Third Person's POV
Napanganga si Alfonso nang makita kung gaano kalaki at lawak ng mansyon na pinuntahan nila ni Jax. Ilang oras din silang nagbyahe papunta rito.
"Ito? Ito ang bahay mo?"
Nasa labas pa lang sila ng gate pero makikita na malaki talaga ang loob nito. Tiningnan pa niya ang kaliwa't-kanan para tanawin kung gaano kalawak ang sinasakop ng mataas na bakod.
Malaki kasi ang space nito maliban sa mismong mansyon.
"Di mo naman sinabing gan'to ka pala ka yaman!" namamangha pa rin nitong sabi.
Inihagis ni Jax ang malaking bagpack kay Alfonso na ikinataka naman nitong sinalo. May laman itong isang baril at dalawang magazine.
"Wear this!" May inabot ding isang black cap at mask si Jax na ngayon nakasuot na din ng gan'on.
Pagkatapos ay inakyat ni Jax ang mataas na bakod. Gawa lang kasi ito sa bakal at may magandang design kaya maaakyat lang ito ng mga katulad nila.
"Kala ko ba sa inyo 'to? Ba't para kang magnanakaw diyan! 'Di ba tayo papasok sa magandang gate?" naiinip pa nitong tanong at hininaan ang boses na baka may makarinig kahit wala namang ibang tao doon maliban sa kanila.
"'Cause we're really going to steal! Faster!" Tsaka tumalon si Jax sa kabilang side.
"Ano?"
Inihagis niya ang bag sa side ni Jax na agad namang sinalo ng binata sa kabila. Kahit nagtataka ay wala siyang nagawa kundi ang umakyat sa bakod at sumunod dito nang makitang umalis na ito.
Ilang taon na rin ang nakalipas nang iwan ni Jax ang mansyon ng kanyang ama. Simula nang nagkahiwalay ang kanyang magulang at sumama siya sa kanyang ina noon kasama ang kanyang step father.
Jax doesn't want to reminisce those awful past. He's just here to find out if his father really have a connection to Cath. If Noreen is really telling him the truth.
"Ang laki ng bahay na 'to! Pero ba't wala yata akong nakitang tauhan kahit isa?"
"I don't know! Stay alert!"
The last memory of him of this mansion was it was being surrounded with lots of his father's men. He was just a teenager that time. But now, the mansion looks haunted.
Wala ni isang anino silang nakita pero hindi mapakali si Jax habang binubuksan nila ang malaking pinto sa mansyon. Nang makapasok sila, agad nilang nilibot ang tingin nito.
"Wow ang---"
Natahimik si Alfonso nang mag-gesture si Jax na manahimik tsaka pinakiramdaman ang paligid.
"We're not alone."
Naging alerto din si Alfonso at agad na kinuha ang baril sa bag na dala niya. Si Jax naman ay dahan-dahang kinuha ang baril na nakaipit sa kanyang hips na natatakpan ng itim na leather jacket.
Sabay silang napatingin nang may aninong dumaan sa kabilang side papuntang veranda at pati sa itaas na lobby. Nagkatinginan sila sa isa't-isa at nagtanguan.
Pumunta si Alfonso sa may veranda habang nagtungo naman si Jax sa 2nd floor. Pinutukan naman ni Alfonso ang pwesto kung saan may dumaang anino kanina. At 'di kalauna'y lumabas nga ang isang lalaking naka-all black na may hawak ding baril.
Inunahan naman ni Alfonso na barilin ang lalaki pero hindi niya ito natamaan kaya agad siyang nagtago sa pwedeng mapagtaguan. Muli niya itong sinilip pero agad ding nagtago nang muli itong nagpapaputok.
"Tangna!"
Dumapa naman siya at mabilis na nagpakita sa lalaki para sana surpresahin ng bala pero nagulat siya nang nasa harapan na niya ito at tinutukan na siya ng baril. Sa kanyang taranta, binaril niya ang paa nito at mabilis na sinipa ang hawak nitong baril.
"Yes!" natutuwang hiyaw niya nang mabitawan nito ang baril.
Hindi siya nagsayang ng oras at agad na itinutok dito ang baril na hawak niya. Pero hindi pa nga niya napaputok ang baril nang bigla itong natamaan ng isang patalim.
