webnovel

The Good Daughter (MayWard)

Bella married her twin sister Bea's fiancé, Damon on their wedding day. Damon believing Bella is to blame, exacts his revenge on Bella.

walakabampira · Urbain
Pas assez d’évaluations
49 Chs

Chapter 3

Naramdaman kong sumiksik sya sa leeg ko.

F*ck

Gahibla na lang ang pagitan ng leeg ko at labi nya.

Ramdam ko yung hininga nya sa leeg ko.

Tumatayo yung balahibo ko.

Hindi ko alam kung bakit parang hindi ko mabuksan yung pinto ng kwarto ko.

Nang sa wakas ay nabuksan ko ang pinto ay dali-dali akong lumapit sa kama at inilapag doon si Bella.

Hindi man lang nagising.

Pagod na pagod siguro sya.

She curled up into a ball.

Tsss...Parang bata!

I rake my fingers thru my hair.

Inis na hinubad ko ang coat ko at inalis ang necktie ko.

Hindi ako papayag na mapahiya ako at ang pamilya namin dahil kay Bella!

Anong ginawa mo kay Bea?

Where is she?

Hindi ko namalayan na nasa tabi na ako ni Bella at nakatitig ako sa kanya.

She stirred in her sleep.

She's mumbling something na hindi ko maintindihan.

Humihikbi sya.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.

And for some reason naalala ko yung unang beses na nakita ko si Bea.

Dug dug dug dug

Ano bang nangyayari?

Bakit ganito yung puso ko?

"Nana..." nanginginig na sya sa paghikbi at ngayon ay nakayakap na sya sa legs nya.

I reach out to her and stroke her hair.

"Shhh...tahan na..." hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun.

Bella POV

Nagising ako na may nakayakap sa akin.

"What the hell?!?" sabay alis ko ng kamay nya.

Did something happen while I was asleep?

Dali-dali kong tiningnan kung may saplot pa ako.

I'm still wearing the wedding gown.

"Don't worry I won't force myself on you and besides you're not Bea!"

Oo na hindi na!

Ulit-ulit?

"Buti alam mo! Bakit ka ba kasi nangyayakap?" sabi ko na umalis na ng kama.

"You were the one who asked me to hug you!" sabay ngisi ng nakakaloko.

Bumangon sya at umupo.

"In your dreams Damon!"

Sabay talikod ko sa kanya.

Nanlaki ang mata ko.

Peste bakit ba sya walang pang-itaas?

Magkayap kami kagabi ng wala syang pang-itaas?

Ramdam kong nag-iinit ang pisngi ko.

I mentally shake my head before facing him.

Hindi ako dapat magpaapekto sa kanya.

"Kailangan kong umuwi ng condo ko. I don't have my clothes with me."

"No need! May mga damit si Bea dyan sa closet that you can use. Yun na lang ang isuot mo tutal you are supposed to be her!"

Damon POV

I saw something in her eyes when I said those words.

Sandali lang yon so I'm not really sure if it was just my imagination.

Anyway, it's her fault kung bakit sya ang nandito at hindi si Bea kaya magtiis sya.

Ngumiti sya.

Yung ngiti ni Bea.