webnovel

Chapter 16: Brixton is Jealous

Kasalukuyang mag-isang naglalakad si Shaina sa park. Gusto lang muna niya mapag-isa kahit sandali. Kahit anong gawin niyang paglilibang sa sarili, nararamdaman pa rin niya ang lungkot.

Mga ilang sandali sa kanyang paglalakad kaagad siyang nagulat nang biglang lumitaw si Ralph Miguel sa kanyang paningin.

"Ok ka lang ba? Napapansin ko kasi nitong nakaraan, hindi ka masaya." bungad nito kaya natigilan siya sa paglalakad. Napansin niyang mayroong bench sa di-kalayuan at umupo siya rito.

"Ok naman ako. Stress lang nakaraan sa work." Pagsisinungaling ng dalaga pero alam ng binata iyon.

"Fine kung di mo man kayang sabihin. Nandito lang ako sasamahan kita." Napalingon si Shaina kay Ralph sa huling sinabi nito.

"Thanks but you don't need to." Napakunot ng noo ang binata sa naging sagot ng dalaga sa kanya.

"Shai, di ba magkaibigan naman tayo? Handa naman ako makinig kung anuman ang problema na pinagdaraanan mo ngayon."

May bahagi sa isip ni Shaina na ma-touch sa sinabi ni Ralph. Nagtataka pa rin siya biglang pagbabago ng trato sa kanya ng binata. Dati rati mainit ang dugo nito sa kanya. Kaunti na lang ipagtabuyan siya palabas ng kanilang bahay.

"Ayos lang ako, Ralph." Akmang tatayo na si Shaina sa kanyang kinauupuan nang makita niya si Brixton naglalakad palapit sa kanya.

Sinamaan niya ng tingin si Ralph at muling binaling ang paningin nito sa kanya. Hinila nito ang braso palayo sa kaninang kinaroroonan ng dalaga.

Samantala, labis naman ang pagtataka ni Ralph sa kanyang nakita. Sa halip na pigilan niya ang dalawa hinayaan niya lamang ito. Sa kanyang palagay, kailangan mag-usap nina Brixton at Shaina.

"Ano ba, Brix bitawan mo 'ko!" nagagalaiting saad ng dalaga sa kanyang kasintahan.

Mapait na ngumisi si Brixton matapos iwaksi ni Shaina ang braso nito na nakakapit sa kanya.

"Kaya pala madali mo na lang ako kalimutan dahil sa lalaking 'yon!" inis-inis na sambit ng binata habang pinanlilisikan niyang tingin ang kinaroroonan ni Ralph.

"Pwede ba, Brix huwag ka mandamay ng tao." Kalmado pa ring tugon ni Shaina kahit sobra na siyang nasasaktan sa mga pinagagawa ni Brixton.

"Ipinagtatanggol mo pa talaga siya, ah?"

"No. You're just irrational, Brix. Huwag kang manuro ng iba tao. Sa totoo lang ikaw ang may mali kung bakit gusto ko lumayo."

"Ano ginawa ko?" Sarkastikong napangisi si Shaina sa naging sagot sa kanya ng kasintahan.

"Hindi mo pa rin talaga kayang aminin..." unti-unti ng bubuhos ang luha ng dalaga pero pilit niyang tinatago iyon dahil ayaw niyang ipakita kay Brixton na mahina siya at kaya siya nitong talunin.

"Ang ano, Shai? Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi mo!" Napakagat-labi si Shaina sa kanyang narinig kasabay ng pagpigil sa pagtulo ng kanyang luha.

"So, hanggang ngayon di mo pa rin inaamin. Hanggang ngayon ok lang sa'yo na masaktan at balewalain ako. Di ba Brix? Gusto mo na rin na ayaw kitang ginugulo. Ito ginagawa ko na. Masaya ka na?"

"Shaina, please. Pag-usapan natin ito nang maayos. Kung anuman nasabi ko kalimutan mo na 'yon basta bumalik ka lang."

"Hindi, Brix. Kung sa'yo ayos lang sa akin hindi." Akmang aalis na si Shaina nang pigilan siya ng binata.

