"Damn, woman!"
Naipikit ko ang mga mata ko nang muling marinig ang sigaw ng aking asawa pagkapasok na pagkapasok niya sa pinto. Lasing na naman itong umuwi at halos mag-uumaga na. This has been his behavior for the past three days. Naghihintay ako sa kanya sa aming salas dahil hindi ako makatulog kapag hindi pa siya umuuwi.
"Mahal. . ." Mabilis akong tumayo mula sa aking kinauupuang sofa upang salubungin siya. Nakahanda na rin ang matamis na ngiti sa aking labi upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya at mawala ang pagkadilim ng mukha.
Ngunit sa aking paglapit ay isang malakas na sampal ang dumako sa aking mukha. Hindi ko inasahan 'yon at kaagad na namula ang aking pisngi kasabay ng pagbalong ng luha sa aking mata. My husband didn't hurt me since the day of our marriage. Napahawak ako sa aking mukha upang takpan ang sakit niyon at tumingala upang tingnan siya. Langhap na langhap ko ang alak sa hininga niya ngunit hindi ako nagreklamo tungkol doon.
"Mahal. . . Bakit? Ano ba'ng problema?" tanong ko sa nanginginig na boses. Tinatanong siya kung bakit niya ako sinaktan dahil hindi pa niya ito nagagawa sa akin.
Kahit kailan ay hindi pa ako nakaranas na pisikal na masaktan. Mahal na mahal ako ng aking magulang at hindi nila ako pinagbubuhatan ng kamay. Ngayon lang ako naka-experience ng ganito, sa kamay pa mismo ng aking asawa. Pilit na tumatakas ang luha sa aking mata ngunit matigas ko iyong pinigilan at tiningnan ng buong pagmamahal ang aking asawa.
"Problema? You still dare to ask what's the problem? Ikaw. Ikaw ang problema ko!" muling umigkas ang kamay niya sa pisngi ko na ikinabiling ng mukha ko.
Napamulagat ang aking mata dahil sa ginawa niya. Nag-init ang pisngi ko dahil sa sakit ng pagkasampal ng asawa ko.
"Mahal, bakit? Ano ba'ng ginawa ko? Wala naman akong ginawang masama bakit mo ako sinasaktan? Bakit tayo nagkaganito?" Luhaan kong tanong at ang aking boses ay puno ng pagmamakaawa. Wala akong ka-ide-ideya kung bakit niya sinasabi sa akin na ako ang problema niya.
"Nagsisisi ako na pinakasalan kita. Sana'y hindi na lang kita nakilala." Ipiniksi niya ang kamay ko ngunit kaagad ko rin siyang inabot at mahigpit na hinawakan.
"Ayos tayo 'di ba? Mahal, sabihin mo naman sa'kin kung bakit tinatrato mo ako ng ganito. Bakit ka nagsisisi sa pagpapakasal sa'kin? Mahal kita—"
"Sana nga totoo 'yang sinasabi mo na mahal mo ako, Joanne. Dahil kapag napatunayan ko na niloloko mo ako ay hinding-hindi kita mapapatawad!"
Lalo akong napaluha dahil sa sinabi niya. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya upang hindi ito makalayo at upang pakinggan ako.
"Mahal, hindi kita niloloko. Paano mo nasabi 'yan?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko matanggap na sinasaktan niya ako ng ganito. Mahal na mahal ko ang asawa ko, at kahit siya ay ganoon din sa akin. Mahal na mahal namin ang isa't-isa kaya ang malaking pagbabago niya ay labis kong ipinagtaka.
Kahit maigsi pa lang ang aming pagsasama ay ramdam ko ang pagmamahal sa akin ng asawa ko. Araw-araw ay lagi niya iyong pinapadama sa akin. Araw-araw ay masaya ang aming pagsasama simula noong ikasal kami, isang taon na ang nakakalipas. Hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay o pinagsalitaan ng masasakit na salita. Wala sa hitsura niya ang manakit. Mabait na lalaki si Earl kaya kaagad na nahulog ang loob ko sa kanya. Kahit ngayong nasa harapan ko siya, at puno ng galit ang mukha ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya sa akin na pilit niyang sinasakluban ng galit.
Alam kong may dahilan ang asawa ko kung bakit niya ako tinatrato ng ganito. Kailangan ko itong alamin upang maging maayos ang pagsasama namin.
"Joanne, alam kung maikling panahon pa lang ang pinagsamahan natin. Pero alam mong kahit kailan ay hindi ako nagloko dahil may tiwala ako sa'yo. Pero bakit ganito pa ang iginanti mo sa'kin?"
Ramdam ko ang pait sa boses niya at parang pinilipit ang aking puso sa narinig. Hindi ko siya kayang makita na nasasaktan, kailangan ko ng alamin ang dahilan kung bakit siya nagagalit sa akin.
"Mahal, patawarin mo ako pero wala talaga akong ideya kung bakit ka nagagalit sa'kin. Ano ba ang kasalanan ko?" Alam kong paulit-ulit na ako pero kahit kasi anong pagpiga ko sa isip ay wala akong maisip na kasalanan na ginawa ko sa aking asawa.
Mahal na mahal ko si Earl at hindi ko kayang magloko sa kanya kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinaparatangan niya ako ng ganito.
Lalong dumilim ang tingin niya sa'kin at ramdam na ramdam ko ang galit doon. Ngunit hindi ako bumitaw sa pagkakahawak sa braso niya at sinalubong ko ng malamlam ang madilim niyang tingin.
Hindi sumagot si Earl. Bagkus ay muling dumapo ng malakas ang palad niya sa aking pisngi. Ramdam ko ang sakit ng kanyang sampal at lalo akong napaluha habang sapo-sapo ko ang aking pisngi na nag-init dahil sa lakas ng kanyang palad.
"Liar!" Dinuro niya ako at akmang magsasalita pa ngunit hindi na siya nagpatuloy at mabilis niya akong tinalikuran matapos niyang pilit na tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya.
Napaupo ako sa sahig at nagpatuloy sa pag-iyak. Hindi ako umiiyak sa sampal ng aking asawa kundi sa sakit ng pambabalewala niya sa akin, ng pambibintang niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagkakaganito at kung bakit niya ako pinaghihinalaan.
Isang taon pa lamang mula ng ikasal kami ng asawa ko at nagsama sa isang bubong. Ngunit hindi nasusukat ng panahon kung gaano kalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Noong una ko siyang nakita ay alam ko na agad na siya ang nais kong makasama habambuhay. Kaya masayang-masaya ako noong nagtapat siya ng pag-ibig sa akin na hindi ko naman tinanggihan. Hindi ko inakalang magkapareho pala kami ng nararamdaman. It was a dream come true that I didn't expect. A dream that I didn't dreamt to be a nightmare.
The cold floor was weeping together with me, the wind from the open curtain were seeping through my bones, it's drying my tears ang giving me shivers. Lalo akong nakadama ng kamiserablihan. Gusto kong sumigaw, gusto kong magmakaawa sa asawa ko ngunit hindi ko kaya. Dahil baka kapag sundan ko siya ay lalo akong pagalitan.
Napatingin ako sa aming wedding photo na nakasabit sa dingding malapit sa pintuan. Mapait akong napangiti habang inaalala ang masayang araw ng aming kasal.
"Where did it go wrong?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatitig sa kawalan. Ang luha sa aking mata ay muling tumulo pero hinayaan ko iyon habang muling bumabalik sa aking isip ang eksena ng unang pagtatagpo naming mag-asawa.