Nabitawan niya ito at agad napatingin sa kung saan galing ang patalim na iyon. Mula sa second floor, nakita niya ang isa pang kaaway.
"Aray!"
Napaatras siya at natumba sa sahig nang 'di niya namalayan ang pagsipa ng kaaway na nasa kanyang harap. Nanlaki ang kanyang mata nang may hawak na itong patalim habang lumalapit sa kanya. Napapaatras naman ito habang hindi inaalis ang tingin sa patalim.
Kumunot ang kanyang noo nang may napagtanto siya dahil sa uri ng patalim at sa porma ng suot nito. "Hoy! Kayo 'yong nanaksak sa 'kin sa hotel ah!"
Mabilis siyang nakaiwas sa pag-atake nito at tsaka agad na tumayo para harapin ito. Nakahanda pa ang dalawang kamao nito na parang naghahamon ng away.
Ilang minuto siyang nakipaglaban dito at hindi maipagkakaila na sobrang bihasa ng kanyang kaaway sa labanan. Habang siya ay magaling sa pag-iwas ng atake. Nang mahagip ng kanyang mata ang baril na natapon kanina, para siyang action star kung makapag-dive sa sahig para makuha lang ito.
Nang makuha na niya ito, 'di na siya nagdalawang-isip na barilin ang kaaway. N'ong una nakailag pa ito at nakapagtago pero 'di kalauna'y nasapol niya ito sa noo.
"Ho! Pinahihirapan mo akong gago ka!" Kinuha niya ang patalim nito at sinuri. "Kaya pala ang sakit n'yong manaksak! Ibang klase naman pala 'yong gamit ng mga tangina!" At kinuha niya ito at isiniksik sa bulsa ng kanyang pants.
Nakangiti niyang nilingon si Jax. Nagulat siya nang may apat na kaaway na nakahilata na sa sahig. 'Di pa rin siya makapaniwalang apat na 'yong napatumba ni Jax.
Dahil doon, naniniwala na talaga siyang ito si Mr. Wilder.
Hindi siya makapaniwalang umakyat sa lobby at agad nilapitan si Jax. Nakita niya itong tiningan ang dibdib ng kaaway. Nagulat siya nang makita ang eye tattoo nito.
"Teka... hala!"
Kunot-noo naman siyang tiningnan ni Jax dahil sa kanyang reaksyon.
Kinapa ni Alfonso ang kanyang bulsa at agad nilabas ang maliit niyang pitaka. Kinuha niya ang nakatuping maliit na papel at tiningnan ito.
Inagaw naman agad ni Jax ang papel at ang laman lang n'on ay ang eye tattoo na katulad ng tattoo ng kaaway.
"Sila! Sila 'yong tinatakasan nina Franz!"
"What do you mean?"
"Yong impormasyong nakuha ko tungkol kay Franz, matagal ko nang alam 'to. N'ong time na utusan pa lang ako ni Franz. Ang totoo niyan, magkapatid sila ni Noreen at alam kong may tinatakasan sila. Ngayon ko lang alam na ang mga gagong 'yan pala! Pero ngayon, 'ang The Blues daw ang dahilan kung bakit hindi sila malapitan ng mga ito. Ni-recruit daw sila ilang araw matapos ang gulo ng Dakumasuta at Yumi!'"
"Why didn't you tell me?" Kumunot pa lalo ang noo ni Jax nang may kakaiba pa sa huling sinabi ng binata.
"Na magkapatid sila? Akala ko alam mo na?"
"Idiot! So where did you get this?"
"Ha?" umiwas naman ng tingin si Alfonso at nag-isip na pwede idahilan. "At alam mo ba na sila din ang kaaway mo?.." pag-iiba niya ng topic. "Marami silang myembro at karamihan sa members ng Yumi noon, ay sumali na sa kanila kaya... hala ka! Mag-iingat ka!"
Sinamaan naman siya ng tingin ni Jax. "Where did you get this?"
"Ah! Hahahaha! nakuha ko 'yan nang pina-imbestiga mo sa 'kin si Franz. Nilo-lookdown mo ba ang kakayahan ko?"
Nagdududa pa rin siyang tiningnan ni Jax nang umalis siya sa harapan nito. Kinakabahan man si Alfonso na baka makahalata si Jax sa kanya. Muli niyang naalala ang lalaking pumunta sa condo ni Jax.
