CHAPTER XVII. Reinforcement
BUMAGSAK sa sahig ang katawan ni keros nang masaksihan ito nila Chrisha ay hindi sila makakilos. Hindi sila makapaniwala sa ginawa ni keros. Ang kilala nilang makasariling si keros ay iniligtas sila sa tiyak na kapahamakan.
Si Zuki naman ay nakita ang pag harang ng kumandanteng Beastman, tinanggap nito ang kaniyang atake, at siyang naging dahilan ng pag bagsak nito sa sahig. Hindi niya ibinigay ang buong lakas ng kaniyang atake.
Nang tumama iyun sa Beastman ay nagawa nitong salagin ang kaniyang atake gamit ang natitira nitong lakas. Gumawa ito nang kalasag na gawa sa aura nito. Nang tumama nga ang atake niya sa kalasag nito ay nagkaroon ng malakas na pagsabog sa kinatatayuan nito. Nagkaroon ng makapal na usok dahil sa pag sabog.
Lumipas ang ilang sigundo ay humupa ang makapal na usok at nakita ni Zuki ang pinsalang tinamo ng Beastman. Nagkapunit punit ang suot nitong itim na sando at ang mga sugat nito ay mas nagdugo. Nang Makita naman iyun ni Zellon ay kaagad siyang napatakbo kay Keros.
Pinalibutan niya ng asul na aura ang katawan ni Keros at unti unting nag karoon ng mga asul na likido. Ang asul na likidong ito ay may kakayahan na mag hilom ng sugat. Ang likidong ito ay kabilang sa mahika ni Zellon ito ang kaniyang Recovery Magic. Ang Holy Divine Fluid. Ang likidong ito ay may kakayahan na mag pahilom ng mga sugat. Subalit nang mga sandaling pumalibot na ang asul na likido ay may kung anong kakaibang pangyayari ang naganap. Ang likido ni Zellon ay ayaw pumasok sa mga sugat na tinamo ni Keros.
Hindi sinusunod ng asul na likido ang nais gawin ni Zellon. Nagtaka siya kung bakit ayaw pumasok ng kaniyang mahika sa katawan ni Keros, sapagkat kapag hindi naagapan ang mga pinsala ni Keros ay mag sasanhi iyun ng kaniyang kamatayan.
Hindi napansin ni Zellon na lumapit sa kanilang pwesto ang misteryosong binata. Nagulat si Chrisha sa biglaang pag sulpot ng binata. Hindi niya namalayan ang pag lapit nito. Inihanda niya ang kaniyang armas at itinutok sa binata ang kaniyang palaso.
Nang Makita naman ni Zuki ang paghahandang umatake ng kaniyang kalaban Elves, nginitian niya ito na ikinabigla naman ni Chrisha. Ang ngiti ng binata ay hindi niya nakitaan ng masamang mutibo. Maaliwalas ang ngiti na ipinakita sa kaniya ng binata.
Kailangan ng tulong ng inyong kaibigan! Sabi ng binata at mapapansin sa tono ng boses nito ang mahinahon nitong pananalita. Napa-sulyap si Zellon sa binata at masamang tiningnan ang binatilyo.
Nais kung mag-pakilala sa inyo. Ako nga pala si Zuki Takigawa, nagmula ako sa labas ng mahiwanang mundo na ito. Pag papaalam ng binata ng kaniyang pagkakakilanlan at pinagmulan. Nang marinig naman iyun ni zellon ay nabigla siya ng malaman na nagmula ito sa labas.
Kaya kung tulungan ang inyong kaibigan! Sabi ni Zuki na ipinagtataka naman nila Chrisha at Zellon. Tulungan ang kaibigan naming. Nag papatawa kaba! Sigaw naman ni Chrisha na naiinis sa mga nangyayari.
Hindi naman nagbago ang ekspresyon ni Zuki sa kabila ng pagsagot ni Chrisha. Hindi niya akalain na ganito ito manalita. Subalit inintindi niya na lamang ang sitwasyon. Sapagkat marami ang nag sakripisyo dahil sa labanang ito.
"Binibining –". Chrisha. Ang pangalan ko ay Chrisha! Pag tutuloy ng dalaga sa pagtawag sa kaniya ng binata. Binibining Chrisha batid ko na may sama kayo ng loob dahil saaming pag atake sa inyong teretoryo. Humihingi ako ng paumanhin sa aking mga pinakitang aksyon.
Nais kong ipaalam sa inyo na mayroon akong misyon na dapat gampanan. Nakikipag sapalaran ako upang maging isang ganap na adventurer. Nandito ako upang mag sama ng mga mandirigma na may angking potensyal.
