webnovel

Sacrifice

ALGOLIA. PALASYO. LABAS.

NAKARATING na sila sa palasyo ng Algolia pero wala pa rin ang signos na mula sa hiyas ng yelo.

--- Nagising na si Jessica na pasan ni Reid.

Jessica: (sa isip) A-anong nangyari?

(maaalala ang ginawa ni Kazuma sa kanya)

Jessica: (sa isip) Oo nga pala, pinaalala sa akin ni Kazuma ang masama kong nakaraan… Ang nakaraan na hangga't maaari, ayoko nang balikan… K-kung paano ako ginamit ng mga nakapaligid sa akin… Kung paano ako nakapaslang ng mga inosenteng nilalang… ng dahil sa galit.

Reid: Jessica?

Jessica: Punong kawal? (bigla)

Reid: Mabuti't gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?

Jessica: Umm... pakiramdam ko wala akong laman.

Reid: Huh?

Jessica: Pwede mo na akong ibaba.

Reid: Hindi.

Jessica: Pero...

Reid: Magpahinga ka muna hangga't kaya mo. Inatake ka ni Kazuma sa iyong isipan, mabuti nga at nakabalik ka pa sa amin. Ang iba, nakatulala na lang sila habang buhay. Habang ang iba, kung hindi nasiraan ng bait, nagpatiwakal.

Jessica: Ang buti mo... Maraming salamat.

--- Ilang oras din ang lumipas at nagpababa na nga ng tuluyan si Jessica kay Reid.

Jessica: Maraming salamat.

Reid: (ngingiti) Basta ikaw.

Jessica: (gagamitin ang susi sa paghahanap)

Quatre: Wala pa rin ba?

Jessica: (bubuksan ang mapa at magliliwanag ang kwintas)

(Pause)

Jessica: (titigil) Wala pa rin eh.

Ardell: Posible kayang nakuha ng isa sa mga kampon ni Reinjenna ang hiyas ng yelo?

Jessica: Pwede rin…

Andrea: Ito na 'yon… Kailangan na nating sumalakay sa palasyo'ng ito para makabalik na tayo sa mundo natin at ibalik ang lahat sa dati.

Quatre: Tama ka…

(Jessica's heartbeat)

Kazuma: (boses) Jessica.

Jessica: (lilingon)

Kazuma: (boses) Jessica.

Jessica: (hahanapin ang pinagmulan ng boses)

Kazuma: (boses) Jessica.

Jessica: (hahawak sa ulo) TAMA NA!

Ardell: Jessica! (hahawak sa balikat nito)

Jessica: (matatauhan)

Andrea: Bakit?

Jessica: S-Si Kazuma… (takot)

Quatre: Jessica, pwede ba?! Nakakabigat ka na sa ginagawa mo eh! Kung hindi mo kayang labanan si Kazuma e di sige! Sumama ka na sa kanya!

Reid: Mandirigmang Kidlat, pwede ba? (haharang kay Quatre) Hindi madali ang pinagdaanan ni Jessica…

Jessica: (luluha) Pa… pasensya ka na… (yuyuko) Hindi ko gustong makabigat. (tatakbo)

Andrea: hoy!

(nawala na ito sa paningin nila)

Quatre: (bigla) shit.

Ardell: Kailangan nating siyang sundan.

Quatre: (titingnan si Ardell) Bakit pa?

Ardell: Quatre?

Quatre: Pagod na 'ko... hindi ko na siya kaya pang intindihin! Madali lang naman ang hinihingi natin sa kanya at iyon ay ang labanan ang kapangyarihan ni Kazuma. Mahirap ba 'yon?

Reid: Madali sa 'yo... mahirap para kay Jessica.

Quatre: (bigla ulit)

Reid: Sa lahat ng nakaranas ng nangyari kay Jessica, maswerte siya na buhay siya at matino pa ang isip niya. Sa nasaksihan ko sa mga nagdaang Magic Warriors, kung hindi sila namamatay sa ginawa ni Kazuma ay nagpapatiwakal sila. Habang ang iba ay nasisiraan ng bait. Masasabi kong matatag na siya sa lagay na iyan. At alam kong kahit ganyan ang kalagayan niya, pinipilit niyang buuin ang sarili niya.

(silence)

Andrea: Tayo na, hindi dapat tayo magpabaya sa panahong ito. (tatakbo)

Reid: (susundan si Andrea)

Ardell: (tatalikod kay Quatre) Kung napapagod ka na sa ginagawa mo, tama lang pala na inawat kita na pasanin si Jessica sa likod mo. Mabigat naman pala, sana sa simula palang, tinalikuran mo na s'ya. (aalis)

TRONO

Reinjenna: (ngingiti)

-- Nakita ni Reinjenna na hinahanap na ni Jessica ang trono ng reyna.

