webnovel

The Girl I Love The Most (JenLisa GirlxGirl)

She was the best thing that ever happened to me. The only treasure I keep in the world. She is my happiness, which I do not want to share with others. But SHE is my best friend. And yes, I love her. I fell in love with her. I fell in love with the person I should not love more than a friend.

Jennex · LGBT+
Pas assez d’évaluations
49 Chs

Chapter 12

Now playing: Best friend by Jason Chen

Jennie

Nagising ako dahil sa liwanag at sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana na tumatama sa mukha ko.

Napasulyap ako sa orasan na nasa may bedside table ng kama. Alas otso na pala ng umaga.

Mukhang napasarap ang pagtulog ko at tinanghali na yata ako.

Wala na rin si Lisa sa aking tabi. Isang bakanteng space na lamang ang bumungad sa akin at ang tanging naiwan na lamang ay ang amoy ng shampoo nitong kumapit sa ginamit niyang unan.

Dahan-dahan na bumangon na rin ako.. Agad na nagtungo sa banyo para mag toothbrush at maghilamos. Kahit naman papaano eh may iilang personal na gamit ako rito sa bahay nila.

Pagkatapos ko ay humarap ako sa salamin para tignan ang aking mukha. Ngunit hindi pa man ako nakakatangal sa pananalamin nang biglang kumalam ang aking sikmura.

Malamang sa malamang eh magugutom na talaga ako dahil sa kagabi pa yata ako walang kain. Cookies lang naman kasi ang kinain ko kina Miyuki dahil nahihiya ako.

Nang masigurado kong okay na ako ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Baka kasi hinahanap na rin ako ng magulang ko, dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanilang dito ako natulog kina Lisa.

Habang pababa ng hagdanan, agad na sumalubong naman sa akin ang mabangong pagkain na niluluto mula sa kusina.

Marahil dumating na ang mga magulang ni Lisa. Mapuntahan na nga sa kusina at nang mabati ko.

Pero saan naman kaya pumunta ang babaeng iyon? Hindi man lamang niya ako ginising. Nagtatampo na wika ko sa loob ko.

Ngunit pagdating ko sa kusina ay wala akong ibang nadatnang tao kung hindi si Lisa lamang.

Nakasuot ito ng apron habang pasayaw-sapayaw pang nagluluto at pinatutugtog ang mga kanta ni Avril Lavigne.

Naka tali ang maikli nitong buhok na animoy buntot ng kambing ang haba. Hahaha. Ang cute lang niyang tignan. With matching bags pa!

At ang hot din. Dagdag ng aking isipan.

"Ehem!" Napatikhim ako habang napapangiti na pinapanood siya sa kanyang ginagawa.

Agad naman na narinig nito ang boses ko kaya hininaan niya ang volume ng kanyang music mula sa kanyang cellphone.

"You're awake!" Energetic ang boses na wika nito. "Well, good morning!" Pagbati pa niya bago ako binigyan ng isang matamis at malawak na ngiti.

Humakbang ako palapit sa may center island.

"A-Ang aga mo naman yatang nagising?" Tanong ko rito. Napatango siya.

"Yup!" Sagot niya. "Dahil may pupuntahan tayo." Hinango na muna nito ang kanyang nilulutong hotdog.

Inilipat niya sa malinis na plato at inilapag iyon sa harap ko sa center island, bago ako muling tinignan sa aking mukha na ngayon ay nakakunot ang noo.

"Pupuntahan? At saan naman?" Tanong ko sa kanya na walang ideya.

She giggled.

"Do you still remember our favorite place when we were kids?" Tanong nito sa akin habang kumikinang ang mga mata.

Mas lalong napakunot ang aking noo at sandaling nag isip.

Wala naman kasi kaming ibang paboritog lugar noong mga bata pa kami kung hindi sa----

Mabilis na napatakip ako ng aking bibig dahil sa excitement na biglang naramdaman habang namimilog ang mga mata.

"What? D-Don't tell me we are going to your grandparents house?" Namumula ang mga pisngi ngunit hindi maitago ang saya sa aking mga mata.

Napatango ito.

