webnovel

The Mermaid, the Prince and the Wizard (Tagalog)

A three-part trilogy fantasy novel. Pagkatapos ng unang digmaang pandaigdigan nagkaroon ng kapayapaan sa apat na kontinente ng mundo. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tanging nais ay kilalanin ang kanyang kakayahan sa buong mundo. Isang talentadong black wizard na may pilyong pag-uugali ang pilit hahanapin ang kanyang pinagmulan. Ang tatlong buhay nila ay pagbubukludin ng kapalaran. Sa muling pagbangon ng kasamaan dulot ng muling paggising ng Dark Lord na si Hellsing, muli na namang malalagay ang mundo sa panganib. Nasa kamay ng makabaong henerasyon ang kaligtasan ng buong mundo. Magawa nga kaya nila ang kanilang misyon? Marami silang pagsubok na kakaharapin, malalakas na kalabang kakalabanin. Maraming katanungan ang sasagutin. Sa paghahangad ng tatlo ng pag-ibig, katanyagan at kapangyarihan magampanan kaya nila ang itinakdang tungkulin na iginuhit sa palad nila? A journey to a magical world full of mystery, magic and adventure.

Mai_Chii · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
42 Chs

Mermaid’s Tale: Battle in Pirate Island part – 1

PATUNGO ang barkong pandigma sakay nina Prinsipe Eldrich at ng iba pa sa Hilagang karagatan ng Azura. Isang telegrama ang dumating sa kamay ng prinsipe. Dala ng isa sa mga kawal na kasama sa barko nina Seiffer ang sugatan nang makabalik ito sa palasyo. Ang sulat ay ipinadala naman sa isa pang kawal na siyang sumunod sa kinaroroonan nina Eldrich. Ngayon, hawak na ng prinsipe ang liham na nagsasaad ng lokasyon kung saan nila dinala ang isa pang prinsipe ng Alemeth.

"Siguradong may nakahandang patibong sa isla ng mga pirata," seryosong wika ni Prinsesa Zyda habang nakatutop ang hintuturong daliri sa ilalim ng baba. Waring nag-iisip ng posibleng maging hakbang ng mga kalaban.

"Totoo 'yang sinabi mo. Hindi tayo maaaring magpadalos-dalos sa ating gagawing desisyon," sagot ni Eldrich, pinagmamasdan ang mapang nakalatag sa mesa.

Itinuro ni Zyda ang lokasyon ayon sa nakasaad sa telegrama. "Dito, narito ang isla ng mga pirata. May ilang milya ang layo patungo sa kontinente ng Hilgarth. Ayon sa nakalap kong ulat mula sa espiya namin sa Elgios, natatakpan ng makapal na hamog ang isla ng mga pirata. Kaya madaling nakakapang-ambush ang mga ito ng sasakyang napapadaan sa isla nila."

"Kung gano'n mahihirapan ang hukbo natin na makita dereksyon ng isla. Sa kapal ng hamog maaaring bumangga sa malalaking bato ang barko natin. Maaari ring salakayin tayo ng palihim ng mga tusong piratang 'yon."

"Tama, kaya may naisip akong panggulat na gagawin upang makuha natin ang tamang dereksyon," ngising sabi ni Zyda.

Nagpalitan ng kuro-kuro sina Zyda at Eldrich. Tunay na parehong kahanga-hangang mag-isip ang dalawa. Kayang-kaya nilang pamunuan gamit ang tapang, talino at madiskarteng pag-iisip ang kanilang hukbo. Likas na magaling itong si Zyda sa pagpaplano. Kaya may mga prinsipeng nais mapangasawa si Zyda dahil sa talino nito. Isa siyang matalinong tactician.

Nakahanda na ang plano ni Zyda na suportado ni Eldrich. May tatlong barkong pandigma sila. Ang pinakamalaki ay kung nasaan sila ngayon. Ang dalawa ay lulan ng mga sundalo ng palasyo ng Alemeth. Inaasahan din nila ang pagsunod ng sundalong ipinadala ng Sario. Matapos nilang mabalitaan ang nangyari, ipinag-utos ng hari na tulungan ang hukbo ni Eldrich upang mailigtas si Prinsesa Lilisette.

May isa pang barko na palihim na sumusunod sa kanila. Lulan naman nito ang isang daang mahikero na nagtatanggol sa Oero. Sila ang ipinadala ni Meister Hellena upang tumulong sa kanila.

Nakadungaw sa harap sina Zyda at Eldrich habang binabaybay nila ang karagatan. Banayad ang alon ng tubig sa dagat. Walang maitim na ulap na nagbabadya ng pag-ulan. Payapa rin ang hangin. Mabilis ang ginagawang pagsagwan ng ibang mga sundalo.

