webnovel

THE DIFFERENT WORLD AND DIFFERENT TIME

"One Day, I open my eyes and I'm trapped in my own NOVEL.."- Lenzy Pacheco Lenzy a famous writer and famous fine'art artist.. She discovered herself inside the world of the story she wrote. She met all the characters she named. She experience all the scene she imagined. She heard all the lines she created. Lenzy, loves tragic's love story.. She never fond of happy ending or happy story.. Until she met THYLANDIER THIRD VALDEZ.. THYLANDIER THIRD VALDEZ - A high ranking politics and soldier who used to love the female protagonist. Paano gagawa ng paraan ang isang manunulat kung nasa loob sya ng gawa nyang kwento? Paano pa nya babaguhin ang lahat ng mangyayari kung nasa loob parin sya ng kwentong binuo nya.. Paano nya pipigilan ang mangyayari kung unti unti nyang marerealized na nagsisimula na syang mahulog kay THYLANDIER THIRD VALDEZ ang antagonist ng novel na gawa nito..

Pica_gurl · Histoire
Pas assez d’évaluations
38 Chs

KABANATA 21

Kinabukasan maaga akong ginising ni felipe upang pumunta kay patricio.. Napalakas ang pagkaka-exhale ko ng makaharap na ako sa pinto ng opisina ni Patricio. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT NANDITO AKO NGAYON? PERO ISA LANG ANG NATITIYAK KO KAILANGAN AKO NI THYLANDIER DAHIL ISA SI PATRICIO NA MAKAKATUNGGALI NITO MALIBAN KAY DAIRUS NA HANGAD LANG NAMAN AY ANG PAGMAMAHAL NI NATHALIA.

"Narito kana pala,Isabel."

Sinenyasan naman ako nito na pumasok sa loob ng opisina.

Nag'dadalawang isip ako pero wala akong nagawa kundi ang pumasok na lamang at ganun din ito. Nanatili lang akong nakatayo habang nakatingin sa kanya ng kinuha nya ang tobacco na may sindi na sa mismong mesa nito. Ina'ngat nyang muli ang paa nito sa mesa habang humihithit parin sa hawak nyang tobacco.

"May kailangan kaba senior?"

Dun lang ito tumingin sa akin.. Ibinaba nya pa ang paang nakapatong sa mesa at tumunghay sa mesa na syang ikinakunot ng noo ko.. ANONG GINAGAWA NAMAN NG ISANG TO?

"Ano sa tingin mo ang kailangan ko sayo?"

Nakangising tanung nito sa akin na syang ikinailing ko at ikinasama ng mukha ko.

"Niloloko moba ako?? Sabihin mo na lang kung anong ipapautos mo sa akin.. Ayaw ko kasing magtagal sa opisina na ito."

Inis at may diin kong tugon sabay tinaasan ito ng kilay.

"Kilala na kita binibining Isabel.. Kung Isabel nga ba talaga ang iyong ngalan.."

Nanlalaki ang mata ko at napalunok na lamang sa sinabi nito habang sya naman ay nanatili lamang nakangisi sa aking harapan. ANONG IBIG NYANG SABIHIN??

"Narito ka sa samahan upang maging espiya at maitakas si thylandier.."

Muli nitong habol na syang mas ikinatigil ko.. IBIG SABIHIN NAGHIHINALA ITO SA AKIN!!

"Akala mo ba ay maiisahan mo ako binibining Isabel? Akala mo ba matutulungan mo si thylandier.. Sa ginawa mong pagtulong sa heneral na iyon—— Maaari ko syang idawit sa pagkakasalang kasamahan sya ng mga rebellion.."

NO NO WAY!!

"W-wag mong gagawin ang bagay na iyon.. W-wag mong sasaktan ang heneral na iyon."

Wala sa sariling napaluhod na lamang ako sa harapan ni Patricio.

"G-gagawin ko ang lahat ng iyong iuutos wag mo lang sasaktan o papatayin si Heneral Thylandier.. N-nagmamakaawa ako——"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pumantay ito sa akin habang tumatawa sa harapan ko at habang nakangising tumitig pa sa akin kaya hindi ako nakaiwas sa titig na iyon dahil tumitig din ako sa mga mata nito na may galit at itinatagong puot at pagkamuhi kina dairus at thylandier.

GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA KAY THYLANDIER.. DAHIL SA AKIN KUNG BAKIT NAGIIBA ANG DALOY NG NOBELANG ITO AT MAARI DING MAGBAGO ANG MGA TAUHANG AKING GINAWA NG SOBRANG TAGAL..

"Kung ganun ay maaari kitang angkinin sa heneral na iyon.."

Halos mapalunok ako at mas lalong napatitig sa mga mata nito na hindi kona maintindihan.

"Wag kang mag'alala babayaran din naman kita, Isabel. Ngunit pag-isipan mong mabuti baka pagsisihan mo kapag tumanggi ka sa aking kagustuhan.."

Tulala akong naglalakad pabalik sa kubo nila Juan at Felipe habang paulit ulit nagrerecall sa utak ko ang lahat ng sinabi ni patricio sa akin na hindi ko inaasahan..

"Nag bago na ang iyong nobela.. Tuluyan ng hindi mababago ang takbo nito kahit pa paulit ulit mong ayusin.."

Mas lalo akong napatulala sa matandang babae na nasa harapan ko.. SYA YUNG MATANDANG BABAE NA KUMAUSAP SA AKIN NOONG KASAMA KO PA SI DAIRUS..

"Kailangan mong lumayo sa lalaking iyon.. Mapapahamak ka,iha."

Yun ang huling bilin nito sa akin ng maramdaman ko na ang napakalakas na hangin.. Hangin na sobrang nagpatindig ng balahibo ko sa katawan kasabay nun ang paglaho ng matandang babae sa harapan ko.. SINONG LALAKI??

"Ate isabel..."

Natauhan lamang ako ng marinig ko si Juan na tinawag pa ang pangalan ko sabay kinalabit pa ako nito.

"J-Juan.."

Nasapo ko ang sarili kong noo dahil sa kakaibang pagpintig uli nito..

"Ano nga po pala pinagusapan nyo ni Senior Patricio??"

**__**

"Kilala na kita binibining Isabel.. Kung Isabel nga ba talaga ang iyong ngalan.."

Nanlalaki ang mata ko at napalunok na lamang sa sinabi nito habang sya naman ay nanatili lamang nakangisi sa aking harapan. ANONG IBIG NYANG SABIHIN??

"Narito ka sa samahan upang maging espiya at maitakas si thylandier.."

Muli nitong habol na syang mas ikinatigil ko.. IBIG SABIHIN NAGHIHINALA ITO SA AKIN!!

"Akala mo ba ay maiisahan mo ako binibining Isabel? Akala mo ba matutulungan mo si thylandier.. Sa ginawa mong pagtulong sa heneral na iyon—— Maaari ko syang idawit sa pagkakasalang kasamahan sya ng mga rebellion.."

NO NO WAY!!

"W-wag mong gagawin ang bagay na iyon.. W-wag mong sasaktan ang heneral na iyon."

Wala sa sariling napaluhod na lamang ako sa harapan ni Patricio.

"G-gagawin ko ang lahat ng iyong iuutos wag mo lang sasaktan o papatayin si Heneral Thylandier.. N-nagmamakaawa ako——"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pumantay ito sa akin habang tumatawa sa harapan ko at habang nakangising tumitig pa sa akin kaya hindi ako nakaiwas sa titig na iyon dahil tumitig din ako sa mga mata nito na may galit at itinatagong puot at pagkamuhi kina dairus at thylandier.

GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA KAY THYLANDIER.. DAHIL SA AKIN KUNG BAKIT NAGIIBA ANG DALOY NG NOBELANG ITO AT MAARI DING MAGBAGO ANG MGA TAUHANG AKING GINAWA NG SOBRANG TAGAL..

"Kung ganun ay maaari kitang angkinin sa heneral na iyon.."

Halos mapalunok ako at mas lalong napatitig sa mga mata nito na hindi kona maintindihan.

"Wag kang mag'alala babayaran din naman kita, Isabel. Ngunit pag-isipan mong mabuti baka pagsisihan mo kapag tumanggi ka sa aking kagustuhan.."