"Uh huh! You're right." Sabay kindat na sabi pa niya. "And, naipagpaalam na kita kina ninong at ninang. Kaya maaga akong nagising. Kasi ako na rin mismo ang nagligpit ng mga gamit mo." Dagdag pa niya. Sabay nguso nito sa likod ko, kung saan natatanaw mula rito sa kusina ang sala ng kanilang bahay.

Napalingon ako at mula rito ay kitang kita ko ang isang itim na backpack na punong-puno ng laman sa loob.

Oh my God!

Kusang namula ang itsura ko.

Mabilis na muling ibinalik ko ang aking paningin sa kanyang mukha.

Siya na ang nagligpit ng mga gamit ko. Which means, pati 'yung mga salawal ko eh nakita rin niya atsaka---

Awtomatikong nahampas ko ito sa kanyang braso dahil halatang nagpipigil lang siya ng kanyang pag tawa.

"What?" Kunwari pang hindi nito nababasa ang nasa isip ko.

"Sana ginising mo nalang ako!" Sabay dabog ko at tinalikuran siya. Napatawa naman ito.

Iyong tawa na ang sarap-sarap lang pakinggan ngunit mapang asar.

"Hindi mo naman sinabi, nagbago na pala ang taste of color mo ngayon." Pangaasar niya. "Hmmmmm. Red panty? Hahahaha!"

Sinamaan ko siya ng tingin dahilan upang matigilan siya.

Omg! Siguro higit pa sa isang kamatis ang kulay ng itsura ko ngayon dahil sa kahihiyan.

"Stop teasing me! Hindi nakakatuwa." Mag wawalk-out na sana ako noong mabilis niya akong mahawakan sa aking braso.

"Hey, I was just kidding." Pigil nito sa akin bago napa musyon sa pagkain na nasa aming harapan. "Kumain na tayo dahil mag bibiyahe pa tayo." Dagdag pa niya.

Napahinga nalang ako ng malalim bago tahimik na naupong muli sa upuan.

"Pero bakit naman kasi panay red--"

"Isa!" Saway ko sa kanya dahilan para mapatawa itong muli.

"Hahahaha! Fine. I'll zip my mouth then."

Ngunit makikita naman sa kanyang labi na pinipigilan lamang niya ang muling mapatawa.

Hmmmm. Anong meron at bakit parang nasa good mood yata siya ngayon? Nagtataka na tanong ko sa aking isipan.

---

"Bakit ang dami mo naman yatang niligpit na mga damit ko?" Tanong ko kay Lisa.

Nasa biyahe na kami ngayon papunta sa farm ng lola't lolo niya.

Napangisi lamang ito ngunit nasa daan parin ang kanyang mga mata.

"Dahil overnight po tayo at bukas ng hapon pa tayo uuwi?" Patanong na sagot niya bago napasulyap sa akin.

"Hey, will you please relax?" Saway niya sakin. "Daig mo pa ang may jowa na maghahanap sa'yo kapag nawala ka at magagalit dahil hindi ka uuwi." Sabay pout na sabi pa niya.

Napaiwas na lamang ako ng tingin at ibinaling ang mga mata sa labas ng bintana.

"Ang totoo? Ayaw mo na ba akong kasama?" Dagdag na tanong pa niya.

"Gosh, no! Of course I love to be with you!" Mabilis na sagot ko naman bago napahinga ng malalim.

"Honestly, I missed this." Dagdag ko pa bago napangiti habang nakatingin sa unahan ang mga mata. "Medyo matagal na rin simula nang makalabas tayo ng ganito at tayong dalawa lang."

Naging abala na kasi kami pero sa aming pag-aaral at kanya-kanyang buhay. Next month nga, magsisimula na naman ang foundation day ng St. Wood, sigurado ako na magiging abala na naman si Lisa.

Siya kasi ang palaging ginagawang muse ng St. Wood, at sa lahat ng activity ay dapat nandoon siya.

"Yeah. At miss kitang kasama." Seryoso ang mukha na saad nito bago napasulyap sa akin. "Swear! I really miss you." Dagdag pa niya.