"Kamahalan," tawag ng pinuno ng mga mahikero na si Sanaad. "Katulad ng plano n'yo na aming susundin. Maghihintay kami sa inyong hudyat upang sumalakay sa mga pirata."

"Oo! Antayin ninyo ang signal na ipapadala ko sa langit."

Ang asul na usok na pinapasabog sa langit ay hudtay ng pag-atras at ang pula nama'y hudyat ng pagsalakay. Gamit ang mahika na nagpapaangat sa kawalan, bumalik si Sanaad sa barkong sinasakyan ng hukbo ng mga mahikero.

"Kamahalan, papasok na tayo sa papakapal na hamog!" ulat ng kawal na nagmamatyag sa itaas ng barko.

"Zyda!" tawag ni Eldrich. "Sa ilang sandali lang ay uunahan na natin ang mga pirata." Ibinaling ni Eldrich ang tingin sa mga kawal bago inilahad nang matikas ang kamay. "Humanda sa isang matinding labanan! Ang pakay natin ay mailigtas si Prinsipe Seiffer at Prinsesa Lilisette!"

Malakas na sumigaw ang mga kawal, "Para sa Alemeth!!!"

Tumunog ang mahabang sungay na ginawang trumpeta. Signal ito sa buong karagatan ng papinpintong paglalaban. Ang lahat ng kawal ay handa nang bumunot ng espada't makipagtagisan ng lakas sa mga pirata. Hindi mababakas ang kaba sa mukha ng magigiting na sundalo, maging ang prinsipe at prinsesa na namumuno sa kanila.

Nang magsimulang tahakin ng barko ang unti-unting kumakapal na hamog sa paligid. Kulay itim na hamog at may kakaibang amoy. Tila amoy ng nabubulok na bangkay ng mga taong nagapi sa pakikipaglaban.

"Ihanda n'yo na ang mga sarili n'yo, heto na tayo!" matikas na sambit ni Prinsipe Eldrich.

Nakahawak ang dalawang kawal sa kanyon na papaputikin upang magbigay signal sa ibang barko.

Nang dumating ang takdang oras. "Paputukin ang pulang usok!" atubiling utos ni Eldrich na siyang sinunod ng mga kawal.

Ibinaling nina Eldrich ang pansin sa likod kung nasaan ang barkong sinasakyan ng mga mahikero. Nakita kaagad nila si Sanaad na nakalutang sa ere. Nakataas ang kamay nito't hawak ang magic wand na sandata nila.

Nagbigay kaagad si Sanaad ng utos nang makita ang pulang signal sa langit. "Ihanda ang magic spells! Tayo ang unang aatake!"

Pinahinto ni Eldrich ang barko at pinauna ang barkong sinasakyan ng mga mahikero. Nang mapunta sina Sanaad sa unahan, kanilang pinahinto rin ang barko. Ang lahat ng mahikero ay nakataas ang kamay at hawak na magic wand. Nagsulputan ang kanikanilang magic circle sa ibabaw ng magic wand.

"Kamahalan, sa inyong utos papakawalan na namin ang magic attact na aming inihanda!" saad ni Sanaad nang lapitan niya si Eldrich na nakatungtong sa unahan ng barko.

Binunot ni Eldrich ang espada niya't ibinigay ang hudyat ng pagsalakay. "Gawin n'yo na!"

Sabay-sabay na nagbitiw ng magic spell ang lahat ng mahikero. Umangat sa langit ang magic circles at bumuo ito ng isa pang pinagsamang magic circle ng lahat.

Sabay-sabay din silang nag-cast ng magic attact. "Magic wind blade—attact!!!"

Mula sa pinagsamang magic circle sa langit lumabas ang malakas na hangin dito. Matalim na hanging humihiwa sa makapal na hamog sa kapaligiran. Umaliwalas ang kanilang daan. Sakto lang ang kanilang paghinto dahil tanaw na tanaw na nila sa harapan ang isla ng mga pirata.

Muling umandar ang barkong sinasakyan ng prinsipe at ng ibang kawal. Naiwan ang mga mahikero sa likod.

Ito ang naging plano nila kanina.

(Flash back)

"Magiging back up natin ang mga mahikero. Hindi sila malakas sa pisikal na pakikipaglaban kaya sa likod lang sila. Tayo ang lulusob, tayo ang lalaban pagkadaong natin sa lupa. Sa oras na mahawi ang makapal na hamog tutuloy tayo kaagad sa pagsalakay at maiiwan ang barko nila. Lilihis sila ng dereksyon. Hindi sila tutuloy at hihintayin nilang dumating ang hukbo ng Sario. May mangyari mang hindi maganda sa pagsalakay natin, may matitira pang hukbo para sa susunod na pagsalakay. Sigurado akong nakatago rin ang ibang tauhan ng mga pirata. Maaaring nagkalat sila at nakaposisyon sa karagatan. Kung tama ang hinala ko, sa hideout na ito nila ikinulong sina Seiffer at Liset. Pero kung mali ang hinala ko, maaaring sakay sila sa ibang barko at naghihintay lang ng pagkakataon."