Nang marinig naman iyun ni Chrisha at Zellon ay hindi nila maintindihan ang mga sinasabi ng binata. Ipina aalam nito na mayroon itong misyon at nag hahanap ng mga mandirigmang may potensyal. Hindi nila maintindihan. Bakit kailangan dumanak ng dugo. Bakit dapat marami ang mamatay. Ang kanilang mga tauhan na nakipag-laban upang protektahan ang kanilang teretoryo.
Binibining Chrisha! Maaari ko na bang gamutin ang inyong kasama. Tanong ng binata kay Chrisha na ngayon ay nakatutok parin ang kaniyang armas sa binata. Isinilid ni Zuki ang kaniyang katana sa lalagyan nito. Nang gawin iyun ng binata ay ibinaba ni Chrisha ang kaniyang armas.
Kung kaya mo ngang gamutin ang kaibigan naming, batid ko na may kapalit iyun. Ano ang kapalit ng kaligtasan ni keros? Tanong ng dalaga. Mahinahon na tumingin ang binata kay Chrisha at binigkas ang mga salitang dahilan ng mabilis na pag papakawala nito ng mga palaso.
"Nais kung Hingin ang Ulo ng Inyong Heneral!" Ito ang sinabi ng binatilyo kaya naman nagalit si Chrisha sa sinabi ng binata. Walang humpay niyang inatake ng kaniyang mga palaso ang binatilyo. Samantala si Zuki naman ay mabilis na iniilagan ang mga atake ni Binibining Chrisha.
Sinadya niyang sabihin iyun sa dalaga. Ang pag nanais niyang mapaslang ang heneral ng ikatlong palapag ang kaniyang pakay. Sapagkat alam niyang iyun lamang ang paraan upang mag-bukas ang tarangkahan patungo sa ika-apat na palapag.
Ang kaniyang pag-iwas sa mga atake ni Chrisha ay sadyang mabilis. Malinaw niyang nakikita ang mga palaso na nagmumula sa dalaga. Ramdam niya ang papahina na nitong mga atake, nang magkaroon ng tamang pagkakataon ay binalutan niya ng kaniyang enerhiya Martial art skill!!! Fist of Destruction!!!.
Mahinang sambit ni Zuki at ang mga paparating na palaso ay pinaulanan niya ng mga suntok. Nang tumama ang mga palaso ni Chrisha sa kaniyang mga kamao ay nagkaroon ng mga mahihinang pagsabog. Naglikha iyun ng hindi kakapalan na usok.
Seryoso siyang tumingin sa pinanggalingan ng mga palaso. Ang kaniyang mga mata ay makikitaan ng panghahamak subalit sa kaniyang isipan ay hinahangaan niya ang katapatan na ipinapakita ng binibini.
Minsan lamang magkaroon ng ganitong uri ng tauhan sa mundong ito. Ang katapatan sa kanilang pinuno naalala niya sa dalaga ang pamilya ng mga beastman na sila Estevan. Naalala niya tuloy ang una niyang Makita ang mag anak na ito bilang mga ganap pang Vicious Beast.
Iniligtas niya si Estevan noon sa tiyak na kamatayan. Nais niyang mag ligtas ng buhay subalit ang kanilang pinunta rito ay ang manakop at paslangin ang heneral ng ikatlong palapag. Sa tulong ng kaniyang mga kasama ay natitiyak niya ang kanilang tagumpay.
Samantala sa isang pasilyo kung saan naroroon si Clemson at si Freda na kasalukuyang naglalaban. Ang kanilang paglalaban ay makapag pigil hininga. Ang mga talim ng kanilang espada ay maririnig ang sunod sunod na pag salpok sa bawat sigundo.
Ang dalawang espada ni Freda ay nangingibabaw dahil sa inilalabas nitong puting Aura. Si Clemson naman ay nakaramdam ng kaunting pag kapagod subalit hindi siya pwede mag pabaya. Ang kaniyang kaharap ay may kakaibang Sword mastery.
Ang taglay nitong galing sa pag gamit ng espada ang nagpapahirap sa sitwasyon ni Clemson. Wala siyang sapat na kaalaman sa pag-gamit ng espada. Ang sandatang iniregalo sa kaniya ng kanilang pinuno ay hindi pa niya gama'y.
Kailangan niyang makagawa ng paraan upang makapunta sa malawak na lugar sa palapag na ito. Inilabas niya ang kaniyang itim na Aura. Ang kaniyang Itim na Aura ay kumalat sa kaniyang paligid ang kaniyang mga mata ay mas namula at ang kaniyang buhok ay umaangat sa ere na tila ba ito'y inaalon.
