webnovel

The Only Exception.

Being forced to marry for the sake of family, wealth, and position cannot promise love. For Aria, such thing was unavoidable. It's not like she has a say in that matter either. But she was surprised to hear that she's been promised to the heartless Duke of the North. Duke Adler of Winterthrone, second to the emperor in terms of power. And Aria Hansley, a daughter of a mere Count. Whenever she thinks about it, asking her hand for marriage doesn't make sense So what exactly does he wants with her? . . . . . THE ART IS NOT MINE. CTTO.

mimioxyri · Histoire
Pas assez d’évaluations
4 Chs

Kabanata III - Walang Kwenta

Nang makauwi ay agad akong nagtungo sa aking kwarto at ikinulong ang sarili doon, nagnanais ng mahabang pahinga bago maghapunan.

Tila mas lumala ang pagod na naramdaman ko kanina matapos kong makausap si Missy, ngunit hindi na rin kasorpre-sorpresa iyon. Ganoon talaga ang epekto nya sa lahat ng taong kaniyang makakausap.

Binagsak ko ang sarili sa higaan at pumikit, handa nang maglakbay sa panaginip. Ngunit laking gulat ko na lamang nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Saan ka nanggaling?" Bungad niyang tanong.

Gusto ko na lang maglaho nang makilala ang boses na iyon.

"Argh, kuya. Pwede ba kahit minsan, lubayan mo rin ako." Pagmamaktol ko, pero ang mga yapak ay papalapit lang nang papalapit hanggang sa tumigil ito sa tabi ng aking higaan.

Simula nang makauwi ang aking pinakatatanging kapatid na si Kuya Aaron, bumalik na naman siya sa pagiging mapag-alala at protektibong kapatid.

Nabigla na lamang ako noong magalit siya kay Papa nang malaman niya ang pagpayag ni Papa sa paghingi ni Duke Adler ng kamay ko para sa kasal.

Iyon na ata ang pinakamatinding pag-aaway na namagitan sa kanilang dalawa na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakabati.

Naiintindihan ko namang ginagawa lang ni Kuya ito dahil ako ang pinakamamahal at nag-iisa niyang kapatid, ika niya. Ngunit paminsan-minsan ay sumosobra rin siya.

Hinihiling ko tuloy na sana ay mas tumagal pa ang trabaho niya sa Goldenrose Duchy.

"Paano kita lulubayan ngayon kung nandito 'yung mapapangasawa mo."

Agad akong napabalikwas ng bangon sa aking narinig. "Ano?!"

"Oo. Rinig ko, dito rin muna siya mananatili hanggang sa araw ng Spring Ball. Walang hiyang puta." Tila namomoblema niyang sabi.

Hindi naman ako makapagsalita sa gulat.

"At saka nga pala, pinapatawag ka ni Papa sa opisina. Pero kung ayaw mong pumunta, okay lang. Akong bahala kay Papa."

Siya ang bahala, ngunit parehas naman kaming malalagot.

Napakagat na lang ako sa labi ko, pinag-iisipan kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung nandito si Duke Adler, ibig-sabihin ay nakapako na talaga ang kapalaran ko at wala nang atrasan pa.

Ngunit ipinagtataka ko lang kung anong pakay niya dito sa munting mansyon namin at kung bakit dito siya mananatili gayong may sarili naman siyang hasyenda dito sa kapitolyo.

Anong laro na naman ba ito?

"Nasa opisina rin ba si Duke Adler?" Tanong ko.

Tila naguluhan naman si Kuya sa tanong ko. "Oo. Teka, huwag mong sabihin na plano mong pumunta doon."

Bakit hindi?

Sa totoo lang, gaya ng mga tao sa kapitolyo, maging ako ay nagnanais na masilayan si Duke Adler.

Sabi nila, mayroon daw siyang buhok na kasing puti ng nyebe at mga mata na kasing itim ng kaniyang budhi.

Sabi rin nila, kapag nasalubong mo ang kaniyang tingin, maninigas ang katawan mo sa takot at tuluyan ka nang mawawala sa kaniyang mga mata.

Syempre maaaring walang katotohanan ang mga sabi-sabing ito sapagka't mahilig na magpalabis ang mga taga-kapitolyo.

Ngunit maitim man ang mata o maputi ang buhok ni Duke Adler, mas nangingibabaw pa rin ang pagnanais kong malaman kung ano nga ba talaga siya bilang isang tao.

"Sa tingin mo, Kuya, hindi ba mas makakabuti kung makita ko ang itsura at makilatis ko ang personalidad ng mapapangasawa ko?" Pagsubok ko na kumbinsihin si Kuya.

Syempre nabigo ako.

"Si Papa naman ang may kasalanan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ka." Ipinagkrus ni Kuya ang mga braso niya at lumingon sa tabi.

Malungkot na lang akong ngumiti. "Alam naman nating mangyayari rin ito, Kuya."

Hindi tumugon si Kuya, natitiyak kong may iniisip na naman.

