webnovel

The Return Of the Unknown (Original Version)

"I saw the devil, and the devil a lot like me...now...how about we play hide and seek?" a masked person said those chilling words, while looking at a mirror. The school in chaos and bloody... A bloodthirsty, mysterious killer lurks inside the school, and no one will escape. How can Moon, a girl who only wants to prove herself for the fact that banned her from her happiness, can survive in hell? Any real life scenes, words, nor names of people are purely coincidental. Plagiarism is a crime, presenting someone else's work or ideas as your own, with or without their consent, by incorporating it into your work without full acknowledgement. All published and unpublished material, whether in manuscript, printed or electronic form, is covered under this definition. Plagiarism may be intentional or reckless, or unintentional. You have been warned. -RavenIce

raven_ice · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
14 Chs

8: Dagger's Fault

◆◆❃◆◆sɴɪᴘᴇʀ's ᴘᴏᴠ◆◆❃◆◆

(Tuesday 4:00 August 13, 2019)

'The number you have dialed is either unattended or out of the coverage area, please try to call later...'

'The number you have dialed is either unattended or out of the coverage area, please try to call later...'

'The number you have dialed is either unattended or out of the coverage area, please try to call later...'

BWISIT KA DEREK MANEDIUUUUUL! BAKIT HINDI KA SUMASAGOT ANAK NG TINAPA?!

Inis kong tinapon sa bed ko ang phone ko habang tinitignan ang bukas na bintana. Alas kuwarto pa lang pero alam ko na early bird ang ugok na yon.

Kukunin ko pa sana ang phone ko pero may kumakatok. Tinignan ko ulit ang oras. Wala pang nga students na gumagala ng ganitong kaaga ah?!

Pinakalma ko muna ang sarili ko at pumunta sa pinto ng dorm ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan at nung binuksan ko...

...walang tao...

...at may isang nakatiklop na papel lang ang nasa tapat ng dorm ko...

Kinakabahan kong pinulot ang papel at binuksan ito.

'go to the Demon' s Hall yard. There you will see your friend. Don't worry, the Gangs aren't active. -A'

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tangina! Hindi ko sure kung hindi ito isang trap lalo na...tungkol sa Demon's Hall...pero sino---?

Hindi kaya...

Nanlaki ang mata ko sa narealize ko. Dali dali kong kinuha ang phone ko at nagmamadaling lumabas. Please, wag sanang si Derek ang matatagpuan ko sa yard ng Hall na yun.

Halos madapa na ako sa kakatakbo. Pero wala na akong pake. Imperial Hall...Canteen...

Council's Dorm...and----

◆━━━━━━◆❃◆━━━━━━◆

◆◆❃◆◆ᴅᴇʀᴇᴋ's ᴘᴏᴠ◆◆❃◆◆

"Have a good night sleep then." bigla na lang akong natumba nang tinamaan niya ako sa isang acupoint na pampatulog. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin, pero pilit ko namang binubuksan ang mata ko. Damn it Derek! Hold on! Fuck!

At tuluyan na ngang nagsara ang pilikmata ko pero hindi ibig sabihin nun ay patulog na ako! Pilit kong nilalabanan ang antok lalo na nung may parang telang pumalibot sakin. What the heck is it?! At ang nakakainis pa, ay nung magsalita siya, saka ako nakatulog.

Peste. (-.-)

◆━━━━━━◆❃◆━━━━━━◆

"W-WHAT THE FUCK?!" napabangon na lang kasi ako nang narinig ko ang sintonadong tinig ni Sniper. Tangina. Doon ko lang napagtanto ang nangyari.

Pinatulog ako ng isang stranger through that fuckin' acupoint. At ngayon, nagising ako nang marnig kong kumakanta si Sniper ng sintunado. Tangina.

"Buti naman at okay ka na! Alam mo bang ilang beses na akong tumatawag sayo kagabi pa?! Pinuntahan ko pa ang dorm mo at wala ka doon kaya tinatawagan na kita eversince! Sino ba naman kasing tanga ang lalabas ng dorm nila at hindi magdadala ng phone?! Paano kung may---?!"