Nakaramdam naman ng paghanga si Freda sa biglaang pag taas ng kalidad ng enerhiya ng binata. Ang tanging nasa isip lamang ni Freda ay hindi pang-karaniwan ang binatilyong ito. May kapangyarihan ito na nakatago.
Napansin niya na nakatingin ang binata sa gilid na bahagi ng pasilyo kung saan mayroon daanan. Naisip niya na balak nitong tumakas subalit ng may maramdaman siya na mabilis na lumilipad patungo sa kinaroroonan ng binata mula sa daanan na tinitingnan ng binata.
Isang itim na Aura ang mabilis na umatake kay Clemson. Nagulat si Freda ng makilala niya indibidwal na umatake sa binatilyo. Si kumandante Reiss at nagulat si Freda ng maramdaman niya ang enerhiyang tinataglay ng dalaga.
Isang "10th level angel rank" at ang kalidad ng enerhiya nito ay malapit ng tumapak sa susunod na ranggo ang 1st level demon rank. Si Clemson naman ay naalarma ng maramdaman niya ang enerhiya na mabilis na lumipad patungo sa kaniya.
Ramdam niya ang panganib mula sa aura nito. Naramdaman niya iyun sapagkat kagaya niya ay nasa sukdulan na siya bilang isang angel ranker. Nalalapit na siyang tumapak sa susunod na ranggo.
Nang dumating nga ang pinagmulan ng marahas na enerhiya ay nagulat siya sapagkat isang mabilis na pag sipa ang muntukan ng tumama sa kaniya kasama noon ay ang itim na kidlat na bumabalot sa katawan nito at mas nagulat siya ng Makita niya ang itsura ng umatake sa kaniya.
Ito ay walang iba kundi ang kumandante na kaniyang kinalaban kanina at kasama ng lalakeng kaniyang pinaslang. Si Reiss Hovier na makikitaan sa mga mata nito ng matinding galit. Tikman mo ang lupit ng aking pag hihiganti Bampira!!!! Sigaw ni Reiss at ang Itim na kidlat ay malakas na kumalat sa kaniyang paligid.
Inilabas niya ang kaniyang mga patalim at ang itim na kidlat dumaloy sa kaniyang mga sandata. Sa isang kisap mata ay nasa likod na siya ni Clemson. Nang maramdaman ni Clemson ang mabigat na presensya ng dalaga ay agad siyang umiwas.
Napatumbling siya sa ere at mabilis na lumipad patungo sa direksyon kung saan galing ang dalaga. Nang Makita naman ni Reiss ang papaalis na si Clemson ay napangisi ito. Sa isang kisap mata ay nasa harap na siya ng binata.
SA TINGIN MO BA MATATAKASAN MO AKO!!! Sabi ni Reiss at ramdam sa boses ni Reiss ang basag nitong boses. Inatake ng dalaga si Clemson at ang atakeng iyun ay nababalutan ng itim na kidlat. Nagkaroon ng malakas na pagsabog kung saan tumama ang atake ng dalaga.
Nagawang iwasan ng Clemson ang kaniyang atake. Ginamit ni Clemson ang taglay nitong bilis. Lumipad ito ng mabilis at bakas ang itim nitong aura sa kaniyang paglipad palayo. Si Reiss naman ay galit na tumingin sa direksyon ng binata.
Sa isang iglap ay naglaho siya sa kaniyang kinatatayuan na ikinagulat naman ni Freda na nasaksihan ang mga nangyari. Hindi siya makapaniwala ang mga ginawang iyun ng dalaga ibang iba sa kilala nitong indibidwal. Ibang iba sa kilala niya bilang pinaka-mahinang kumandante ni Grim Blackburn.
Isinilid ni Freda ang kaniyang dalawang espada at tumingin sa kaniyang mga tauhan na nasa kaniyang likuran. Alam niyang nakita rin iyun ng kaniyang mga mandirigma. Magtutungo sila ngayon kung saan naroroon ang iba pa niyang mga kasamahan.
Ang mga naunang kumandante na lumaban sa mga kasamahan ng binatilyong hinahabol ni Reiss. Sa lugar naman kung saan nagkakaroon ng mga pagsabog dahil sa pakikipaglaban ng tatlong beastman. Si alena ay nababalutan ng puting enerhiya.
Ang kaniyang mga sinulid ay bumalot sa kaniyang katawan. Nag mistula itong armor na gawa sa kaniyang sinulid. Ang kaniyang soulforce ay mabilis na dumadaloy sa kaniyang soulforce pathway patungo sa kaniyang soulforce coil.