Habang hinihintay kong magsalita siya, bumaba muna ako sa aking higaan upang harapin ang malaking salamin sa aking kuwarto.

Mukha naman akong maayos. Nakalugay ang maalon at mahabang buhok. Walang kolorete sa mukha ngunit mapula ang pisngi at labi. Disente ang pananamit. Katamtaman ang puti.

Mapagpakumbaba man ngunit alam kong maganda ako. Hindi man kasing ganda ni Missy pero maganda pa rin.

Alam ko ring ganito sa aking itsura ang nais ng karamihan sa mga kalalakihan ngayon mula sa babaeng kanilang mapapangasawa, iyong mukhang inosente at sunud-sunuran. Nakakasuka mang isipin pero iyon ang katotohanan.

Ngunit hindi ko alam kung kabilang ang Duke ng Winterthrone sa ganoong klase ng mga lalaki o hindi.

"Hays, sige na nga. Tara na." Wika ni Kuya makalipas nang ilang sandali.

Nang lumingon ako sa direksyon na ay nasa pinto na siya, naghihintay sa akin.

"Sasama ka? Akala ko ba ikinasusuklam mo ang Duke na ayaw mong makita ang pagmumukha niya?" Biro ko, pagtutukoy sa sinabi niya sa akin kahapon.

Ngumisi naman si Kuya. "Syempre, ayaw ko talaga sa kaniya. Kailangan lang na nandoon ako kung sakaling gusto mong ipasapak siya sa akin."

Nilagutok pa ni Kuya ang kaniyang mga daliri para mas ipahiwatig na seryoso siya sa kaniyang sinabi.

Napailing na lamang ako, ngunit natutuwa rin akong marinig iyon kay Kuya.

Ako'y lumapit sa kaniya at pinitik ang kaniyang noo. "Pigilan mo ang sarili mo kung ayaw mong ipatapon ka ni Papa sa Silangan."

Bahagya naman akong tinulak ni Kuya papalabas ng kwarto at kaniyang sinarado ang pinto. "Heh, subukan niya lang. Aahitin ko ang mga natitirang buhok sa ulo niya."

Hindi ko mapigilang tumawa. Hindi pa naman napapanot si Papa ngunit ang imaheng ganoon nakakatuwa ring isipin.

Sa mga ganitong sandali talaga, nagpapasalamat ako na nariyan si Kuya para sa akin.

"Huh? Anong ibig-sabihin na wala na siya?" Tanong kong muli, tila nablangko ang isipan.

Mabilis kaming naglakad ni Kuya patungo sa opisina, ngunit natigilan ako noong nakitang si Papa na lamang ang nandito.

"Wala na. Umalis na. Hindi ba malinaw sa'yo, Aria?" Tugon ni Papa na para bang isa akong bata na hindi makaintindi.

"Hah. Buti naman kung ganoon," nakangising wika ni Kuya. Bahagya niya pang tinapik-tapik ang aking balikat bago sumalagpak sa sopa sa harap ni Papa.

Kumunot naman ang noo ni Papa sa ginawa ni Kuya, ngunit hindi na siya umimik pa.

Napaupo rin ako sa sopa, sa bandang paanan ni Kuya.

"Ngunit akala ko'y mamamalagi siya nang saglit dito," nagtataka kong wika.

Nakita ko rin ang pagtataka sa ekspresyon ni Papa. Mukhang maging siya ay naguguluhan. Nilingon ko naman si Kuya na walang-kibo nang may sumagi sa aking isipan.

"Inuto mo na naman ba ako, Kuya?"

Biglang siyang napabalikwas nang bangon dahil sa aking sinabi. "Huh?! Hindi ah!"

Pinaliksikan ko si Kuya ng mata, hindi dahil hinda ko siya pinaniniwalaan, kundi upang makakuha ng reaksyon mula sa kaniya.

Agad naman siyang umiling. "Nagpahanda pa nga si Papa ng kwarto para sa kaniya. Gago na't lahat pero hindi ako sinungaling. Nakakasakit ka ng damdamin, aking minamahal na kapatid."

Hinaplos-haplos pa niya ang kaniyang dibdib para ipamukha sa akin na talagang nasaktan talaga siya. Bwiset.

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Papa dahil sa narinig. "Kung tama ang pagkakatanda ko, wala akong ipinaalam sa'yo patungkol sa pagpapahanda ng kwarto."

Ah. Muli na namang nakialam si Kuya ng mga dokumento ni Papa nang walang paalam.

Nasorpresa ba ako? Hindi.

Marahang tumawa si Kuya, ngunit sino ba ang maloloko niya. Rinig ko ang kaba sa tawa niya, at sigurado akong rinig din pati ni Papa.

"Baka sadyang matanda ka na, Pa."

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa narinig. Pansin ko rin ang pagkibot ng kaliwang mata ni Papa, bagay na ginagawa nang hindi namamalayan tuwing nakakarinig siya ng hindi niya nagustuhan.

Sa mga ganitong sitwasyon, hindi ko talaga alam kung matalino o tanga si Kuya.

