webnovel

The Dieties Heiress

SecretAppreciator · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
31 Chs

Chapter 7: Sick

Kevin's POV

Hanggang ngayon wala paring nakakaalam kung anong nangyayari sa buong Academy.

Sunod sunod ang patayang nagaganap sa mga estudyante kaya minabuti ng eskwelahan na huwag na muna papasukin ang mga estudyante upang manatili silang ligtas sa kapahamakan na dulot nito.

Pumunta ako sa bahay ni Kendra, jowa ko. Oh, nagtataka kayo kung sino nanaman siya? Syempre. Bago kong jowa tapos next week papalitan ko nanaman.

"Babe?"ani ko sakanya. Lumingon ito sa direksiyon ko.

"Can you come over me?"dagdag ko pa dito. Lumapit naman agad ito saakin at niyakap ako.

Napatingin ako sa ibaba at nang makita ko ang isang maliit na ahas. Tang ina! Pakshit! IVERY SAMANTHA LOUISE! You're making me crazy!

Napatalon na lamang ako sa takot sa ahas ganun din naman si Kendra.

Tumingin ako sa paligid. Alam kong andito siya. Yung babaeng yun, hindi talaga ako titigilan sa mga bullshit niyang mga gawain.

Tumakbo ako papuntang bintana ng bahay nila Kendra at nakita ko siya.

Si Sam.

Ngumisi ito na para bang nakakaloko.

Agad na kumuyom ang aking mga daliri sa kamay at agad lumabas ng bahay nila Kendra.

Nang makalabas ako ay wala na siya.

"Humanda ka talaga saakin mamaya, Sam."bulong ko sa hangin atsaka ako pumasok ulit.

"Hey, are you okay?"tanong saakin ni Kendra ng makapasok ako.

"Ken, thank you for all the efforts but I think hindi tayo para sa isa't isa so I'm breaking up with you."sabi ko dito.

"What? Why? Okay naman tayo kanina ah."ani nito saakin.

"Got to go, Kendra."sabi ko dito saka ko siya hinalikan sa pisngi at agad na umalis.

Agad kong pinuntahan si Sam sa bahay niya.

Nang makarating ako sakanila ay agad akong nagtaka ng may isang lalaking nasa labas ng bahay niya.

"Sino ka?" tanong ko dito.

"Ingatan mo siya."sabi saakin nito.

Tila naging palaisipan saakin ang sinabi niya kaya naman agad akong lumapit dito.

"Sino ka ba?"tanong ko muli dito.

Hindi naman na ako neto sinagot. Pilit ko siyang hinabol mula sa paglalakad niya ngunit tila ba kusang gumagalaw ang sahig na ito mismo ang gumagawa ng paraan upang hindi ko ito mahabol.

"Sir, ano pong ginagawa niyo?"tanong saakin ng kasambahay ni Sam.

Tumingin ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako umalis kahit na nakailang hakbang na ako. Ano ba tong nangyayari saakin? Ang weird.

"Sir. Hindi po ba kayo papasok? May sakit po kasi ngayon si maam."ani ng kasama ni Sam sa bahay niya.

Lumakad ako papalapit sa pinto papasok ng bahay ni Sam. Okay naman pero bakit ganun kanina? Ang weird talaga.

"Aakyat po muna ako sa kwarto niya."pagpapaalam ko dito. Tumango naman ito, senyales upang bigyan niya ako ng permiso na umakyat sa itaas upang magtungo sa kwarto ni Sam.

*Tok...Tok...* katok ko sa pinto ng kwarto niya.

Hindi ito sumagot kaya naman pumasok na ako.

Nasilayan ko ang maganda nitong mukha. Teka nga, kelan naging maganda itong pangit na ulol na to?

Lumapit ako dito atsaka ko siya hinawakan sa noo. Mainit nga siya.

Paanong siya yung nakita ko kanina sa labas ng bahay nila Kendra?

Ang weird. Nakakatakot.

"Bullshit ka talaga. Ang pangit ng bumungad saakin."dinig kong sabi nito saakin.

Tinignan ko siya saka ako nangulangot at isinubo sakanya.

