webnovel

The Mermaid, the Prince and the Wizard (Tagalog)

A three-part trilogy fantasy novel. Pagkatapos ng unang digmaang pandaigdigan nagkaroon ng kapayapaan sa apat na kontinente ng mundo. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tanging nais ay kilalanin ang kanyang kakayahan sa buong mundo. Isang talentadong black wizard na may pilyong pag-uugali ang pilit hahanapin ang kanyang pinagmulan. Ang tatlong buhay nila ay pagbubukludin ng kapalaran. Sa muling pagbangon ng kasamaan dulot ng muling paggising ng Dark Lord na si Hellsing, muli na namang malalagay ang mundo sa panganib. Nasa kamay ng makabaong henerasyon ang kaligtasan ng buong mundo. Magawa nga kaya nila ang kanilang misyon? Marami silang pagsubok na kakaharapin, malalakas na kalabang kakalabanin. Maraming katanungan ang sasagutin. Sa paghahangad ng tatlo ng pag-ibig, katanyagan at kapangyarihan magampanan kaya nila ang itinakdang tungkulin na iginuhit sa palad nila? A journey to a magical world full of mystery, magic and adventure.

Mai_Chii · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
42 Chs

Mermaid's Tale: Fallen Warrior

HINDI matahimik ang lugar ng Sangil sa maya't mayang pagsabog sa Baybayin ng Apores. Rinig na rinig sa kapitolyo ang pagsabog ng malalaking bala ng kanyon na tumatama sa kalupan sakop ng Alemeth. May isang Linggo nang nag-umpisa ang digmaang inilunsad ng kontenente ng Hilgarth laban sa kontenente ng Sallaria. Unang pinuntirya ni Demon Lord Hellsing ang maunlad na bansa ng Alemeth.

Matapos mailikas ang mga tao sa karatig bansa, inumpisahan ng Alemeth ang depensa nila laban sa kalaban. Sa pangunguna ni Prinsipe Eldrich at Duke Earl Goodwill nagawa nilang palakasin ang depensa sa karagatan upang mapigilan ang pagpasok ng mga kalaban mula sa labas.

Nakaharang ang hukbong sakay ng malalaking barkong pandigma sa palibot ng baybayin. May malalaking kanyon na nakikipagpalitan ng putok sa kalabang sakay ng sarili nilang barko.

Sa loob ng Earl Ship (Pangunahing barkong pandigma kung saan sakay ang maharlika at pinuno ng hukbo) pinagpupulungan nina Prinsipe Eldrich at Duke Earl ang susunod na plano nila.

"Ano sa tingin mo, Eldrich?" Nakatuon ang seryosong tingin ni Duke Earl sa prinsipe.

"Hinihintay ko pa ang hudyat galing kay Prinsesa Zyda…" Sandaling natigil sa pagsasalita si Eldrich. "Hindi ko pwedeng isaalang-alang ang kaligtasan niya at ang mga natitirang tao sa Alemeth."

"Pero!" Napalakas ang paghataw ni Duke Earl sa mesa. "Kung hindi tayo kaagad kikilos mauubos ang natitirang depensa natin! Makakapasok at makakapasok ang mga kalaban!"

Tinutukoy ni Duke Earl ang mga nakaharang na barikadang itinayo nila pang harang sa pagsalakay ng mga kawal ng kalaban sa lupa. Sa oras na mawasak ang depensa nila sa dagat, ito na lang ang huling alas nila para hindi tuluyang mapasok ng mga kaaway.

Hindi makasagot si Prinsipe Eldrich dahil inaabangan pa niya ang napagkasunduang hudyat mula kay Prinsesa Zyda. Ang prinsesa kasi ang inatasan ni Eldrich na maglikas sa natitirang tao sa Alemeth. Hinihintay nila ang huling barko ng SEPO alliance para maihatid ang mga tao sa mas ligtas na lugar.

Ngunit hanggang ngayon, wala pang balita si Eldrich sa hinihintay niya.

