webnovel

The One (tagalog)

Minsan sa buhay hinding hindi natin maiiwasang mahulog sa isang Tao na akala natin Siya na ang "The One".

Anghelo_Ken · Politique et sciences sociales
Pas assez d’évaluations
28 Chs

Ang pagdadalamhati

Pagkauwi ko sa bahay dumeretso na ako sa aking kwarto...

Humiga ako at pilit na ipinipikit ang aking mga Mata Para matulog pero... Wala.. Hindi ako nakatulog dahil sa nangyare... Kaya nag online ako.. May Amaya derediretso ang mga messages na natangap ko mula kay Gel-an, binasa ko ang mga ito, bigla nalang akong napaluha dahil sa mga sinabi niya,

(Meanwhile sa phone)

Gel-an: sorry...

Gel-an: sorry Kung linoko kita..

Gel-an: sorry Kung diko ipinagtapat ito sayo...

Gel-an: sorry Kung wala na akong nararamdaman sayo...

Gel-an: sorry Kung Dina kita gusto....

Gel-an: sorry Kung di na kita mahal.....

Pinunasan ko ang aking mga luha at Nagreply ako sakanya agad agad nung pagkatapos Kong basahin ito..

Ako: bakit??

Ako: bakit?? May nagawa ba akong Mali???

Hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya...

Gel-an: wala... Wala Kang nagawang Mali..... Nawala na kasi Yung spark....

Ako: spark??!!!

Ako: Yun Lang ba ang rason mo Para bumalik ka sa piling ni Karlo???!!!

Ako: hindi mo man Lang ba inisip Yung nararamdaman ko???!!

Ako: araw-araw at Gabi-Gabi kitang iniisip!!... Tapos malalaman ko Lang na may iba kana??!! At hindi Lang sa iba!! Binalikan mo pa siya??!.. Kay Karlo??!! .. Hindi mo manlang ba inisip Yung mga pinaggagawa niya sayo??!!.

( sa totoo Lang madami pa akong pinagsasabi nakalimutan ko Lang Yung mga malapelikulang pagdradrama ko sakanya.... Nabagok kase ako ng sobra..... Tuloy sa kwento)

Gel-an: Alam ko na nagbago na si Karlo... Hindi na siya Yung dati... Iba na siya ngayon... I can feel it...

Ako:... So Yun na Yun?.... Dito nalang ba magtatapos ang lahat?... Wala na?...

Gel-an: I'm sorry... Pero... Wala rin Lang patutunguhan ang relasyon natin ito... Break na tayo... Paalam...

Ako:..... I love you.... Goodbye

Gel-an: mmmhmmm... Pls... Wag mo na ako iChat...

Hindi ko matanggap ang nangyare... Tinawagan ko siya pero binababa niya Lang ito.. Paulitulit ko itong ginawa at Maya Maya nagchat siya...

Gel-an: I'M SORRY.... PERO TAPOS NA TAYO... WE ARE DONE... IT'S OVER.... GOODBYE....

Gumuho ang aking Mundo... Diko na mapigilan pa ang aking sarili... Lumabas ako ng bahay at bigla nalang ako napaiyak.. Humagulgul ako ng sobra... Nagwala ako na Para bang isang lasing sa inuman ... Hangang sa nagising ko ang mga Tao sa bahay... Nahulaan na Nila ang nangyare...

Nagtulungan ang buong pamilya ko Para akoy pakalmahin... Hangang sa napakalma na Nila ako... Mayamaya... May naisip ang tito ko at sinamahan ako Para kunin lahat ng mga ibinigay saakin ni Gel-an at unti-unti namin itong sunugin... Para daw makalimutan ko na siya at wala ng magpapaalala saakin tungkol Kay Gel-an...

Nagsindi ng apoy ang tito ko at pinaupo ako malapit sa apoy at sinabi saakin na,

"" Ayan.. Jan kana muna... Kuha ka ng mga ibinigay sayo ni Gel-an at mga ibibigay mo dapat sakanya at sunugin ito... Magdrama ka muna Jan babikan nalang kita mamaya pag nasunog mo na lahat yan""

Iniwan na niya akong nagiisa sa labas, malapit sa nagbabagang apoy...

Tinignan ko ang mga kagamitang ibinigay saakin dati ni Gel-an... Mga surprise boxes... Love letters...mga binurda niya... Mga litrato namin.... Mga magagandang regalong pinageffortan niya...

Una Kong kinuha ang unang love letter niya Para saakin... Muli ko itong binasa... At lumuha... Sabay dahandahan ko itong inilagay sa nagbabagang apoy...

Sinunod ko na Yung mga iba pang letters... binasa ko ito... At sinunog Isa-Isa... Hangang sa wala ng natirang love letters...

Sinunod ko na kinuha ay ang binurda niya... Regalo niya saakin noong unang monthsary namin... Hinawakan ko ito at dinama ang bawat ditalye ng Burda... Lumuha... At sinunog ko na ito...

Kinuha ko ang mga litrato naming dalawa... Sa resort... Bawat pasyal namin sa ibat-ibang  lugar... Bawat monthsary namin... At sa eskuwelahan...

Tinignan ko ang mga ito... At.. Napapangiti sa bawat litrato... Sabay dahandahan ko itong linalapag sa apoy...

Huling bagay na sinunog ko... Ay.. Ang... Couple shirt naming dalawa... Naalala ko Yung unang beses naming isuot ito... Yinakap ko ito... Umiyak nanaman ako...

Muli kong Tinignan ang couple shirt namin...

At inilapag ko na ito sa apoy...

Pinapanood ko itong unti-unting nagiging abo habang tumutulo ang mga luha ko sa aking mga Mata papunta sa napakalamig na lupa...

Napahagul-gul ako at muling ibinuhos ang mga luha ko sa lupa.... Hangang sa namatay na ang apoy... At naging usok nalamang ito.. Naging Usok ng mga Ala-Ala ko Kay Gel-an....

Napatigil narin ako sa pagiyak... Hindi sa dahilan na pagod na ako.. O Kaya sa dahilan na nalimutan ko na ang nangyare ..... Kundi sa naubos na ang aking mga luha.. At wala na akong mailalabas pa.....

Napatingin nalang  ako sa mga bitwin sa kaitaasan... At sinabing

""" Kung Saan ka masaya.... Segeh.. Hahayaan kita... Basta sumaya ka... At... Masaya na rin ako... Sapagkat.... Masaya kana sa piling niya.... Paalam... Gel-an... """

Lumalalim na ang Gabi... At... Malamig narin ang simoy ng hangin .... Tumayo na ako Para  pumasok sa loob ng bahay at matulog...

Dumeretso ako sa aking kwarto... At bumagsak nalamang sa aking kama... Na  Para bang  isang nilalang na wala ng kabuhay-buhay...

Wala pang isang minuto.. Nakatulog narin ako.. Dahil siguro sa pagod.. Kakaiyak..

( Si Gel-an ang pinakauna Kong iniyakan na babae sa dinamidami na ng mga babaeng aking nakilala..... Siya Lang ang babaeng una Kong minahal ng sobrang sobra...at Sa araw na iyon Doon ko rin naramdaman ang tunay Na sakit... Ang tunay Na sakit na tinatawag na pag-ibig..)