'Sino ba kasi ang gagong 'yon at ba't nalaman niyang pera ang nagpapagalaw sa 'kin?' naiinis niyang tanong sa kanyang isipan.
"Oh? Anong pakay natin dito? At anong pakay ng mga 'yan dito?" turo nito sa mga kaaway na wala nang buhay.
Alam ni Jax na may nagsabi kay Alfonso sa mga impormasyong iyon. Nakakahinala pa ang kilos nito. Binalewala na muna ito ni Jax at muling nag-focus sa kanyang hinahanap.
Mga halos isang oras nilang tiningnan ang mga gamit ng kanyang ama. Nakita niyang sira na ang mga cabinet nito pati ang mga vault ay makikitang pwersahang binuksan.
"This place became famous for something," komento niya nang mapagtantong hindi lang ang mga kaaway kanina ang nagpunta rito. Hindi niya alam kung anong hinahanap ng mga ito.
Naiinip naman si Alfonso at puro reklamo na lang dahil hindi niya rin naman alam kung anong hinahanap ni Jax.
Nang wala silang makuha doon sa office, lumipat sila sa bedroom ng kanyang ama at gano'n pa rin.
"Diba dito ka nakatira? Saan naman dito 'yong kwarto mo?"
Saglit na napatitig si Jax sa sinabi ng binata. Ilang segundo ay bigla siyang kinutuban na puntahan ang kanyang kwarto noon.
Dahil hate na hate ni Jax noon ang kanyang ama, sobrang layo ng kanyang kwarto niya mula sa bedroom ng kanyang ama. Tinakbo niya ang parang left wing ng bahay, sobrang lapad kasi ng mansyon nila at sobrang lawak.
Sumunod naman sa kanya si Alfonso habang namamangha pa sa mansyon. Kahit kasi hindi na ito naaalagaan, masasabing sobrang gara ng mansyon.
Nang marating nila ang pinakadulong room kung nasaan ang kay Jax, mabilis na sinira ni Jax ang pinto. Naka-lock kasi ito at hindi na niya alam kung saan ang mga susi nito.
Napansin din niyang wala namang kahit anong ginalaw ang ibang parte ng mansyon maliban sa area kung saan namamalagi ang kanyang ama.
Nang buksan niya ang room, medyo nagulat pa siyang katulad pa rin ito ng dati. Mula sa ayos nito ng huli niyang naalala nang iniwan niya ito. Nadoon pa ang mga pictures nila ng apat na magkakaibigan. Si Reid, Natasha, Exseven, at siya. May picture din sila ni Reid na silang dalawa lang.
Pinagtitingnan naman ito ni Alfonso at hindi ipinahalatang nagulat nang makita ang larawan nilang apat. Palihim niyang sinulyapan si Jax at mabuti na lang ay hindi ito nakatingin sa kanyang gawi at kinuha ito at itinago. Pati na rin ang solo na picture ni Jax. Alam niya kasing magagamit niya ito kay Kitkat.
And speaking of Kitkat...
Tiningnan niya si Jax na ngayo'y walang expression ang mukha habang nililibot ang kanyang room. Malawak at malaki din ito. May sariling walk-in closet. Malaking banyo, at may veranda.
"Pare 'wag kang magugulat sa sasabihin ko..." tawag niya kay Jax pero 'di man lang siya nito nilingon. "Pa'no kung sabihin kong nahulog na ang loob ko kay Kitkat?"
Natigilan naman si Jax sa kanyang narinig. Sobrang seryoso pa ng boses nito.
"...At gagawin ko ang lahat, makalimutan niya lang ang nararamdam niya sa--- Bwahahahahaha! Sabi ko na nga ba! In love ka na sa engot na 'yon! Nakita ko kaya ang larawan niya sa loob ng pillow case! Hahahahahahaha--- Joke lang! Nagbibiro lang eh!"
Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, baka wala ng buhay si Alfonso.
"Biro lang okay? Ano ba kasing hinahanap na 'tin dito?" at agad na umalis sa harapan ni Jax dahil sa takot.
Pumunta siya sa walk-in closet nito at 'di nga siya nabigo nang makita ang mga damit ni Jax. Medyo maliit na ang mga ito pero makakasya pa naman. Para siyang nag-shopping sa mall kung makapili ng damit.
Bigla naman siyang may nakitang isang bagay kaya agad niyang tinawag si Jax.