"Tss..."tinanggal ko ang kumot na nakalapat sakin saka pinilit kong makaupo at napansin kong nedyo gabi pa. Ngayon nagsisisi na ako. Bakit ba kasi ako lumabas para magpractice kanina?! Tsaka, bakit ko ba pinagaksayahan ng oras ang taong dahilan kung bakit ako sinusumbatan ng gagong to?!

"HAAAAAAY NAKOOOOO! Kung babarahan mo ulit ako, mas maganda sigurong umalis ka na sa dorm ko! Layas!"  napalinga naman ako sa paligid. Tama siya, wala nga ako sa dorm ko ngayon kaya iaasume ko na dorm niya itong maayos at malinis na dorm.

"Tss..."

"Hindi ka pa marunong nagpasalamat?! Alam mong ako ang naghanap sayo at nagalala kundi mapapatay ako ng tatay mo at ni Gab kapag malalaman nilang nakita kita sa field ng Demons Hall!"  hindi ko namang mapigilan ang pagtingin ko sakanya nang sinabi niya ang pamilya ko.

"Sila Dad at Gab mapapatay ka dahil lang nakita mo akong walang malay sa isang field?" why can't he just say na nagalala lang talaga siya sakin? Tss.

"Yeah right. Sino ba naman kasi ang hindi magaalala porket nakita lang kita sa isang 'field'? Bro, para lang sa kaalaman mo, ang lugar kung saan kita nakita ay hindi ordinaryong lugar..."  tsk, may pa mysterious mysterious pang nalalaman kung sinabi niya na sakin, idagdag pa ang pagiging sarcastic niya.

" Pero field lang yun ah? Tsaka, wala akong maalalang may malapit na hall sa field!" napahawak na lang siya sa kanyang noo at napaface palm. Problema ng lokong to?

"God you are hopeless! Sa hall na iyon kasi, doon pinapatay o pinaparusahan ang mga estudyanteng lumalabag sa mga rules ng school! At ang mas malala, ang mga gang ay naglilibot paminsan minsan sa buong school! Kahit gabi! Kahit madaling araw!" nalilito ko naman siyang tinitignan.

"Eh, anong konek nun?! Eh sa field lang naman mo ako natagpuan?! Tsk!"  mas lalong kumunot ang noo ni Sniper sa sinabi ko.

"Para kang engot noh?! Bawal puntahan ang permimeter ng lugar na yon! Buti na lang at wala pa yung mga gang members doon! Kundi, deretso tayo doon sa DH!"  napakaOA ng gagong to eh! Buhay naman ako idagdag na buhay pa siya at nakakapagsungit pa siya sakin na parang may menopausal na babae. Daig pa niya ako.

Wait, paano niya nalaman na nasa field ako? Tsaka, ba't gising siya ng ganitong kaaga? Tamad tong gumising ng maaga dati eh. Baka nagbago.

"Pero, paano mo nalaman kung nasaan ako?" buti naman at tumigil na siya sa kakasermon sakin kundi tulog na to.

"Ay! Oo nga! Wait lang..." lumapit siya sa study table niya na malapit sa bed. Wow, maaral ang gago. "...eto. Kanina lang ay may kumatok sakin tsaka yan lang ang nakita ko sa may pinto. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ng note pero, lumakas talaga ang kaba ko ng makita ko na may anonymous letter sa dulo ng note. Tignan mong maigi." tama siya. Kung ang isang taong gustong magtrap through a note, hindi maglalagay yun ng isang bagay na pwedeng magbigay ng hint tungkol sa sarili niya. Pero, bakit 'A' ang letter? Is it...the person who I met earlier?

" T-teka, anong oras na?"

" 5:16 na pala. Sus! Ambilis ng oras. Paano ka pala napunta doon sa DH field?" tinignan naman niya ako na para bang nagtataka.

"Tss."

"Hoy! Yung 'tss'  na word lang ba ang nasa bokubularyo mo at lagi mo na yang sinasabi?!"  siguro, kung nasa isang hospital or clinic man kami, lahat ng mga na comatose ay magigising dahil sa lakas ng boses ng baril na to.