Napalunok na lamang ako dahil walang salita ang gustong kumawala mula sa mga labi ko. Masyado yatang na overwhelmed sa sinabi niyang iyon.

Mas pinili ko na lamang ang tumahimik at muling ibinaling ang mga mata sa labas ng bintana.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Medyo may kahabaan din kasi ang naging biyahe.

Nagising na lamang ako dahil sa may kung anong bagay na mamasa-masa at medyo matigas ang gumagalaw sa ilong ko.

"What the!"

"Hahahahaha!" Isang malutong na tawa ang bumungad sa akin.

"What are you doing?!" Sabay punas ko sa ilong kong dinilaan niya.

Tumatawa parin ito habang naluluha na at napapahawak pa sa kanyang tiyan.

"A-Ayaw...a-ayaw mo kasing...hahahaha. Ayaw mo kasing magising eh!" Hirap sa pagsasalita na sabi nito sa akin.

Pinaningkitan ko ito ng aking mga mata. Agad naman itong nag peace sign.

"Nandito na kasi tayo. Kanina pa kita ginigising eh." Pagdadahilan nito. "Hanggang ngayon para ka paring baby kung matulog." Dagdag pa niya bago tuluyang lumabas na ng sasakyan.

Habang ako naman ay ini-unlock ko na rin ang aking seatbelt at agad na sumunod na rin sa kanya.

Iginala ko ang aking mga mata sa buong paligid. Malamig at preskong simoy ng hangin ang agad na bumungad sa akin, pati na rin ang nagbeberdihang kulay ng mga punong kahoy.

Lalo na ang pagaspas ng mga dahon at huni ng mga ibon sa paligid.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapapikit habang ninanamnam ang simoy ng hangin.

Probinsyang probinsya ang amoy ng paligid.

Naramdaman ko ang pagtabi ni Lisa sa akin.

"So...would you like to swim at the river?" Tanong nito at nauna nang maglakad papasok sa gate habang bitbit ang kanyang bag. Ganoon din ako.

"Yes, please." Malawak ang ngiti na sagot ko naman habang sinusundan siya.

Gosh! Wala paring pinagbabago ang bahay ng lolo't lola niya. Ganoon parin, ngunit mas naging luma na nga lang itong tignan dahil sa tagal na ng panahon.

Kunot noo na napatingin ako sa maduming paligid.

"Wala bang tao rito ngayon? Bakit mukhang hindi nalilinis?" Nagtataka na tanong ko pa.

Napailing ito. "Yup, nasa kabilang bahay sila." Sagot nito sa akin.

Kabilang bahay means, nandoon sila sa uncle ni Lisa. Ang panganay na kapatid ng kanyang ina.

Napatango ako. "Ibig mong sabihin..."

"Again?" Napapangisi na napaharp ito sa akin. "Yes, Jennie. Tayo lang dalawa ang narito. Parang kagabi, solo natin." At pagkatapos ay agad niya akong kinindatan.

Napaiwas ako ng tingin.

"Okay." Kumakabog ang dibdib na sabi ko.

Bahala na nga!

Pinagbihis lamang ako nito ng sando at short-shorts na cotton, habang siya naman ay nagpalit ng kanyang pink bikini.

Maliligo lang naman kami ng ilog, kailangan pang naka bikini? Naiiling na tanong ko sa aking isipan.

Nasa likod lamang kasi ng bahay ang ilog na paliliguan namin. At mula rito sa kuwarto kung saan kami madalas matulog noong mga bata pa kami, ay rinig na rinig ang pag agos ng tubig.

"Let's go?" Excited na pagyaya nito at agad na hinawakan ako sa aking kamay.

"Gosh! This is soooo amzing, Jen! Sobrang namiss ko ito." Malawak ang ngiti na komento nito.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa aking sarili habang lihim na pinagmamasdan siya nang makarating kami sa ilog.

Agad na lumusong ito sa malamig na tubig bago ako sinabuyan. Sa may babaw na parte lamang siya.

Napatawa na lamang ako at ginaya rin ang ginawa nito. Hanggang sa napalusong na rin ako at tuluyang mabasa ng tubig ang aking suot at katawan.

