webnovel

The Love of My Life.

Kwento ng isang pangkaraniwang babae na nagmahal sa isang lalaki. Matupad kaya ang pangarap niya na makasama habang buhay ang lalaking ito.

rhedd · Histoire
Pas assez d’évaluations
8 Chs

Chapter 6

Isang gabi tinanong ko sayo kung bakit ang bait - bait mo samin ng baby ko. "Jessica mahirap akong pakisamahan ang totoo si Aries lang ang kaisa isa kong naging kaibigan na parang kapatid ko na pero sinulot nya ang kaisa isang babaeng nagustuhan ko, magmula noon hindi na ko nagtiwala sa iba hanggang sa nakilala kita, ikaw lang nakaintindi sakin kaya hayaan mong maging kaibigan kita." iyon ang sabi mo sakin. Habang tumatagal lalo akong napapalapit sayo, lalo kitang minamahal. Tapos isang gabi humingi ako ng payo sayo. "What if balikan ako ng ama ng anak ko, sa tingin mo dapat pa akong sumama sa kanya?" "Hindi!" matigas mong sagot. "Ang mga ganung lalaki hindi na dapat bigyan ng isa pang pagkakataon." pagpapatuloy mo. Tapos tinanong mo naman ako. "Jessica what if ligawan kita sasagutin mo ba ako?" Napatawa lang ako sa tanong mo. "Oo naman ikaw pa eh matagal na kitang mahal." sagot ko sayo. "Eh kung yayain kitang magpakasal?" tanong mong muli. Nashock ako sa tanong mo kaya hindi ako sumagot. "Mahal kita at natatakot akong maunahan pa ng iba." sabi mo sakin at niyakap moko.