang daan na itinuro mo binibini ay ang patungong Aklatan." Sabi ni Theo.

" Ang hirap nyo namang LOKOHIN.." sabi ni Bea.

" Sino kayo??" sabi ni Theo. sabay tago nya kanyang kapatid na si Tyler sa kanyang likuran.

" Kami ang mga gabay diwata na binuhay ni reyna Alice. o maskilala sa ngalang Sitan.

" Anong kelangan nyo saamin..." Tanong ni tyler.

" Di ko alam...." Sagot ni Bea at agad nyang ginamit ang kanyang kapangyarihan at pina ilaw nya ang kanyang mga mata. Agad nakaramdam ng pagka antok sina Theo at Tyler. naunang nawalan ng malay si Tyler. habang sumunod nman si Theo. agad naman silang tinulungan ng mga kawal ngunit gumamit ng kapangyarihan si Nica. Ginawa nyang abo ang boung katawan ng isang kawal na sumalakay sa kanya.

" Ngayon nais kung sabihin nyo sainyong reyna ang mga nangyari.. halikana Bea." Sabi ni Nica. agad inakay nina Bea at nica sina Theo at Tyler inusal ulit ang kakaibang salita kanina..

" Ianuae Magicae " At agad silang naglaho sa Bulwagan.

Back to Present <<<<<<<

Habang si Susmihta naman ay nakita nya ang pag-gaya nina Bea at Nica sa wangis nina Adora at Jen.

Flashback >>>>

" Kilala mo ba ang mga Bisita ng mahal Reyna, Adora?" tanong ng isang katulong.

" Oo, Sila ang bantog na magkapatid na adonis, o mas tinatawag na tagalipon.. at balita ko yung apat na bagong kasama nila ay ang mga taga dalakit. " Sagot ng isang katulong na may kulay pulang laso sa Buhok.

" Talaga Jen, ganun ba? sandali mag dadapit hapon na.. maka hinahanap na tayo ng punong dama.. " Sabi ni Adora. habang nagmamadali silang bumalik ng palasyo sa daan, bigla silang Hinarangan nina Nica at Bea.

" Sandali saan kayo pupunta?" sabi ni bea..habang nakataas ang kilay nito.

" Sino kayo? " sabi ng katulong na si Jen.

" Dalhin mo kami sa Sinasabing Magkapatid na adonis.." Sabi ni Nica.

" Bakit sino ba kayo? " Tanong ulit ng katulong na si Jen.

" Andami mong tanong.. Matulog kana! " Sabi ni Bea, at agad nyang pina-ilaw ang kanyang mga mata, at nang tinitigan ito ng dalawa ay nawalan sila ng malay.

" Magaling Bea.. Di ka parin kumukupas.. " Sabi ni Nica.

" Syempre... ako pa ba? So ano na ang gagawin natin sa mga yan.." Tanong ni Bea,

" Ako na ang bahala... " sagot ni Nica.

" Bilisan mo.. dahil may mga aydendrilian na dadaan sa pasilyong ito.." sabi ni Bea.

" Relax.." Sagot ni Nica at agad nyang hinawakan ang mukha ni Bea at sa isang iglap lang ay naging kamukha nya ang katulong na si Jen. At ganun din ang ginawa ni Nica sa sarili tinakpan nya ang kanyang mukha ng kanyang mga palad at sa isang kisapmata naging kawangis na niya ang katulong na si Adora.

" Ang galing pati na ang mga kasuotan nila ay nakuha mong gayahin.." Sabi ni Bea. Nang biglang may tumawag sakanila na isang Lalaki.

" Adora, at Jen nandito lang pala kayo... Bilisan nyo na hinahanap na tayo ng punong Dama.." sabi ng lalaki.

" Si-sino ka?" sabi ni nica..

" Ano kaba Adora ako to si Ernesto..

Hali na kayo.. nagbabaliw-baliwan nanaman kayo,, kanina pa tayo hinahanap ni ina.." sabi ni Ernesto.

Back to Present <<<

Ikinuwento nina Susmihta at Katalina ang kani-kanilang nakita sa kanilang mga pangitain...

" Kung gayon., may bago tayong kalaban..at Mukhang nakahanap si Sitan ng malalakas na kakampi. " Sabi ni Olivia.

" Anong gagawin natin Jenna, para makuha sina Theo at tyler.. " tanong ni Jake. At hindi umimik si Jenna.

" May plano kana bang naisip Jenna? " tanong ni Raven.

" Parang di ko kaya ang maging pinuno ng grupo.." sabi ni Jenna.

" Insan, ikaw ang naging pinuno namin sa labanan noon.. " sabi ni Katalina.

" Oo nga Jenna.. kelangan ka namin ngayon upang mabawi natin sina Theo, " sabi ni Olivia.

" Ako alam ko kung saan ang kuta nina sitan.." sabi ni Jessel. at ngumiti lang si Jenna.. 

Abangan ang karugtung ng Kwento... Thanks for keep reading, and enjoy..