webnovel

The Runaway Best Man (Tagalog)

This story has seven chapters representing the seven colors of the rainbow. Each color has different meaning and symbol resemblance to the fate of the main characters.

jhong_ubani · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
6 Chs

Weakness

"Pst!" Kalabit nya sabay tanong sa akin, "Ikaw? Anu ano yung mga strengths at weaknesses mo?"

"Ekeew!?" Biglang sagot ko.

"Ako?" Takang tanong nya.

"Hindi. Ibig kong sabihin, ikaw? Anong mga strengths at weaknesses mo? Masyado kang malisyoso ha?" Agad kong sagot para hindi nya mahalata yung kagagahan ko.

"Ako? Strength at Weakness ko? Ammph, ikaw?!" Sagot nya sakin.

"Eneng eke? Weg ke nge! Hala? Pereng tenge kese. Umayos ka. Sumbong kita kay Sir oh."

"I mean, ikaw? Anong strength at weakness mo? Ikaw muna unang sumagot kasi ako unang nagtanong ee."

"Ah. Ganun pala yun?"

"Oo naman."

"Sige na nga." Sagot ko. "Pangarap kong trabaho sa future ee yung maging Radio Anchor. Strengths ko? Siguro yung pagiging madaldal ko at walang hiya. Weakness ko naman, ammph emotional kasi ako ee. Madalas rin mag over think. Madaling ma fall at madaling masaktan. Syempre marupok, konting sorry lang, patatawarin ko agad."

"Ahh. Grabe ka ha? Bakit gusto mo palang maging Radio Anchor?"

"Kasi, bukod sa pagiging maganda ko ehhhemm gusto kong, ewan di ko rin alam ee. Ito kasi sigaw ng puso ko ee. Ikaw ba?"

"Ako naman, pangarap kong maging Engineer. Pangarap din kasi ito ng Tatay ko pero hindi nya natapos kaya gusto niyang ako ang tutupad nun! Weakness ko? Ammph, ano kaya? Selfish? Hahaha di ko alam."

"Selfish? Ano ibig mong sabihin?"

"I mean, mas prefer kong huwag ishare mga problema ko at yung mga nararamdaman ko. Hanggang kaya kong itago at tiisin then, I'll keep it. Kaya sometimes I make white lies."

"Aahh. Grabe ka!"

"At takot din ako sa dugo." Pahabol nyang sagot na medyo nahihiya pa.

"Dugo? Hahaha paano yun nung nagpatuli ka?" Loka-loka kong tanong. Ewan ko. Basta naisip ko lang 'to itanong.

"Ewan. Nahimatay ako nun ee." Medyo nahihiya nyang sagot.

"Seriously? HAHAHA Ang kyut mo HAHAHAHA Nahimatay HAHAHAHA"

   Agad akong tumawa nang malakas. Di ko kasi talaga mapigilan ee. Samantalang sya, inaawat ako. Akala nya siguro sasabihin ko sa klase yung sinabi nya. Syempre hindi naman.

"Whoooy!" Awat nya sakin.

"Legaspi?" Takang tanong sa akin ni Sir Fernandez matapos kong mabulabog ang buong klase.

"Sorry Sir!" Sagot ko pero medyo natatawa parin ako.

"Bakit ka tumatawa?" Pahabol na tanong ni Sir na medyo natatawa na din.

"Kasi Sir si Rehsbhfvbl ano ybrefbvouw nahifuyogfw!" Hindi ako halos makapagsalita dahil pilit ni Renz tinatakpan yung bibig ko.

"Pag hindi ka tumahimik, hahalikan kita!" Banta sa akin ni Renz. Antalim nang pagkakatingin nya sa akin kaya medyo natakot ako at tumigil na.

"Hala ano yan? Part ba ng activity yan?" Asar ni Erica.

"Akala ko nag aaral tayo dito? Bakit may nag haharutan? Paki explain please." Pahabol pa ni Sarah.

"Si Renz kasi ee" Pagsisimula ko nang bigla nalang inilapit ni Renz pagmumukha nya sa makinis kong mukha.

"Ayyyyyyy!" Sigawan ng mga kaklase ko dahil sa ginawa ni Renz. Samantalang ako, natulala habang tinitingnan nang malapitan ang mukha ni Renz. Ang gwapo nya grabe. Nag smile sya nang konti sabay sabing,

"Yaaan. Tatahimik ka pala ha? Good gay!" Sabi nya tapos umayos na sya ng upo. Susssme! Parang mahuhulog na yung panty ko.

Yung mga kaklase ko natahimik din sa una. Nagtawanan din sila pagkatapos. Syempre may mga comments ulit sila.

"Ahahhaha muntikan na. Umasa naman si Bakla!"

"May basa! May basa!"

"Enough na yan! Okay proceed na tayo sa presentation." Awat ni Sir na medyo natatawa na rin dahil sa nangyari.

Hay naku! Buti nalang inawat na kami ni Sir. Bwesit kasi 'tong Renz na'to ee. Muntikan na talaga yun. Isang dangkal nalang yung agwat ng mukha nya sa mukha ko. Kung natuloy lang yun, sya yung first kiss ko. Ewss! Matapos nun, ngingiti-ngiti lang sya sa upuan nya. Napahiya na naman ako. Ansarap nya talagang bigwasan ee.

Nakawan ba naman ako ng halik? Enebe? Haha Gusto ko kasi pag first kiss ko, dapat medyo romantic. Yung sa tahimik na lugar tapos may mga petals ng roses, candles tapos may sweet background music. Yung ganun?

Pero bakit parang ganun? Parang nag iba yung tibok ng puso ko? Hala? Crush ko na ba sya? Gooosh! Almost 1 week palang kaming magkaklase tapos hindi pa kami masyado nag uusap. Kung mag usap man, napapahiya ako. Ayst! Paano ko sya magiging crush? Ang kapal ng mukha nya ha?

Yan tuloy di na ako nakapakinig sa presentations ng mga classmates ko. Kung anu ano kasi iniisip ko. Ugh!