Now playing: Wala Na Talaga by Klarisse
Lisa
Hinintay ko pa na lumipas ang isang linggo bago ako tuluyang nagpasyang kausapin na si Jennie. Sa tingin ko kasi kinailangan ko pang kumuha ng maraming lakas ng loob para muling harapin ito.
Ayoko rin kasi sanang humarap sa kanya na magulo pa rin ang aking isipan. Gusto ko sana iyong maayos na ako, maayos na ang takbo ng aking isipan, maayos na ang lahat-lahat sa akin, maging ang desisyon na paninindigan ko na itong nararamdaman ko para sa kanya.
Pagkatapos kasi noong gabi na kinausap ako ni mommy, talagang nahimasmasan at natauhan ako. Ayoko na tuluyang mawala sa akin si Jennie, kaya para hindi mangayri iyon ay kinailangan ko munang pag-isipan ang lahat ng mga susunod na hakbang na aking gagawin.
Habang naghihintay na dumating ang araw na ito, ay itinuon ko na muna ang aking atensyon sa school works, cheer dance training at iba pa.
Sana sa muling pag-uusap namin o muling pagharap ko sa kanya ay mapatawad na niya ako.
Sana ngayong pwede na ang lahat para sa aming lahat ay pwede pa siya.
Sana pwede pa.
Iyon lamang ang paulit-ulit na na ipinagdarasal ko habang hinihintay ang pagkakataon na ito.
Kanina pa ako pasilip-silip sa aking cellphone, nag-aabang sa kanyang reply pero hanggang ngayon wala pa rin. Hindi ko maiwasan ang hindi mapahinga ng malalim at dismayadong nagpatuloy muli sa aking paglalakad.
I texted her na magkita kami sa isang food court malapit sa St. Wood. But I guess masyado itong busy ngayong araw kaya siguro hindi niya napapansin ang text ko.
Miss na miss ko na kasi talaga siya. Gustong-gusto ko na siyang mayakap muli.
May paiwas-iwas ka pa kasing nalalaman. Ikaw rin naman pala ang unang susuko sa pagka-miss sa kanya. Tuyo ng aking isipan kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapairap sa loob ko.
Oo na! Kasalanan ko naman talaga. Pero masisisi niyo ba ako kung ayoko lang na pumasok sa panibagong relasyon na naguguluhan sa aking mga desisyon?
Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa food court kung saan ko hihintayin Si Jennie. Kahit na abutin pa ako ng anong oras dito ay maghihintay lang ako.
Maghihintay ako.
Hapon na ngayon kaya meron mas marami ng mga estudyante ang nakatambay ngayon rito. Mabilis na inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Naghahanap ng bakanteng pwesto na pwede ko sanang maupuan nang mabilis na may mahagip ang paningin.
It's Jennie.
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Kusa na lamang ding bumilis sa pagtibok ang aking puso dahil sa magkahalong excitement na biglang naramdaman, kaba at takot na baka this time ako na naman ang i-reject niya.
Mabilis na iwinaglit ko ito sa aking isipan.
Hindi, Lisa. Think positive. Paalala ko sa aking sarili.
You have to talk to her. You have to tell her everything, right from the beginning. You have to explain everything, why you had to push her away. You need to tell her how you really feel. You need to tell her that you love her dearly, and you don't want her to lose forever.
Napapalunok ako ng mariin at maraming beses habang patuloy pa rin sa pagkabog ang aking dibdib. Noon naman nagpasya na akong lapitan si Jennie.
Napatingin ito sa direksyon ko ngunit hindi niya yata ako nakita dahil may tumawag sa kanyang pangalan. Kasabay ng paghinto ng aking mga hakbang noong makita ko si Nami na naglalakad rin papalapit sa kanya, habang mayroong hawak na blueberry cheesecake?
Hirap na napalunok ako ng mariin habang malawak ang ngiti na iniabot niya ito kay Jennie. Agad na gumuhit sa aking dibdib ang matinding pagseselos, lalo na noong malawak ang ngiti at kumikislap pa ang mga mata na tinanggap iyon ni Jennie mula sa kamay ni Nami.