Nang pumasok si Jax ay nakita niya ang isang parang malaking box, na parang vault kasi may lock ito. Walang passcode pero may biometrics.
Agad na itinapat ni Jax ang kanyang fingerprint rito tsaka nabuhayan siya ng loob nang mag-open nga ito.
"Wow! Ang daming gold bars!"
Marami iyong gold bars, may mga legal documents ng lahat ng kanilang properties at nakapangalan na iyon kay Jax lahat. Lahat ng pagmamay-ari ng kanyang ama ay sa kanya na pati na itong mansyon.
Pero hindi iyon ang nakakuha ng kanyang attention. Kundi ang larawan ng kanyang ama kasama ang isang dalagang babaeng naka-wheelchair at naka-hospital gown. Parehong nakangiti ang mga ito. Makikita ding maraming sugat at mga pasa ang dalaga. Maikli ang buhok nito at medyo bugbog sarado ang mukha.
Si Catherine Forbes. Hindi maipaliwanag ni Jax ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito habang nakatingin sa larawan.
'Noreen's really telling the truth!'
May nakita din siyang isang itim na USB kaya kinuha niya ito at itinago.
Kinuha niya rin ang naka-attached na papel sa likod ng larawan na may paperclip.
'To Mr. Wilder,
Kung hindi po dahil sa iyo ay matagal na sana akong namatay sa kamay nila. Hindi pa siguro matatapos ang impyernong ipinaranas ng aking pamilya sa 'kin. Salamat nang marami! I will always remember that I owe you my life.
-Cath'
"What the hell?"
Mabilis na itinago ni Jax ang letter na iyon tsaka muling tiningnan ang mukha ng babaeng minsan na niyang inibig.
He felt sorry for what she's been dealing that time. He pitied her life for struggling enough yet still became the most hated woman he knew.
...
Jax couldn't sort out what he's feeling right now. But he knew... He felt peace. He is sorry for hating her. Though he's confused because of Cath's statement about her family but Jax felt like he can breath more clearer now. Like those heavy feelings were now gone.
The hatred was gone.
Nagba-byahe na sila ngayon pabalik sa kanila kasama pa rin si Alfonso na ngising-ngisi kahit nabibigatan sa dala niyang bag na may lamang gold bars. Sobrang bigat ng mga ito kaya kunti lang ang kinuha nila. Magpapatulong sila kina Kernel para sa mga 'yon.
Nang makauwi sila sa condo ni Jax, feel na feel at home si Alfonso.
"Hoy pare! Baka gusto mo ng roommate dito? Ano? Hindi na kita kukulitin sa pera promise!" Wala na kasi itong balak bumalik sa kina Aleng Chona at isa pa, muli niyang naalala ang lalaking pumasok dito sa condo n'ong nakaraang araw.
"Uuwi muna ako, mag-iimpake at lilipat na ako rito! Hehehe!" at nagmamadali na nga itong umalis.
Pumasok naman si Jax sa kanyang kwarto at muling nilabas ang larawan ng kanyang ama at ni Cath.
'I didn't even know a bit of details that you two knew each other. Tsk!'
Because all the time he's hurting because of his step father and his angry because of his biological father, Cath was the only one who's with him and comfort him. Ni minsan ay walang nabanggit ang dalaga sa kanya tungkol sa kanyang ama.
He's also confuse why his father transfered his all properties to his name. All Along he hated him to the point that he doesn't care about him anymore. He only found out recently that he died already. He hate him because of the thought that he abandoned him.
Humiga si Jax sa kama at ginawang unan ang mga braso at ilang minutong nakatitig sa kisame.
"Thank you," sabi niya habang iniisip ang dalawang tao na noo'y kinamumuhian niya nang husto.
Huminga siya nang malalim at napangiti sa 'di malamang dahilan. First time niya kasing gumaan ang kanyang loob. Alam niya kasing wala ng galit sa kanyang puso. Alam niyang pwede na niyang bitawan ang mapait na alaala noon...
Pero...
"Damn it!"
Agad niyang tiningnan ang loob ng pillow case para tingnan kung nandoon pa rin ang larawan ni Kitkat. Naalala niya kasi ang sinabi ni Alfonso kanina.
N'ong narinig niya kasi iyon, gusto niyang sapakin si Alfonso dahil sa sinabi nito. He won't let anyone take the girl he cherished away from him... again.