"Kailangan na nating umaksyon, Prinsipe Eldrich. Ako na ang mangunguna sa pagsalakay. Hintayin mo na lang si Prinsesa Zyda…" Tumalikod si Duke Earl. "Pipigilan ko sila sa abot ng aking makakaya hanggang makarating ang hukbo mo't sumama sa laban." Naglakad siya patungo sa pinto, binuksan ito saka isinara nang malakas.

Sumunod kaagad sa labas si Prinsipe Eldrich. Isang matikas na pangangatawan ang lumantad sa kanyang mga mata. Isang katawan na puno ng marka ng pakikipaglaban. Ang sikat na Duke Earl Goodwill na siyang sumabak sa malaking digmaan noon ay muling lalaban para sa kanyang bansa ngayon.

Lumingon muna si Duke Earl kay Prinsipe Eldrich. "Huwag kang mamatay, susunod na hari ng Alemeth!" Hinawi niya ang pulang kapa sa likod saka bumaba at nagtungo sa kabilang barko. Nakasuot ng baluti, hawak ang malaking kalasag at matabang espada, handa na siyang lumaban nang buong puso't kaluluwa.

***

SA PAGLIPAS ng mga oras…

"Prinsipe Eldrich!" Dumating ang mensaherong kasama ni Prinsesa Zyda upang iulat ang kanilang kalagayan. "Nakasakay na sa barko ang mga mamamayang pinoprotektahan ni Prinsesa Zyda sa likod ng Takandro. Lumihis muna ng dereksyon ang barko ng SEPO alliance pagkatapos ginamitan ni Heneral Sanaad ng magic barrier ang barko para hindi makita sa radar ng kalaban. Nahirapan silang pumasok kaya natagalan sila pero naging maayos naman ang paglikas ng mga tao."

"Mabuti kung gano'n. Teka, si Prinsesa Zyda?"

"Nagbigay ng mensahe ang Elgios, nakahanda na ang hukbo nila na susuporta sa atin. Sa mga oras na ito ay naglalayag na sila para matulungan tayo."

Tumango ang prinsipe. "Mabuti kung gano'n. Siguradong aabangan ni Zyda ang pagdating ng hukbo. Babalik siya rito sa Earl Ship para samahan tayo."

Sa paghakban ni Eldrich palabas ng captain's cabin nakaabang sa kanya ang mga sundalo. Handa na rin silang sumabak sa laban kasama ng kanilang prinsipe. Maya-maya pa'y dumating na rin si Heneral Sanaad ng Oero.

"Pinadala ako ni Meister Hellena para sumuporta sa inyo, Kamahalan." Yumuko siya sa harap ni Eldrich.

"Ang akala ko'y ikaw ang mangangasiwa sa paghatid ng mga tao?"

"Opo pero pinabalik ako ni Meister Hellena para lumaban. Huwag kayong mag-alala maraming mahekero sa barko sila na ang bahala sa mga tao."

Lumakas ang loob ni Prinsipe Eldrich. Sa gitna ng kanyang positibong pakiramdam napalitan ito nang…

"Kamahalan, ang barko ni Duke Earl!!!" sigaw ng isa sa mga kawal sa kabilang barko.

Mabilis na kinuha ni Prinsipe Eldrich ang teleskopyo upang tingnan ang nangyayari sa karagatan.

"Prinsipe!!!" sigaw ni Sanaad kasabay nito ang paghigit niya palayo sa mabilis na pagsabog sa barko. Sa sobrang lakas nito nahati ang Earl Ship at nadamay ang ibang mga kawal na nakasakay dito. Nagtalsikan ang piraso ng mga kahoy at ibang kagamitan sa higanteng barko.

Hindi na galusan ang prinsipe dahil sa magic shield na ginamit kaagad ni Sanaad upang magprotekta sa kanila.

"Ayos ka lang ba, Prinsipe Eldrich?"

Nanlalaki ang mga mata ng prinsipe sa nasaksihan niya. Kaagad siyang tumayo ngunit mabilis din siyang natumba dahil sa malakas na along humpas sa kalahating barko. Lalo pang dumagdag sa pangamba ni Eldrich nang makita ang katawan ni Duke na dahan-dahang bumabagsak sa kanyang harapan.