Wait, don't tell me na sinabi na niya sa iba na paborito niya ang blueberry cheesecake?
Pero...
Napailing ako bago napatikhim. Pilit na inaalis ang nararamdamang kirot sa aking dibdib at nagpasya pa rin na lapitan silang dalawa.
Naglakad ang mga ito sa direskyon ko kaya walang nagawa na sasalubungin ko na lamang sana sila nang biglang magtama ang mga mata namin ni Jennie. Napalunok ito bago napahinto sa harapan ko, ganoon din si Nami.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng alanganin noong bumaba ang mga mata ko sa magkahawak na kamay nilang dalawa.
Ouch!
Mabilis na inalis ko ang aking mga mata mula roon at ibinalik ito sa mga mata ni Jennie, na ngayon ay mayroong malalamig na tingin sa akin.
"Jen." Para bang hirap na hirap pa akong banggitin ang pangalan nito. Pakiramdam ko kasi bigla na lang akong sasabog at basta na lang maiiyak sa harap niya.
"Lisa." Pagbanggit din nito pabalik sa pangalan ko. "May kasama ka ba?" Tanong nito sa akin.
Something changed with her.
Hindi ko magawang alisin ang aking mga mata sa kanya. Nawala na ang malambing na boses nito sa tuwing nakikipag-usap sa akin, nawala na ang malamlam niyang mga mata sa tuwing tinitignan niya ako, nawala na rin iyong feeling na para bang excited siya sa tuwing nasa harapan niya ako.
Na-realize ko na ganoon ko nga yata talaga siya nasaktan.
"Uhmm, c-can I talk to you?" Bigla na lamang iyon lumabas sa mga labi. Wala na akong pakialam kung nasa tabi niya si Nami habang hawak ang kanyang kamay o maging may ibang makakarinig at nakakakita sa amin.
Hindi ito nakasagot kaagad. Sa halip ay mataman na tinitigan lamang ako sa aking mukha na para bang pinag-iispan ng mabuti ang isasagot sa akin.
"About what?" Tanong niya.
Napahinga ako ng malalim bago napatingin sa kabilang kamay nito na mayroong blueberry cheesecake kung saan nakalagay sa isang maliit na box.
"A-About us." Diretsahan na sagot ko sa kanya.
Noon naman nakaagaw kami bigla ng atensyon. Biglang nagbulungan ang mgs estudyanteng nandirito rin ngayon na nanonood sa amin.
"Hindi ba pwedeng bukas na lang---"
"No!" Mabilis na putol ko sa kanya. "I want to talk to you right now." Desperadang dagdag ko pa.
Napakagat ito sa kanyang lower lip. Sandali siyang napalunok, iyong tipo na para bang kinakalma lamang nito ang kanyang sarili. Pagkatapos ay hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.
Awtomatikong napasinghap ako at agad na nanlambot ang aking mga tuhod noong basta na lamang nitong hinalikan si Nami sa kanyang labi.
Yes, right in front of me, right in front of these people.
Pinilit kong pigilan ang aking namumuo kong luha. rinig na rinig ko rin maging ang gulat na pagsinghap ng mga tao sa paligid at ang kanilang mga mas lumalaks na bulungan.
Ang sakit.
"There's nothing to talk about us, Lisa." Sagot nito noong muling magbaling ng tingin sa akin. "Dahil unang-una, wala namang tayo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay basta na lamang nitong hinigit ang kamay ni Nami at walang lingon likod na nilampasan ako.
Naiwan ako na tulala at hindi makapaniwala sa aking nakita. Ito na ang pangalawang beses na nakita kong hinalikan niya si Nami. Si Nami na alam niyang may gusto sa kanya. Kay Nami na alam niyang masasaktan ako kapag ginawa niya ang bagay na iyon.
Napapangiti na lamang ako na parang siraulo habang naglalakad pabalik sa kotse ko. Pinipigilan ko pa rin ang mga luha ko. Ayokong may makakita na tutulo ito mula sa mga mata ko. Kaya noong sandaling makapasok na ako sa aking sasakyan ay agad na napahagulhol na ako.
Ang sakit sakit.
Para akong inagawan ng isang bagay na matagal na panahon kong inalagaan tapos ngayon may ibang nagmamay-ari na.
