webnovel

CHAPTER 105

FINAL FIGHT!

ANG NAKARAAN :

Matagumpay na naligtas ng mga diwata ang mga tagalipon at mga itinakdang engkanto sa palasyo ni Sitan. ngunit dahil na rin sa di pa nababasag ang harang, ay nawalan sila nang lakas at malay, mabuti nalang at inalalayan sila ng mga tagalipon at mga itinakdang engkanto. Habang si Jessel naman ay inilabas na nya ang kanyang tunay nakapangyarihan.

" Papano mo ako nahahawakan.." Sabi ni Sitan. Di sumagot si Jessel, bagkus itinulak nya si sitan sabay Hila pabalik sakanya. at dahil doon, nakalabas sa katawan ni alice si sitan.

"Papano mo nagawa yun?" tanong ni sitan na ngayon ay isang kaluluwang itim.

" Dahil sa Vinya ko.." Sagot ni Jessel sabay hawi sa kanyang mataas na buhok sa likud. at may kulay berdeng ugat ang gumagalaw sa bandang batok nya.

"Isa kang Aydendrilyan? nasayo ang dugo nang puting manggagaway at dugong ginto nang aydendril. " Sabi ni Sitan.

" lagyan nyo na nang harang ang katawan ng babaeng yan upang di na sya makabalik. " Sabi ni Jessel. Hinubad ni Jenna ang kanyang kwentas.

" Ikaw muna ang gumamit nito. di ka mapapasukan nang anumang masamang elemento. " Sabi ni Jenna, at pinasuot nya ito kay Alice.

ANG KARUGTUNG :

"Hindi ako papayag, malapit na akong magtagumpay..." Galit na sabi ni Sitan.

" Sumuko ka na sitan, tapos na ang papanakop at pang gugulo mo sa aming mga mga mundo." Sabi ni Tyler at Lumabas ang isang liwanag sa kanyang dibdib. Ito yung gabay nang oroskopyo nang pisces.

" Minsan mo nang ginamit ang aming kapangyarihan, ngayon oras na upang bawiin ko ito saiyo." Sabi nang gabay ng pisces.

" Si-sino ka...?" Tanong ni Sitan sa bola nang liwanag, at ilang sandali pa ay naging isang magandang babae ito na may kulay dilaw ang buhok.

" Ang tunay kung ngalan ay, Paisa.. ang isa ako sa gabay nang oroskopyo nang Pisces. " Sagot ni Paisa.

" Hindi maari.. sa pagkakaalam ko pinatay ko na kayo nang kambal mong si Aices. " Sabi ni Sitan. Nang biglang hinigop ni Paisa ang mga natitirang salamangkang meron si sitan.

" Ngayon na At jenna, isara nyo na ang lagusan.." Sabi ni Jake. Tumango lang si Jenna at agad nyang binuklat ang kanyang libro pero, may nabasa sya sa kanyang libro.

" Tanging ang unang nagbukas ang makakasara sa lagusan." Sabi ni Jenna.

" Anong ibig sabihin nito ?" Naguguluhang sabi ni Jenna.

" Sandali.. Ibig sabihin si Sitan ang nagbukas nang lagusan sya lang din ang makakasara sa lagusan." Sabi ni Alpia.

" Subukan pa din natin,Ipagsama-sama natin ang ating mga kapangyarihan.." Sabi ni Katalina. At yun nga ang kanilang ginawa, Sabay sabay nilang ginamit ang kanilang mahika sa Lagusan upang mag sara. Ngunit may napansing kakaiba si Jessel.

" Sandali mga kasama, Tingnan nyo mas lumalaki pa ang lagusan... "Sabi ni Jessel.

" Oo nga, Itigil nyo yan..! " Sigaw ni Ian.

" Si Alice, protektahan nyo dali.." Sigaw ni Theo nang makita nyang si sitan na sinasaniban nya muli si Alice.

" Ako nang bahala.." Sabi ni Charlie at Inihipan nya ang katawan ni Alice.

" Ang laaaammmiiiggggg!!!" Reklamo ni sitan.

" Alis... wag ka nang magtangkang saniban pa si Alice, Hindi dahil sa kwentas na ipinasout ni Ate Jenna, Kundi kaya kitang gawing Icecream ghost. Hahha" Nagbibirong sabi ni Charlie.