Agad itong bumangon at dumura dura habang ako ay humahalakhak ng sobrang lakas at tila ba hindi ko mapigilan. Tang ina! Kadugyutan talaga alam ko kahit kelan, kaya mahal kita self eh.

"Alam mong may sakit ako di ba?"ani nito saakin.

Sinipa ako nito sa mukha dahilan upang magdugo ang aking ilong.

"Hoy! Yung matangos kong ilong, paki ingatan naman!" sabi ko sakanya.

"Matangos? Saang parte, gago!"sagot naman nito saakin.

"Ano ba kasing kashitan ang nasa isip mo at pumunta ka pa dito?"dagdag pa nito saka bumalik sa pagkakahiga.

"Sam, ang weird ng nangyayari saakin. I just saw you kanina sa labas ng bahay ni Kendra." pagkwekwento ko sakanya.

"Andito lang ako, hindi ako lumabas ng kwarto ko."sagot naman nito saakin habang nakatingin sa kesame.

"I know. Naweweirduhan lang talaga ako. Paano nangyari yun?"tanong ko sakanya.

"Ewan ko. Basta ayoko ng problemahin."ani nito saka pumikit.

Bigla naman nitong iminulat ang mga mata nito.

"Teka, sino yang Kendra?"tanong nito.

"Ah eh, jowa ko."sagot ko habang nagkakamot ulo.

Hinampas ako nito ng napakalakas sa braso ko.

"Ukitnam nga talaga. Andami mo ng koleksyon." ani nito saakin.

"Aba, bakit? Gusto mo bang dumagdag?" ani ko sakanya.

Agad naman ako nitong sinipa sa mukha kaya naman ay nabaliktad ako mula sa pagkakaupo ko at sumalampak sa sahig.

"Know your place."ani nito.

As usual, she said her favorite line na ginaya niya from her favorite anime na "Rosario+Vampire".

Tumayo ako at umayos ng upo. Nakatingin naman ito saakin ng masama.

"Isa pang biro ng ganun at didiretso ka sa labas."pananakot nito saakin.

"Joke lang. Hindi naman ito mabiro eh."ani ko dito ngunit sinamaan parin ako nito ng tingin.

"Nga pala, may lalaki kanina diyan sa labas ibinilin saakin na ingatan daw kita, sino yun?"tanong ko dito.

"Secret Admirer ko."seryoso nitong sabi saakin dahilan upang humalakhak ako ng napakalakas.

Manliligaw nga wala, secret admirer pa. Aba, lakas din naman ng kaibigan kong ito.

May sakit lang siya na lagnat pero mukha atang natamaan na din siya ng sakit sa utak.

"Tanga! Wala ka nun!"sarkastiko kong sabi dito. Nilapit nito ang mukha niya saakin saka ako binatukan.

"Tanga ka ding gonggong na unggoy ka, tatanungin mo ako eh hindi naman ako tumayo dito o lumabas man lang ng kwarto ko, paano ko malalaman abir."ani nito saakin.

"Sorna garud."sagot ko dito.

Ipinikit naman nito ang mata niya. Maya maya pa ay hindi na ito nagsasalita.

"Tinulugan mo nanaman akong siraulo ka."ani ko dito habang tinitignan ko siya.

Hinalikan ko siya sa noo.

"Sleep well, princess."bulong ko dito saka ako tuluyang lumabas ng kanyang kwarto.

"Kamusta na si maam?" tanong saakin ng kasamahan ni Sam sa bahay.

"Okay lang po siya. Aalis na po ako."pagpapaalam ko dito na ngayon ay nakahawak nanaman sa ahas.

Hay naku, ewan ko talaga sa mga tao dito. Mga weirdo eh.

"Sige po. Mag iingat po kayo pauwi."nakangiti nitong sabi saakin.

Ngumiti naman ako atsaka tumango tango bago ako tuluyang lumakad papaalis ng bahay ni Sam.

Sana lang ay gumaling na ito agad.

Mamimiss kong kasutilan yun kapag hindi siya gumaling ng mabilis eh.

Hindi pa naman ako sanay na walang bwinibwisit.

A/N: Hope you guys like the sequel of the story. Kindly, vote and write your comment about it. Thank you 💜