webnovel

The one you love

Isang simpleng dalaga na girlfriend ng isang mayamang lalaki ang mapapalapit sa isang pangkaraniwang binata. Sa huli sino kaya ang mananaig sa dalawa. Sabi nga sa isang kanta. Are you gonna stay with the one who loves you or are you going back to the one you love?

rhedd · Urbain
Pas assez d’évaluations
15 Chs

Chapter 11

Nang gabing yon nag byahe sila patungong Batangas. Tumungo sila bahay ng matandang dalagang tiyahin ni Matt, sa liblib na lugar ito tahimik na naninirahan, katakot takot na mura naman ang inabot ni Matt sa tiyahin nya.

" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip, mo nasa tamang edad kana para mag-asawa eh bakit kailangan mo pa magtanan ng babae?" tanong ng tiyahin ni Matt.

" Intindihin nyo nalang po muna Tiya ang sitwasyon namin." Pakiusap ni Matt.

" Hay, ewan ko bahala ka sa buhay mo." Galit na wika ng tiyahin ni Matt pero binigyan naman sila nito ng kwartong tutulugan. Dalawa ang kama sa kwarto kaya nagtigisa ang dalawa.

" Matt gising ka pa ba?" tanong ni Daisy matapos ang kalating oras na katahimikan parehas silang nakahiga sa kani-kaniyang kama.

" Hindi ka ba matulog? Halika tumabi ka sakin." Aya ni Matt. Tumayo naman si Daisy at tumabi sa lalaki. Ginawa nitong unan ang bisig ng lalaki.

" Matulog ka na alam kong napagod ka kakaiyak kanina." Bulong ni Matt.

" Salamat pakiramdam ko ligtas ako sa tabi mo." Wika ni Daisy.

" Talaga?" nakangiting tanong ni Matt at niyakap ang babae.

" Oo, ikaw anong nararamdaman mo?" tanong naman ni Daisy.

" Masayang masaya ako." Sagot ni Matt.

" Hindi ka ba nag-aalala?"

" Nag-aalala saan?"

" Sa mga naiwan natin baka pinag-iisipan nila tayo ng masama." Pag-aalala ni Daisy.

" Huwag kang mag-alala hindi naman kita pababayaan."

" Promise?"

" Magpapalamig lang tayo dito pag balik natin hihingin ko na ang kamay mo sa mama mo at magpapakasal na tayo sa malaking simbahan, walang araw na pagsisisihan mo ang pagsama mo sakin. Gagawin ko lahat para maging masaya ka." Wika ni Matt. Marami pa sana syang gustong sabihin sa dalaga pero napansin nyang tulog na tulog na ito sa bisig nya.

Kinaumagahan maagang dumating si Francis sa bahay ni Daisy para sunduin ito.

" Tita si Daisy po? Nakahanda na ba?" nakangiting bati ni Francis sa ina ni Daisy.

" Ha? Akala ko magkasama kayo." Nagtatakang tanong ng ina ni Daisy.

" Hindi po kami magkasama. Bakit po Tita?" pag-aalala ni Francis.

" Umalis sya kagabi ang paalam sakin eh magkikita daw kayo, hindi pa sya nauwi."

" Ponyeta! Tita tinakasan nya tayo!" galit na sigaw ni Francis.

" Sus ginoo, anong gagawin natin jiho?"

" Tita ipapahanap ko sya, gagawin ko lahat para mahanap sya, kung sakaling umuwi sya tawagan nyo ako agad." Wika ni Francis at nagmamadali itong umalis. Kumuha sya ng tauhan para hanapin ito. Ipinahanap nya din si Matt ng malamang wala ito sa bahay niya, pinahanap nya ang dalawa at inutusan ang tauhan nya na imbestigahan pati mga kamag anak ni Matt, alamin at puntahan ang mga address ng mga ito.

To be continued...