**__**

"Ate Isabel.. Anong nangyari?"

Napalingon agad ako kay Juan na naghihintay ng sagot.. SASABIHIN KO BA O HINDI NA LANG??

"N-nais malaman ng bagong heneral kung magkakaroon ng bagong pagsalakay sa 'San Manuel' bago ganapin ang paglusob sa kwartel sa sabado.."

Tatango tango naman si Juan sa harapan ko..

"Ngunit sabi ni kuya felipe ay walang magaganap na paglusob sa 'San Manuel' ngunit tuloy parin ang ating pag'atake sa sabado.."

PAKIRAMDAM KO AY MAY MANGYAYARING HINDI MAGANDA SA MISMONG PAG'ATAKE...

***   ***

ARAW NG SABADO...

"Isabel pakibigay ito kay senior patricio..."

Tumango na lamang ako kay felipe ng makuha ko ang isang papel na nakatiklop.. Maagang nagising at nagsi'ayos sina natong, ernesto,felipe at juan kasama ang ibang kalalakihan sa samahan.

"Ate isabel mag iingat ka.."

Nakangiting bulong ni juan sa akin ng makatapat ko ito kaya naman tumango agad ako at tuluyan ng naglakad papunta sa opisina ni patricio..

Napatitig pa naman ako ng bahagya sa papel na nakatiklop at hindi ko alam kung bubuksan iyon upang mabasa ang nakasulat..

Napabuntong hininga ako ng tuluyan kong binuksan ang papel na hawak hawak ko at tinitigan ang bawat letrang nakasulat sa papel..

'Senior patricio handa na po kami sa ating pag lusob aasahan namin ang iyong presensya sa kwartel..'

- Felipe..

Napahawak na lamang ako sa aking dibdib ng makaramdam ako ng kaba na bigla na lang sumulpot.. Bigla ko na lang naramdaman..

"Sana mali ang kutob ko.."

Bulong ko sa hangin hanggang sa matapatan kona ang opisina ni patricio.. Pinagbuksan naman agad ako ng dalawang guwardiya civil ng makilala ako ng mga ito. 

"Nakapag'isip kana ba binibining isabel?"

Yun naman agad ang bungad nito sa akin habang nakatayo sa tapat ng bintana at mukhang inaasahan na nito ang presensya ko sa oras na ito.

"Narito ako upang ibigay ang sulat na ito..."

Walang lingon lingon kong ibinaba ang sulat sa mesa nito at tinalikuran sya..

"Wag ka ng mag dalawang isip pa isabel... Kayang kaya kong ibigay ang lahat sayo."

Sa pagkakataong ito ay muli akong napaharap sa kanya at inis na tumitig sa kanya na nakatitig din pala sa akin. Inaalam ang magiging reaksyon ko sa mga kilos at salitang binibitawan nya sa aking harapan.

"Ano ang mapapala mo sa isang heneral na mawawala na ng maaga? narito naman ako, isabel."

Halos maikuyom ko ang aking mga palad at inis na napasinghal sa harapan nito..

"Maari ngang narito ka ngunit ang iyong ugali ang mag-papadungis sa iyo senior patricio.. Kung ako sayo tigil tigilan mo ako.."

Sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng galit at inis na syang pinipigilan ko lang sa harap ni patricio..

"Maari na po akong umalis.."

Inis kong tugon muli sabay tinalikuran na ito at naglakad palapit sa pinto ng opisina..

"Kung ganun ay pagsisisihan mo ang kapangahasang ito at pagsisisihan mong ika'y tumanggi sa aking inaalok.."

Nakagat ko ang ibabang labi ko at inis na pinihit ang saradura ng pinto at tuluyan ng lumabas.. Nakahinga naman agad ako ng maluwag pagkalabas na pagkalabas ko ng opisina na iyon..

Muli akong tumuloy sa paglalakad pabalik sa samahan ng mahinto ako dahil sa nakita kong pamilyar na itim na sapatos na nakahinto na pala sa harap ko ng hindi ko namamalayan.. Unti unti kong naiangat ang ulo ko ng marinig ko ang pagbanggit nito ng pangalan ko.

"Isabel.."