Asuka: (sa dilim) Isang Magic Warriors!

Reinjenna: (aawatin si Asuka) Hayaan natin siya.

Asuka: Pero...

Reinjenna: Rina.

Rina: (nakaluhod) Opo! (aalis)

--- Nagsimula nang guluhin ni Reinjenna ang daan sa palasyo. Ibinigay niya kay Jessica ang pinakamaadaling daan patungo sa trono niya. Naabutan pa siya ng grupo na tumatakbo hanggang sa nawala na ito sa paningin niya. Habang tumatakbo sina Andrea, Ardell, Reid at Quatre…

Ardell: Nakakapagtaka…

Andrea: Bakit?

Ardell: Kanina lang, tanaw pa natin si Jessica na tumatakbo sa direksyon na ito ngunit bakit bigla siyang nawala?

Reid: Ang reyna nila, si Reinjenna! Kaya niyang baguhin ang dimensyon ng mga lugar at kung tama ako, inilayo niya tayo kay Jessica para hindi natin ito maprotektahan.

Quatre: (inis)

Ardell: Alam Quatre, you're such a j*** **s!

Quatre: Shut up!

--- Biglang humarang si Rina sa dinaraanan nila.

Rina: (ngingiti)

Andrea: Rina!

Rina: Kamusta?

Ardell: Wala kaming panahon para makipagkamustahan, flaming halos!

Rina: (iilag)

Andrea: (ilalabas ang baton at papaluin si Rina) Hiyah!

Rina: (iilag agad)

Andrea: Ako nang bahala dito, puntahan n'yo na si Jessica!

Ardell: Pero Andrea!

Reid: Sasamahan ko ang Mandirigmang Tubig dito, sige na!

Ardell: (tatango)

--- Agad na tumakbo sina Ardell at Quatre.

Rina: Sanda---

Andrea: Water blast showers!

Rina: (iilag sa kapangyarihan ni Andrea)

Reid: (ilalabas ang ispada)

Andrea: Gawin na natin.

Reid: (tatango)

--- Sabay nilang sinugod si Rina.

ALGOLIA. TRONO

Tulad ng inaasahan, nakarating sa trono ng reyna si Jessica. Pero isang dragon ang humarang rito at naging tao. May matipunong pangangatawan, itim ang mga mata, kulay asul ang buhok katulad ng buhok ni Jessica at mahaba ang suot na balabal na may kasamang baluting itim.

Raiden: Matagal din tayong hindi nagkita…

Jessica: … Raiden.

Raiden: Tama ka. Hindi ko akalaing matalas pala ang iyong pang-alala.

Jessica: (ilalabas ang sibat) Tapusin na natin 'to. (sasakit ang ulo)

Raiden: Sa lagay mong iyan? Kung ako sa 'yo, (lalapit) sumapi ka na lang sa amin. Gisingin mo si Kazuma at baguhin natin ang mundo base sa nais mo.

Jessica: (maiinis) Tumigil ka! (susugod saka tatagain si Raiden)

Raiden: (isasalag ang lantaka)

Jessica: Ano?

Raiden: (pasasabugin ang lantaka)

Jessica: (iilag) glaciers!

(haharang ang bloke ng yelo)

Raiden: Ang laki na rin ng pinagbago mo. Sino'ng mag-aakalang isang mortal ang gigising kay Kazuma?

Jessica: Anak mo ba si Kazuma?

Raiden: Hindi. At hindi rin siya anak ni Reinjenna.

Jessica: (susugod)

--- Nagpatuloy ang dwelo nila.

Raiden: (habang sinasalag ang atake ni Jessica) Dahil lubhang malakas ang kapangyarihan ng mga Magic Warriors noon, humingi kami ng tulong sa pinakamatandang hari ng Algolia na ipagkaloob sa amin ang pinakamalakas na mandirigmang hihigit sa Sangatsu at si Kazuma iyon.

Jessica: (didistansya) Crystalline Icicles!

Raiden: (sasalagin iyon ng baluti niya) At dahil sa sumpang inilgay ni Luntian sa kanya, sa tulong ng mga pulseras, naikulong si Kazuma sa loob ng puno, wala kaming nagawa kundi ang kontrahin iyon ng isa pang sumpa.

Jessica: At yon ay ang halik ng napili niyang maging susunod na reyna?

Raiden: Tama ka.

Jessica: Bakit ako? Hindi naman niya ako kauri! (itutulak si Raiden gamit ang sibat)

Raiden: (papaluin si Jessica ng lantaka)

--- Biglang lumabas si Kazuma bilang isang aparisyon at saglit na sinalag ang atake ni Raiden kay Jessica.

Kazuma: (hawak ang lantaka sa bunganga nito) Raiden.