"K-Kamahalan… umalis ka na…" Sumulwak ang dugo sa bibig ni Duke Earl matapos niyang piliting magsalita. Bumulagta ang sugatang katawan ng duke sa tabi ng prinsipe.

"D-Duke Earl?" Nanginginig ang katawan ng prinsipe sa sinapit ng duke. "A-Ano'ng nangyari? P-Paano?" hindi niya maituloy-tuloy ang pagsasalita.

"Prinsipe—huwag!" pigil na sigaw ni Sanaad matapos makita ang paparating na panganib mula sa itaas. Kaagad niyang sinalag gamit ng mahika ang kalabang nakahandang humiwa sa katawan ng prinsipe.

Gumawa ng malakas na pagsabog ang kanilang engkwentro.

"Prinsipe, umalis ka na rito!" sigaw muli ni Sanaad.

Tumalon patungo sa tuktok ng sirang barko ang pamilyar na kalaban. "Kamusta, Prinsipe ng Alemeth!"

"I-Ikaw?" Pinilit ni Prinsipe Eldrich ipanatag ang sarili sa malakas na pagsalakay ng kalaban. Kilala niya ang lalaking ito, alam din niya ang kakayahan ng kalaban. "Nakita na kita nasa tabi ka ni Lord Hellsing no'ng niligtas namin si Azurine. Isa ka sa mataas na alagad niya."

"Tama. Ako si Melorca ang 'Orc Chieftain'." Mala dambuhala sa laki ng katawan, maumbok na muscle, at may bitbit na malaking two handed maze. Kulay berde ang katawan niya't may mapulang kulay ng mga mata. Tulad sa mga orc may dalawang sungay siya sa noo at pares ng pangil sa magkabilang gilid ng ngipin.

"Sa utos ni Dark Lord Hellsing, wawasakin namin ang lugar na ito! Mapapasaamin din ang kaharian ng Alemeth! Bwahahaha!" umalingawngaw ang malaki at malakas na boses ni Melorca.

"Ugh! Kamahalan, umalis ka na sa lugar na 'to. Pipigilan ko siya sa natitira kong lakas." Pinilit tumayo ni Duke Earl, nakasuporta ang mataba niyang espada.

"Buhay ka pa pala." Ibinaba ni Melorca ang tingin sa duke. "Puwes hayaan mong tapusin ko na ang paghihirap mo!!!" Mabilis siyang sumalakay mula sa itaas palusob sa duke nang harangin ito kaagad ni Eldrich.

"Hindi kita hahayan sa gusto mong mangyari! Akong kalabanin mo!" Sinabayan niya ang pagsalakay ni Melorca. Hataw rito hataw roon, kanyang sinasalag ang bawat pukpok ng mabigat na two handed maze ng matikas na orc chieftain.

"Subukan mong salagin 'to!" Itinaas ni Melorca ang higanteng mason sa hangin. "Maze Destruction!!!" Buong puwersa niyang hinataw paibaba ang maso na may kasamang kidlat at nag-uumapaw na enerhiya. Mayroon siyang abilidad na pataasin ang damage ng kanyang two handed maze.

Natulala na lamang si Prinsipe Eldrich dahil hindi niya alam kung paano ito i-co-counter.

"Fire arrow!"

Isang nagliliyab na palaso ang tumama sa pag-atake ni Melorca dahilan upang lumihis ang kanyang special attack. Nakakuha ng tyempo si Sanaad saka nag-teleport patungo sa prinsipe at kanya itong niyapos nang mahigpit. "Aalis na tayo rito, Prinsipe Eldrich."

"Ano?!" Nagpumiglas si Eldrich. "Hindi ko maaaring iwan si Duke Earl at mga kawal ko!" mariin niyang wika.

"Ako na ang nagsasabi, malakas ang kalaban natin. Wala tayo sa kalingkingan ng kapangyarihan niya!!!" pilit na pinaintindi ni Sanaad ang sitwasyon nila. "Kailangan nating umatras sa labang ito! Ikaw ang susunod na hari ng Alemeth, kailangan mong mabuhay!"

"Ayoko! Hindi ko iiwan ang mga kasamahan ko sa labang ito! Masgugustuhin ko pang mamatay kasama sila!"