Halos walang kurap akong napatitig sa lalaking nasa harapan ko ngayon bahagya itong ngumiti ngunit nawala ang ngiti sa labi nito ng mapansin sa di kalayuan ang opisina ni patricio na alam ko namang pamilyar sa kanya.

THYLANDIER!!

"A-anong ginagawa mo dito?"

Wala sa sariling tanung ko sa kanya na syang ikinalingon nito sa akin..

"Sumama ka sa akin.."

Mabilis nyang nahuli ang palapulsuan ko ngunit singbilis ko naman iyong hinablot sa kanya.. KAILANGAN KO NG TAPUSIN ANG MERON SA ATIN THYLANDIER..

"Hindi ako sasama sayo, thylandier."

Mahinang tugon ko sabay napayuko ng makita ko ang lungkot sa mga mata nito dahil sa pagtanggi ko sa kanya.

"N-nakalimutan mona ba ang pangako mo sa akin?"

Halos manginig ang mga kamay ko sa tanung nito sa akin.. HINDI KO IYON MAKAKALIMUTAN!!

"N-nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan.. N-na sasamahan mo ako hanggang sa magtagumpay ako. N-nangako ka din sa akin na pupunta ka sa kasal namin ni nathalia upang itakas ako.."

Halos mangatal ang lalamunan ko at mas napatitig pa ako sa mga kamay kong walang hinto sa panginginig..

"U-umalis kana... H-hindi mo kailangan ng isang babaeng kasama sa isang rebellion. N-nababagay ka sa isang anak mayaman na tulad ni nathalia, thylandier." DAHIL HINDI AKO ISANG TAUHAN SA NOBELANG ITO.

Masakit man para sa aking talikuran ka pero ito lang ang alam kong paraan para mailigtas ka sa kamay at plano ni patricio.

"A-ayos lamang sa akin kung ikaw ay kasapi ng rebellion... N-nais kong makasama ka, isabel."

Halos maglaylay ang balikat ko ng hawakan ako nito sa mukha at pilit na pinapatingin sa kanya.. KAPAG TUMITIG NA NAMAN AKO SA MGA MATA MO BAKA BIGLA NA LANG AKONG PUMAYAG NA SUMAMA SAYO AT MAGPAKALAYO LAYO.. NA HINDI NAMAN DAPAT MANGYARI DAHIL ISA KANG TAUHAN AT ISA AKONG TAO NA SYANG LUMIKHA SAYO AT SA NOBELANG ITO!!

Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko ng tanggalin ko ang kamay nito na nakahawak sa mukha ko.. Lakas loob ko syang tinitigan sa mata at walang pasabing nagsalita na syang nagpadurog sa damdamin ko at sa damdamin nito.

"Tama na yung minahal natin ang isa't isa... T-tama na ang kapangahasang ito, thylandier. Tanggapin na lang natin na hanggang dito na lang ang lahat sa atin.. Gaya ng isang nobela na may hangganan at masakit na kapalaran at katapusan."

Napayakap na lang ako sa kanya habang tuloy tuloy ang pag daloy ng mga luha sa aking mga mata..

"Hihilingin ko na sana'y makita mo ang kasiyahan at kapayapaan sa piling ni nathalia.. M-mahalin mo sya sapagkat karapat dapat sya sa iyo, thylandier."

Oras ng pag'atake...

"Handa naba ang lahat??"

Nagsitanguan kaming lahat kay felipe... Isa ako sa naghangad na sumama sa kwartel ng 'San Manuel..'

Gusto ko diing makita kung paano nila matatakasan ang mga guardiya civil na nakabantay sa kwartel.

Nanatili akong nakatago sa isang puno habang pinagmamasdan si natong na inayos pa ang isang maliit na paputok na may kalakasan kapag sumabog ito na ang magiging hudyat na aasahan nila felipe at ang ibang samahan ng rebellion samantalang si ernesto at juan ay nakatayo sa isang bubong habang nakadapa may mga hawak na pana at baril ang dalawang binata habang nag aabang sa pag'atake ng iba naming samahan silang dalawa ang mag aabang kung may mga guardiya civil na aatake sa pagtakas nila felipe at ang ibang samahan.