" Pwes, Minamaliit nyo nalang ako ngayon.. at salamat sainyo dahil mas lumaki pa ang lagusan, matatawag ko na ang mga sinaunang demonyo. Bwahahhaa" Sabi ni sitan. At Yun nga tinawag nya ang mga sinaunang demonyo na sina, Amy, Buer, at Beleth..

AutorWiki :

Amy- is a Goetic demon described in the Lesser Key of Solomon, the Dictionnaire Infernal, in Thomas Rudd's version, the Pseudomonarchia Daemonum, and in the Munich Manual of Demonic Magic as a President, appearing initially as a flame before turning to a human form.

Buer - is a spirit that appears in the 16th-century grimoire Pseudomonarchia Daemonum and its derivatives, where he is described as a Great President of Hell, having fifty legions of demons under his command. He appears when the Sun is in Sagittarius.

In demonology, Beleth also spelled Bilet, Bileth, Byleth and Bilith is a mighty and terrible king of Hell, who has eighty-five legions of demons under his command. He rides a pale horse, and all kinds of music is heard before him, according to most authors on demonology and the most known grimoires.

" Anong nangyayari?" Sabi ni Lalahon nang magising sya. ilang sandali naman ay dumating si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Alunsina.

" Bakit nakalabas ang mga sinaunang demonyo.." Gulat na sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

" Hindi ko alam, ang tagal nyo kasing binasag ang Kristalya." Sabi ni Lalahon. Ilang sandali ay nagising na din sina, Makiling at Haliya.

" Abala na pala sila.." Sabi ni Haliya habang kitang kita nila na nakikipag laban ang mga tagalipon at mga itinakdang engkanto sa tatlong demonyo.

" Ngayon mga kapatid ko, tapusin nyo na ang mga yan.. Maybabalikan akong Katawan.." Sabi ni Sitan. at agad syang naglaho.

" Anong ibigsabihin na babalikan nya?" Tanong ni Tyler. Iisa lang ang nasa-isip nang magpinsan na jenna at katalina.

" Si Marco.." Sabay nilang sabi.

" Ilag tai.." Sigaw ni Jake, habang nakikitang nyang hahampasin na si tyler nang malaking kamay nang demonyo. Mabuti nalang at iniligtas sya ni Raven. gamit ang bakal na pakpak ni Raven nakaligtas si Tyler sa ataking yun.

"Napakahina naman kasi nang diskarte nang manok ko..Ayan tuloy naunahan ka nang Uwak." Sabi ni Theo habang iniilagan nila ang mga malalaking kamay ng mga demonyo.

" Sundan nyo si sitan at wag hayaang makasanib muli kay marco." Sigaw ni Jenna.

" Ako na ang susunod insan." Sabi ni Katalina.Ngunit pinigilan sya ni Amy.

" hindi ko kayo papayagan... " Gumawa nang napakalaking harang ang demonyo sa paligid at kahit ang kanilang paglaho ay di nila nagagawa nang tama.

" Anong nangyayari..?" sabi ni Charlie.habang pinipilit nyang mag-laho.Papalit palit lang sya nang pwesto.

" Ako rin.. bakit anong nangyayari?" Sabi ni Ian.

" Wag kayong mag aalala nandito na sila.." Sigaw ni Magayon. At isang napakaliwanag ang dumating galing sa itaas. at isa isang nagsibabaan ang mga diwata. pinangungunahan ito ni Bulan. Umatras ang tatlong demonyo kasama na ang mga itim na kawal ni sitan.

" Pasensya na at na huli kami" Sabi ni Bulan. Kasabay nyang dumating ang iba pang mga diwata.

"Ayus lang yun.. Heto saluhin mo..." Sabi ni haliya sabay tapon sa sandata ni Bulan.

" Walang hiya, kung makatapon parang taga kanto lang!" Sabi ni Bulan.

" Umatras kayo" Sigaw ni Magayon sa mga tagalipon at Itinakdang engkanto. Habang si Jenna naman ay sinundan si Sitan patungo kay Marco.

" Sa utos ni Bathala, inuutusan ko kayong malusaw at mag balik sa impyerno!" Sigaw ni Bulan at itinaas nya ang kanyang sandata. biglang nagliwanag ang kanyang sandata.