Naiintindihan ko naman siya eh. Kahit na nasasaktan ako ngayon, hindi ko magawang magalit sa kanya. Kasi kasalanan ko rin naman eh. Wala akong ibang dapat na sisihin kung hindi ang aking sarili. Hindi ako naging tapat sa kanya, hindi ko siya magawang panindigan noon.
So, I have to endure this pain. I have to.
Ganoon talaga, may mga bagay na kapag hindi natin pinahalagahan, mawawala at mawawala talaga sa atin ng tuluyan. Lalo na kung ito ay ang tao na labis nating pinahalagahan pero hindi natin magawang panindigan at hanggang salita lamang ang lahat ng ating nararamdaman.
Lahat naman tayo napapagod, hindi ba? 'Yung tao pa kayang nasasaktan? Sino ba namang tao ang gugustuhin na palagi na lang ang masaktan? Sino ba naman ang pipiliing manatili sa sakit?
Wala.
Kaya oo, gets ko si Jennie. Hindi ko siya masisisi. Hindi ko siya pwedeng sisihin sa mga nangyayari.
Iniyak ko lamang ng iniyak 'yung mga nangyari hanggang sa tuluyan akong kumalma. Pagkatapos noon ay nagdesisyona kong tawagan si Brent.
Ang kapal ng mukha ko, hindi ba?
Pagtakapos ko siyang saktan, ngayon siya 'yung tatawagan ko dahil wala akong ibang malalapitan.
Wala naman akong ibang malalapitan eh. Isa pa, kaibigan ko rin naman siya kahit pa naging ex-boyfriend ko siya, hindi ba?
"Lisa, are you alright?" Sagot nito mula sa kabilang linya.
Imbis na tapos na ako sa pag-iyak, muli na naman akong napaluha noong marinig ko ang tanong nito. Hays! Minsan talaga napaiyakin ko rin, oo.
Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang aking paghikbi.
"Yeah, yeah. I'm alright." Pagsisinungaling ko. "W-where are you, Brent?" Tanong ko.
"You sure?" Tanong nitong muli. Ba't ba ang kulit niya? Lalo lang ako nagiging emosyonal eh.
"Yes, Brent. Okay lang ako---" Natigilan ako nang biglang napatawa.
"Hey, chill. Nagbibiro lang eh. Nasa bahay lang ako." Sagot nito. "I'm with Austine and Fynn. Punta ka?" Tanong nito.
Napalunok ako. Sandaling napaisip.
"M-May alak ba?" Muli itong natawa sa kabilang linya.
"Anything you want. We'll wait for you." Sabi nito at ibababa ko na sana ang tawag ng muli itong magsalita.
"And Lis?"
"Hmmm?"
"Be safe. Okay?" Napatango ako kahit na hindi naman niya nakikita.
"I-I will. Thank you, Brent. I'll be there in a minutes." Pagtapos na pagtapos ng tawag ay mabilis na pinasibad ko na ang aking sasakyan.
Wala pang sampung minuto nang makarating ako at mabilis na ipinarada ang aking sasakyan sa grahe ng aming bahay. Alam kong wala pa ang mga magukang ko kaya agad na dumiretso na ako sa bahay nina Brent.
Dumaan ako sa pinakalikod ng kanilang bahay. Hindi ko rin alam ang dahilan, hindi ko lang feel na dumaan roon. Pakiramdam ko kasi si Jennie ang unang bubungad sa akin.
Pero palagi yatang pinapamukha sa akin ng mundo na hindi lahat ng pinipili kong desisyon ay tama. Dahil noong sandali na makapasok na ako ng kanilang bahay, ay doon ko naman naabutan si Nami at Jennie na masayang naghahabulan sa may kusina.
Kapwa sila natigilan nang makita ako.
Mabilis akong napaiwas ng tingin sa kanilang dalawa, especially kay Jennie. Hindi ko siya magawang tignan ngayon. Ang sakit para sa akin na makita siya ngayon.
Andito na naman sa dibdib ko ang pamilyar na kirot na kani-kanina lamang ay iniyak ko. Mas lalo pa nga yatang nadagdagan ngayon.
