webnovel

Chapter Twenty Five

I hope you don't mind. I was thinking it's not a good idea na pumunta sa bahay nang lolo na ganyan ang ayos mo." Wika ni Andrew nang dumating sila sa bahay nila sa kampo. Sa halip na dalhin niya ang dalaga sa bahay nang mga Earhardt doon niya dinala ang dalaga.

"I don't feel like going there either." Wika nang dalaga saka napatingin sa labas nang bintana. Saka niya napansin ang isang babaeng nakatayo sa labas nang gate nila kasama ang isang sundalo.

"Are you expecting someone?" tanong ni Anica saka tumingin sa binata.

"No? What do you mean?" Tanong ni Andrew.

"Someone is waiting at the gate." Nang sabihin iyon nang dalaga napatingin naman si Andrew sa gate.

Napakunot ang noo niya dahil wala naman siyang hinihintay na bisita. Wala ding tao sa bahay nila dahil sina Ramil at ang mga kapatid nito ay nasa hospital. Dinala nila ito kanina nang pumunta sila sa Hospital. Dahil sinabi ni ANica na kaibigan ni Dahlia si Missy.

"Sir!" wika nang sundalo saka sumaludo kay Andrew nang maglakad sila papalapit sa dito at sa babae. Napatingin naman si Andrew sa babaeng kasama nito. Sa unang tingin pa lang ni Andrew masasabi niyang sopistikada ang babae.

"General Andrew Bryant? Right?" Wika nang babae.

"Yes. How can I help?" Anang binata.

"I am Marisol Gomez. Nalaman kong nasa pangangalaga mo ang mga pamangkin ko. Ramil, Dahlia and Tommy Gomez." Wika nang babae. Taka namang napatingin si Anica sa babae saka kay Andrew.

"Nice to meet you. This is Anica. She is also taking care of the kids you mentioned. Do you have need anything related to them?" Tanong ang binata.

"They are my Niece and Nephew. I would like to have custody of them."Anito. napatingin lang si ANica sa babae. Hind niya alam kung paano magre-react.

"Yes. Let's talk about this inside." Wika ni Andrew saka binuksan ang Gate. "Corporal salamat sa pagsama sa kanya. Pwede ka nang bumalik sa pwesto mo." Wika nang binata sa sundalo.

"Yes Sir." Wika nito at sumaludo saka nagpaalam kay Anica saka umalis. Inaya naman ni Andrew ang bagong dating sa loob nang bahay nila.

"Go change up." Pabulong na wika ni Andrew sa dalaga nang makapasok sila. Tumango naman ang dalaga saka nagpaaalam sa bisita nila pansamantala saka umakyat sa taas upang maligo at magpalit nang damit.

"Maraming mga nangyari, it was hust recently that I found out that you are taking care of them. It was so hard for me to find them. Itinakas nang sister in law ko ang mga pamangkin ko simula nang mamatay ang kapatid ko. Only to bring them with her second husband. Isang private investigator ang hinire ko upang hanapin sila. Kamakailan lang niya nagawang matunton ang mga bata. At kamakailan ko lang din nalaman ang dinanas nila sa kamay nang kanilang step father." Wika ni Mirasol habang kausap si Andrew. Iyon din ang naaubutan ni Anica nang bumaba siya matapos maka paligo at magbihis.

"So you are here para kunin sila?" Tanong ni Anica nang makababa. Sabay namang napalingon sina Andrew at Marisol sa dalagang nagsalita.

"I know I am being unreasonable with this request. You save those child and treat them as family-----" wika ni Mirasol saka bumaling nang tingin kay Andrew.

"Talking about being unreasonable. Do you have any Idea how much they've suffered? How much they are scared? Ngayon lilitaw ka mula sa kung saan sasabihin ikaw ang pamilya nila. And you believe we will smile ang just-----"

"Anya that's enough." Wika ni Andrew saka tumayo at tumingin sa dalaga. Biglang natigilan ang dalaga nang bigla magsalita si Andrew kasabay nang pagbukas nang pinto kung saan pumasok sina Ramil, Dahlia at Tommy Kasama si Jeremy.

"Sir!" wika ni Jeremy saka sumaludo sa binata. "INihatid ko na sila dito gaya nang utos ni Captain Ramirez. Mukha mali yata ang dating ko." Wika pa nang binata.

"No You are just in time. Salamat sa paghatid sa kanila. You can go back now." Wika ni Andrew saka sumaludo din sa binata.

"Yes Sir." Wika nito sa binata saka umalis din kaagad. Nang pumasok ang tatlong agad na tumayo si Marisol at natuptup ang bibig saka nilapitan sina Tommy at Dahlia saka agad na niyakap Saka humikbi. Si Ramil naman ay taka lang na nakatingin sa babae.

"Sino po ba kayo? Bakit kayo umiiyak?" Tanong ni Tommy.

"Oh Child. I know you wouldn't know me, you were just a baby when your mother took you. I am your papa's sister. Nandito ako para iuwi nakayo."

"Kapatid nang ama namin?" gulat na wika ni Ramil.

"Hindi mo na ba natatandaan ang tunay mong ama? I use to baby sit you when you were little until your mom took you away." Wika nang babae saka hinawakan ang pisngi nang binata ngunit biglang umatras si Ramil.

"Bakit ngayon ka lang? Alam mo ba dinanas namin? Mabuti na ang lakag namin dito hindi ka namin kailangan." Wika ni Ramil saka hinawakan ang kamay nang mga kapatid niya. "Tayo na sa loob. Pwede ka nang umalis." Wika ni Ramil sa babae.