"Huwag mong subukan sumama sa lalaking 'yon!" giit ni Brixton pero hindi natinag si Shaina rito.

Marahas na binitawan ng dalaga ang braso ng binata. "Sino ka para pangunahan mo ako?" saka, niya iniwanan si Brixton na napahilamos ng kanyang mukha.

Sinundan naman ni Ralph si Shaina para kausapin ito.

"Tama ako na may problema." Habang hinahabol ng binata ang dalaga. "Paano ito maaayos kung di niyo mapag-usapan ng masinsinan?" Napalingon si Shaina kay Ralph at natigilan sandali sa paglalakad.

"Masinsinan? Hindi pa ba masinsinan iyong kanina? Ralph, wala ka sa posisyon ko kaya madali lang sa'yo kasi hindi naman ikaw binalewala."

Matapos niyon, wala ng balak pang magsalita ang binata sa kanyang narinig. May bahagi na nasaktan siya sa sinabi ng dalaga at sa naramdaman nito. Alam niya ang pakiramdam ng binalewala ng taong mahal niya. Napakasakit niyon pero ngayon niya lang naisip kasi hindi naman siya sigurado kung iyon nga ang dinaramdam ni Shaina.

Tinalikuran ng dalaga ang binata tahimik siyang naglakad pabalik ang sa kaninang kinaroroonan niya kasama sila Wenilda at ang mga bata.

Hanggang sa pag-uwi ng bahay, di siya nagsasalita at napansin iyon ng ginang. "Tita Wen, magpapahinga na po muna ako." Tumango lamang siya sa dalaga na dire-diretso ito sa kwarto.

Napatitig siya ngayon kay Ralph Miguel ng may pagtataka, "Nag-away nanaman ba kayo ni Shaina?"

"Hindi po, Ma." Nakayukong-saad ng binata.

"Pero bakit ganyan ang itsura mo?"

"Wala po ito." Umupo siya sa silya habang paunti-unting iniinom ang tubig.

"Ralph, kilala kita. Alam kong mainit ang dugo mo pa rin sa kanya kaya nagkaroon nanaman kayo pagtatalo ni Shaina."

"Wala po kaming problema ni Shaina, Ma. Ayos na kami. Magkaibigan na kami. Nagkaroon sila ng pagtatalo ng boyfriend niya." Natigilan ang ginang sa sinabi ng kanyang anak.

"Teka, paano nalaman na kasama natin siya?"

"Di ko po alam, Ma. Nagulat na lang ako naglalakad siya palapit kay Shaina."

Matapos linawin ni Ralph na wala silang problema o away ni Shaina, kaagad muna siyang nagpaalam sa kanyang ina na magpapahinga saglit sa kwarto nito.

Nagtipa muli sa cellphone si Ralph para i-text si Shaina.

"I'm sorry." Kanina pa siyang nagpipindot rito subalit kaagad niyang binubura hanggang sa paghingi ng tawad na lamang ang kanyang nasambit.

Lumipas ang sampung minuto at wala siyang natanggap na anumang sagot mula sa dalaga. Mukhang masama ang loob pa nito sa kanya. Inaamin niya sa sarili nagkamali siya ng approach pero para sa kanya iyon ang nararapat na gawin. Gusto niya lamang magkaayos ang magkasintahan.

Di niya sinasadyang marinig ang kanilang usapan kanina. Napansin naman niyang sinsero ang lalaki sa paghingi nito ng tawad sa kay Shaina dahil sa pagkukulang. Ramdam niya kung gaano kamahal ng dalaga ang boyfriend nito.

Narito ngayon si Brixton sa bar kasama ang kapatid nito, magkasamang umiinom.

"Di ko alam kung nakita niya sa lalaking 'yon para sumama siya." Bakas sa binata ang labis na pagkamuhi kay Ralph Miguel. "I can't control myself seeing her with other guy."

Napangisi lamang kapatid nito, "You are jealous."

"What? Me, nagseselos?" Pagmamaang-maangan pang reaksyon ni Brixton. Hindi niya lamang matanggap sa sarili na tuluyan nang nahulog ang loob kay Shaina. Buong buhay niya hindi pa siya nakakapag-react ng ganito.