Ngunit hindi nagtagal ay bigla itong natigilan habang namumula ang buong mukha na habang napapatitig sa aking katawan.

"A-Anong problema?"

Napayuko ako.

Shit!

Noon ko lamang napansin na bakat na bakat pala ang suot kong bra at pati na rin ang aking buong katawan dahil sa puting sando na suot ko at hapit pa sa aking katawan.

Nakangiwi na muling ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya. Ngunit mabilis na napaiwas ito ng tingin mula sa akin. Hindi na ito muling nagsalita pa at basta na lamang sumisid sa malalim na parte ng ilog.

Napapalunok na lamang ako ng mariin.

Ang awkward lang kasi yata ng moment.

Dahil sa ayaw kong sirain ang moment na ito kaya naman, nag decide akong pumunta na lamang din sa malalim na parte ng ilog.

Susundan ko na lamang siya. Kailangang maging memorable ang bawat sandaling nandito kami.

Well, lahat naman ng sandaling kasama ko siya eh memorable para sa akin.

"Lis..." Pagtawag ko sa kanyang pangalan noong makaahon na ako sa tubig.

Nakatulala lamang kasi ito habang nakaupo sa ibabaw ng isang malapad na bato, habang nakatulala sa kawalan.

"M-May problema ba?" Tanong ko sa kanya. "Bigla ka nalang kasing natahimik." Dagdag ko pa.

Walang anumang salita ang muling lumabas sa kanyang labi nang ibinaling nito ang kanyang mga mata sa akin, atsaka ako binigyan ng isang assurance smile.

"Everything's fine, Jen. Don't worry." Pagkatapos ay napalunok siya na animo'y natetense.

"A-Ang hot mo kasi. Nakakailang." Sabay pabirong itinulak ako nito sa aking balikat.

Napangiti na lamang ako. "Hindi ka pwedeng mag suot ng ganyan kapag nasa harap ka ng iba ha? Dapat kapag kasama mo lang ako." Dagdag pa niya.

"Yes ma'am!" Pagpayag ko at napa salute pa, atsaka tatayo na sanang muli para muling mag swimming nang biglang madulas ang isang paa ko.

Ngunit sing bilis naman ni flash na nahawakn ako ni Lisa. Iyon nga lang, sabay kaming natumba. At nasa ilalim niya ako.

Ang sakit ng likod kong bumagsak at tumama sa kabatuhan ha! Napapangiwi na lamang ako sa sakit.

"S-Sorry---"

Hindi ko na paituloy pa ang aking sasabihin dahil basta na lamang akong natigilan sa lapit ng mukha naming dalawa.

Napalunok akong muli habang nakatingin sa mga mata niya, na ngayon ay nasa mga labi ko naka tingin.

"L-Lisa---"

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mariin na paglunok nito na animo'y may nilalabanan sa kanyang isipan.

At bakit parang pakiramdam ko, parang mas palapit ng palapit ang mukha nito sa akin---

Awtomatikong napapikit ang mga mata ko noong makita na isang inch na lamang ang layo ng labi nito sa akin.

Ngunit hindi nagtagal ay sa tungki ng aking ilong tuluyan na dumampi ang kanyang labi.

Mabilis na tumayo ito pagkatapos. At bago ko pa man muling maimulat ang aking mga mata ay nakaalis na siya sa ibabaw ko. Pagkatapos ay dire-diretsong nag walk-out pabalik sa bahay.

Habang ako naman ay parang nakalimutan na yata ang huminga sa loob ng ilang minuto habang nasa ibabaw ko.

Hays! Napaka lampa ko talaga, ever! Reklamo ko sa aking sarili.

Napahawak ako sa ilong ko.

Akala ko talaga....hahalikan niya ako.

Bigla akong napatawa.

Jennie, at bakit niya naman gagawin yun? Nasisiraan kana ba?

I know, I know. Miss ko rin kayooooo babies!!! Pasensya talaga ang bagal ng update. Busy days ang auhtor ninyo. Hahaha. Hope you enjoy!!

Jennexcreators' thoughts