"Ilabas nyo ang walanghiyang babaeng iyan! Maninira ng pamilya! Malandi! Sinira mo ang buhay ng mga anak ko!!!" Nanginginig ang buong katawan ko habang nasa loob ng CR ng Faculty Room, hindi ko alam kung sino ang bababeng iyon. Ang buong akala ko ay isa sa mga magulang na ipinatawag ko pero ganoon na lamang ang aking gulat nang bigla niya akong sinampal at marahas na hinila ang aking buhok. Mabuti na lamang at at naging mabilis ang pagkilos ng mga co-teachers ko, agad nilang napigilan ang naturang babae kaya naman nagawa kong makapagkulong dito.
Napapikit nang maalalang may mga estudyante sa loob ng Facukty Room at nasaksihan ang ginawang pageeskandalo ng babaeng iyon. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago lumabas ng CR, kinatok na rin naman kasi ako ni Carissa at sinabing nailabas na ng security ang naturang babae.
"Okay ka lang ba?" bakas sa mukha ng mga kapwa ko guro ang pag-aalala, inalalayan pa nila ako pabalik sa table ko at nagkanya-kanyang puwesto ng upo saka ako hinarap.
"Kilala mo ba iyon?"
"Hindi, akala ko Mother ng estudyante natin pero nagulat na lang ako ang bigla akong sinampal" nanginginig nanginginig ang boses ko nang tugunin ang tanong ni Carissa, inabutan naman ako ng isa pang guro ng tubig.
"Salamat"
"Baka naman may itinatago sa iyo si Dave? Baka naman nagsinungaling lang siya sa iyon na binata siya?"
"Hindi"
"Sigurado ka ba?"
"Oo, sigurado ako, mula third year High School kami na ni Dave, imposibleng may asawa na siya noon dahil kahit ang mga magulang niya ay kilala ako bilang nobya ng anak nila" pagtatanggol ko sa nobyo ko. Napabuntong hininga na lamang ako, marahil ay napagkamalan lamang ako ng babaeng iyon, pero bakit ako?
"Naku, mag-ingat ka na lang, mukhang war freak yung babaeng iyon"
"Nasaan na nga pala?"
"Hindi namin alam kung nasaan na, naku, nagkanya-kanya kami ng pagpapalabas ng mga estudyante."
"Salamat ha?"
"Maghalf day ka na lang kaya muna? Alam na ni Ma'am Rodriguez yung nangyari, kaya magreport ka na lang sa kanya para makapagpaalam ka na rin na uwi ka na muna ng maaga"
"May hinihintay pa kasi akong parent"
"Ako na bahalang mahpaliwanag, Sakit ba sa ulo yung anak niya? Kung hindi kaya ko na iyon" ani Carissa.
"Ako na lang, maya-maya namn siguro naririto na sila, hintayin ko na lang saglit. Bababa muna ako sa office" pagpaalam ko sa kanila, inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas ng Faculty Room, hindi ko alam kung paano ako maglalakad patungo sa office, marami kasing estudyante sa hallway dahil lunch break, alam ko naman na marami nang nakakaalam ng nangyari.
Matapos kong isa-isang inspeksyunin ang lahat ng drawers ni Dave ay bagsak ang balikat na napaupo ako sa kama, wala naman akong nakita na maaaring maging pruweba na may asawa na nga ang aking nobyo, at kahit anong pag-iisip ang gawin ko ay malabo pa rin talaga na totoo ang sinasabi ng babaeng iyon, hindi ako magagawang lokohin ni Dave, alam ko na mahal niya ako at hindi siya kailanman gagawa ng dahilan para masaktan ako. Sampung taon na kaming magkarelasyon sa loob ng mga panahong iyon ay mabibilang lamang sa daliri ang mga pagkakataon na napalayo kami sa---. Hindi... wala sa loob na nahawakan ko ang aking dibdib, paano ay naalala ko na anim na buwang nadestino sa Cebu si Dave tatlong taon na ang nakalilipas. Pagkatapos noon ay halos buwan-buwan na siyang pumupunta doon, Ang sabi niya sa akin ay--
"Love!" dahan-dahan akong napalingon sa pinto, hindi ko namalayan na dumating na pala siya... Para akong kinakapos ng hininga...
"Hey! Are you okay?" nakaupo na rin siya ngayon sa kama. Para akong tanga, hindi ko alam kung anong nangyayari at tila bumagal ang takbo ng mga pangyayari sa paligid ko. May takot man akong nararamdamn ay nagawa ko pa rin siyang harapin at tignan ng diretso sa mga mata.
"May problema ba?"
"Huh?"
"Tinatanong ko kung may problema ba? Bakit nakalabas lahat ng gamit ko?"
"Huh?"