"Tss...hindi ugok. At sandali nga lang, bakit mo nga ba ako hinahanap?!"

"Ah, about that....here,I found something about Moon Volmalos..before she even went to this school. Tsk, misteryoso na talaga siya kahit kailan." may binigay siyang nakafolder na siguro ay naglalaman ng papeles tungkol kay Volmalos.

"Mamaya ko na lang babasahin. Balik na muna ako sa dorm ko." tinanguan lang niya ako at hinayaan na niya akong umalis.

Pagkarating ko sa dorm ko agad akong sumalampak sa kama ko. Bakit ko nga pala sinamahan ang taong iyon?! Nakakainis kasi, imbes na magprapractice lang ako, naistorbo pa ako! Tinignan ko ang dagger na nasa jakcet ko ngayon.

'Kung hindi ako nahiwagaan kanina sa dagger at na isipang mag sword dance, hindi ako hahantong sa ganito. Damn it, nice one Volmalos, you made my night a bit more surprising because of that stupid dagger.'

Yes, it's the dagger's fault to be stupid.

◆━━━━━━◆❃◆━━━━━━◆

(Tuesday, 8:14 am, first subject)

"Good morning class."  bati nung isang teacher pagkapasok niya dahilan para tumahimik ang nga students na nagkakagulo kanina. Yung pumasok na teacher ay isang medyo may kabataan pa pero hindi naman mukhang strikto.

"Good morning Sir Allan!" masiglang bati ng mga kaklase ko. Ngumiti pabalik ang teacher at inaayos na ang gamit nang matagpuan ng mata niya ang mata ko.

"Oh, you are the--?" hindi naman natuloy ng teacher ang sasabihin niya sana nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Volmalos na parang nagnamadali. Pero sumunod naman si Andrew na nakapoker face lang. 

Hindi naman nagsalita ang teacher at tinignan lang silang umupo at walang nagawa yata ang teacher at tinignan ulit ako.

"*ehem* I'm sorry, so, are you the new student?" tinanguan ko lang siya at tinignan si Volmalos na seryoso. What the hell happened to her?

Nagsimula nang magsalita ang teacher sa harap pero titig na titig ako kay Volmalos. Napansin ko na medyo may pagkamahaba ang kanyang kuko, pero tama lang ang haba nito kaya kapag titignan ang kamay niya, elegante ang itsura. Yung buhok niya, nakapony at natural yata ang pagkakulot.

"What's wrong in my face?" ngayon ko lang napansin na nakatingin na rin siya sakin. I just shrugged at tinuon ko na lang ang pansin sa harap. Doon ko lang ding nalaman na nakatingin na sakin ang buong klase.

"Oh, oo nga pala. Wala pang kapartner si Mr. Manediul no? Hmm...sino ang wala pang kapartner?"  para saan naman yun?

"Sir ako po!"

"Hoy gaga meron ka nang kapartner!"

"Ayt meron na ba? Sayang!"

Wala sa sarili akong napabuntong hininga. Seriously?

"Wala na noh? Hmm...how about you Moon? May kapartner ka na?" tinignan ko naman si Moon at nahalata ko namang nakatingin din si Andrew kay Moon. Nasa bandang gulid lang kasi namin siya kaya napansin ko. Meron ba talaga silang koneksiyong dalawa?

"Si Andrew na po ang partner ko."

"Okay, since wala nang pair ang available, sainyo na lang si Derek, Moon."parang ewang nakanganga si Moon kay Sir Allan.

"H-Huh?! S-sir! I-Ibig pong sabihin, tatlo na kami?!" tinuro niya si Andrew tas sakin. Kingina. Bingi ba to?

"Oo nga po sir! Madaya!"

"Sir unfair!" what's wrong with everybody? And porket lang na mapupunta ako kila Moon ay daig pa nila ang pwet ng manok kakaangal.

"Silence everyone! Since bago naman si Derek, ipapartner ko na muna siya kela Moon at saka kay Andrew para kapag dadating ang ibang exchange student, iaayos na lang natin."  ano bang meron sa partner thingy na yan?

"Exchange students sir?"  tanong ng isa naming kaklase na lalaki. Hey! Naguguluhan pa ako dito ha?