Naging sila ni Valerie pero wala siyang nararamdaman para rito. Isa lamang siya sa mga fling niya. He is ultimate playboy. Wala siyang balak magseryoso sa mga babae at makipag-commit.

Napahagikhik pa muli si Berry sa pagiging defensive ng kanyang kuya. Nagulat siya sa naging asal nito ngayon. Talagang masasabi niyang nagseselos si Brixton.

"Oh come on, brad." Hindi mawala-wala ang pagngiti ni Berry na pilit na iniinis pa ang kapatid para paaminin ito.

"Can you please shut up?" Pinanlisikan na siya nito ng mata kaya bahagyang nagseryoso siya. "I am not jealous. Nakakainis lang dahil masisira ang plano natin."

Niligawan lang naman niya si Shaina para makuha ang loob nito at siya ang papakasalan, magiging bahagi na rin siya ng mga properties nito lalo na ang kumpanya. Ginamit niya rin si Valerie para mas mapadali isagawa iyon. Alam niya kung gaano kainggit ang babae na ito kay Shaina, ginamit niya iyon para makapasok sa buhay ng magkaibigan.

"Ok, I'll never argue with you again about this." Pagpapakumbabang saad ng kapatid. Mga ilang minuto pa ay napansin na niya ang pamumula ng mukha ng Brixton at namumungay na ang mga ito. "Lasing ka na brad. Look at yourself."

"No. I'm not drunk." Pagtanggi pa rin ng binata kahit siya nahihilo na sa pag-inom.

"Yes, you are. Kaya umuwi na tayo. Don't think too much about her. Just focus on our plan. Control your emotions hangga't maaga pa." Pahayag ni Berry sa kanyang kapatid.

Masisira ang lahat ng pinaghirapan nila dahil lamang sa nararamdaman ni Brixton kay Shaina. Kailangan niyang paalalahanan ang kapatid. They want more success. Hindi sila makakapayag na hanggang doon lang ang mararating nila. Ferrari Sweet Cafe is not enough lalo na hindi pa gaano ito sikat ng coffee shop kaya di gaano kalaki ang kinikita nila rito. Gusto nilang mahigitan ang lahat ng kalaban at sila na ang kikilanin at titingalain sa buong mundo. Money is life. Iyan ang motto ni Berry.

"I said I'm not affected. I'm failed to do our plan. My strategy is not effective anymore to her. What should I do?" Lasing-lasing na si Brixton nang magsalita muli.

"We better go home first, brad. Hindi tayo makakapag-isip nang maayos kung lasing ka." Mahinahon pa ring saad ni Berry kahit na-frustrate na siya sa kanyang kapatid dahil sa kapalpakan nito.

Sa kabilang dako naman, nanatili lamang sa kwarto si Shaina at wala pa siyang balak na lumabas. Alas-otso na ng umaga nakahilata pa rin siya sa kama. Hinintay lang niya makaalis si Ralph saka siya lalabas. Masama ang loob niya rito dahil sa panghihimasok sa kanilang relasyon.

Pagsapit ng hapon, aksidenteng nagtagpo ang kanilang landas sa kusina. Napansin ito ni Wenilda.

"Maiwan ko muna kayo. Asikasuhin ko muna mga kapatid mo."

Alam na ni ginang ang totoo kaya hinayaan ang dalawa na makapag-usap.

"Pwede ba tayo mag-usap?" Naiilang na tanong ni Ralph sa dalaga. Feeling niya na napakalaki ang kasalanan na nagawa subalit totoo ay nagmamalasakit lamang siya.

"I'm sorry. Mayroon pa akong gagawin." Akmang iiwanan na ni Shaina ang binata nang pigilan siya nito. Kaagad naman binitawan ni Ralph ang braso nito.

"Shaina, ganito na lang ba? Ayaw mo man lang ako kausapin at hayaan magpaliwanag para maunawaan mo naman ako?" Seryosong pahayag ni Ralph kasabay ang pagsandig nito sa dingding ng kanilang kusina. "Alam kong wala akong karapatan na pangunahan ka pero ang totoo gusto ko lang matulungan ka."