"Jamie, ano bang nangyayari sa iyo?" hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Sasabihin ko ba o hindi? Paano kung nagsisinungaling lamang ang babaeng iyon at mali rin ang hinala ko? Pero paano kung nagsasabi siya ng totoo at tama rin ang naiisip ko?
"Jamie, tintatakot mo ako" narinig kong sambit niya sa akin.
"Ma-may... may sumugod sa akin sa School kanina...Sini...Sinira ko raw ang pamilya niya..." halos pagsakluban ako ng langit at lupa matapos kong makita ang kanyang reaksyon...Unti-unti rin nyang nabitawan ang aking mga balikat at napalitan ng takot at desperasyon ang kanyang guwapong mukha.
"Totoo? Totoo ba iyon Dave?" umiiyak kong tanong, ayokong maniwala pero sa nakikita kong reaksyon ng aking nobyo ay kumpirmadong may asawa at anak na nga siya...
"Hayop...Hayop ka! Walang hiya ka!!! Ginago mo ako!" sunod-sunod na sampal ang ipinagkaloob ko sa kanya Hindi ako makapaniwala na nagawa akong tarantaduhin ng taong pinagkatiwalaan ko sa loob ng mahabng panahon at pinag-alayan ko ng aking sarili at oras!!!"
"Hayop ka!!! Paano mo nagawa sa akin ito? Sampung taon! Sampung taon tayong magkarelasyon! Gaano katagal mo na ako niloloko? Gaano katagal mo na akong ginagawang kabit?!!!"
"Jamie, sorry... Hindi ko ginustong gawin sa iyo---" muli ay isang malakas na samapal amg dumapo sa kanyang pisngi, namumula na iyon at mayroon na ring sugat ang kaliwang bahagi ng kanyang labi.
"Napakasama mo Dave! Wala kang karapatan na gawin iyon sa akin! Kung ayaw mo na sa akin sana sinabi mo kaagad! Nakipaghiwalay ka ng maayos! Hindi yung ginawa mo akong tanga!!! Pinagpaparausan mo lang ng init ng katawan!!! Tang ina!!! Ang tanga- tanga ko!!!" hindi ko napigilang sabunutan ang aking sarili,, maagap naman akong pinigilan ni Dave at mahigpit na niyakap, paulit-ulit niyang sinasambit kung gaano nya ako kamahal pero hindi na ako naniniwala!
"Please...Please Jamie, ayusin natin to... Nag-file na ako ng petition for annullment noon pang isang taon---"
"Kaya...kaya pala hindi mo ako mapakasalan! Ang tanga tanga ko!!! Pumapayag akong paulit-ulit ming angkinin ang katawan ko dahil mahal kita at umaasa ako na isang araw ay maihaharap mo ako sa altar pero ibang babae pala pinakasalan mo hayop ka!!!" nagpupumiglas ako mula sa kanyang pagkakayakap, nandidiri ako sa kanya, kahit sa sarili ko ay pinandidiriaan ko rin!!! Hindi ko matanggap na isa akong kabit!!!
"Mahal kita Jamie! Maniwala ka sa akin--"
"Hindi mo ako mahal Dave! Dahil kung mahal mo ako hindi mo ito gagawin sa akin!!!"
"Napilitan lang akong magpakasal dahil nabuntis---"
"Tama na!!!"
"MAkinig ka kasi muna sa akin!!!"
"Ayoko! Hindi na ako makikinig sa mga kasinungalingan mong hayop ka!" marahas kong kinabig ang kanyang braso, tinungo ko ang cabinet kung nasaan ang mga gamit ko, ngunit ganoon na lamang ang galit ko nang isinara iyon n Dave at pilit akong inilalayo sa aking mga gamit.
"Hindi...hindi ka aalis Jamie! Dito ka lang!"
"Bitawan mo ako! Ayoko na Dave! Hindi ko kayang makisama sa iyo! Ayoko na!!!" pilit akong kumakawala mula sa pagkakayapos niya sa akin, nagawa ko naman at tinakbo ang pinto ng silid naming dalawa. Nasa sala na ako nang muli niya akong tinawag, hindi ko na siya dapat lilingunin pa ngunit--
"Dave!... I-ibaba mo iyan!" hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko ang makitang may baril na nakatutuok sa kanyang sentido! Saan nanggaling iyon?!!!'
"Maniwala ka sa akin Jamie, pasasabugin ko ang ulo ko sa oras na humakbang ka papalabas ng bahay na ito! Magpapakamatay ako!"
"Dave, please ibaba mo na iyan"
"Hindi! Mabuti ang mamatay na lang kaysa ang iwan mo ako! Hindi ko kaya Jamie! Mahal na amhal kita!!!"
"Please Dave, ibaba mo na iyan, maawa ka sa asawa at anak mo!"