" Tingnan mo.. para silang yelo ngayon na natutunaw..!" Sabi ni Lalahon kay Katalina.

At yun nga ang nangyari, nang matamaan ang Tatlong demonyo at ang mga Kawal na itim ni Sitan. Bigla nalang itong nanghihina at ilang segundo lang ay parang yelo silang natutunaw dahil sa sobrang init.

Samantala, Hindi alam ni Sitan na sinundan pala sya ni Jenna Patungo sa Bahay ni Marco.

" Sandali iho, Nararamdaman ko si Sitan." Sabi ni Gretchella.

" Yaya Ella, hindi na sya makakabalik sa aking katawan dahil may Pangga nako..!" Sagot ni Marco.

" Hayaan mong bigyan pa kita nang karagdagang panangga. " Sabi ni Gretchella. Kumuha sya nang isang baldeng tubig.

" umupo ka dito sa silya.." Utos ni Gretchella. At sumunod naman si Marco. Pinagalaw ni Gretchella ang tubig na nasa Balde. Pinagalaw nya ito at pinaikot-ikot ang tubig sa boung katawan ni Marco. Ilang minuto pa ay natapos na sila, Tyempo namang dumating din si Sitan.

Sasaniban na sana niyang muli si Marco, ngunit di sya makasanib.

" Alam kung may tangka kang muli saaking alaga.. Di kita papayagan sa mga balak mo!" Sigaw ni Gretchella.

" Pakialamera ka." Sabi ni Sitan at Kinuha nya ang Flower base at inahampas nya ito sa batok. At sya namang dahilan upang dumugo ang ulo nang matanda At humandusay sa Sahig.

" Yaya Ella.. Anong nangyari?" Sigaw ni Marco.

" Hindi kana masasaniban pa!" At tuluyan nang nawalan nang malay si Gretchella.

"Tumawag ka nang ambulansya..." Sabi ni Jenna.

"Papano ka nakapasok dito ?" Sabi ni Marco.

" Wala nang oras tumawag ka nang Ambulansya Dali..papahilumin ko muna ang kanyang sugat.." Sabi ni Jenna. Samantala Habang paalis na nang kwarto si Marco, sinubukan muli ni Sitan na saniban si Marco ngunit di nya ito magawa. Habang si Marco naman ay nakakaramdam nang kakaibang Lamig Nang biglang nagsalita si Jenna.

" Nakatawag kana ba?" Tanong ni Jenna.

" Oo, kakatapos lang.." Sagot ni Marco.

" Tabi dyan.." Sabi ni Jenna sabay tulak kay Marco.

" Anong ginagawa mo?" Tanong ni Marco at nakita nyang may sinasakal si Jenna.

" Bumalik ka sa lugar mo.." Sabi ni Jenna habang sakal-sakal nya si Sitan.

" Ate jenna anong ginagawa mo..?" Naguguluhang sabi ni Marco.

" Dalhin muna si Ella sa Ospital..." Sabi ni jenna at naglaho na ito.

Balik sa Palasyon ni Sitan..

" Papano natin masasara ang Lagusan?" Tanong ni Lalahon.

" Ano ba kasi ang sinabi nang susi?" Tanong ulit ni Bulan.

" Susi? anong susi?" Tanong ni Katalina.

" Ang libro ni Jenna.." Sagot ni Bulan. At tyempo namang dumating na si Jenna habang sakal-sakal nya si Sitan.

" Anong sinasabi nang libro? Jenna? " Tanong ni Bulan.

" Mia, ang mahiwagang lubid.." Utos ni jenna.

" Opo!" Sagot ni Mia, at inilabas ni mia ang kanyang lubid na kidlat sabay gapos kay Sitan.

" Sabi nang libro.. " At binasa muli ni Jenna ang nakasulat sa libro.

" Ang nag bukas lamang ang makakasara at makakatapos.." Sambit ni Paisa.

" Anong ibig sabihin nyan Paisa?" Tanong ni Theo.

" Ang Ama nyo.." Sabi ni Paisa.

" Papano yan? patay na si papa?" Sabi ni Tyler.

