webnovel

The Runaway Best Man (Tagalog)

This story has seven chapters representing the seven colors of the rainbow. Each color has different meaning and symbol resemblance to the fate of the main characters.

jhong_ubani · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
6 Chs

I'm Renz

Habang pinagmamasdan ko sya, mas lalo kong na appreciate yung kagwapuhan nya. Wala na, di na ako galit! Marupok ee.

"Hi! Good morning!"  Unang bati nya. Ugh! Ang lamig ng boses nya.

"I'm Renz Tolentino, 17 years old from Quezon City pero nandito ako ngayon nakikitira kina Tita sa Makato, Aklan." Sabi nya. Tapos tahimik lang kami.

"Tell us about yourself. Yung talent mo? Or hilig mo?" Sabi ni Ma'am.

"Naglalaro ako ng Volleyball pero I prefer Badminton. Wala akong talent sa pagkanta. Hihihi pero sumasayaw ako minsan." Dagdag nya.

"May girlfriend ka na?"  Sigaw ni Rica.

Nag aabang yung mga babae pati ako ng sagot nya with matching bulungan.

"Sana wala! Sana wala! Sana wala!"

"Ammmph, walaaaa!"  sabi nya habang nakangiti.

Nagsigawan yung lahat.

"Part, si Mikoy nga pala! Pansinin mo naman. Kawawa ee. Ingat ka lang baka masipa ka!"  Walang hiyang sabi ni Gino. At nag tawanan na naman ang lahat. Nakita ko ring ngumiti si Renz. Kyaaa, enebe?

Nilingon ko si Gino.

"Whoooy Gino! Ang kapal ng mukha ha? Maputi ka? Maputi ka? At isa pa, hindi nga Mikoy, it's Mica! Duhh!" Sabi ko sabay irap sa kanya. Pagharap ko,

"Hi Mica? I'm Renz!"  Lumapit si Renz sakin sabay abot ng kanyang kamay upang magpakilala.

Biglang nag panic lahat ng cells ko. At yung mga internal organs ko, parang lalabas na. Hala? Anong gagawin ko? Baka kapag nakipagkamay ako iisipin nyang gusto ko sya. Tapos liligawan nya ako, hatid – sundo sa bahay at sasagutin ko sya. Pero mag aaway kami at mag hihiwalay tapos hindi na ako maka focus sa pag aaral. Mababaliw ako at mamamatay? Susssmee!

"Yes, I'm Mica! But you can call me Baby! Ugh. Wag kang kiligin ha?"

Ngumiti lang sya. Pakita dimple ampts! Akala nya siguro magugustuhan ko sya? Di kaya. Pereng tenge kese! Naiihi ako.

    Nagbitiw na rin kami ng kamay.

Syempre di rin mawawalan ng comments yung mga walang hiya kong kaklase.

"Ewss! Nakaka panindig balahibo!" – Jane

"Maghunos dili ka. Umarte ayon sa ganda!" – Sarah

"Tamaaaa naaa! Nasusuka na si Renz!" – Joshua

"Baklaaa! Baka bumaha dito. Hahaha" – Aires

"Child Abuse. Justice for Renz!" – Joem

"Pag si Renz bangungutin Mikoy, naku lang! Maawa ka naman. May pangarap yung tao!" – Gino

"Wow! Ang linis nyung lahat ha? Bakit ikaw Jane? Palibhasa No Boyfriend Since Birth ka kaya di mo ako feel. Ikaw Sarah? Di ka rin naman maganda ah? Pero kung makapag walling ka nung naghiwalay kayo ni Arvin, parang lilinisin mo na yung pader. Ikaw Joshua? Saan ka nung mga panahong nag kaklase kami dito? Diba doon ka sa Kalibo kasama gf mo? Ikaw Aires? Ikaw Joem? Abah! Ito yung matindi, ikaw Gino? Kung hindi ka nag white t-shirt ngayon, walaaaang maputi sayoooo." Sabi ko sabay tawa.

Actually lahat naman kami ay tumatawa. May gumugulong na nga, may na uubusan ng hininga at nag puputukang mga plema.

"Wag mo nalang masyadong pansinin mga sinasabi nila Renz. Ganyan talaga sila yan. Masasanay ka rin!" – Ma'am

"Okay lang po Ma'am! Mas gusto ko nga yung ganito ee."  - Renz.

"Okay class dismiss!"

"Oyy, vacant na pala natin?" - Rica

"Oo. Tara canteen tayo?" - Aires

"Bilhan nyo nalang ako" - Erica

"Sumama ka nalang kase!" - Aires

"Oyy, ikaw Renz? Tara bili tayo?

"Ayy dito ka nalang sa amin sumabay Renz. Baka mapaano ka dyan kay Mikoy! Hahaha" – Gino

"Wag sa kanya Renz. Baka maulingan yung t-shirt mo.

"

"Tara na Renz! Volleyball tayo. Nandyan na yung mga Grade 10 oh."

"Sige. Tara!"

At naglaro na nga sila. Infairness magaling syang mag volleyball. Panansin ko ring nagtitinginan yung mga babae at beki sa kanya habang naglalaro sya.