Raiden: Kazuma...

Kazuma: Ayokong masaktan ni magalusan ang babaing ito. Sa oras na may makita akong galos sa katawan niya, kayo ang mananagot!

Raiden: (tatayo) Masusunod.

Kazuma: (titingnan si Jessica)

Jessica: K-Kazuma...

Kazuma: (titingnan ito)

Jessica: Bakit mo ginagawa ito?

Kazuma: hihintayin kita. (maglalaho)

Jessica: Sandali!

Raiden: (ilalabas ang bolang kristal)

Jessica: Ano?

--- Sumagi agad sa alaala ni Jessica ang naging pagtatalo nila ni Quatre kanina.

Jessica: (hahawak sa ulo) Hindi... i-itigil mo 'yan...

Raiden: (ikakalat ng kadiliman sa paligid) Hindi ka talaga nila kailangan Jessica. Kaya ka lang nila isinasama sa misyon ay dahil ikaw ang pinaka malakas sa kanila... Ginagamit ka lang ng mga taong tinatawag mong kaibigan...

Jessica: Hindi totoo 'yan!

Raiden: Kung ganoon nasaan sila?!

Jessica: (bigla)

Raiden: Pinabayaan ka na nila habang ikaw nakikipaglaban ka para sa kanila!

Jessica: (maaalala si Andrea) Hindi... (maaalala si Ardell) Hindi... (maaalala si Quatre)

(silence)

Jessica: (luluha)... (yuyuko) S-sinasamo ko... ang kapangyarihan ng yelo.

Reinjenna, Raiden: (bigla)

Jessica: Ako, ang mandirigmang yelo na siya ring hinirang na maging tagapamagitan ng mundo ng mga mortal at Sangatsu... Sinasamo ko ang lahat ng kapangyarihang nagmumula sa hiyas ng niyebe... upang tapusin ang kasamaan ng Algolia... IPAMALAS SA AKIN ANG IYONG KAPANGYARIHAN!!!!

(lalabas ang hiyas ng niyebe sa kamay ni Jessica)

LOOB NG PALASYO. HAGDAN.

NAGSABOG ng liwanag ang hiyas at nagdulot ng malaking pinsala sa palasyo ng Algolia. Samantalang sina Ardell at ang iba pa ay natigilan sa pagtakbo ng dahil sa nangyari.

Ardell: Ano 'yon?

Quatre: (gimbal) Jessica! (tatakbo)

(sa laban nina Rina, Andrea at Reid...)

Rina: Dark lightning!

Reid: (iilag)

Rina: (lalabas na hawak ang isang knobstick)

Andrea: (sasalagin agad iyon ng baton)

Rina: (ngitngit) Walang pwedeng pumigil sa paggising ni Kazuma!

Reid: Meron! (sabay labas ng ispada) At kami yon.

Andrea: (sisipain si Rina)

Rina: (mapapaatras)

Andrea: (papaikutin ang baton) Water blast showers!!!!

Rina: (iilag)

TRONO

Nakarating naman sa trono sina Ardell at Quatre nang makita nila si Jessica na nakatayo habang tinitingnan ang sahig.

Ardell: J-Jessica...

Jessica: I know you'll come for me... (luluha) 'Di ba? (haharap)

Ardell, Quatre: (bigla)

Jessica: (ilalabas ang hiyas ng lupa, hangin at yelo)

Quatre: A-anong ginagawa mo?

Jessica: Kailangan n'yo nang bumalik sa ating mundo. Kaya naman...

--- ibinigay niya kay Quatre ang hiyas ng niyebe, hangin at lupa.

Quatre: Jessica, anong ibig sabihin nito?

Jessica: Umalis na kayo rito. Hangga't hindi pa bumabangon sina Reinjenna at Raiden.

Ardell: At wala kang balak sumama?

Jessica: Maiiwan ako dito. Tatapusin ko sila dito.

Quatre: Jessica, kung ano man ang sinabi ko sa 'yo....

Jessica: (mararamdaman si Raiden) Alis na, ayan na siya… (tatalsik) AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!! (tatama sa pader)

Quatre: Jessica!

--- Nang mawala ang alikabok, nakita nila si Raiden na hawak ang bolang kristal at si Jessica na napapaligiran ng itim na usok.

Quatre: Jessica!

Raiden: Hanga ako sa ginawa mo... Pero (itatayo si Jessica na parang manika) hindi mo ko kaya...

--- naglaho ang itim na usok at kasabay niyon ang pagbabagong anyo at paggising ni Jessica. Nakatingin ito sa kanila na naglaho ang buhay ng mga mata

niya. Walang emosyon ngunit matalim ang mga matang nakatunghay sa kanila.