"Lisa!" Parang gusto kong magtatatalon sa tuwa noong biglang pumasok si Brent sa kusina at tinawag ang pangalan ko.
He saved me from this awkward situation I have with Jennie and Nami.
Iginaya ako ni Brent patungo sa sala kung nasaan ang kanyang dalawang kaibigan na ngayon ay nag-iinuman na.
Binati ako ng mga ito at parang reyna na pinaupo sa pahabang sofa. Kahit na wala na kami ni Brent, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa akin. Kung paano nila ako itrato noon ay ganoon pa rin hanggang ngayon.
Bagay na ipinagpapasalamat ko dahil naging kaibigan ko sila. Hindi lang sila kaibigan ni Brent, kaibigan ko na rin ang mga ito at naging malapit sa akin, kahit na madalas naiinis ako sa kanila sa pambu-bully nila kay Jennie noon.
And speaking of Jennie, hindi ko na ito muling nakita pa. Hindi ko rin ito nakitang lumabas mula sa kusina.
Muli akong napahinga ng malalim dahil nakakalimang shot pa lamang ako ng tequila noong magpaalam ako kay kina Brent na uuwi na alng ako.
Bigla na lang kasi yatang sumama 'yung pakiramdam ko eh. Ganito ba talaga kapag nasasaktan ang puso? Pati lahat ng parte sa katawan, apektado?
Mabuti na lang at pumayag na rin agad sina Brent at hindi na namilit pa.
Napasulyap muna ako sa hagdanan pataas sa kuwarto ni Jennie bago tuluyang lumabas ng kanilang bahay at tahimik na lumabas ng kanilang gate.
Papasok na rin sana ako sa gate ng aming bahay nang may biglang magsalita mula sa aking likuran.
"Jennie, w-what are you doing here?" Ang buong akala ko kasi eh umalis ito kasama ni Nami.
Ngunit para bang hindi ako nito narinig at napatingin lamang ng diretso sa mga mata ko.
"Alam kong nakainom ka but I need to tell you something. Hindi ka naman siguro magkaka-amnesia kinabukasan." Cold ang boses na sabi nito sa akin at hindi talaga pinansin ang tanong ko.
Napalunok ako ng mariin.
"W-What is it?" Kinakabahan kong tanong.
Napahinga muna ito ng malalim habang napapakagat sa kanyang labi.
"Lisa, g-gusto ko lang sabihin na, magsisimula na ako kasama si Nami." Nanginginig ang boses na sabi nito.
Napakunot ang noo ko at hirap na muling napalunok. Inaasahan ko rin na may mas isasakit pa sasabihin niya sa akin.
"She wants me to be her girlfriend." Pagpapatuloy niya. "And today, sinabi kong pumapayag na ako na maging girlfriend niya."
Hindi ako nagsalita. Kahit na ang daming tumatakbo sa aking isipan, pinili ko ang hindi magsalita. Sa halip ay tinignan ko lamang siya sa kanyang mukha at mataman siyang pinagmamasdan.
"Isa pa, gusto ko rin sanang sabihin na, hindi ko pa kaya na maging kaibigan ka ngayon." Napiyok pa sa dulo na sabi niya. "I don't think we can be friends now. I'm sorry, Lis. Please, understand and---"
"It's alright." Mabilis na putol ko sa kanya dahil hindi ko na kayang marinig pa ang mga susunod na sasabihin niya. "I understand." Dagdag ko pa. "Wala kang dapat ihingi ng tawad, Jennie." Pagkatapos ay binigyan siya ng isang ngiti.
Iyong ngiti na sobrang lungkot para sa akin. Iyong ngiti na ngayon ko lamang nagawa sa tanang buhay ko kahit na ang sakit-sakit na ng nararamdaman ko.
I want her to be happy. Kahit na hindi na ako pa ang magiging dahilan no'n.
Hindi ko siya pipiliting manatili sa akin. I will not chase her. Dahil kung para talaga siya sa akin, the world would find a way for the two of us to be together again.
-Unedited
Sabi ko na kasi walang magsasaya eh. Hahaha. Paiiyakin ko muna kayo bago sa sarap ulit!