" Kayo ang magsasara sa Lagusan. Dahil nanalaytay ang dugo ni Arnel sainyo." Sagot ni Paisa. At biglang Lumutang ang libro nina Jenna at Jessel sa ire. Nagliliwanag ito.

" Anong nangyayari sa mga mahiwagang libro." Tanong ni Magayon. At ang dalawang libro ay biglang nagsanib ang naging isa.

" Nabuo na muli ang susi. " Sabi bulan. At lumutang palapit kay Tyler ang Libro.

" Ikaw ang pinili nang libro tyler. Ikaw ang magsasara sa Lagusan." Sabi ni Jenna.

" anong gagawin ko?" Tanong ni Tyler. at sumabat din sa usapan si Sitan.

" Itapon mo ang libro at umiyak ka hahhaha" Sabi ni Sitan.

" Tumahimik ka sitan kung ayaw mong maprito nang apoy ko!" Sabi ni Katalina sabay pina-apoy nya ang kanyang mga kamay.

" Bibigyan kita nang unli wish.. Pasensya nat nahihiram ko na ang mga salita ninyung mga tao. Ako si Bilro.. ako ang Susi nang pagbabago." Pakilala nang nasasalitang libro kay Tyler at ngumiti lang si Tyler.

" As what I've said.. Bibigyan kita nang kahilingan." Sabi ng Libro.

"Englishpekene pala ang libro Jessel.." Sabi ni Jenna.

" kung alam ko lang edi sana ginawa ko nang Dictionary.." Birong sabi naman ni Jessel.

" Kuya ano naman ang hihilingin ko.." Tanong ni Tyler kay Theo. Ngumiti lang si Theo sabay sabing..

" Ikaw nang bahala tai. Di kana baby." Sagot ni theo sabay halik sa noo sakapatid nya. Lumapit naman si Jake at raven sakanya.

" Ayan na sila.." Sabi ni Mia.

" Alam kung, patas ka.. Hilingin mo kung ano ang nasa puso mo!" Sabi ni Jake.

" Tama si Pareng Jake may tiwala kami sayo Tai." Dagdag na sabi ni Raven sabay kindat. Tiningnan naman ni tyler ang mga mukha nina, Ian, Mia, Charlie, Jessel, Jenna, Alpia, Katalina at Paisa. Ngumiti lang sila isa-isa sakanya.

" May naisip nakung hihilingin.." Sabi ni Tyler.

" Ano yun..? "Sagot ng libro.

" Nais kung Ibalik mo sa impyerno si Sitan, at ang lagusan nais kung panghabang buhay na itong nakasara.Walang anumang mahika o kagamitan ang makakapagbukas muli nang Lagusan. At Nais ko ring ibalik sa dating ganda ang apat na mundo." Sabi ni Tyler.

" Masusunod.." Sagot ng Libro. Agad nag laho si sitan sa kanilang kinalalagyan at ang malaking lagusang nakabukas, ay bigla nalang naglaho sakanilang tapat. habang si Katalina naman ay nakikita nya sakanyang ikatlong mata ang mga pagbabago sa apat na mundo. lalong-lalo na sa mundo nang mga tao, Ang mga nakakalbong gubat at napapatag na mga bundok ay muling nagbalik. Dati ang mga gusaling nasira dahil sa pagsalakay nang mga kawal ni sitan ay biglang bumalik sa dati. pati ang mga tao ay Bumalik sa dati tila walang naalala sa gulong dala ni Sitan.

" Nagbalik na ang lahat sa dati.." Sambit ni Katalina.

"Kung gayun, magbabalik na kami sa kanlaon.. ikaw nang bahala!" Sabi ni Bulan at ngumiti ito kay tyler. kasabay nito ay naglaho din ang iba pang diwata.

" Sandali Mahal na diwata.." Sambit ni Jake kay Gassia.

" Bakit.. " Sagot ni Gassia.

" Makikita paba namin kayo?" Tanong ni Jake.

" Nasa palagid lang kami.. hanggat buhay ang mga puno at halaman mararamdaman nyo ang aking presensya." Sagot ni Gassia. at naglaho na ito.

" Hanggat may hangin kayong malalanghap, gagabayan ko kayo.." Ngiting sabi ni Magayon at naglaho na rin nang tuloyan.