Isang sampal ang dumapo sa pisngi ni Eldrich. "Tumigil ka! Hindi ito ang oras para magpakabayani! Kailangan mong pulungin muli ang mga natitirang kawal para sa susunod na pagsalakay. First wave pa lang ito ng laban, darating pa ang reinforcement mula sa Elgios. Darating din ang mga mahekero ng Oero. Pero kailangan mong mabuhay para sa huling laban!"

Nakalutang ang dalawa sa hangin na binabalutan ng magic barrier ni Sanaad. Napatingin na lamang si Eldrich sa nanghihinang duke sa ibaba. Tumingin si Duke Earl sa kanya saka ngumiti.

"Paki usap, ilikas mo na ang prinsipe sa lugar na 'to!" Nakatuon ang pansin niya kay Sanaad.

"Masusunod, Duke Earl." Kaagad lumipad si Sanaad palayo sa sira-sirang barko.

Buong pwersang tumayo nang magiting si Duke Earl, binuhos niya ang natitira niyang lakas para ihataw ang mataba niyang espada. Sa huling pagsalakay ng duke nakangiti siya. Walang mababakas na takot at panghihinayang sa kanyang mga mata.

"Lalaban ka pa rin?" inis na sambit ni Melorca matapos mapigilan ang special attack niya kanina. Mabilis siyang nakaiwas sa pagsugod ng duke't nasalag niya ang paghataw ng espada nito.

"Ako ang harapin mo! Argghh!!!" Inipon ni Duke Earl ang natitira pang lakas sa kasunod na pagsalakay na ginawa niya. "Lion slash!!!" Parang isang mabangis na leon ang lumusob kay Melorca. Tulad sa leon, may alulong itong nagpapataas ng moral sa mga nakapaligid sa kanya. Ang simbolo ng leon, isang matapang na mandirigma, handang ialay ang buhay niya alang-alang sa kanyang bayan.

Sumabog ang malakas na enerhiya sa pagitan ng dalawang naglalabang mandirigma. Nakakasilaw na liwanag ang kumalat sa buong paligid kasabay ang pagkalansing ng kanilang mga sandata.

Sandaling huminto sa paglipad si Sanaad.

"Duke Earl!!!" Nilapat ni Eldrich ang kamay niya na tila inaabot ang duke. Kagat labi siya't walang magawa habang pinagmamasdan ang pagkatalo ng magiting na mandirigma.

Duguang nakatayo si Duke Earl, wala nang mababakas na buhay sa kanyang mga mata. Kahit may mahabang hiwa sa kanyang dibdib at walang tigil ang pag-agos ng pulang likido sa kanyang bibig ay nanatili pa rin siyang nakatindig nang buong giting.

"Prinsipe Eldrich! Paki sabi sa apo ko—mahal na mahal siya ng lolo niya!!!" malakas na sigaw ni Duke Earl kasabay ang follow up attack kay Melorca.

Ngunit dahil sa naubos na lakas…

Slash!

Tumilapon ang katawan ni Duke Earl, malaki ang hiwa sa dibdib, duguan na humandusay sa sahig. Halos mawalan ng boses si Eldrich sa tumataginting na sigaw matapos makita ang pagkalat ng dugo sa barko.

Nakatayo si Melorca sa gilid ng katawan ng duke. Itinaas niya ang tingin sa prinsipe habang nakalutang sila sa hangin ni Sanaad.

"Tayo na, Prisipe Eldrich."

"Sandali, pakiusap kailangan kong masabihan ang mga kawal ko."

"Sige, gamitin mo ang likod ko para marinig ng mga kawal mo ang tinig mo."

Napaka hina ng kanilang usapan, dala ito ng magkahalong damdamin ng prinsipe. Sa mga oras na iyon alam niyang kinakailangan na nilang umatras.

"Nasira na ang mga barkong pandigma! Ano nang gagawin natin?"

"Nakapasok na rin ang mga kalabang kawal ng Hilgarth!"

"Ano bang klaseng nilalang ang mga 'yan? Ang lalakas nila!"

