webnovel

THE DIFFERENT WORLD AND DIFFERENT TIME

"One Day, I open my eyes and I'm trapped in my own NOVEL.."- Lenzy Pacheco Lenzy a famous writer and famous fine'art artist.. She discovered herself inside the world of the story she wrote. She met all the characters she named. She experience all the scene she imagined. She heard all the lines she created. Lenzy, loves tragic's love story.. She never fond of happy ending or happy story.. Until she met THYLANDIER THIRD VALDEZ.. THYLANDIER THIRD VALDEZ - A high ranking politics and soldier who used to love the female protagonist. Paano gagawa ng paraan ang isang manunulat kung nasa loob sya ng gawa nyang kwento? Paano pa nya babaguhin ang lahat ng mangyayari kung nasa loob parin sya ng kwentong binuo nya.. Paano nya pipigilan ang mangyayari kung unti unti nyang marerealized na nagsisimula na syang mahulog kay THYLANDIER THIRD VALDEZ ang antagonist ng novel na gawa nito..

Pica_gurl · Histoire
Pas assez d’évaluations
38 Chs

KABANATA 31

Mas lalo itong humagulhol kaya pana'y ang pagtapik ko sa kanyang likuran upang pagaanin ang kalooban nito.

"Nais kong tapusin ang namamagitan sa amin ni thylandier .... N-ngunit gulong gulo parin ako sa nararamdaman ko para kina dairus at thylandier hindi ko alam kong tama paba na magpakasal sa lalaking hindi ko alam kung mahal nga ba ako.."

Makahulugang turan nito habang nakatitig sa akin ng sobrang tagal at para bang may gustong sabihin sa akin.

"A-ano ba ang iyong sinasabi? Batid mo na mahal ka ni heneral thylandier.. At batid nating pareho na mahal ka din ni senior dairus."

Napansin ko ang paglunok nito bago sya umiwas ng tingin sa akin.

"Ika'y nagkakamali.. Batid ko ng may pagtingin si thylandier sa ibang babae.. At ngayon ko lang napagtanto na wala ng pagtingin kahit katiting sa akin ang Ginoong pakakasalan ko."

Napayuko na lang ako at hindi kona magawang tignan si nathalia sa kanyang mga mata.

"Nais kong humingi ng tulong sa iyo.. N-nais kong malaman kung sino ba ang babaeng kinahuhumalingan ni dairus at thylandier."

Mas lalo akong nakaramdam ng guilt at hindi na nakapagsalita pa sa kanya.

"Ikaw lang ang makakatulong sa akin.. A-alamin mo ang tinutukoy ni dairus.. Alamin mo din kung sino ang babaeng kinahuhumalingan ng aking katipan."

Napaayos ako ng tayo dahil sa pagkakaluhod ni nathalia sa akin.

"Ikaw na lang ang makatutulong sa akin.."

Gabi na ngunit hindi parin ako dinadalaw ng aking antok..

Nais ko mang lumabas ngunit nakakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib. Paano ko tutulungan si nathalia kung ako ang babaeng tinutukoy nya? Paano ko sasabihin kay nathalia na ako yung kinahuhumalingan ni thylandier.. Ako yung gusto ni dairus.

Tumayo ako sa pagkakahiga at binuksan ang bintana kung saan naramdaman ko ang paghampas ng malamig na hangin na nasa labas..

Ipinikit ko ang aking mga mata at ninanamnam ang hampas ng hangin habang naririnig ko ang mga huni ng ibon pati na din ang nagsasayawang dahon na nasa labas.

Pagkamulat ng mga mata ko ang syang paghinto ng lahat at ang tanging naririnig ko na lamang ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Kitang kita ko kung paanong unti unting mamutawi ang lungkot sa mga mata ni thylandier ng magtama ang aming paningin.

Ang lungkot sa kanyang mga mata na para bang muli siyang inalisan ng karapatang maging Masaya.. Pakiramdam ko ay nadudurog ang aking puso na maging ako ay tinanggalan ng karapatang piliin ang taong magpapasaya sa akin.. KAHIT NA ALAM KONG MASASAKTAN LANG AKO DAHIL HINDI AKO ISANG TAUHAN SA NOBELANG ITO NA MAARING MABIGYAN NG HAPPY ENDING SA HULI.

Tinalikuran na ako ni thylandier naglalakad na sya paalis.. Paalis sa kaligayahang ninanais naming dalawa.Ang lalaking ibig akong makasama sa kanyang tagumpay at pangarap. Ibig kong tawagin ang kanyang pangalan. Ibig kong marinig din nito na ang tanging isinisigaw ng puso ko ay walang iba kundi ang kanyang ngalan.

