webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urbain
Pas assez d’évaluations
110 Chs

CHAPTER 51 - BOY'S TALK

CHAPTER 51 - BOY'S TALK

----------

PENELOPE THOMPSON POV

Pinag gawa ko sila ng coffee. Special ang coffee na to dahil talagang pinag aralan ko siya sa isang sikat na unibersidad ngayon. Ang Youtube University. Haha.

After kong mag timpla binigyan ko muna si Mommy dahil siya ang nagbabantay kay Dad at sunod si Kuya.

Hmm? asan kaya si Ethan umuwi na?

Nasense ata ako ni Kuya.

"Hinahanap mo siya no? Nasa Garden siya babygirl. Nagpaalam siya saken. Akin na (yung coffee)ako na magbibigay sa kanya nyan. Pero ayain ko din siya dito sa loob." pangungulit ni Patrick sa kapatid.

30 mins after, naubos ko na tong Choco Muffin at Coffee ko wala pa din sina Kuya.

Ano kayang ginagawa ng dalawang yun?

SAMANTALA....

ETHAN SMITH POV

Hindi na ako nahiyan na ilabas ang emosyon ko sa harap ni Kuya Patrick dahil hindi na din naman siya iba sa akin.

Di ko din akalain na ganun pala siya kagalit sa akin nun. Pero ang hindi ko pa din talaga malaman kung ano ba yung naging dahilan ng galit niya sakin?

Sayang nga dahil naiba agad yung topic namin. Pero nagulat naman ako sa sunod na kinwento ni Kuya Patrick sakin.

"Penelope had a 2 years relationship. Nakilala niya yun nung one time na umuwi siya dito sa Pilipinas. Nag mamasters pa siya sa US nun pero umuwi siya dahil may kailangang asikasuhin dito sa Hospital, actually maliit lang na clinic to dati.

Anyways, yun nga may karelasyon siya pero nagbreak din sila on and off din sila nun e. Kwento lang sakin ni Penelope na mainitin daw kasi ang ulo ni Jacob.

Tapos may times pa na nagkakapasa siya pero dinedeny kasi ni Penelope kaya di ko makumpronta yung ex niya na yun dahil ayaw ko naman din mapahiya."

sabay tingin ni Patrick kay Ethan dahil pansin nito ang bigla nitong pagtahimik.

"Haha, I'm sorry ha. Napasobra ata yung pagkwento ko. I think hindi ko na pala dapat sinabi yun." pag dispensa ni Patrick.

"No, Kuya Pat. It's okay. Napa isip lang ako bigla. Matanong ko lang Kuya, naka ilang boyfriends si Penelope? sa pagkakaalam mo." curious na tanong ni Ethan.

"Isa lang. Kasi diba sabi mo hindi naman naging kayo."

"Yeah." sabay buntong hininga ni Ethan.

"Pero alam mo curios talaga ako e, bakit hindi naging kayo? Kasi diba, kahit nung teenagers kayo nun madalas pa din kayo magkasama? Nag oout of town pa nga kayo.

Can you tell me what happened?"

"Di ka sana magalit Kuya Patrick ah or wag mo din sana akong ijudge. Ganito kasi yung

nangyari nun. Matagal na talaga akong may gusto sa kanya. Di ko lang talagang maamin amin dahil natatakot ako na layuan niya ako. Alam mo yung feeling na magkaibigan kasi kayo for the longest time tapos malalaman mo na may gusto sayo yung friend mo. Hindi ba awkward yun lalo sa babae?"

"Well awkward kung awkward pero kung mahal mo naman yung tao diba? At least naging totoo ka lang sa sarili mo. Hindi man umayon sa gusto mo ang nangyari at least diba nasabi mo.

Walang "what if" na matitira sa puso't isip mo. Tama ako diba?"

"Actually Kuya. Nung time kasi na yun gulong gulo din ako. Wala akong mapag tanungan kung close na sana tayo noon e. Natatakot kasi talaga ako sayo dati. Di ka kasi ngumingiti noon. Haha."

sabay na nagtawanan ang dalawang magkakwentuhan.

Ang haba ng kwentuhan namin na to ni Kuya Patrick. Talagang reveal kung reveal. I also opened up about kay Cheska at ang sabi niya sakin na maaaring yun ang naging dahilan ng pagbabago ni Penelope. Dahil tugma yung mga buwan at araw kung kelan nahuhuli niya na umiiyak ang

kapatid niya.

I felt so bad para kay Penelope. Kaya pala ganun na lang kung masabihan niya ako na manhid,manloloko although hindi niya deretsahan na sinasabi pero parang ganun yung pinaparating niya sakin e.

I also tell Kuya Patrick kung gaano ko pinagsisihan ang mga bagay na nagawa ko noon. Yung pagiging manhid ko nga sa feelings ni Penelope. Kaya willing akong gawin lahat, also the reason kung bakit ako madalas na nandito hindi lang dahil sa arrange marriage namin kundi dahil sa totoong Mahal ko talaga si Penelope.

Sa ngayon, ang task ko ay muling mabalik yung sigla at tiwala sa akin ni Penelope. Kuya Patrickadvices me na wag sumuko at patuloy lang sa panunuyo.

Hindi man niya tahasang sinabi sakin pero, feel ko na Kuya Patrick got my back at boto din siya

sa akin para sa kanyang kapatid.

PENELOPE THOMPSON POV

Naubos ko na yung kape ko, pero nagtataka ako na wala pa din sina Kuya at Ethan. Akala ko kasi aayain ni Kuya sa loob si Ethan. Kaya minabuti kong sumunod sa may Garden para malaman kung ano ang ginagawa nila.

Pagpunta ko sa Garden nakita ko sila nag uusap sa may tapat pa ng groto. Ano kayang pinag chichikahan ng mga to? Mukhang close na close ah. Makabalik na nga lang sa loob.

Pagbalik ko sa loob naabutan ko si Mom hinaharana si Dad. At galak na galak naman si Dad. Naka ngiti

lang kay Mommy.

"Wow singer ang mommy ko a. Haha" pangangantsaw ni Penelope sa kumakantang si Mommy Patricia.

"Hahaha. Type na type naman ng Daddy mo sweetheart."

"May naisip ako Mom, pano kaya kung mag invite tayo ng choir dito? Para kantahan si Dad?

Malamang magugustuhan ni Dad yun. Mahilig yan makinig sa mga banda e. Irequest natin yung mga

kanta ng paborito niyang banda." suggestion ni Penelope.

"Oo nga no. Humanap ka ng tutugtog para sa Daddy mo."

"Okay mom"

Habang naghahanap ako ng pwedeng tumugtog para kay Dad, bigla naman pumasok na sina Kuya at Ethan.

Nagpapaalam na din si Ethan na umuwi dahil may important meeting daw na dadaluhan kinagabihan kaya umalis na din siya pagtapos niyang magpaalam.

Nagpaalam siya sa lahat pati na din kay Dad.

"Bye Penelope." nakangiting paalam ni Ethan kay Penelope.

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti. Medyo awkward dahil mas nakangiti pa sa akin sina Kuya at Mommy.

Hayy nako talaga tong dalawa na to. Mapang asar talaga.