"Sang-ayon ako sa mga sinabi at plano mo, Prinsesa Zyda. Tunay ngang tuso ang mga piratang iyon. At ayon sa sulat, nagsama-sama ang tatlong piratang hari. Si Zanaga na siguradong paghihiganti ang habol at ang dalawa na sina, Ashlando at Serarah. Siguradong may iba silang pakay kaya pumayag silang makiisa kay Zanaga."

"Prinsipe Eldrich, hindi kaya may gustong makuha ang mga piratang 'yon?" napapaisip na tanong ni Zyda.

Napahataw ang dalawang kamay ni Eldrich sa mesa. "Hindi ko alam. Basta't kailangan nating maging alerto at maingat!"

***

NAKARATING sa baybayin ang barko nina Eldrich. Nagtaka ang mga ito dahil walang sumugod sa kanilang mga pirata. Nakahanda at alerto ang mga kawal gano'n din si Eldrich. Naiwan si Zyda sa malaking barko kasama ang ilang natitirang kawal upang magbantay.

"A-Ano'ng nangyayari rito?" taka ni Eldrich.

Mabato sa paligid, mamasa-masa ang lupang tinatapakan nila. Mahamog pa rin ngunit hindi na makapal. Dahil maliit lamang ang isla ng mga pirata, tanaw na tanaw ang buong nasasakupan nito. Maraming matataas at matutulis na hugis ng bato ang matatagpuan dito. Walang kahit anong halamang makikita kundi matitigas, maliliit, malalaki at iba't ibang hugis ng bato.

"Kamahalan, tingnan n'yo!" turo ng kawal sa unahan.

May maliit na bangkang patungo sa kabilang panig ng mabatong baybayin. Nang tuluyan itong bumangga at mahinto, kanilang nakita ang dalawang taong nakasakay dito. Parehong nakatali sa likod ang mga kamay at may busal sa bibig.

"Seiffer! Lilisette!!!" sigaw ni Eldrich. Mabilis itong tumakbo patungo sa dereksyon nila.

"Prinsipe Eldrich, huwag!!!" tumatakbong sigaw ni Zyda matapos niyang bumaba ng barko't hinabol si Eldrich. "Bumalik ka! Isa 'yang patibong!!!" sigaw pa nito na nagpatigil sa pagtakbo ni Eldrich.

"Bwahahaha!!! Matalinong babae!!!" Biglang lumabas mula sa likod ng malaking bato si Zanaga. "Labas mga pirata!!!" utos nito bago naglabasan ang mga tauhan niya na nagtatago sa malalaking tipak ng bato sa paligid.

"Ano'ng akala n'yo maiisahan n'yo kami gamit ng mga mahikero ng Oero?!" Bungisngis ni Zanaga bitbit ang malaki niyang espada na nakapatong sa balikat. Nakabalot ng benda ang putol niyang braso. Lumapit siya sa dalawang nakasakay sa bangka. Pinadampot niya sina Seiffer at Liset sa dalawang tauhan tapos iniharap sa prinsipe.

"Hindi n'yo na sila maililigtas dahil dito n'yo mismo masasaksihan ang pagkamatay ng dalawang 'to!" madiin at nakakatakot na banta ni Zanaga. "Uunahin ko ang prinsipeng ito. Seiffer Wisdom, ang baliw na pumutol sa braso ko!" Tinadyakan ni Zanaga sa tagiliran si Seiffer. "Pipirasuhin kita nang buhay!" Itinaas ni Zanaga ang sandata niya at aktong ihahataw ito kay Seiffer, nang…

"Fire ball!"

Nagliliyab na bola ng apoy ang pumigil sa pag-itak ni Zanaga sa katawan ni Seiffer. Nabitiwan ni Zanaga ang espada niya't kumalansing sa lupa ito. May bahid ng sunog ang kamay niya.

"Hindi pa naman kami huli ng dating, hindi ba?"

"Sanaad!!!" tuwang sambit ni Eldrich.

Humilera sa likod nila ang mga mahikero. Nasa harapang ang mga sundalo. Seryoso ang mga mata nila't alerto sa susunod na magaganap.

"Heh!" singhal ni Zanaga. "Oras na sa labanan!" Itinaas niya ang kamay niya't sumenyas. "Lusob mga pirata!!!"

Umalingawngaw din ang tinig ni Eldrich. "Laban mga kawal!!!"

Kasamang lumusob si Eldrich patungo sa kinaroroonan nina Seiffer. Mailigtas nga kaya ng prinsipe ang kanyang kapatid? At nasaan nga ba sina Azurine at Octavio?

Isang matinding labanan ang kasalukyang kinakaharap nilang lahat.