"Pero kuya." Wika ni Dahlia saka hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Ramil saka tumingin kay Ramil.

"Ano naman yang tingin mo?" asik ni Ramil kay Dahlia.

"Hindi ka ba masayang may Pamilya pa tayo? Masaya akong kasama si Ate Anica at Kuya Andrew pero iba pa rin kung kasama natin ang pamilya natin hindi ba?" wika ni Dahlia. Napakagat labi naman si Anica dahil sa narinig mula kay Dahlia.

"You have to decide Ramil. Susunod lang naman sa iyo ang mga kapatid mo." Wika ni Andrew. "Ano man ang desisyon mo susuporta kami sa iyo. But make a decision that is something that you will less regret."

"Kung sasama kami sa iyo. Maipapangako mo bang hindi na iiyak o malulungkot ang mga kapatid ko. Sa dami nang hirap na dinanas nila hindi ako papayag na-----"

"Why else would I bother look for you guys? Siyempre dahil kayo ang pamilya ko, gagawin ko ang lahat para hindi na kayo malungkot o mag-isa." Wika ni Marisol saka bumaling muli kay Tommy at Dahlia saka ngumiti.

"Will you be okay?" tanong ni Ramil kay Anica saka tumingin sa dalaga. Dahil sa tanong na iyon nang binata biglang tumulo ang luha ni Anica. Nang makita ni Tommy at Dahlia si Anica na umiiyak agad namang tumakbo ang mga bata patungo kay Anica saka niyakap ang dalaga. Napayuko naman si Anica upang yakapin din ang dalawa.

"They really like her." Wika ni ni Mirasol habang nakatingin sa tatlo.

"Sure. Kung hindi dahil sa kanya hindi kami makakaalis sa poder nang step father namin." Wika ni Ramil.

"Anya." Wika ni Andrew na nakatayo na sa tapat nilang tatlo. Napatingala naman si Anica sa binatang lumapit sa kanila. "I know you care so much for them but you have also to accept that they have their family. I think it is best that we let them take care of them." Wika pa nang binata.

How can you look at me with that relax and cold looking eyes on your face. Wika nang isip ni Anica habang nakatingin sa greyish nang binata.

"You care so cruel." Mahinang wika ni Anica sa binata bago bumaling kay Tommy at Dahlia at ngumiti. "Don't cry." Wika nang binata saka pinahid ang luha sa mga nang mga bata. "Alam kong masaya kayong makita ang tita niyo. Hindi niyo na kailangan malungkot o mag-isip na walang mag-aalaga sa inyo dahil nandito na siya. And I am happy, Really." Wika ni ANica saka pinahid ang sariling luha at ngumiti.

"Gusto niyong sumama sa kanya hindi ba?" tanong nang dalaga. Tila naman punyal na tumarak sa dibdib niya ang tango nang dalawang bata. Hindi naman niya pwedeng ipagkait ang katotohanang may pamilya pa ang mga ito.

"Then I think you should go with her. I bet she will be a good aunt for you guys." Wika ni Anica. Dahil sa sinabi niya agad naman siyang niyakap nang dalaga.

"I am not related to them by blood but I love them like they are my real brothers and sister. Will you promise that you will take care of them?" Tanong ni Anica nang bitiwan niya ang dalawang bata at tumayo.

"Makakaasa ka. At maraming salamat. Napakabuti mo." Wika ni Mirasol saka lumapit sa dalaga at Hinawakan ang kamay niya.

"You are brave." Wika ni Andrew sa dalaga saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. Nasa Gate sila noon ay inihatid sina Dahlia kasama si Marisol sa labas. Nang makaalis ang sasakyan nina Marisol. Biglang nagulat si Andrew nang bigla siyang yakapin ni Anica sakay umiyak.

"You are being bold now?" pabirong wika nang binata.

"Shut up. You cold General." Wika nang dalaga habang mahigpit na nakahawak sa damit nang binata habang nasa dibdib bito ang mukha niya.

"Cry all you want." Wika nang binata saka hinimas ang likod nang dalaga. Alam niyang nasasaktan ito dahil sa nangyari. Napamahal narin naman sa kanya ang bata.

"Hello?" wika ni Andrew dahilan upang mapatindin si Anica sa binata. Nakita niya itong sinagot ang cell phone nito. BIgla namang nagpahid nang luha ang dalaga nang makita ang binatang may kausap sa cellphone.

"Yes Sir. She is with me." Wika ni Andrew saka tumingin sa dalaga. Kausap niya kasalukuyan sa cell phone ang lolo ni Anica.

"Bring her here right away. Bakit may mga pulis na naghahanap sa kanya?" iyon ang narinig ni Anica mula sa kabilang linya at sa dinig niya ay mukhang galit na galit ang lolo niya. Matagal na panahon nitong iningatan ang pangalan nang pamilya at mukhang siya ang sisira sa pangalang iyon.

"We will be there right away sir." Wika ni Andrew saka pinatay ang Cell phone.

"Guess we have to face them sooner that we thought." Wika ni Andrew sa dalaga na ang tinutukoy ay ang grupo ni Mario na magsasampa daw nang kaso laban kay Anica.

Habang patungo sila sa Mansion nang mga Earhardt. Tinawagan ni Andrew si Trisha na nag babantay kay Missy. Nalaman din nilang hindi halos makausap ang bata dahil sa labis na shock niton ang malamang patay na ang ina niya. He was hoping they can get her testimony para malinis ang pangalan nang dalaga.