"Wala akong pakialam sa kanila! Iyong babaeng iyon ang dahilan kung bakit magulo tayo ngayon! Kung hindi niya ako inakit wala tayao sa sitawasyon na ito--"
"Dave please, ibaba mo na iyan" pinagsaklop ko ang aking mga palad at nagmakaawa sa kanya, tila ba sasabog ang dibdib ko!!!
"Bumalik ka dito Jamie at ibaba ko ang baril na ito!" labag man sa aking kalooban ay bumalik ako at tinungo ang kanyang direksyon, naginginig ang mga kamay ko pero puno ng pag-iingat na kinuha mula sa kanya ang baril, ibinigay naman niya iyon sa akin pagkatapos ay mahigpit akong niyakap.
Hindi ko na nagawang pumasok kinabukasan, naglinis lamang ako ng bahay at inasikaso si Dave, itinago ko ring maigi ang baril niya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin... sa amin. Mahal ko si Dave, handa akong tanggapin na may anak sya sa ibang babae pero ang pagkakaroon niya ng asawa ay ibang usapin.
"Love" ibinaba ko ang sandok anng marinig ang boses niya, ilang sandali lamang ay naramdaman ko na ang kanyang mga bisig na yumapos sa aking baywang. Pinagkalooban niya rin ako ng maliliit na halik sa leeg dahilan para lumayo ako sa kanya ng bahagya. Kitang-kita ko kung paanong nagdilim ang kanyang mukha kaya naman mabilis ko kinuha ang kanyang kamay at pilit na ngumiti.
"Nagluluto kasi ako" nang marinig iyo ay tila nagliwanag ang kanyang mukha. Sa totoo lang ay unti-unti na akong nakararamdam ng takot kay Dave, kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil paulit-ulit na nanunumbalik sa aking isipan ang tangka niyang pagpapatiwakal.
"Mamaya na lang?" tila ito bata na naniniguradong maibibili ng laruan, sumagot na lamang ako ng oo para mapayapa siya. Inutusannko na lamang siyang maghain na siya naman niyang ginawa.
"Date tayo mamaya" aniya habang inaayos ang mga plato at kubyertos.
"Hu-Huwag na, dito na lang tayo, gusto kong magpahinga, napagod ako sa paglilinis--"
"Ganoon ba? Sabagay, dito na lang tayo, movie marathon na lang--"
"Wa-wala ka bang pasok ngayon?"
"Absent muna ako, gusto kitang makasama."
"Ah"
"Tumawag nga pala ako sa school niyo kanina, sabi ko magreresign ka na, ipapadala mo na lang yung resignation letter--"
"Ano?!"
"Ininform ko sila na magreresign ka na"
"Bakit?! Dave naman! Wala akong balak iwan ang trabaho ko! Nasa kalagitnaan na ng schoolyear! Kawawa ang mga bata, isa pa hindi ganoon kadali--"
"Sinabi ko na, nagawa ko na rin yung resignation letter mo, pirmahan mo at dadalhin ko na lang bukas"
"Hindi mo pwedeng gawin iyan!"
"Jamie please! Ayoko ang makipag-away, sumunod ka nalang sa gusto ko!!!"
"Paano naman ako? Gusto kong magtrabaho Dave! Nag-aaral pa lamang tayo alam mo na pangarap kong magturo!"
"Ineskandalo ka na ni Portia kahapon hindi ba? Ano papasok ka pa rin kahit alam mong pinag-uusapan ka ng maraming tao?" inis na wika niya.
"Problema ko na iyon! Kung mayroon mang magdedesiyon sa pagtigil ko sa pagtuturo walang iba kundi ako! Hindi ikaw!"
"Ang problema kasi sa iyo, napakatigas ng ulo mo!"
"Wala tayo sa sitwasyong ito kung nanatili kang tapat sa akin Dave, kaya wala kang karapatan na panghimasukan ang buhay ko! Huwag mo akong ikulong sa apat na sulok ng bahay na ito!" umiiyak kong utas sa kanya, pinatay ko ang kalan saka pabalibag na ibinaba ang sandok sa lababo.
"Saan ka pupunta?!" tila siya naaalarma at humarang sa dapat sana ay daaanan ko.
"Umalis ka diyan"
"Saan ka nga pupunta?!" nagtaas na rin siya ng boses saka marahas akong hinawakan sa isang kamay, iwinasiwas ko iyon.
"Bitawan mo ako! Matutulog ako! Masaya ka na?!" nagawa kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa aking kamay at mabili akong naglakad patungo sa aming silid, iinandado ko ang pinto upang hindi na nya ako masundan. Ngunit ilang sandali pa ay sunod-sunod na katok na ang narinig ko, pilit niyang pinabubukasan ang pinto ngunit hindi ko siya sinunod, nagtakip na lamang ako ng unan sa mukha at pilit na iniignora ang kanyang pagtawag.