Quatre: Jessica, (akmang lalapit)

Jessica: Crystalline...icicles.

Ardell: (haharang) Fire blades!

--- Naglaban ang dalawang pwersa ngunit hindi iyon sapat para madepensahan sila.

Ardell: (babagsak)

Quatre: Ardell!

Jessica: Hindi ako magdadalawang isip na tapusin ka kung haharang ka sa daraanan ko.

Quatre: (ngitngit) Grrrr... (kay Raiden) Ano'ng ginawa mo kay Jessica?!

Raiden: Hawak ko ang kanyang isipan. At kahit magsisigaw ka diyan, hindi ka niya maririnig.

Quatre: (patda) Ano?

Jessica: (luluhod at hahalik sa kamay ni Raiden)

Raiden: Ganyan nga... Puntahan mo si Kazuma sa hardin ng itim na rosas.

Jessica: Masusunod. (tatayo)

Quatre: Soul cleanser arrow! (saka pakakawalan ang palaso)

Jessica: (sasalagin iyon ng icicle)

Quatre: (gimbal)

Jessica: (maglalaho)

Raiden: Ngayon... (ilalabas ang lantaka) Katapusan n'yo na!!!

Ardell: (aatake gamit ang jian) Hiyah!

--- Hindi agad nakagalaw si Raiden sa sunud sunod na atake ni Ardell.

Ardell: Sundan mo si Jessica at mag-sorry ka sa kanya!

Quatre: Ardell...

Ardell: Bahala na 'ko sa halimaw na ito. Sige na!

Quatre: (tatango)

Raiden: Matapang ka! (pasasabugin ang lantaka)

Ardell: (iilag)

(sa laban nina Rina, Andrea at Reid)

--- Pinasugod na ni Rina ang mga ugat puno na siya namang pinuputol ni Reid.

Rina: Labas mga lobo! (ilalabas ang mga lobo mula sa ikatlong dimensyon)

Andrea: (didistansya)

(aatake pabalik ang mga lobo)

Andrea: (iilag pero madadaplisan sa binti) Ah! (mapapaluhod)

Reid: Andrea! (lalapit pero haharangan ng mga lobo)

Andrea: Reid! (iilag agad) Healing rain! (gagamutin ang sarili)

Rina: May kakayahan ka palang gamutin ang sarili mo.

Andrea: Bakit? Inggit ka? (paiikutin ang baton) Ngayon, harapin mo ang iyong katapusan!

Rina: Ano?

Reid: (tatagain ang isa sa mga lobo at didikit kay Andrea)

--- nakita ni Rina ang kakaibang aura na nakapaligid kay Andrea.

Andrea: Water droplets spray!!!

(kakalat ang makapal na hamog)

Rina: Sugurin sila!

(susugod ang mga lobo sa gitna ng hamog)

--- Nang maglaho ang hamog, natigilan si Rina nang makitang patay ang mga alagad niyang lobo.

Rina: (gimbal) Hindi maari...

Andrea: Kinagat nila ang isa't isa sa pag-aakalang kami ang nakikita nila.

Rina: (ngitngit) walang hiya ka! (titira ng apoy)

Andrea: water spiral attack!

(pagsabog)

Rina: (tatalsik) AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!! (magiging abo)

Andrea: (hihingalin) Ah! (babagsak)

Reid: Mandirigmang Tubig! (lalapit agad) Ayos ka lang?

Andrea: Oo, pagod lang siguro ako.

Reid: (luluhod at tatalikod) halika.

Andrea: huh?

Reid: Sumakay ka na sa likod ko.

Andrea: (ngingiti) salamat.

--- sumakay si Andrea sa likod ni Reid at agad na silang umalis doon. Sa paglalakad nila...

Andrea: Reid...

Reid: Bakit?

Andrea: bakit tinatawag mo si Jessica sa pangalan niya samantalang tinatawag mo ako bilang Mandirigmang Tubig.

Reid: Ah, kasi...

Andrea: Pwede mo naman akong tawaging Andrea...

Reid: Sige, sinabi mo... Andrea.

Andrea: (sasandal sa likod nito) Salamat.

HARDIN NG ITIM NA ROSAS

Nilapitan ni Jessica ang puno kung saan ikinulong si Kazuma. Nang makita niya ito sa loob ng puno, pumasok siya ng bahagya sa puno at hinalikan sa labi ang prinsipe.

(liliwanag ang puno at sasabog)

Kazuma: (lalabas na balot ng itim na hagoromo at didilat)

Jessica: (luluhod)

Kazuma: Jessica. (lalapit at yayakapin ito) Kay tagal kitang hinintay.

Jessica: Kazuma...

--- Isang palaso ang sinalag ni Kazuma.

Quatre: Kazuma.

Kazuma: Mandirigmang kidlat.