webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
76 Chs

Kabanata 8

[LAUREN'S POV]

*mahabang katahimikan habang kumakain*

Ang tahimik nila. Ramdam na ramdam ko talagang hindi sila okay. Bakit pa kasi nagkaganito? Kung kailan nasa bakasyon kami ay mangyayari 'to sa kanila. 

Kasalanan lahat 'to ng tatlong babaeng 'yan. Kung hindi sila dumating sa buhay namin ay hindi sana 'to mangyayari. Akala ko pa naman mababait sila. Hindi pala. May tinatago rin pala silang baho.

"Busog na ako." ani Dave.

Bigla namang tumayo si Dave at umalis. Konti lang ang kinain niya.

"Ako rin." ani Barbie.

"Me too." ani Stephanie.

"I'm full." ani Summer.

Tumayo rin sina Barbie, Stephanie at Summer at sinundan si Dave. Mukhang hindi na nila nakayanan ang katahimikan.

Tatayo na sana ako para sundan sila pero pinigilan ako ni Tim II.

"Hayaan mo muna sila." sabi sa 'kin ni Tim II.

Ito na ang oras para ipagtanggol ko sila.

"Pero hindi sila ang may kasalanan. Ang tatlong babaeng kasama niyo ang unang sumugod sa kanila." pagtatanggol ko sa mga kaibigan ko.

"Pati ba naman ikaw Lauren? Kinakampihan mo sila?" inis na sabi sa 'kin ni Tim II.

"Hindi ko sila kinakampihan. Alam ko yung nangyari kaya pinagtatanggol ko sila. Nangyari na 'to sa 'kin Tim. Yung ako pa ang may mali kahit wala naman akong ginawa. Yung ako pa ang masama kahit hindi ko naman ito ginawa. Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ko pinagtatanggol ang mga kaibigan ko. Alam ko ang pakiramdam na hindi ka pinamiwalaan ng taong mahalaga sa 'yo." tugon ko at iniwan ko siya kasama sina Javier at Mitchell.

***

Nakarating ako sa hagdan at tumigil muna ako. Tumulo bigla ang luha ko nang maalala ko ang engagement party namin noon ni Tim. Yung paano ako kinamuhian ng lalaking mahal ko dahil sa isang malaking kasinungalingang ginawa nina Jameson noon. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin na hindi ako pinaniwalaan ng lalaking mahal ko.

*boogggsshhh*

"AAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!"

Nagulat na lamang ako nang may biglang tumulak sa akin. At dahil do'n ay nagpagulong-gulong ako pababa ng hagdanan. Aray! Ang sakit ng buong katawan ko.

Bago pa ako mawalan ng malay ay nakita ko ang tatlong babaeng nakilala nina Tim II sa taas ng hagdan at narinig ko ang tawanan nila.

BLANK.

[DAVE'S POV]

Huhuhu! Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi sa akin ni Tim kahapon nang nakipag-away kami sa tatlong bruhalditang 'yon.

*flashback*

"Paano mo 'to nagawa Dave kay Maybelline? I thought you're a nice person dahil matagal ka na naming kaibigan ni Mitchell. Pero nagkamali pala ako." sabi sa 'kin ni Tim na may halong galit.

"Pero Tim. Sila ang naunang sumugod sa amin. Oo, hindi namin gusto 'yang tatlong 'yan dahil ang lalandi nila. Pero hindi namin sila sinugod at sinabunutan." pagtatanggol ko sa aking sarili.

Huminga naman nang malalim si Tim. "I'm so disappointed on you Dave. Hindi ako makapaniwalang ganyan ka pala. Akala ko kilala na kita pero hindi pa pala. Tandaan mo 'to Dave. Sa oras na saktan mo muli si Maybelline ay ako na ang makakalaban mo." galit na sabi niya sa 'kin.

"Paano mo 'to nasasabi sa akin Tim? Oo, kilala mo ako. Kaya ako dapat ang pinagkakatiwalaan mo. Kami dapat. Pero bakit parang kami pa ang may kasalanan? Bakit sila pa ang kinakampihan niyo? Bakit si Maybelline ang kinakampihan mo?" may halong hinanakit na tanong ko.

"Dahil siya ang nasaktan nang dahil sa 'yo!" galit niyang sagot.

"'Yon lang? 'Yong lang ba ang dahilan mo?" ani ko.

"At dahil mahal ko siya! Siya ang babaeng gusto kong pakasalan kaya ipagtatanggol ko siya sa mga taong nang-aapi sa kanya!" At naiwan akong nakatulala sa huling sinabi sa akin ni Tim.

*end of flashback*

Matagal na kaming magkaibigan ni Tim pero ngayon lang siya nagalit nang ganito sa akin dahil lang sa isang babae. Tapos parang may kumirot sa puso ko nang sabihin niyang mahal niya si Maybelline.

"Wag ka nang umiyak Dave. Magiging maayos din ang lahat." sabi sa 'kin ni Summer.

"Tama ang kapatid ko. At saka lalabas din ang totoo. Kapag lumabas ang totoo ay isasampal natin 'to sa tatlong tangang 'yan dahil hindi nila tayo pinaniwalaan." ani Stephanie.

"Makatanga ka naman Stephanie. Baka biktima lang." pagtatama ni Barbie.

"Krimen lang ang peg Barbie." ani Stephanie.

"Thanks girls." sabi ko sa kanila.

Medyo nababawasan na ang bigat sa kalooban ko. I'm so lucky to have friends like them.

"AAAAAAHHHHHHHHHHHHH!"

Napatigil naman kaming lahat nang may narinig kaming sigaw.

"Teka, parang si Lauren 'yon ha." ani Summer.

"Oo nga. Tara hanapin natin siya." sabi sa 'min ni Barbie.

Sama-sama naming hinanap si Lauren.

"Lauren?" tawag ni Summer sa kanya.

Asan na kaya siya?

"Girls! Si Lauren! Walang malay." biglang sigaw ni Stephanie.

Napatingin naman kami sa gawi ni Stephanie and we we're shocked nang makita namin si Lauren na walang malay sa sahig.

"Dave, tawagin mo ang boys." sabi sa 'kin ni Barbie.

Agad naman akong tumakbo papuntang rest house. Kailangan muna naming isantabi ang problema namin. Kailangan naming madala sa hospital si Lauren.