...
Pumasok si Jax kinaumagahan. At dahil good mood siya, inayos niya lahat ng gulo at gusot na kagagawan ng gangsters. Kung dapat parusahan ng physical para takutin ang mga matitigas na ulo na mga estudyante ay kanyang ginawa. His doings were also approved by Mr. Espayo na tuwang-tuwa sa mga pinaggagawa niya.
He also asked the professor if he could schedule a meeting for teachers. Alam kasi ni Jax na tumatanggap ng bribery ang mga guro galing kina Franz.
The next day, when Kitkat came in and avoided him, he sighed. He thought that sometimes don't wish things to happen when you're bothered.
This is what he wants. Now that he got what he wanted, his wants already changes.
When walking to their next class, Kitkat suddenly pulled his polo slightly and quickly avoided his gaze when he look at her.
"May ibibigay ako sa 'yong importante pagkatapos ng 3rd class. Magkita na lang tayo malapit sa forbidden place," nakasimangot na sabi ng dalaga.
Jax was really curious about it but then he suspected that maybe it's the envelope that Noreen called it a love letter.
"May sasabihin din akong importante kaya ikaw lang dapat mag-isa."
He knew that Kitkat wasn't really aware of what's going on with the campus right now, between him and the gangsters. She didn't know what happened for the past days including Jax's issue about being the leader of Elites.
"I will still punish you for what you did! Drinking alcohol inside the campus is prohibited!" he said it while glaring at his classmates and bystanders who are still gossiping about him to silent them.
He wanted her to know about him but not in this situation. Aware kasi si Jax na ang daming gumugulo sa isip ng dalaga at alam niyang siya ang dahilan. That's why he won't let her know about it for now.
Nang makita niya ang reaction ni Kitkat dahil sa kanyang sinabi, agad niya namang binawi ito.
"Idiot! Don't take it hard. Someone's just observing us! Now go and act like you're hurt by me! Go!"
He sighed! Luckily, those gangsters were unusually quiet as of this time. He doesn't care about them for now... but he still cannot forgive them because of that ambush that almost kill Kitkat.
...
Nang makita niya si Kitkat na nagmamadaling lumabas sa ladies room, susundan niya agad sana ito para kausapin nang ilang sandali ay lumabas din doon si Clark.
He doesn't have an idea if how long they're in there but there's this heavy feeling that he felt. He wanted to confront Clark but there's something that tells him to follow Kitkat instead.
"Where have you been?"
Napansin ni Jax na parang balisa ang dalaga at hindi man lang ito makatingin sa kanya. Wala siyang karapatan na kausapin ito pagkatapos ng sinaktan niya ito doon sa condo nila. Pero he can't help it, he's eager to know if Clark did something to her in the ladies room.
"CR lang."
...
"Kitkat..."
Tawag ni Jax nang magkita sila sa labas ng forbidden place. Jax felt uneasy when she look at him. He knew there's really something wrong and he's still curious about what Clark did to her in the ladies room.
"May gusto muna akong itanong sa 'yo bago ko ibigay ang pinapabigay niya."
"From who?"
Kitkat didn't reply about his question. Instead, she spoke vague things and Jax knew she's suppressing her tears. The flow of the conversation made Jax felt uneasy.
Until...
"Totoo bang ikaw ang gumawa n'on? Na binigay mo kay Noreen ang video natin na lumabas sa hotel?"
'It's too late to bring back time and change what I did!' Iyan ang paulit-ulit na pumasok sa kanyang isipan.
Alam niyang may kinalaman ito kay Clark, kung pa'no nalaman ni Kitkat ang tungkol dito. Pero walang pake ang binata sa ibang bagay. Gusto lang niyang magpaliwanag sa babae. He would like to tell her everything but he didn't know where to start. He's also hesitant.
"Bakit? Para makuha mo ang loob niya, gan'on ba? Na ginamit mo lang ako para mapasa'yo ang babaeng 'yon? Minahal kita nang totoo eh pero sinasamantala mo lang ang feelings ko sa 'yo."
He's afraid.
He's very afraid of the thought that she will really leave him this time. Then he remembered Kernel's advice.
'Don't push her to the level where she no longer cares.'
"Yes. I did it... but for different reason."
He's trying to explain but he doesn't know how. He's having a second thought whether to tell her everything about his missions or not.