"Really? Pero sa ginawa mo Ralph mas lalo mo lang binigyan ng pagkakataon na hindi tayo magkasundo. Madaling mo lang sabihin kasi hindi mo pa naranasan ang magmahal at balewalain ka ng tao na mahal mo."

"Nagmahal rin ako noon..." Hindi na pinatuloy ang binata sa kanyang sasabihin. Nahihiya na siyang bigkasin ang kasunod.

"Really?" Isang napakasarkastikong reaksyon ang iginawad ni Shaina sa binata. Hindi niya akalain na isang lalaking tulad ni Ralph ay mai-inlove.

"Bakit?" Tanong kaagad ng binata. "Bakit ka natatawa?"

"Hindi lang ako makapaniwala." Habang nagpipigil sa pagngisi ang dalaga.

"Pero di ito ang isyu ngayon." Nawala kaagad ang ngiti ni Shaina nang mabaling nanaman sa kanya ang usapan. Sa totoo lang, ayaw niyang pinapangunahan siya sa mga desisyon. Saka, magkaiba sila ni Ralph na dinanas sa pag-ibig at mas masakit ang sa kanya.

"Ralph, itigil na natin ito. Mapapagod ka lang." Pagkatapos, iniwanan na siya ni Shaina sa kusina.

Muli siyang huminga nang malalim dahil sa nangyari. Naghihimutok siya kung bakit mahirap sa kanya ang paniwalaan na totoo ang sinasabi- na wala siyang intensyon na manakit. Naging magkaibigan na sila ni Shaina pero pakiramdam niya parang siya lamang ay may gusto niyon.

Kasalukuyang naglalakad si Shaina palabas ng bahay at naisipang tumambay muli sa balkonahe. Naiinis pa rin siya kay Ralph dahil sa panghihimasok sa kanyang buhay. Oo, magkaibigan sila pero wala itong karapatan makialam sa buhay niya. Kaya ni Shaina ang magdesisyon para sa sarili. Hindi niya kailangan ang payo ng iba na kahit sarili niyang magulang ay hindi sinunod.

"Ate Beauty!" Tawag sa kanya ni Rachelle. Nilingon niya kaagad ito at ipinaupo sa kanyang tabi. "Nag-away nanaman ba kayo ulit ni Kuya Migz?" Nakanguso pang saad ng dalagita sa kanya.

"Hindi. Misunderstanding lang." Nanlaki ang mata ni Rachelle sa kanyang narinig. Biglang may pumasok na nanaman sa isip niyang kalokohan.

Napangiwi ito at naghuhudyat na kinikilig ang dalagita. "Bakit?"

Nagtataka si Shaina rito sa biglaang pagbago ng expression ng mukha.

"Malapit mo na bang sagutin si Kuya Migz." Nanlaki ang mga mata ni Shaina sa kanyang narinig.

"Magkaiba ang misunderstanding sa mutual understanding." Mahinahon pa rin siyang sumagot kahit nagulat pa rin siya sa sinabi ng dalagita.

"Kaya, mayroon kaming hindi pagkakaunawaan ng kuya mo." Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito. "Bakit ganyan ang ngiti mo?"

"Joke lang po 'yon, Ate Beauty. Actually, alam ko naman po ang ibig sabihin ng misunderstanding at mutual understanding eh." Nagpipigil pa ito ng tawa. "Pinapatawa ko lang po kayo kasi napakaseryoso niyo ngayon."

Hinawakan ni Shaina sa ulo si Rachelle at napangiti siya rito. Akala niya kasi hindi nito alam. Ang mga bagets talaga puno ng kalokohan sa utak- sabi pa niya sa sarili.

Mga ilang sandali pa ay may biglang tumawag sa kanyang cellphone. "Saglit lang Chelle, ah?" Kaagad naman tumango ang dalagita.

Nakita niya na kanyang magulang anf nakarehistro sa screen. Hindi siya nagdalawang isip sagutin ito at tinapat sa kanyang tainga ang telepono.

"Hello, Dad?"