" Nandirito lang kami mga kaibigan. gagabay sainyo.. Sa tulong nang sinag nang araw, mararamdaman nyo ang aking lakas at talino." Sabi ni lalahon.

" Nandirito lang kami mga kasama.." Dagdag na sabi ni Makiling at naglaho silang dalawa ni Lalahon.

" Batang itinakda ano pa ang iyong kahilingan?" Sabi nang libro.

" Nais kung maglaho ka na upang di kana magamit nang ibang nilalang na may balak na masama.." Huling hiling ni Tyler.

" Masusunod...." Sagot ng libro at naglaho itong bigla sa kanyang mga kamay.

Five years later...

At this time, ako na ang magnanarate. For almost half a year si autor ang nagnanarate. Sya nga pala si Tyler ito.

Pagkalipas nang Limang taon.. nakasama na nina ate kat at kuya iyo ang kanilang anak na si Kathleya. At di lang yun, magkakababy ulit sila..

" Theo, Confirmed nga!" Sabi ni Katalina sabay pakita kay theo sa hawak nyang Pregnacy Test tube.

" Tatay na ako ulit? " Masayang sabi ni Theo, at dahil sa saya niyakap nya ang kanyang asawa nang mahigpit.

Samantala, sina Ate Mia, Manang Ofelia at Miss Alpia naman..

" Hindi kaba sasama sakin Mia?" Tanong ni Alpia kay Mia.

" Gustuhin ko man mahal na reyna ngunit dito na ako masaya. sa Piling ng aking mahal. " Sagot ni Mia habang yakap sya nang kanyang boyfriend.

" Reyna alpia, kung babalik kang muli sa mundo nang mga tao. sino ang maiiwan sa kaharian mo?" Tanong ni Ofelia.

" Palagay ko meron na kayong bagong reyna." Sabi ni Alpia at hinubad nya ang kanyang korona at pinasout nya kay Mia.

" Mahal na reyna pero..." Tangging sabi ni Mia.

" Wag kanang tumanggi pa. Utos yan nang guro mo at nang reyna mo.Tanggapin muna." Sabi ni Alpia. at niyakap nyang muli ang kanyang matalik na kaibigan.

" Balik ka dito guro.." Sabi ni Mia.

"Oo naman no.." Masayang sabi ni Alpia.

At yun na nga, bumalik si Miss Alpia sa Japan, at dahil nga iniwanan nya ito kay Gloria dati. pagbalik nya isa nang malaking companya ang kanyang flower shop. at hindi lang bulaklak ang meron nang kanyang companya. nagbebenta na din ito nang mga Damit na gawa sa purong cotton. Kahit nawala man si Miss Alpia sa companya nang napakamatagal. Ay kinilala pa din ni Gloria na amo si Alpia.

" Ladies and Gentlemen, nandito na ang tunay na reyna nang Yushin Impire. Miss Alpia Yushin.." Pakilala ni Gloria sakanya at pumalakpak naman ang mga tao nang makita nila si Alpia.

Tsaka si Jessel naman, ay pinamunuan nya ang aydendril katulad nang inutus ni Olivia at Alpia kay Susmihta. sinamahan nya ang Munting reyna sa pamumuno. Naging maunlad na ang aydendril. dahil paminsan minsan nagtutungo sila sa mundo natin upang bumili nang mga kagamitan. Tsaka sa Oceana naman, naging mapayapa na din ang pamuno nang tatlong reyna sa kaharian. paminsan minsan bumibisita si rica saamin upang makipag kwentuhan.

At ako naman, nakarecieve ako nang tawag galing kay miss Alpia.

" Hello po.. napatawag kayo?" tanong ko kay miss alpia.

" Tai, may surprise ako sayo. Pumunta ka dito sa California. " Sabi ni Miss A.

" Miss A? gabi napapapuntahin moko dyan ang layo. di kaya nang teleportation powers ko." Sagot ko sakanya.

" Alam ko. kunin mo kay theo at katalina ang ticket papuntang cali. Nandito rin sina Ian at Charlie. gusto ka nilang makausap." Sabi ni Miss A.

" Hello bunso si Kuya Ian mo to.. Pumunta kayo dito dahil may surprise si Miss A. sayo." Sabi ni Ian.

