webnovel

The one you love

Isang simpleng dalaga na girlfriend ng isang mayamang lalaki ang mapapalapit sa isang pangkaraniwang binata. Sa huli sino kaya ang mananaig sa dalawa. Sabi nga sa isang kanta. Are you gonna stay with the one who loves you or are you going back to the one you love?

rhedd · Urbain
Pas assez d’évaluations
15 Chs

Chapter 13

Naisip naman ni Daisy na tawagan si Fatima para kumustahin. Pinatay nya ang cellphone nya simula ng sumama siya kay Matt ngayon lang ulit nya binuksan ang cellphone nya.

" Fatima kumusta dyan? Si Mama galit padin ba sakin?" tanong ni Daisy sa kapatid nya.

" Mabuti naman si Mama pero ate buti napa tawag ka."

" Bakit ano bang nangyari dyan?" nagaalalang tanong ni Daisy.

" Tumawag kanina si Kuya Francis kay Mama alam na daw kung san kayo matatagpuan ni Matt." Banta ni Fatima sa kapatid.

" Ano?" Kinakabahang tanong ni Daisy.

" Basta ate lumipat na kayo ng lugar bago pa nya kayo maabutan, papunta na sya dyan ngayon." Wika ni Fatima.

" Sige Fatima salamat." Wika ni Daisy.

" Mag-iingat ka ate." Wika ni Fatima at ibinaba na ang cellphone.

" Oh bat parang nag-aalala ka?" tanong ni Matt kakadating lang nito galing sa kakahuyan, nanguha ito ng pang gatong.

" Matt buti dumating kana alam na ni Francis kung saan tayo matatagpuan."

" Pano mo nalaman?"

" Sinabi sakin ni Fatima papunta na daw dito si Francis. Umalis na tayo dito."

" Hindi tayo aalis dito, haharapin ko sya." Paninindigan ni Matt.

" Matt hindi mo kilala si Francis, iba magalit yun." Paalala ni Daisy.

" Sa tingin mo papayag ako na makuha ka nya sa akin? Daisy ipaglalaban kita pangako ko yan sayo." Wika ni Matt.

" Pero Matt…"

" Daisy hindi pwede na lagi nalang tayong nagtatago. Kakausapin ko sya maiintindihan nya din tayo." Kampanteng wika ni Matt at naupo ito sa sofa tinabihan naman sya ni Daisy at humilig ito sa balikat nya, hinaplos ni Matt ang buhok ni Daisy para mabawasan ang pag aalala nito.

" Nagugutom ka na ba? Magluluto lang ako ng tanghalian natin." Wika ni Matt at nagpunta ito sa kusina.

" Hindi pa." sagot ni Daisy at sinundan si Matt sa kusina. Abala noon paggagayat ng sahog sa lulutuin nya si Matt.

" Ang swerte ko pala." Pambobola ni Daisy sa nobyo.

" Bakit naman?" tanong ni Matt na abalang abala sa kusina.

" Ang galing magluto ng boyfriend ko ang gwapo pa." paglalambing ni Daisy, nagtawanan sila.

" Ngayon mo lang nalaman?"

" Na swerte ako?"

" Hindi na gwapo ako." Biro din ni Matt at nagtawanan muli ang dalawa. Tinulungan na ni Daisy si Matt sa paghahanda ng pagkain nila.

" Sana hindi na matapos ang araw nato, yung magkasama tayong dalawa, yung ganito tayo kasaya." Wika ni Daisy at yumakap sya sa likod ni Matt na busy pa din pagluluto.

" Nagmamadali nga ako pangangahoy kanina kasi saglit lang kita hindi makita miss na miss na kita." Lambing naman ni Matt sa nobya.

" Bolero ka pala, siguro babaero ka." Pang-aasar ni Daisy.

" Paano ako naging babaero na ikaw lang babaeng nakikita ko."

" Hoy kayo bang dalawa eh hindi titigil ng pagbobolahan diyan aba ako'y nagugutom na!" sigaw ng Tiyahin ni Matt na kanina pa pala sa likod ng dalawa, lalo lumakas ang tawanan ng dalawa.

To be continued...