"Mahal kita thylandier.."

Panay ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata habang nakatitig sa likuran ni thylandier na naglalakad na paalis.

Naikuyom ko ang aking kamao at napahawak ng mahigpit sa aking sa'ya habang tumatakbo pababa ng hagdan palabas ng panuluyan.

"Thylandier..."

Wala sa sariling naisagaw ang kanyang pangalan na syang nagpahinto sa kanya. Napangiti ako ng huminto ito habang nanatiling nakatalikod sa akin.

"Maari bang manatili ka na lang dito sa aking tabi?"

Nanatili lang akong nakayakap sa kanyang likuran habang hindi sya nagsasalita.

"Maari bang makasama ko ngayon ang lalaking nagpapaligaya sa akin?"

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay nito sa kamay ko.. Mahigpit at nais nyang hawakan ng sobrang tagal ngunit natigilan ako ng maramdamang inaalis nya ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Kalimutan na natin ang isa't isa.. Malapit na ang kasal namin ni nathalia."

Parang unti unting nadurog ang puso ko sa mga sinambit nito. Nanatili akong nakatayo at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya.. Para bang paulit ulit na nagrerecall sa isipan ko ang mga sinabi nito kasabay nun ay ang malakas na pagihip ng hangin sa pagitan naming dalawa..

"Kalimutan mona ako at ganun din ang gagawin ko, lenzy."

Halos mapaatras ako ng banggitin na nya ang tunay kong pangalan kasabay nun ang paghagis ng libro sa aking harapan ang muling pag ihip ng malakas hangin na syang tumatangay sa aking buhok habang nakatitig kaming pareho sa isa't isa.

"Hindi ka taga dito.."

Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko habang umaatras palayo sa kanya.

"Bumalik kana sa iyong pinanggalingan at wag ka ng bumalik.."

Bigla ko na lamang naramdaman ang kakaibang kirot at sakit sa aking dibdib hanggang sa natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tumatakbo palayo at panay ang pagpunas sa aking luha.

'Bumalik kana sa iyong pinanggalingan at wag ka ng bumalik..'

'Bumalik kana sa iyong pinanggalingan at wag ka ng bumalik..'

Paulit ulit na nagrerecall sa isipan ko ang huling binitawang salita ni thylandier sa akin.

*** ***

"Kaytagal kong hinintay ang pagkakataong ito, Isabel."

Halos mapatayo ako ng may bumulong sa akin.

"P-patricio.."

Napaatras na lamang ako ng lumapit ito sa akin.. Tatakbo na sana ako ng hilain ako nito palapit sa kanya at isang malakas na suntok sa sikmura ang nagpahina sa akin.

"Wala ng sinuman ang makakakuha sa iyo.. Pag aari na kita."

Bulong ni patricio sa akin kasabay ng bulong na iyon ang panghihina ng katawan ko. Naramdaman ko ang kakaibang antok na namutawi sa aking pakiramdm.

Naimulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang pananakit ng sikmura ko.. Halos hindi ako makaupo ng maayos dahil sa pagsakit parin ng sikmura ko na syang sinuntok ni patricio.

Napalingon ako sa lakas ng pagbukas ng pinto.. Halos manlumo ako ng makitang nakangisi sa akin si patricio palapit kaya naman napatayo ako sa pagkakaupo sa kama.

"H-h'wag kang lalapit.."

Nanginginig ang mga kamay kong napatakbo palapit sa pinto ngunit nahila na nya ang buhok ko at wala mang pwersang initiya ako nito papunta sa kama kung saan napahiga na lang ako at bahagyang nasaktan ang likuran dahil sa lakas ng pagkakaumpog nito.

"Magpapakasal ka sa akin, Isabel."

Nangigigil nitong bulong ng maharangan ako nito dahil sa pagkakapatong nito.

"H-hindi ako magpapakasal sayo, patricio. Kahit anong pilit mo ay hinding hindi ako magpapakasal sa iyo."

Malakas na sampal ang ibinigay ni patricio sa akin. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata ng balikan ng isip ko ang ala-ala ng sandali naming ni thylandier.

**__**

Tumayo ako sa pagkakahiga at binuksan ang bintana kung saan naramdaman ko ang paghampas ng malamig na hangin na nasa labas..

Ipinikit ko ang aking mga mata at ninanamnam ang hampas ng hangin habang naririnig ko ang mga huni ng ibon pati na din ang nagsasayawang dahon na nasa labas.

Pagkamulat ng mga mata ko ang syang paghinto ng lahat at ang tanging naririnig ko na lamang ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Kitang kita ko kung paanong unti unting mamutawi ang lungkot sa mga mata ni thylandier ng magtama ang aming paningin.