" Clue kuya?" sagot ko habang nakapikit pa ang aking mga mata. at naririnig kung sumisigaw si Charlie.

" Bat ang ingay ni charlie?" Tanong ko kay kuya Ian.

" Basta pumunta ka dito.." Sagot ni kuya pagkatapos ay naputol ang linya.

Kinaumagahan, nagiimpake sina Kuya theo at ate kat kasama si Kathleya nang mga gamit nila.

" Anong ginagawa mo Tai. may ticket na. Bilisan mo lilipad tayo nang Cali. " Sabi ni Theo.

" Dad? What's Cali?" tanong ni Kathleya. at paulit-ulit ito itinatanong kay kuya.

" Sssh, dont say bad words anak. dont talk too much english.. Mama will having nosebleed sayo.." Sabi ni Katalina.

At yun nga, nagmakarating na kami sa Cali. Sinalubong agad kami nina Kuya Ian, at nang syota na si Charlie kasama din si Miss Alpia.

"Kamustang byahe?" tanong ni Miss Alpia sa akin.

" I'm okay naman miss A.. Anong bang meron?" tanong ko.

" Doon na tayo sa bahay mag uusap. para makapagpahinga na kayo." Sabi ni Miss Alpia.

Pagkalipas nang ilang minuto nakarating na kami sa bahay ni Miss A. sobrang ganda nang bahay nya halatang milyon-milyon ang ginastos sa Mansion ni Miss A.

" Matanung ko nga lang Tai, Nasaan ba si Jake?" Tanong ni Kuya Ian.

" Nagtatrabaho yun sa Britain, Next year pa uwi non bakit ?"sagot ko.

" Diba ikakasal kayo ni Jake ?" dagdag na sabi ni Charlie.

" Oo pero next year na pag-uwi nya. " Sagot ko nang biglang may isang malaking itim na ibon ang Lumilipad lipad sa labas.Kilala ko ang ibon nayun.

" Kung hindi ako nagkakamali si, Raven yun?" Sabi ko.

Ilang sandali pa nang makababa na sa lupa ang malaking ibon, nag anyong tao ito.

" Raven ikaw pala.. sabi ko na nga ba." Sabi ko.

" Kamusta kana.." ngiting sabi ni Raven nang bigla akong makaramdam nang hilo.

Pagkagising ko, Naka formal attire nako. at nakatali ako sa Silya. Nang iginala ko ang aking mga mata sa paligid nakita ko ang naggagandahang Sakura at roses sa paligid. tsaka may puno din sa bawat gilid na may kasamang mga upuan.

SSSSUUURRRPPPPRRRRRIIISSSEEEE!!!!

Sigaw nila, nang bigla sumulpot sina Miss A kasama, sina Kuya Ian, theo, Ate kat, At raven.

" Anong nangyayari?" Tanong ko.

" Babe? " sabi nang isang boses na pamilyar saakin sa likud ko. nang lingunin ko ito.

" Buang ka talaga jake ano to?" Tanong ko kay Jake. Lumuhod si Jake sa harapan ko at may kinuha syang isang maliit na box sa bulsa nang tuxedo nya.

" Will you marry me Mr. Tyler Adonis?" Tanong ni Jake saakin. kasabay nang pagtanong ni Jake saakin biglang dumating naman sina Rica, Lina, Sierra, Jessel kasama si Susmihta, At si Manang Ofelia kasama si Mia. At humiyaw silang lahat.

" Bakit may ganito pang Eklat. Yes, I will." Sagot ko, syempre mahal ko talaga si Jake kahit medyo maypagka engot minsan. At aarte pa ba ako?

At yun nga ikinasal kami ni Jake, Hindi kasi pwde pa sa pilipinas ang same sex marriage. However, Nag branch si Miss A sa pilipinas. at Kami ni Jake ang kanyang pina manage sa branch nya dito sa pilipinas. Sa ngayon tahimik na kaming namumuhay. at pag may ibang nilalang nanamang mangugulo sa ating mundo. muli kaming mabubuo upang ipalaganap ang kapayapaan sa ating mundo.

MARAMING SALAMAT SAINYONG PAGBABASA. ABANGAN ULIT ANG AKING MGA BAGONG LIKHA...