Matalino, kasi sinabi niya ang sinabi niya upang hindi pagbuntungan ng inis ni Papa ang kaniyang ginawa na pagpasok sa opisina nang walang paalam. O tanga, dahil hilig lang talaga niyang sabihin kung anong pumasok sa kokote niya na maaari niyang ikapahamak.

O pwede rin namang pareho.

Sa kabilang banda, nanatili namang blangko ang mukha ni Papa at patuloy niya lang na tinitigan si Kuya. Kung ilalarawan, masasabi kong ito ang "pagod na ako sa katarantaduhang ito" na mukha ni Papa.

Hindi ko masasabing "ako din", kasi maging ako ay nakikinabang sa ginagawa ni Kuya. Ngunit napagpasyahan ko ring tumahimik na lang at panuorin kung papaano dadaloy ang mga pangyayari.

Walang damay-damayan kapag buking ka na.

Muling napatawa si Kuya, hinahaplos ang kaniyang batok. Kung tititigan siyang mabuti ay  mahahalata rin ang mga namumuong butil ng pawis sa kaniyang sentido. Kabado.

"Biro lang naman po, hehe. Narinig ko lang mula sa mga katulong iyong tungkol sa pagpapahanda ng kwarto. 'Yun lang." Pagrarason ni Kuya nang may pilit na ngiti sa mukha.

Nagtaas-kilay naman si Papa, naghihintay pa ng ibang sagot mula kay Kuya nang biglang tumayo ang aking pinakamamahal na kapatid. Nagulat pa ako sa kaniya, ngunit gusto ko na lang humalagpak sa tawa nang makita ang mukha niya.

Mukha siyang natatae.

Pero syempre, pinigilan ko sarili ko.

"Ay, tignan mo nga naman 'yung oras. Makikipagkita pa pala ako kay Marquis Lindell. Maiwan ko muna kayo!" Nagawa pa niyang pisilin ang pisngi ko, at ilang saglit pa ay wala na siya.

Hindi ko naman maiwasang kainisan si Kuya dahil sa pag-iwan niya sa akin dito sa ganitong sitwasyon. Isinalba lang ng bwiset ang sarili niya.

Kaunting katahimikan ang namayani sa opisina, bago ako tumayo na rin upang lumisan. Sinalubong ni Papa ang mga mata ko, tila may gusto siyang sabihin.

Hindi pa ako handa upang pakinggan ito.

Ngunit mukhang ngayon ay hindi ako makakaiwas mula sa kaniya gaya nang aking ginagawa nitong mga nakalipas na linggo sapagka't hindi ko pa naihahakbang ang aking paa nang magsalita si Papa.

"Sa tingin ko'y may dapat tayong pag-usapan, Aria."

At wala akong nagawa kundi sumunod.

"Tungkol sa Duke..." Panimula ni Papa. Ngunit bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin ay nagwika na ako.

"Alam mo namang hindi ko siya mamahalin hindi ba, Pa?"

Hawak-hawak ko ang manggas ng kamay ng aking damit, pinaglalaruan ito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang na lumabas iyon mula sa aking labi.

Ngunit ito rin ang katotohanan.

"At hindi niya rin ako mamahalin." Dagdag ko pa.

Dahil ang ipinagkasundong-kasal ay hindi kailanman magbubunga ng relasyong may pagmamahal, nais ko pang sabihin pero nanatili na lamang ito sa aking isipan.

Alam kong ito ang totoo sapagka't ganoon din ang naging relasyon ni Mama at Papa, walang pag-ibig. Gayunpaman, hindi ko rin sila masisisi sapagka't sa ganitong lipunan, isa lamang na tungkulin ang pagpapakasal.

Isang tungkulin na dapat kong gawin.

Bahagya namang nagsalubong ang dalawang kilay ni Papa nang marinig ang aking sinabi.

Huminga ako nang malalim. "Alam kong tungkulin ko bilang isang Hansley na pakasalan ang Duke."

"Aria-"

"At gagawin ko ito nang walang kayong maririnig na reklamo mula sa aking bibig. Kaya maiiwan ko na po kayo, Papa. Nawa'y maging mainam ang araw niyo."

Hindi ko na hinintay ang tugon ni Papa at aking nang nilisan ang opisina. Magmukha mang bastos sa kaniyang paningin ay wala akong pakialam.

Hindi ko ba alam kung bakit nasasaktan pa rin ako gayong matagal ko nang alam na ganito ang kahahantungan ng aking buhay, na 'di magtatagal ay ipapakasal rin ako sa taong hindi hawak ang aking puso.

Sa taong hindi ako kailanman titignan na parang ako ang kaniyang buong mundo.

Marahil mayroon pa ring maliit na bahagi sa aking kaloob-looban ang hinihiling na sana'y hindi humantong sa ganito ang aking kapalaran.

At ngayo'y wala na akong magagawa kundi tanggapin ang aking reyalidad.

follow me on twitter @mimioxyri (. ❛ ᴗ ❛.).

mimioxyricreators' thoughts