Maraming salita ang naririnig ni Eldrich gawa ito ng mahika ni Sanaad. Nakakonekta ang isip ni Eldrich sa isip ng mga kawal niya.

"Mga kawal ko! Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko…" Huminga nang malalim si Eldrich. "Aatras tayo ngayon! Pero hindi pa ito ang katapusan. Lalaban pa tayo kaya pakiusap… umatras kayo at piliting mabuhay!!!"

"Prinsipe Eldrich! Susunod kami sa inyo!"

"Kamahalan!"

"Hihintayin ko kayo sa ating base para gumawa muli ng plano! Sa susunod sa atin na ang tagumpay!"

Biglang tumaas ang moral ng mga sundalo sa narinig nila sa kanilang pinuno.

Tuluyan nang nilisan nina Sanaad ang lugar ng labanan. Naiwan ang katawan ni Duke Earl habang nakatayo roon sa tabi si Melorca.

"Sanaad, gusto kong iparinig ang tinig ko sa mga kalaban."

"Sige lang, naka-broadcast ang tinig mo sa pangkalahatan."

Pinalawig ni Sanaad ang sakop ng kanyang mahika upang marinig ng mga kalaban ang sasabihin ng prinsipe.

"Melorca!!!"

"Aba! May lakas ka pang magsalita, Prinsipeng takbuhin?"

"Hindi ako takbuhin! Tandaan mong hindi kaduwagan ang pag-atras sa laban." Nagngingingit sa galit ang tinig ng pananalita ni Eldrich. "Tandaan mo—mga kamay ko ang magpapatumba sa 'yo!"

"Hmph! Yabang."

"Babalikan kita, Melorca!!!"

"Hihintayin kita, prinsipe ng Alemeth!"

Sa kanilang pag-atras ang pagdating ng hukbo ng Elgios sakay ng kanilang barkong pandigma. Sa mga oras na iyon ang huling depensa ng Alemeth ay nawasak na. Umaasa sila sa tulong ng Elgios upang ma-hold ang mga kalaban sa baybayin at hindi makapunta sa sentro.

***

Samantala…

Patungo sa Kurintho sina Seiffer, Azurine at Octavio para magtungo sa Majestic Academy at makipagpulong sa Circle of Magic upang hingiin ang tulong nila sa digmaang nagaganap. Nagpahayag na ng pakikiisa ang Kurintho pero wala pa silang pinapahayag kung kailan magpapadala ng hukbo para tumulong.

"Achoo!!!"

"Ginoong Seiffer, sinisipon ka?" Binigyan ng panyo ni Azurine ang nilalamig na si Seiffer.

"Salamat. Ewan ko ba parang may nakaalala sa akin."

Pumagitna sa dalawa si Octavio. "Ano na kaya ang nangyayari sa Alemeth?"

"Huwag kang mag-alala, malakas ang kapatid ko at isa pa naroon si Lolo." Makailang beses niyang pinahiran ang basang ilong dahil sa sipon.

"Malakas talaga si Duke Earl, siguradong pagbalik natin yayakapin ka no'n sa sobrang miss niya sa 'yo." Masayang ngumiti si Azurine.

"Sigurado 'yan! Lalo na't palagi ko na siyang tinatawag na 'lolo'." Biglang nakaramdam ng kakaibang lungkot si Seiffer. Tila may malungkot na hanging pumalibot sa katawan niya. "Siya na lang ang natitira kong kadugo sa mundong ibabaw. Siya na lang kasi ang natitirang 'Goodwill' sa pamilya." Pinilit ni Seiffer ang sarili na ngumit.

"Ginoong Seiffer…"

"Nyahaha! Ano ba 'yan, bigla ko siyang na-miss, hahaha!" malako niyang tawa pero deep inside totoong na-mi-miss niya ang kanyang Lolo Earl.

Ang hindi niya alam mayroon na ngang nangyaring masama sa kanyang lolo.

Kamusta po kayong lahat.

Try ko na po ulit mag-update kahit paano. Sana po ay patuloy n'yo pa ring suportahan ang story ko.

Salamat po sa pang-unawa.

Keep safe po!

Mai_Chiicreators' thoughts