Ang enerhiya ni Alena ay mas tumataas. Ang kaniyang ranggo unti unti ng tumataas ang kaniyang ranggo bilang 9th level angel rank ay nalalapit na niyang malagpasan. Sa kanilang mag kakapatid siya ang may pinaka mataas na ranggo.
Nag sanay siya upang makasabay sa kaniyang mga kapatid, ang kani-kanilang pamamaraan ng pakikipag-laban ay magkakaiba. Sinana'y niya ang kaniyang sarili na makipag laban nang malapitan at malayuan. Ngayon ay may nais siyang patunayan.
Na kaya niyang makipag-laban ng wala ang suporta ng kaniyang mga kapatid. Si Damian at ang natitira niyang kasama na kumandante ay nakikipag-laban sa magkakapatid na beastman. Naaalala nila ang nangyari kay Afila. Sa isang iglap ay nagka pira-piraso ito dahil sa atakeng ginawa ng babaeng beastman.
Gusto niyang labanan ito ng malapitan subalit, batid niya na mapanganib ang lumapit sa batang ito. Ang dalawa naman na batang beastman ay parehong nakatingin sa kanilang kapatid na babae. Batid ng mga ito kung ano ang kagustuhan ng kanilang kapatid. Si Recon ay umatras upang bigyan ng espasyo si Alena. Ganun din ang ginawa ni Ophir lumipad ito papalayo habang pinag-mamasdan ang kaniyang nakakatandang kapatid na nababalutan ng puting aura.
Heaven's Thread Art: Beastial Armor!!! Mahinang sambit ni alena at ang kaniyang mga sinulid ay nagkaroon ng korte. Nagkaroon siya ng mga makakapal na baluti na gawa sa kaniyang sinulid. At ang sinulit sa kaniyang mga kamay ay nagkaroon ng mga matatalim na parte. Ang kaniyang mga kuko ay naging mga matatalas na patalim.
Ang kaniyang mga kapatid naman ay nagulat sa naging porma ng kanilang kapatid. Ang porma ng kanilang kapatid ay kahanga hanga. Ang puting aura nga ni Alena ay mas kumalat sa kaniyang paligid. Nang Makita naman ng dalawang kumandante na biglaang nagkaroon ng makakapal na baluti ang batang beastman.
Hindi nila alam kung bakit nagkaroon ito ng baluti sa katawan nito. Naalerto sila sa maaaring mangyari. Ang batang ito hindi ito pangkaraniwan. May mabigat na presensya ang bumabalot sa kanilang katawan. Para silang dinadala nito sa ibang dimensyon at tila hini-higop nito ang kanilang enerhiya.
Ilang sigundo ang lumipas ay nakaramdam sila ng panghihina. Parang unti-unting inuubos ang kanilang lakas. Napalingon si Damian sa batang beastman mababakas sa labi nito ang isang ngiti. Ngiti na biglaan na lamang nagpadilim ng kaniyang paningin.
Samantala napanganga ang magkapatid na si Recon at Ophir. Sa isang iglap ay nagawang paslangin ng kanilang kapatid ang dalawang kalaban. Nakita nila ang maliliit na sinulid na ikinalat ng kanilang kapatid. Kumapit ang mga ito sa dalawang kumandante at unti-unting hinihigop ang enerhiya ng dalawang kalaban.
Nang mawala na sa wisyo ang dalawa ay doon na umatake si Alena. Sa isang atake lang ay nagawa niyang pag pira-pirasohin ang dalawa niyang kalaban. Ang puting aura na bumabalot sa katawan ni alena ay nawala na. ganun pa man napatingin silang magkakapatid sa tarangkahan. Nararamdaman nila ang enerhiya nang kanilang ama at ina. Lumipas ang ilang sigundo ay lumabas mula sa lagusan.
Sunod sunod na nagsi-labasan sa lagusan ang kanilang mga kasama.naroroon sila Drebon at ang kaniyang pangkat at si Feiya kasama ang kaniya ring sariling pangkat. Palinga-linga sa paligid ang dalaga. Tumingin ito sa tatlong magka-kapatid. Nasaan si Clemson? Tanong ng dalaga sa tatlong bata.
BAANG!!!! Isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig mula sa isang pasilyo sa kanilang harapan. Naramdaman ng mga naroroon ang tindi ng pwersa ng mga paparating. Ilang sigundo ang lumipas ay dalawang indibidwal ang lumabas sa pasilyong iyun at nababalutan ang mga ito ng itim na enerhiya at itim na kidlat. Ang mga ito ay sina Clemson Morelock at si Reiss Hovier….