webnovel

The one you love

Isang simpleng dalaga na girlfriend ng isang mayamang lalaki ang mapapalapit sa isang pangkaraniwang binata. Sa huli sino kaya ang mananaig sa dalawa. Sabi nga sa isang kanta. Are you gonna stay with the one who loves you or are you going back to the one you love?

rhedd · Urbain
Pas assez d’évaluations
15 Chs

Chapter 12

Isang hapon nakainom si Francis, nagpapahinga ito sa kwarto nya ng bisitahin sya ni Janna.

" What are you doing here?" tanong ni Francis kay Janna.

" Bakit Sweetheart wrong timing ba ko?" tanong ni Janna sumalta ito sa kama at tumabi kay Francis, tinanggal nito isa isa ang botones ng polo ni Francis.

" Pwede ba don't ever call me sweetheart."

" Sus ang suplado mo naman baka nalilimutan mo may atraso ka pa sakin, iniwan moko nung party ni Grandma dahil dun sa lasing na cheap girlfriend mo." Pang-aasar ni Janna.

" Pwede ba Janna stop calling her cheap, saka tapos na tayo past is past." Sabi ni Francis.

" Eh anong gusto mo itawag ko dun sa girlfriend mo na pinagpalit ka sa canteen boy. " pang-aasar pa ni Janna.

" Janna can you please shut your mouth! Hindi ako titigil hanggang mahanap ko sila, pagbabayaran nila ang pang gagago nila sakin."

" At umaasa ka pa talaga na mahahanap mo sila." Wika ni Janna bigla nalang dumampi sa pisngi ni Janna ang malaking kamay ni Francis halos mahulog sa kama ang babae sa lakas ng sampal nito. Sasapakin pa sana nya si Janna pero nakaramdam sya ng awa sa babae, bakit nga ba nya sasaktan ang isang magandang babae kagaya nito. Pinulot nya ito sa sahig at binalik sa kama.

" Sorry wala lang ako sa mood kanina." Wika nya kay Janna at hinalikan nya ito, agad namang hinubad ni Janna ang suot nyang damit, bigla namang nag ring ang cellphone ni Francis. Nabitin man tumayo sya at dinampot ang cellphone na naka patong sa mesa. " Hello."

" Hello Sir Francis alam ko na po ang pinagtataguan ni Daisy at Matt. Nasa isang liblib na lugar sila sa Batangas." Wika ng lalaki sa kabilang linya.

" Sigurado ka ba?"

" Yes Sir nakita ko sila." Sagot muli ng kausap.

" Okay sige magkita tayo ngayon ibigay mo sakin ang address at pupunta ako dyan ngayon." Wika ni Francis at pinutol na ang usapan, agad tinawagan ni Francis ang mama ni Daisy para ipaalam na alam na nya ang kinaroroonan ni Daisy. Nagbihis si Francis at kinuha ang kanyang baril sa drawer ng mesa.

" Sweetheart saan ka pupunta?" tanong ni Janna.

" Babawiin ko ang fiancée ko." pagmamalaki ni Francis at lumabas na ito ng pinto.

" Teka Francis! Naka inom ka." Pigil ni Janna pero tuloy tuloy si Francis na parang walang naririnig.

To be continued...