webnovel

The Healing Angel

Tahimik ang buhay pag-ibig ni Faye Alcantara, pero nagbago ang lahat ng ito nang magtapo sila ni Raphael, isang anghel sa mesidina na pasaway at nawalan ng kapangyarihan sa mundo ng tao. Parusa nga ba ito ng langit ang pananatili niya sa mundo ng tao? o isa itong tadhana para pagtagpuin sila ng landas ng mortal na si Faye?

ManilaTypewriter · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
46 Chs

ANG HULING ARAW

Matapos ngang mabulgar ang mga illegal na gawain ng Don Joaquin ay permanente nang ipinasara ang kanilang kumpanya maging ang mga ospital na hawak nito. Nakahimlay na rin sa kanyang libingan si Don Joaquin kasama ang kanyang pamilya.

Nagsimula na ring idistribute ang mga gamot na lunas sa sakit at unti-unti nang bumabangon ang bansa sa pagkalugmok nito dahil sa sakit. Malaki ang naging epekto nito sa ekonomiya ng bansa. Nabaon sa utang, maraming buhay ang nawala pero hindi nila sinayang ang kabayanihan ni Maki na namatay para sa kaibigan at lalong-lalo para sa bayan.

Huling araw na ngayon ni Kuya Maki at tatlong araw na lang ang natitira kay Faye. Losing someone is not easy lalo na kung tinuring mo silang pamilya. It's a kind of torture para sa mga tao, ang maiwan ng mga mahal mo sa buhay.

Isa na lang ang natitirang ipinaglalaban ni Raphael, ang pag-ibig.

Sa ilalim ng puno ay nakayap lang si Faye kay Raphael. Nakasandal siya sa hita nito at umiiyak lang. Kawawang dalaga, hindi niya alam na tatlong araw na lang ang natitira sakanya.

"Magiging okay rin ang lahat." sambit ni Faye habang hinahaplos ang mukha ng binata.

"Hmm." tumango lang si Raphael

"Bumalik ka na sa langit, nahihirapan ka na dito diba?" tanong ni Faye.

"Hindi kita maaaring iwan."

"Pero yun ang tahanan mo, dito ako nabubuhay at dito rin ako mamamatay. Magkaiba ang mundo natin. Please?" kahit labag sa kalooban niya ay pinipilit ni Faye na pabalikin si Raphael sa langit. Mas hindi niya kakayanin na naghihirap ito sa lupa at mas lalong mahirap magsama ang dalawang bagay na magkaiba.

Hinawakan nang mahigpit ni Raphael ang kamay ng dalaga at saka ito hinalikan. "Gagawa ako ng paraan para makapamuhay tayo ng normal."

"Ano magiging tao ka? Paano? Maraming umaasa sayo na may sakit. Mas kailangan ka nila. Ako? Maghihintay lang ako na matapos ang buhay ko sa mundo. Nananalangin na sana makita kita sa langit at maalala mo pa ako. At kapag dumating ang araw na hindi mo na ako maalala. Please lang pilitin mo!" after hearing this ay binuhat ni Raphael ang dalaga at hinalikan sa may ilalim ng puno, matagal ito, mga ilang segundo rin siguro.

8:55 AM

They started living a normal life sa bahay ni Raphael. Magkatabi sila ngayon sa kama. Ito na ang huling araw ni Faye sa lupa dahil susunduin na siya ni Azrael. Nagluto si Faye ng maraming almusal. Ginising na niya si Raphael.

"Hoy! Pst! Anong oras na oh! Mag-almusal na tayo."

Mabilis naman na bumagon ang binata pero nakabusangot ang mukha nito na para bang kinikilala kung sino ang taong nasa harapan niya.

"Sino ka?"

"Ang aga-aga Raphael wag kang makulit!" sabay palo sa balikat.

"Nakikita mo ko?"

"Oo naman Raphael nakikita kita?"

"Isa akong anghel, walang nakakakita sa amin!" hindi na nga yata naaalala pa ni Raphael ang dalaga. Umagos ang luha sakanyang mga mata pero hindi pa rin niya nakikilala ang na sa harapan niya.

Si Faye naman ay tulala lang at hindi maka-imik dahil bumabagsak na rin ang luha sakanyang mata.

She kissed him in the forehead at bumaba sa labi pero nung dumilat siya ay wala ng tao sa harapan niya...

.

.

.

.

.

This is it guys :( the last chapter of this wonderful novel. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumuporta mula una hanggang huli solid kayo! Salamat sa pagtitiis sa pagbabasa sa mumunti kong nobela. This novel means a lot to me at umabot pa siya ng isang taon hahaha pinilit ko po talagang tapusin. First of all, I dedicate this novel to that special someone. Today is your birthday and I'm wishing you all the best. I know someday makikita mo to! para sayo talaga to! Second, sa mga reader, kayo ang dahilan para ituloy ko ang story na to, nagagalak akong ibahagi sainyo ang malikot na guni-guni ko. Ikatlo, sa mga kaibigan, pamilya, kakilala ko na naniniwala sa kakayanan ko marami pong salamat sa pagtulak na ituloy ko ang nobelang ito. AT HULI, kay Lord, ikaw ang nagbigay sakin ng talento na to para gamitin. Mula una pa lang hindi mo ko pinabayaan. Marami pong salamat Panginoon.

Any thoughts?

ManilaTypewritercreators' thoughts