webnovel

CHAPTER 23

" Ang Pananakop sa mga Mundo "

Ang Nakaraan....

Habang nasa Kalagitnaan ng pagsasanay ang mga tagalipon at itinakda, Binisita ni Ella ang mga Diwata na sina Magayon, at Dalikmata sa Bundok Yayaisa upang iulat ang ginawa ni Sitan. Samantala, Unti unti na nilang natatapos ang Pagsubok na ibinigay ng mga diwata...

Ito ang nangyari bago Lumipat si Sitan ng ibang Katawan.

" Miguel Handa naba sila ? " Tanong ni Sitan sa kanyang tapat na alalay.

" Oo handa na sila, Sa katunayan sumalakay na ang mga nilalang ng Kadiliman sa mga ibat ibang bahagi at sulok sa mundo. " Sagot ni Miguel.

" Magaling simula na ang ating Pananakop!" Sabi ni Sitan ng biglang nagising ang Diwa ng taong kanyang sinaniban.

" Sino ka ? Anong Lugar to? Saan ako ? " Sabi ni Sitan.

" Kamahalan, Anong pinagsasabi mo? Nandito ka sa ating kuta.. " sagot ni Miguel.

" Sitan ? Hindi yan ang aking pangalan.. arrrggggg!!" Sabi ni Sitan habang nakaramdam sya ng sobrang Sakit sa Ulo at ilang sandali pa ay nakontrol ulit ni sitan ang katawan ng kanyang Sinaniban.

" Miguel, tila na gagapi nako ng tunay na may ari ng katawang ito. " Sabi nya kay Miguel.

" Ibig Sabihin ang tunay na may ari ang kausap ko kanina.. Kamahalan, sakopin nyo ang katawang yan." Sabi ni Miguel.

" Hindi na, isa pa may basbas ni Gretchella ang batang to. Hindi lang yun, Humihina na ang katawang ito. " Sabi ni Sitan.

" Kelangan nyo pong maghanap ng bagong katawan. " Sabi ni Miguel.

" Naisip ko na din yan Miguel.. Dito ka lang bantayan mo ating kuta. " Sabi ni Sitan ang agad syang Naglaho.

Samantala sa Kan-laon, nababahala na si Bulan sa mga nangyari sa mundo ng mga tao.

" Kelangan nating Gumawa ng paraan mahal na pinuno. Hindi maaring kaming mga diwata ang gagapi sa mga nilalang ng dilim. Oo, misyon nating Protekayonan ang mga taga lupa. Ngunit, Hindi pwdeng malaman ng mga ordinaryong taga lupa na tayo ang mga diwata. " Salaysay ni Lakambini.

" Oo nga mahal na pinuno anong gagawin natin ? " Dagdag na Sabi ni Lalahon.

At biglang lumabas si Gassia sa pagpupulong..

" May Idea ako pinuno.. " Sabi ni Gassia.

" Magaling ano naman yun Gassia.. total nasa mundo ka ng tao naka bantay. " Sabi ni Bulan.

" Pano kung maghanap tayo ng Bagong Darna? " Sabi ni Gassia.

" Darna ? Sino ba yan ? Isa rin ba syang Diwatang taga lupa katulad mo?" Tanong ni Alunsina.

" Hindi, Maganda kalang Alunsina pero huli ka sa mga Balita. Si Darna ? Di nyo kilala ?" Sabi ni Gassia.

" Kilala ko sya Gassia.. " Sabi ni Bulan.

" Talaga mahal na pinuno? Totoo pala si Darna ? Akala ko isa lang syang Karakter sa TV ? " Gulat na Sabi ni Gassia.

" Totoo sya.. sa katunayan ang bato na kanyang nilulunok upang makapagpalit anyo ay nasa kamalig ng mga Sandata. " Sabi ni Bulan.

" Hindi ko maintinidihan pinuno ? Sino ang inyung tinutukoy diwata ba si Darna?" Tanong ni Alunsina.

" Si Darna o Narda pag nasa anyo sya ng ordinaryong tao. Isang babae na biniyayaan ng mabigat na katungkulan sa mundo ng mga tao. Hindi sya katulad nating mga diwata na sa anumang oras magagamit natin ang ating Kapangyarihan. Nagkakaroon lamang sya ng kapangyarihan pag nilulunok nya ang Puting Bato na may basbas ni Bathala.

( Take note : Di ko po binabago ang history ni Idol Darna. Gawagawa ko lang Po yung mga kyeme. I don't have any Intentions na baguhin ang History or Promoting na totoo ang mga nakasulat tungkol sa ating paboritong Pinay Superhero )

Ngunit ang huling babaeng gumamit ng Puting Bato ay sobrang napakatagal na.. marahil ilang Dekada na!" Salaysay ni Haliya.

" Hindi ako makapaniwala totoo pala si Darna.. " Sabi ni Gassia.

" Ibang Swestyon o mga ideya nyo mga kasamahan kung diwata kung Papano natin maprotektahan ang mga tao.." Tanong ni Bulan.

Balik Kay Sitan....

Nasa isang maliit na bayan si Sitan upang makahanap ng Bagong katawang masasaniban. Habang pansamantala syang humiwalay sa katawan ni Marco ( Ang katawang Sinaniban ).

" Magpahinga ka muna dyan.. at Pagnakahanap ako ng Bagong katawang sasaniban idedespatya na kita. " Sabi nya ang simula syang naghanap.

Ilang sandali pa ay may nakita syang Isang Babae na puro puot at Galit ang puso.