Tuluyan na naming narinig ang pagsabog na ginamit ni natong para sa hudyat nakita ko namang sinalubong ng guardiya civil ang ibang samahan samantalang pumasok sina felipe.. Nanatili naman akong nakatayo kung saan ako nagtatago.

"Isabel kailangan mo ng umalis.."

Halos mapahinto ako ng makitang tumatakbo palapit si dairus sa akin habang nagkakagulo na ang lahat.. Hindi ko namalayan na tumatakbo na ako palapit sa kwartel kung saan nakita kong tinutukan ni patricio sina felipe at ang ibang samahan samantalang binabaril at pinapana naman nila ernesto at juan ang mga guradiya civil mabilis ding tumulong si natong hanggang sa mailayo na ng ibang samahan ang ibang armas ngunit naiwan si felipe at dalawang lalaki na nakaluhod sa harap ni patricio habang nanatiling nakatutok ang baril ng mga guardiya civil.

"K-kuya felipe.."

Mabilis kong nilingon si ernesto at juan na tumatakbo na palapit sa kwartel kung saan nakaluhod sina felipe... IBIG SABIHIN ISA ITONG SET UP SA MGA SAMAHAN.

"J-juan..."

Sigaw ko habang pilit na tinatanggal ang kamay ni dairus at hinihila ako papalayo sa kwartel kung saan kitang kita ng dalawang mata ko kung paano binaril ni patricio si felipe at ng dalawang lalaking nahuli nila.

"Umalis na tayo dito isabel.."

Pilit parin akong inilalayo sa kwartel kung saan nahuli na nila patricio sina ernesto, juan at natong..

"H-hindi ko sila pwedeng iwan dito.."

Pagmamakaawa kong tugon kay dairus at lakas loob kong hinablot ang kamay ko at walang alinlangang tumakbo papunta sa mismong kwartel..

"ISABEL...."

Gulat na gulat akong napatitig kay thylandier ng bigla nya akong yakapin ng sobrang higpit.. Hindi ako makagalaw at hindi ko maikilos ang mga kamay ko ng makita ang dugo sa likuran nito.. SHIT!! NOT NOW

Nanginginig ang mga kamay ko ng makumpirma kong dugo mismo ni thylandier ang nasa kamay ko ng mayakap ko ito dahil sa pagkakabitaw nito sa akin na muntikan nyang ikabagsak sa lupa.

"T-thylandier.."

Pati bibig ko ay nanginginig na sa takot at kaba habang patuloy kong inuuga ang balikat nito upang kumpirmahing buhay pa sya.. Mas lalo akong napaiyak ng umubo ito ng dugo at ngumiti sa akin ng marahan..

"W-wag kang bibitaw... W-wag mo akong iwanan ng ganito, thylandier.."

PLEASE WAG GANITO, THYLANDIER..

"Sa wakas at nakikita kitang nahihirapan thylandier... Kumusta kana kaibigan? Sabi kona nga ba at magkakilala kayong dalawa."

Mabilis akong nagpumiglas ng patayuin ako ng dalawang guardiya civil at inilayo ako kay thylandier na nahihirapan na at panay ang pag ubo nito ng dugo..

"Paalam na sayo kaibigan.. H'wag kang mag alala narito ako para kay isabel hindi ko naman sya pababayaan.."

Nakangisi nitong turan sabay tingin sa akin at marahan nitong ikinasa ang baril na hawak nito..

"H-h'wag mong hahawakan si isabel, patricio.."

Ramdam na ramdam ko ang galit..

"Hindi bat sinabi ko sayong  pag-isipan mong mabuti baka pagsisihan mo kapag tumanggi ka sa aking kagustuhan.."

Nakatitig nitong turan sa akin kasabay nun ay pumutok na ang baril na hawak nito kay thylandier..

HINDI!!! THYLANDIER...

Napaluhod na lang ako habang panay ang pag agos ng luha sa aking mga mata habang nakatitig sa nakahandusay na katawan ni thylandier hanggang sa bigla akong nakaramdam ng kakaiba at patuloy na umiikot ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa narinig kopa ang mga sigawan ng mga naroon..

"Lenzy wake up!!"