Ang lungkot sa kanyang mga mata na para bang muli siyang inalisan ng karapatang maging Masaya.. Pakiramdam ko ay nadudurog ang aking puso na maging ako ay tinanggalan ng karapatang piliin ang taong magpapasaya sa akin.. KAHIT NA ALAM KONG MASASAKTAN LANG AKO DAHIL HINDI AKO ISANG TAUHAN SA NOBELANG ITO NA MAARING MABIGYAN NG HAPPY ENDING SA HULI.

Tinalikuran na ako ni thylandier naglalakad na sya paalis.. Paalis sa kaligayahang ninanais naming dalawa.Ang lalaking ibig akong makasama sa kanyang tagumpay at pangarap. Ibig kong tawagin ang kanyang pangalan. Ibig kong marinig din nito na ang tanging isinisigaw ng puso ko ay walang iba kundi ang kanyang ngalan.

"Mahal kita thylandier.."

Panay ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata habang nakatitig sa likuran ni thylandier na naglalakad na paalis.

Naikuyom ko ang aking kamao at napahawak ng mahigpit sa aking sa'ya habang tumatakbo pababa ng hagdan palabas ng panuluyan.

"Thylandier..."

Wala sa sariling naisagaw ang kanyang pangalan na syang nagpahinto sa kanya. Napangiti ako ng huminto ito habang nanatiling nakatalikod sa akin.

"Maari bang manatili ka na lang dito sa aking tabi?"

Nanatili lang akong nakayakap sa kanyang likuran habang hindi sya nagsasalita.

"Maari bang makasama ko ngayon ang lalaking nagpapaligaya sa akin?"

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay nito sa kamay ko.. Mahigpit at nais nyang hawakan ng sobrang tagal ngunit natigilan ako ng maramdamang inaalis nya ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Kalimutan na natin ang isa't isa.. Malapit na ang kasal namin ni nathalia."

Parang unti unting nadurog ang puso ko sa mga sinambit nito. Nanatili akong nakatayo at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya.. Para bang paulit ulit na nagrerecall sa isipan ko ang mga sinabi nito kasabay nun ay ang malakas na pagihip ng hangin sa pagitan naming dalawa..

"Kalimutan mona ako at ganun din ang gagawin ko, lenzy."

Halos mapaatras ako ng banggitin na nya ang tunay kong pangalan kasabay nun ang paghagis ng libro sa aking harapan ang muling pag ihip ng malakas hangin na syang tumatangay sa aking buhok habang nakatitig kaming pareho sa isa't isa.

"Hindi ka taga dito.."

Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko habang umaatras palayo sa kanya.

"Bumalik kana sa iyong pinanggalingan at wag ka ng bumalik.."

**__**

Muli akong nakaramdam ng kirot na nagmumula sa aking puso hanggang sa bumulong si patricio sa akin na syang naging dahilan ng tuloy tuloy na pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

"Magpapakasal ka sa akin kapalit ng kaligtasan ng mahal mo sa buhay.."

Binitawan na nya ako at tumayo na sa pagkakapatong sa akin bago ito umalis ng silid ay sinulyapan muna nya ako habang may ngisi sa labi.

Halos dumagundong ang kaba sa aking dibdib hindi ko alam ang ibig nito ngunit naiintindihan ko ang sinasabi nya at para sa akin double meaning iyon. Hindi lang mahal ko sa buhay dito sa nobelang ito maari ding mga mahal ko sa buhay sa labas ng nobela na ito.

Ganoon na lamang ang takot ko ng maisip na maaaring ang tinutukoy nya ay ang mahal ko sa buhay sa labas ng nobela kaya iwinaksi ko sa aking isipan ang lahat ng namumuo sa aking pangamba.

Natatakot ako na maaaring may gawing hindi maganda si patricio laban sa mga tauhan na naging malapit sa akin dito sa loob ng nobela.. Maari ding makagawa sya ng bagay na ikakalugmok ko sa loob ng nobelang ito.. HINDI LANG SI PATRICIO ANG KALABAN NI THYLANDIER MAAARING NAKAPALIBOT LANG IYON SA KANYA, KAILANGAN KO IYONG MAPIGILAN.

Kailangan kong malaman kung ano ang magiging plano ni patricio.. Gagawin ko ang lahat mailigtas ko lang si thylandier sa mga taong nais syang pabagsakin.

"Ano na ang iyong kasagutan, Isabel?"

Nagsitaasan naman ang aking balahibo dahil sa tono ng pananalita nito.

"Ako'y pumapayag sa iyong kagustuhan."