" Wag nyo akong pakialaman sa ginagawa ko. Hindi kayo nagpapakain sakin. Ano ngayon kung isa akong babaeng Bayaran. ? Humihingi ba ako ng mga Pera ninyo.. " Sigaw ng Babae sa mga Tao sa kanyang paligid habang tinitingnan sya.

" Perfect body. Mas lalakas ako pag nasakatawan ako ng babaeng yan. " Sabi ni Sitan. Di nagdadalawang isip si sitan at agad nyang Sinaniban ang katawan ng babae.

Ang babaeng yun ay si Alice, Ulila na si Alice. Namatay ang kanyang Tatay noong sampung taon palang sya. Ng nagdalaga si Alice, ay nakapag asawa ulit ang kanyang Ina ngunit. Sa kasamaang palad pag Wala ang kanyang Ina sa bahay ay Hinahalay sya ng kanyang ama-amahan. Ang sinimulan sya halayin noong desenuebe na sya hanggang sa ngayon. Isinumbong na niya ang kanyang ama-amahan sa kanyang Ina ngunit di naniwala ang kanyang Ina bagkus ang tingin sakanya ng kanyang Ina ay kakumpentensya sya pagdating kanyang ama-amahan. Kaya napadesisyonan ni Alice na umalis. Ngunit Binibisita pa din sya ng kanyang ama-amahan sa kanyang Bar na tinatrabahuan at kanyang bahay upang makipagtalik. Minsan na nyang tinggahin ito ngunit nag banta ang kanyang ama-amahan na papatayin ang kanyang ina.

" Ano bang problema mo Alice.. " Sabi ng kapitbahay ni Alice.

" May issue ba tayo Aling Linda ?" Sabi nya sabay balibag sa kamay ng kapitbahay.

" Demonyo ? Isa kang demonyo.. " sigaw ni Linda ng makita nyang kulay itim na ang mga mata ni Alice.

" Diba tinatawag moko araw araw ? Lalong lalo na pag natatalo ka sa Sugal. " Sabi ni Alice.

Agad naalala ni Sitan ang katawang walang malay ni Marco sa Inn.

Nang aalis na sana sya upang puntahan ito may humawak sa kanyang kamay.

" Saan ka papunta ? "

" Ikaw pala yan Itay ? Bakit makikipag talik kananaman ba sakin. " Sabi ni Alice.

" Aba sumasagot kana ngayon Alice. ! " Sabi ng kanyang ama-amain.

" Bitiwan moko.. " Sabi ni Alice at kinalasan ng kanyang ama-amain ang mahigpit na pagkakahawak sa kanyang braso.

Gamit ang salamangka, nasakal ni Alice ang kayang ama amain Kahit Malayo na ang kanilang distansya. Nagulat ang mga kapitbahay sa kanilang nakita.

" Babalikan kita.." sigaw ni Alice at nag laho.

Samantala sa Bundok Yayaisa naman. Handa na sila ikatlong pagsubok na ngayon ay si Magayon ang magbibigay sakanila.

" Ayus kalang bunso ?" Sabi ni Theo sa kapatid.

" Oo kuya.. " sagot ni Tyler at tinapik tapik naman sya ni Mia sa likud nya.

" Kaya natin to !" Ngiting Sabi ni Mia.

Balik naman tayo sa Inn na pinag-iwanan ni Sitan sa katawan ni Marco.

Agad syang nagtungo sa kwarto kung saan nya iniwan si Marco. Ngunit nagulat sya ng Makita nya itong Wala sa kama.

Wala syang sinayang na oras at agad syang bumaba at tinungo ang front desk upang mag tanong.

" Miss, Nakita mo ba yung Lalaking naka Blue Polo shirt. Tska Maputi, at may tangkad na 6'5. " Sabi ni Alice.

" Ay nobya nya po ba kayo. Nako ma'am lasing ho ata yun.pero nakasakay na po ng Taxi mga ilang Minuto lang naman sya doon sa kwarto di nag tagal. " Sabi ng Front desk.

" Letche na takasan ako! Aargggg ! Bwesit!" Galit na Sabi ni Alice at agad syang Naglaho.

Habang nasa Taxi naman si Marco..

" Manong pakibilisan po please.. " Sabi nya sa driver.

" Yes sir, Malapit na po tayo. Mga ilang kanto nalang po. Nasa subdivision na tayo.. " sagot ng Driver.

" Ah sir, Ayus lang Po ba kayo.. " Tanong ng Driver.

" Opo lasing lang Po ako.. sensya na manong!" Sagot ni Marco. Ngunit sakatunayan nanghihina na si Marco dahil sa ilang Taon naring ginagamit ni Sitan ang kanyang katawang lupa.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila ng Subdivision at nang nasa tapat na sila ng mansyon. Tyempo naman na nasa labas ng gate si Ella nagdidilig ng Halaman.

" Manang Ella, tulong di ko na kaya.." Sabi ni Marco.

" Marco Iho, jusko ! Ikaw na ba yan.. " gulat na Sabi ni Ella. Di na kasagot si Marco dahil na tumba na ito sa Lupa.

" Tulong ! Tulong ! Aning! Lukas ! patulong naman." Sigaw ni Ella habang tinatawag nya ang kanyang kasamahang kasambahay.

" Ay Jusko si Sir Marco naba iyan.. halika Lukas buhatin natin si Sir marco. " Sabi ni Aning. At binuhat nila si Marco papasok ng bahay. Habang si Ella naman ay nag usal ng dasal upang protektahan ang buong mansyon.

" SYEBAN IL ESTA! "

" sana di makapasok sa mansyon ang Kalag ni Sitan." Sabi ni Ella.

TO BE CONTINUE...