"Yes. Actually, sila ay nandito next month kasi sasali sila sa mangyayaring eliminations para sa 'Battle of the Drakons'. At kapag natapos na ang eliminations, dito na nagstastay ang nga hindi nailiminate, and as for those who are eliminated, sila ang napupunta sa ibang school. Kaya ang magiging class partners ay para lang sa mga training and for some class activities." blah blah blah. What a boring explanation.

"Pero, totoo po ba sir yung kumakalat na balita na sasali ang crown princess sa mangyayaring eliminations?" nakita ko naman na natigilan si Moon pati na rin ang teacher sa tanong ni Sniper, na nasa bandang harap ko.

"I don't know if it's true or not, pero, may possibility." lumipat nanaman ang atensyon kay Moon na halata namang gulat na gulat pa rin. Agad naman akong napaisip.

Ano namang meron sa crown princess at ganyan na lang ang reaksiyon ng teacher at ni Moon?

Mas lalo akong nagisip at hindi ko na namalayang tinatawag na pala ako ni Andrew at ni Moon. Isa pa, bakit napakaclose nila sa isa't isa?

"DEREK!"  I coldly look at them while Andrew shouts at my ear loudly that made every student look at the three of us. Wala na pala ang teacher. Mukhang umalis na tas ang mga kaklase ko ay parang nagrugrupo grupo. Anong meron?

"What?" gulat na tinignan ako ni Moon sa paraan ng pakikitungo ko kay Andrew. At siguro, nakapoker face lang kami pareho ni Andrew. He groan in disappointment and he walked outside but Moon was here, looking stupid.

"What?"  I gave her a cold stare tas ang kinagulat ko, she held it back! It was my first time that somebody can withstand my stare!

"If you want to stare at me like that , then continue it. But! Just letting you know about the training tomorrow. Don't be late." aalis na niya nung napansin ko na may cloth na nakapulupot sa kanang braso niya, pero binalewala ko lang iyon tsaka, pake ko ba?! Tsaka, anong training?!

"Look Charm! Di ba siya ang new student?"

"Oo siya nga. Omygod, napakaswerte niya! Makakapartner niya si Andrew! Nakakainggit! Sana ako na lang si Moon!"

Wala sa sarili akong napahinga ng malalim sa mga narinig kong bulungan. Mga anak ng tokwa. Magchichikahan pa si likod ko.

SO WHAT KUNG MAKAKASAMA KO SILA?

◆━━━━━━◆❃◆━━━━━━◆

DISCUSS.

DISCUSS.

DISCUSS.

DISCUSS.

DISMISSAL. (3:45 pm)

Hanggang ngayon rinig na rinig ko pa rin ang mga protesta ng mga kaklase ko dahil magkakaroon kami ng quiz kinabukasan tungkol sa 'periodical table' at syempre, hinding hindi mawawala ang nakakabwisit na ngisi ng teacher namin na si Ma'am Katy kasi nga, hindi pa nadidiscuss ang periodical table, ipapaquiz na niya ito samin.

Balak kong pumunta sa library para doon magaral since kulang ang nasa textebook na kakabigay lang sakin kanina. Nagadvance reading ako at medyo nabigla ako na advance ang curriculum nila dito. Ang buong akala ko ksi, since assassin school ito, hindi nila pinagtutuonan ng pansin ang pagaaral, but ako nanaman ang mali.

Pansin ko lang na bago makakapasok dito sa library, kailangang ipakita pa ang student i.d bago makapasok. Tsaka, walang tao kaya makakapagfocus ako ng ayos. Malaki-laki rin ang library kaya nahirapan ako buti na lang at may mga plaka na nagsasabi kung anong books ang nasa shelves.

Bubuklatin ko na ang isang book nang marinig kong may isang aklat ang nahulog na parang nagecho pa. Tinignan ko ang pinanggalingan ng tunog at nakita ko ang isang babae na nagbubuklat ng medyo makapal na libro. Lalapitan ko na sana siya nang naglandas ang mata niya sa direksyon ko.

ᴛᴏ ʙᴇ ᴄᴏɴᴛɪɴᴜᴇᴅ...