Tumatango-tango si Kitkat na parang naiintindihan nito ang binata. Pero makikita sa mukha nitong wala na siyang pake sa kung ano mang rason ni Jax.
Jax examined her face. He knew that Kitkat was having a hard time. Seeing her tired expression. Suppressing her tears. Her eye bags.
Nagtaka si Jax nang may kinuha itong envelope at inabot sa kanya. Ito 'yong inagaw ni Noreen noon sa room. Pero wala siyang pake sa kung ano man ito.
"Wag kang mag-alala, hinding-hindi na ako lalapit sa 'yo. Hindi ko rin ipagsasabi sa lahat ang relasyon ninyong dalawa. Lahat ng mga nalaman ko tungkol sa 'yo; n'ong mga nangyari n'ong pinalibutan tayo ng kalaban, sa akin lang iyon at walang makakaalam na iba."
Kasalanan niya rin naman kung bakit iba ang paniniwala ng dalaga.
Jax held her hand tightly as he felt that her words are telling him that this is the last time she'll talk to him. That her words felt like a goodbye.
He wanted to stop her from leaving but he doesn't know if telling her the truth is a good idea. He couldn't choose between her safety or her feelings. He doesn't want to hurt her anymore, but telling her the truth will engage her more into danger. The more someone has knowledge about them, the more that someone will be in danger.
Inalis ng dalaga ang paghawak ni Jax sa kamay nito. Doon palang, nasasaktan na siya. But his feelings isn't important. He doesn't want to suffocate her and decided to just give her time.
'After all this mess, I will really go chase you.'
"Pinuntahan ako ng kaibigan mo pagkaalis ni Kernel n'ong time na hinatid niya ako sa 'min. Humingi siya sa 'kin ng pabor at dapat ko raw maibigay iyan sa 'yo mismo. Alam kong mahalaga 'yan."
When he opened the envelope, stolen pictures of Kitkat with the guy with very familiar face and they're both laughing.
'Impossible!'
Jax couldn't believe it! It's been almost three years now! Horror is what Jax is feeling right now as he's registering the familiar face into his mind.
"Tell me, is this Aki you're talking about?"
"O-oo! P-pa'no!"
"Shit!"
He scan all the pictures that's inside the envelope. It was a stolen pictures of Aki. Every picture states that Aki has been stalking not only him, but also Kitkat. There's even a stolen picture of him inside Kitkat's house!
'Damn you, Kei Tamaki!'
"Who gave you this?" a hint of desperate in Jax voice as he held her shoulder. His heart is still beating fast out of anger and nervousness!
"Exseven."
'What?! Why these people always showing themselves to her and not directly to me?'
"That bastard! So he is already here!"
And then he remembered that he's still doubting if Exseven is really the one who always gave them the letter.
'Whether a fake Exseven or not, I need to face that fucker!'
"Tama nga akong kaibigan mo siya," sabi ng dalaga at inalis ang pagkakahawak ni Jax sa kanyang balikat.
Napakunot ng noo si Jax. "Why are you like that? If you hate me, you should hate me for both of us to move on!"
He's just angry why even until this moment, she's still caring about him. That she's this selfless! Gusto man niyang matuwa pero mas nangigibabaw ang kanyang inis dahil sa kabaitan ng dalaga. Gusto niya lang naman na unahin muna nito ang sarili nitong naramdaman. He knew very well that she's hurting yet she still cares about him!
"Hindi ko alam... Oo galit ako sa 'yo at gusto ko pang magalit sa 'yo pero siguro mas gusto kong makita kang okay at masaya..."
His anger fades away. Jax is now more nervous than earlier when she looked at him with determination.
"...pero Jax, ayoko na."
Nang marinig niya ang mga salitang iyon, para siyang hiniwalayan nang paulit-ulit kahit na hindi naman naging sila. Bumuntong-hininga ang binata at pilit nilalabanan ang sakit na nararamdaman.
'That's it. Learn to focus on yourself more than others.'
...
Itutuloy...
A/N : Minadali ko na po para sa present na agad. Sobrang taas na ng throwback pasensya na po. Hahaha! Salamat po sa pagbabasa kahit medyo boring ang flow. Babawi po ako sa present na scenes ng dalawa. I think maisisingit ko ang ibang mga characters ng Lavandeir's Revenge.
Please vote and follow po.