webnovel

The Runaway Best Man (Tagalog)

This story has seven chapters representing the seven colors of the rainbow. Each color has different meaning and symbol resemblance to the fate of the main characters.

jhong_ubani · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
6 Chs

First Day

"Bakit kailangan pa nating magpakilala isa-isa? Eh tayo lang din naman yung magkaklase simula Grade 7 ah?"  Irita kong tanong kay Jane.

"Ewan ko nga kay Ma'am Sheela. Grade 11 na tayo. Susssmeee naman! Siguro may transferee no?"  Loka-loka nyang sagot.

"Transferee? Wow! Umalis sa school – oo, meron. Pero yung taga ibang school lumipat dito? C'mon, it's unbelievable!"  Agad kong sagot kay Jane.

"Oyy! Grabe ka naman sa school natin Mikoy!" singit ni Sarah sa usapan namin.

"Totoo naman ee. Tsaka it's not Mikoy. So grooooss! It's Mica. As in Micaela!"  Sabi ko sabay irap kay Sarah.

"Micaela? Gooosh! Mikoy, may i+l0g ka! Wag kang umasa." Agad kantyaw sakin ni Gino.

Tawanan lahat.

"Wooooow! Oo, may i+l0g ako, pero mas maputi pa 'to sayo!"  Agad kong sagot.

Mas lalong nag ingay yung buong klasroom namin.

"Tsaka bakit ka ba nakikisabat? Eh usapan to ng mga mapuputi. Alis ka nga!" Dagdag ko pa. Kahit ako mismo natatawa sa mga pinag gagawa namin.

"Gino, alis ka na!  Bilissss! Baka masipa ka ng kabayo!"  Biglang sigaw ni Rica.

Nagkakagulo na kami sa loob. Maluha-luha na ako sa katatawa.

"Rica, pag tinadyakan kita sa puson, laglag napkin mo na yan! Umayos ka." Sabi ko kay Rica.

Tawang-tawa ang lahat. Sobrang saya namin nang biglang...

"Dyaaaan na si Ma'am!"  sigaw ni Joshua.

*Boooogsh! Blaaagsh! Afhgbbjhk. Biglang transform namin.

"Wooow! Tahimik ah? Parang kanina lang halos marinig na yung ingay nyo sa buong Senior High building ah?"  Kalmadong sabi ni Ma'am habang nakatayo na medyo nakasandal sa bungad ng pintuan.

"Ewan ko sa kanila Ma'am! Sinabihan ko na sila yan Ma'am na huwag maingay kasi may klase sa kabilang section."  Bida-bidang sabi ni Sarah na may kasamang ngisi. Ngunit na bash siya.

"Shhhhh! Tama na yan. Mahiya naman kayo kahit konti sa ating transferee." Sabi ni Ma'am.

Hayst! Ganun talaga kami sa section namin ee. Ganun kami mag asaran pero syempre walang pikonan. Kumbaga part lang yun nang pagpapatawa at pagbibigay buhay sa aming klasroom. Kilala na kasi namin yung isa't isa.

   Magkaklase na kasi kami simula Grade 7 hanggang ngayong Grade 11 ee. Iisang strand (General Academic Strand) nalang din yung kinuha namin para magkakasama parin kami. Kaya walang samaan ng loob. Pero kahit ganyan kami mag asaran, kung may problema naman kami ay nagtutulungan naman kami. Kapag may inutos na ipagawa sa amin, syempre – hindi namin gagawin yun. Chuss! Syempre gagawin namin yan with passion.

    Maingay kami, oo. Pero pag pinagalitan kami – tahimik muna yan. Pero pagkatapos, wala na. Ingay ulit! Gagayahin pa kung paano nasermonan ni Ma'am/Sir. Hay naku. Wala ee. Ganun kami magmahalan ee. Pero wait, sinabi ba ni Ma'am na may transferee?

"May transferee daw!" Excited na sabi sabay hampas sakin ni Jane.

"Sana lalaki! Sana lalaki! Sana lalaki! Sana lalaki!" Bulong naming tatlo. Katabi ko sa kanan si Sarah at si Jane naman sa kabila. Tuloy-tuloy lang kami sa pagbulong nang bumulong din si Gino at Joshua sa may likuran namin.

"Sana babaeng sexy! Sana babaeng sexy!"

    "Halika na. Pasok ka na!" Sabi ni Ma'am habang may sinesenyasan sa labas.

*One – Two – Three! Pakkk! Halos tumalsik kami sa kinauupuan namin. Nganga kami! Natulala, giniginaw at hindi nakagalaw!

"Meet Ma'am Lilith, your new teacher. Siya yung papalit pansamantala kay Ma'am Ruth. Ma'am Ruth filed Maternity leave." Pag papakilala ni Ma'am Sheela nung pumasok si Ma'am Lilith sa klasroom namin. Tapos parang nag uusap sila nang pabulong. Ayst! Badtrip.

Umalis din maya-maya sila Ma'am pagkatapos nilang magpaalam sa amin. Akala ko naman talaga may transferee. Pero this time medyo tahimik na muna kami. Ilang saglit lang…

"So, let's start our class!" Sabi ni Ma'am Sheela habang naglalakad sya papasok sa klasroom namin. Sa front door sya dumaan.

"Pasok ka!" May sinenyasan si Ma'am sa likod.

    Paglingon namin, pakkk! Isang binatang may matipunong katawan. Parang ka edad namin sya, medyo matangkad, naka plain white shirt lang sya, black pants at maroon na rubber shoes kasi hindi naman require agad mag uniform. Ang cute ng kilay nya medyo makapal at ang kulay ng balat nya, parang tisoy? Di ko sure. Nakalingon lang kami sa kanya. Then nag smile sya. Ugh! Yung dimple nya sa kaliwang pisnge. I cennet!

Nagbubulong-bulangan na ang lahat. Yes! May bago na namang campus heartthrob. 

"Shhh swwww swww swwww shhhh!" As if bulungan yan.

"Have a seat Mr. Tolentino!" Sabi ni Ma'am.

"Shhh swwww swww swwww shhhh!" Bulungan ulit pagkasabi ni Ma'am ng kanyang apelyido. Palingon-lingon lang sya kasi naghahanap nang bakanteng upuan.

"Kyyyaa! Epe ke dete. Mey bekente pe dete." Offer ko sa kanya. Kailangan ko syang maging close ee. Tiningnan ko nang masama si Sarah sabay sabing.

"Bakit ba kasi nandito ka umupo? Doon ka nga sa gilid. Alis na!"

Umalis naman si Sarah na naka nguso at umupo sya sa tabi ni Jane. Yeeees! Lumalapit na sya sakin. Nakatingin sa amin ang buong klase na parang nag aabang ng mangyayari.

    Dito sya uupo sa tabi ko? Goooosh! Di ko kaya to. Parang maiihi ako! Ito na syaaaa. Palapit nang palapit! At umupo na nga sya…

UMUPO sya sa tabi ni Aires! Seriously? Nilagpasan nya lang ako? Ugh! Namula ako sa kahihiyan. Lupa kainin mo ako. Di ko maintindihan kung ano ang aking gagawin. Gusto kong tumalon mula sa second floor.

Dahil sa nangyari, nagtawanan buong kaklase ko pati na rin si Ma'am. Mas doble naman yung lakas nang pagtawa ni Sarah at Gino. Habang yung transferee, wala! Naka smile lang sya. Ansarap niyaaa… ansarap nya gilitan sa leeg. Ugh!

"Ano ka ngayon Mikoy?"

"Napahiya ka? HAHAHAHA"

"Akala mo ha? Nadali ka nang fake!"

"Okay class, enough na! Baka umiyak na si Mikoy. So, Mr. Tolentino please introduce yourself in front." Pagputol ni Ma'am sa tawanan.

Agad namang tumayo yung walang hiyang lalaki. Naka upo sya sa may harap ko. Ansarap sipain! Gigil nya ako. Tumayo sya sa gitna at humarap sa amin. Tahimik na uli ang lahat at bumalik na si Sarah sa tabi ko na may nakaka insultong ngiti.